Weekly Horoscope para sa mga parents: January 13 to 19, 2020

Weekly Horoscope para sa mga parents: January 13 to 19, 2020

Ano nga ba ang weekly horoscope ngayong darating na linggo, January 13 to 19, 2020? Silipin dito ang iyong horoscope at alamin kung swak ba ito sa iyo.

Ano nga ba ang dapat nating asahan ngayong darating na linggo sa mga pangyayari sa ating araw-araw? Alamin dito ang weekly horoscope nating mga magulang.

Weekly Horoscope para sa January 13-19

Aries

Makipag-date sa iyong partner at tuparin ang isa o ilang sa mga dating pinlanong mga dates na naudlot.

Taurus

Siguraduhing magkaroon ng time-out sa weekend upang magplano ng susunod ng game-changing sa pang-araw-araw na gawain.

Gemini

Ngayong linggo siguraduhin at magdesisyon sa kung ano ba talaga ang gusto mong ma-achieve.

Cancer

Umpisahan na ang pag-plano ng iyong global getaway kasama ang partner o ang buong pamilya, ngunit siguraduhin na kumonsulta sa mga kaibigan kung saan dapat magpunta.

Leo

Mag-clear ng space sa iyong schedule upang mapaglaanan ang sarili. Hindi masamang maglaan din ng oras para sa sariling golden time.

Virgo

Ang "soulful bonding" ang iyong guiding na prinsipyo ngayong linggo. Magkaroon ng makabuluhang interaksyon sa iyong pamilya o di kaya naman sa iyong partner, dahil ito ang panahon na maari niyong pag-usapan ang mga isyu niyo sa isa't-isa o sa loob ng bahay.

Libra

Itigil ang paglalagay muna ng mga pangangailangan at kagustuhan ng iba at makinig sa iyong sariling puso't-isipan. Itrato ang iyong katawan bilang templo sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain, maraming pahinga, at therapeutic bodywork.

Scorpio

Bigyan mo at ang iyong partner ng bawat isa ng kaunti silid sa paghinga. Ani nga nila, "Absence (and occasionally abstinence) really can make the heart grow fonder."

Sagittarius

Magkaroon ng home improvement project sa bahay, magmula sa deep-cleaning, closet-curating, at pago-organize ng mga bagay-bagay sa bahay. Declutter at upcycle ang dapat gawin!

Capricorn

Dahil kakailanganin mo ng maximum energy, i-treat mo ang iyong sarili ng bagong work outfit, hairstyle, o di kaya naman magpa-mani at pedi. Alagaan din ang iyong sarili!

Aquarius

Gumawa ng game plan na paniguradong dahan-dahan mong maa-achieve ngayong darating na linggo o di kaya naman sa darating pang buwan.

Pisces

May bahagi pa rin sa iyo na nangangailangan pa rin ng iyong sariling oras ng mag-isa.

Ang trick ay humanap ng balanse: hindi masyadong loner talaga, basta huwag mo lang i-push ang iyong sarili hanggang sa punto na burnout ka na.

Ang horoscope ay pawang gabay lamang sa ating mga araw-araw na ginagawa. Hindi kinakailangan sundin ng taos-puso o napaka-dedikado sa bawat horoscope, dahil ikaw at ikaw pa rin ang gagawa ng iyong kapalaran sa iyong buhay at hindi ang horoscope.

Tandaan nasa iyo pa rin ang huling desisyon at siyempre huwag kakalimutan isama ang pagdarasal.

Basahin: 2020 Horoscope predictions ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner