Kadalasang tanong ng mga babae, “1 week na akong delayed, buntis na ba ako?” Alamin ang mga dahilan ng delayed na monthly period.
1 week delayed, buntis na ba? Mayroong iba’t ibang rason kung bakit nagkakaroon ng delay sa regla. Alamin dito ang mga rason kung bakit nahuhuli ang period.
Talaan ng Nilalaman
1 week o 7 days delayed, buntis na ba?
Kung aktibo ang iyong sex life at hindi dumating sa tamang oras ang iyong period, isa sa mga unang bagay na maaaring sumagi sa iyong isipan ay, “Buntis ba ako?” o “1 week na akong delay, buntis na ba ako?”
Bagama’t ang pagiging late o 1 week delayed (7 days) ang period ay isang pangunahin at maagang senyales ng kung buntis na ba, hindi naman ito ang tanging dahilan kung bakit hindi dumarating sa inaasahang petsa ang period ng babae.
Para sa mga gusto nang magbuntis, maaaring hindi ito ang gusto niyong marinig, pero para sa mga hindi pa handang magka-baby, maaaring makahinga ka nang maluwag.
Kaya bago pumunta ng botika para bumili ng pregnancy test, basahin muna ang ibang posibleng rason at kondisyon na maaaring dahilan kung bakit delayed ang iyong buwanang dalaw at kung paano masosolusyunan ito.
Narito ang iba pang paliwanag sa bawat bilang ng days at weeks kung buntis na ba o hindi.
5 days delayed, buntis na ba?
Kung ang iyong period o dalaw ay 5 days ng delayed, maaari ring sumagi sa isip mo kung buntis ka na ba. Pero, hindi iyon ang laging resulta ng delay. Dahil sa stress, pagbabago sa timbang, pagbabago sa klima, o kung ikaw ay nagbe-breastfeed (lactational amenorrhea), maaaring magbunga ito ng pagka delayed ng 5 days. Sa ganitong sitwasyon, maaaring maramdaman ang 1 week delay pero masakit ang puson.
6 days delayed, buntis na rin ba?
Tulad sa 5 days delayed, ang 6 days na delayed period ay maaaring maaga pa para masabi kung buntis na ba. Hintayin munang maging 1 week o 7 days na delayed bago tumungo sa pinakamalapit na drugstore at bumili ng pregnancy test kit. Sa pagdaan ng mga araw, may posibilidad na makaramdam ka rin ng 1 week delay pero masakit ang puson, na maaaring senyales ng iba pang kondisyon.
Sa paghihintay ng 7 days, 8 days, o maging 9 days delayed, mas makakakuha ka ng tiyak o accurate na resulta ng pregnancy test. Mas mainam nga ang 8 days, 9 days o 10 days delayed dahil puwedeng sa pagpatak ng mga araw na ito ay bigla kang datnan at hindi na kailangang mangamba.
Para naman sa mga umaasa o naghahangad na mabuntis, maaaring kailangang kumonsulta sa doktor para makasubok pa ng ibang paraan para sa epektibong pagbubuntis. Huwag ding magpakampante na kapag 10 days ng delayed ay buntis na ba.
2 o 3 weeks delayed, buntis na ba?
Posibleng mabuntis ang isang babae kung delayed ang regla na umabot na ng 2 hanggang 3 weeks at nagtalik sa tatlong araw bago ang ika 14 days.
Ang ika 14 days ay ovulation period na kung saan maaaring mabuntis dahil sa pagka-fertilize ng egg cell. Bunga ito ng survival ng sperm sa loob ng uterus sa loob ng 1-3 days.
Kung hihintayin naman ang 2 weeks delayed bago mag-pregnancy test, pwede ring magkaroon ka ng false negative na resulta. Ganun din sa 3 weeks delayed kung buntis na ba, maaari namang wala ka pang nararamdamang mga sintomas ng pagbubuntis hanggang magsimula ang 4 weeks delayed.
Kadalasan, mas nalalaman ang accurate na resulta sa ika 4 weeks delayed period. Maaari ring ang 4 weeks delay na wala pang sintomas na lumilitaw ay missed period lamang dulot ng hormonal problems.
Magpatingin agad sa doktor kung may ganitong kondisyon.
Mga dahilan kung bakit delayed ang period ng isang babae
Bukod sa posibilidad na ikaw ay buntis, mayroon pang ibang maaaring rason kung bakit 1-week nang delayed ang iyong regla.
1. Stress
Ang sobrang stress ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa normal na takbo ng ating katawan. Maaari itong magdulot ng hormonal imbalance at kaya nitong maapektuhan ang pituitary gland o ang parte ng utak na responsable sa pagre-regulate ng regla.
Kung pakiramdam mo stress ang dahilan kung bakit huli ang iyong regla, subukan ang ilang relaxation techniques at magkaroon ng pagbabago sa iyong lifestyle. Ayon sa mga eksperto, isa sa pinakamagandang paraan ng pag-aalis ng stress sa katawan ay pag-eexercise.
2. Iyong timbang (low body weight o overweight)
Ang pagkakaroon ng 10% na mas mababang body weight sa normal range ng katawan ng tao sa iyong height ay maaari ring makaapekto sa pagkakaroon ng delayed period, dahil binabago nito ang functions ng katawan at naaapektuhan ang ovulation.
Ang masyadong pagbaba ng timbang o anorexia ay maaring magdulot ng problema sa hypothalamus para gumawa ng follicle sitmulating hormone (FSH) at luteinizing hormone (LH) na nagbibigay ng senyales ng ovulation.
Kaya naman kung nakakaranas ng eating disorder ay dapat ng humingi ng tulong sa isang eksperto upang ito ay maitama.
Ganito rin ang epekto sa katawan ng isang babaeng labis ang katabaan o obese, lalo na sa mga mayroong polycystic ovary syndrome. Kaunting pagtaas lang ng timbang ay maaring magdulot na ng problema sa iyong ovulation.
Makakatulong kung aalamin mo ang tamang body mass index (BMI) para sa iyong edad at height, para masigurong tama ang iyong timbang. Gayundin, isang paraan upang masolusyonan ito ay ang pag-eexercise at pagkakaroon ng healthy diet plan.
3. Masyadong matindi ang iyong workout
Posible ring magdulot ng delayed period kapag nasobrahan o masyadong matindi ang iyong physical activity. Karaniwan itong nararanasan ng mga babaeng athletes na nag-eehersisyo ng ilang oras sa isang araw. Nangyayari ito dahil masyadong marami ang iyong nasusunog na calories kaysa sa iyong kinakain.
Kapag marami ang iyong nabe-burn na calories, nawawalan ng sapat na enerhiya ang iyong kakatawan na paganahin ng maayos ang mga parte nito. Maari itong magdulot ng hormonal imbalance at magdelay ng iyong period.
Masosolusyunan naman ito kung babawasan ang iyong physical activity o tataasan mo ang bilang ng calories na iyong kinakain.
4. Polycystic ovary syndrome (PCOS)
Isa naman sa maaring seryosong dahilan ng pagkakaroon ng delayed period ay ang polycystic ovarian syndrome o PCOS. Ito ang kondisyon kung saan nagpo-produce ng mas maraming androgen ang isang babae.
Bumubuo ito ng cyst sa ovaries na nagdudulot ng hormonal imbalance. Ito ang nagpapatigil o nagiging dahilan upang maging irregular ang buwanang regla ng isang babae.
Kung madalas ma-delay ang iyong period at nagpapakita ng iba pang sintomas ng PCOS, mas mabuting kumonsulta na sa iyong gynecologist para maagapan ang iba pang epekto nito sa iyong katawan.
5. Ang paggamit ng birth control
Ang paggamit ng birth control pills ay maari ring magdulot ng delayed period sa mga babae. Dahil ito ay may taglay na estrogen at progestin hormones na maaaring magdulot ng pagbabago sa iyong ovulation cycle. Ganito rin ang epekto ng mga implants at injectable na uri ng birth control.
Kapag tumigil rin ng paggamit ng birth control, posibleng magkaroon ng pagbabago sa iyong cycle na dahilan ng pagkahuli ng period. Tinatawag itong post-pill amenorrhea.
Ugaliing kumonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng anumang uri ng birth control, at gayundin bago mo itigil ito para malaman kung paano nito maaapektuhan ang iyong ovulation cycle.
6. Diabetes
Maaring dulot din ng chronic disease ang pagkakaroon ng delayed period. Ito ay maaring dahil sa diabetes o celiac disease na naapektuhan ang menstrual cycle ng isang babae.
Dahil ang pagbabago ng blood sugar ng katawan ay may kaugnayan sa hormonal changes na malaki ang papel sa pagre-regulate ng menstrual cycle.
Habang ang celiac disease naman ay ang pagkasira ng iyong small intestine na nagiging dahilan para mahirapang kumuha ng kinakailangang nutrients ng katawan. Ito rin ay nagdudulot ng missed o delayed period.
7. Early peri-menopause
Para sa mga babaeng edad 45-55 gulang, ang delayed period ay maaring indikasyon rin na nakakaranas na sila ng early peri-menopause o maagang mga senyales ng menopause. Ang kondisyon na ito ay nagpapababa ng supply ng egg cells ng isang babae na nakakaapekto sa menstruation.
Kung ikaw ay nasa edad na 45 hanggang 55, makakabuting kumonsulta sa iyong doktor para malaman kung anong mga pagbabago ang maari mong asahan sa pagdating ng menopause.
8. Problema sa thyroid
Ang iyong thyroid ay tumutulong para makontrol ang iyong menstrual cycle. Kapag masyadong marami o masyadong kaunti ang napo-produce na thyroid hormones ng katawan, maaari itong maging dahilan para matigil o maging delayed and iyong period.
9. Pagbabago sa oras ng pagtulog
Ang ano mang pagbabago sa sleeping schedule ay maaari ding makaapekto sa pagdating ng iyong period. Halimbawa mula sa morning shift sa trabaho ay nailipat ka sa night shift o kaya naman ay lumipat ng lokasyon kung saan ay mayroong ibang time zone. Pwedeng maging rason ito ng pagka-delay ng regla.
Maagang sintomas ng pagbubuntis
Subalit kung 1 week ka nang delayed, maaari ngang buntis ka kung nararanasan mo ang mga sumusunod na sintomas:
- Breast tenderness o pananakit ng suso
- Pagkaramdam ng matinding pagod at laging inaantok
- Pagduduwal kadalasan sa umaga (pero maaari ring maramdaman ito sa kahit anong oras)
- Matinding pagkatakam o pagkaumay sa pagkain.
- Madalas na pag-ihi.
- Spotting o pagkakaroon ng kaunting dugo ilang araw matapos magtalik.
Kung mapapansin ang mga sinasabing sintomas, mas mabuting magsagawa ng home pregnancy test para makasiguro, o kaya naman ay pumunta at magpakonsulta na sa doktor upang masagot na ang katanungan mong, “1 week delayed, buntis na ba ako?”
Kailan dapat mabahala?
Samantala, kung nakumpirma mong hindi ka buntis at nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas (habang o pagkatapos ng delayed period), dapat ay kumonsulta ka na agad sa iyong doktor:
- matinding pagdurugo
- lagnat
- matinding pananakit ng puson
- pagkahilo at pagsusuka
- pagdurugo na tumatagal ng mahigit 7 araw
Tandaan, hindi sa lahat ng oras ay buntis ang isang babae kapag delayed and kaniyang period. Subalit maaaring senyales ito ng isang problema sa iyong kalusugan na kailangan rin naman ng pansin.
Para makasiguro, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor kapag delayed ang iyong period o mayroon kang katanungan tungkol sa iyong reproductive health.
Kulay ng discharge ng buntis
Bahagi na ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng maraming pagbabago sa katawan ng babae. Kung 1-week nang delayed ang iyong regla at iniisip mo kung buntis ka ba, maaari mo rin itong mapuna sa iyong vaginal discharge.
Lahat ng babae ay mayroong vaginal discharge, buntis man o hindi. Ito ay pinagsamang fluid at dead cells na lumalabas sa ari ng babae. Normal itong nangyayari at hindi dapat ikabahala.
Natural na paraan ito ng katawan para ma-renew ang cells ng vagina at cervix. Kung 1-week nang delayed ang iyong period, maaari mong obserbahan ang iyong vaginal discharge. Kung mas marami ang vaginal discharge mo kompara sa karaniwan, may posibilidad na ikaw nga ay buntis.
Ang pagdami ng discharge kaysa karaniwan ay dahil sa pagtaas ng level ng estrogen production at increase sa blood flow sa unang mga araw ng pagbubuntis. Normal ang makapal, walang amoy, at kulay puting discharge o white mens.
Kung may kasamang pangangati, paghapdi, at matinding amoy ang vaginal discharge, maaaring senyales ito ng bacterial o yeast infection.
Karaniwan din ang bacterial at yeast infection sa mga buntis dahil sa biglang pagbabago ng hormonal level. Samantala, maaaring ibang uri naman ng impeksyon kung madilaw o kulay berde ang discharge sa ari ng babae.
Mahalagang kumonsulta sa inyong doktor kung may mapansing kakaiba sa iyong vaginal discharge. Ayon sa Web MD, maaaring tumaas ang risk ng pagkakaroon ng premature rupture sa membranes at early delivery kung mayroong bacterial infection.
Kapag naman malapit nang manganak ang isang babae, makikitang steadier na ang stream ng mucus mula sa vagina. Ang discharge sa stage na ito ay karaniwang cloudy, kulay puti, o maaari ring may kaunting pink na kulay.
Kung nababahala man sa kulay o amoy ng iyong vaginal discharge maaaring kumonsulta sa iyong doktor para matiyak kung normal ba ang kalagayan.
Ang 1 week delayed at sintomas ng buntis na white mens ay maaari ring senyales na ikaw ay buntis.
Kapag 1 week delayed na, at may napapansin kang milky white discharged o white mens ay isa rin sa mga senyales na ikaw ay may sintomas ng buntis.
Sa maagang pagbubuntis o early stage (karaniwan sa unang tatlong linggo ng unang trimester), ilan sa mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng malabnaw na puting discharge.
Bilang karagdagan, ang white mens na ito ay resulta ng pagbabago ng hormones, na manipestasyon nang pagsisimula ng pagbubuntis. Maliban pa dito, nakakatulong din ang white mens para malinis ang ari mula sa bacteria, germs, at dumi.
Kulay at senyales ng white mens sa buntis
Ang white mens, lalo na sa mga 1 week delayed ang regla, ay maaaring senyales at sintomas na ng buntis. Ang discharge na ito ay kalimitang pahiwatig ng paparating na regla o dalaw, pero nagiging signal din ito na buntis na ang isang babae.
Tiyakin, kung nag-aabang o nangangambang buntis na, na gumamit ng pregnancy test kit upang malaman kung positibo ka na ngang buntis. Magpakonsulta rin sa doktor kung ito ay pinangangambahang senyales ng iba pang kondisyon. Halimbawa, kung ang white mens ay nag-iiba na ang kulay o napansing hindi normal ang itsura.
Alamin natin kung ano nga ba ang white mens, at paano ito nagiging senyales ng buntis kapag 1 week delayed.
Ano ang white mens o cervical mucus at paano ito nagiging senyales ng buntis
Ang white mens o cervical mucus ay pino-produce ng cervix. Nagbabago ang discharge na ito habang nagaganap ang menstrual cycle o dalaw.
Ang wet at slippery o madulas na white mens ay maaaring senyales ng buntis, kapag 1 week delayed ang isang babae. Ang ganitong uri ng discharge ang nagpapadali para sa sperm na makalangoy patungo sa egg cell habang nasa period ng ovulation.
Sa ibang pagkakataon, may mga babae na ginagawan ng chart ang kanilang cervical mucus. Nakakatulong daw ito para matiyak kung kailan posible na mabubuntis.
Senyales at kulay ng white mens ng buntis
May dalawang function ang cervical mucus o white mens. Nakadepende ito kung nasaang bahagi ka na ng iyong mesntrual cycle. Ang una ay para tulungan ang sperm na makalangoy patungong cervix para makapag-fertilize ng egg cell sa panahon ng ovulation. Ikalawa naman ay para pigilan ang sperm o ibang substance na makapasok sa cervix.
Kung gayon, ang senyales at kulay ng white mens o discharge ay maaaaring magkaiba sa buntis at hindi buntis. Maaari itong magkaiba sa kulay, texture, at maging sa lapot o labnaw.
Kulay ng discharge o white mens bilang senyales ng buntis
Bagaman may mga functions ang discharge o white mens sa babae, pinakamahalagang function nito ay ang panatilihing malinis ang kanyang maselang bahagi. Nagtataglay ito ng mga dead cells at bacteria na nakakatulong para mapanatiling malinis at malusog ang vagina.
Dagdag pa, ang dami at itsura tulad ng kulay ng discharge at maaaring maiba-iba sa loob ng menstrual cycle.
Maaaring maiba iba ang kulay ng discharge o white mens bilang senyales ng mga sumusunod:
- White: nangyayari ito sa simula at pagtatapos ng mesntrual cycle
- Clear at watery o malabnaw: Ang discharge na malinaw at malabnaw ay nagaganap sa buong cycle, at mas nangyayari ito sa tuwing nag-eexercise.
- Clear at stretchy: Kapag ganito ang kulay ng discharge, fertile ang isang babae.
- Brownish: nangyayari ito madalas kapag tapos na ang cycle dahil nililinis ng katawan ang natirang dugo
- Greenish o yellowish: kapag green o yellow ang discharge, maaaring indikasyon ito ng infection
Kasama ang edad at ibang kondisyon ng kalusugan na nakakaapekto sa dami ng discharge na meron ang isang tao.
Kapag naman buntis ang babae, senyales nito ang malinaw o clear na kulay ng white mens at mas marami kaysa sa normal. Hindi rin nagiging reliable na senyales ng buntis kapag may pagbabago sa dami, consistency at kulay ng discharge,
Pregnancy tests
Kung 1-week delayed na ang iyong menstruation at napapatanong ka pa rin sa puntong ito kung posible bang ikaw ay buntis na, maaari kang mag-take ng pregnancy test para makasiguro.
Sa pamamagitan ng pregnancy test matitingnan ang hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin (hCG). Pino-produce ng katawan ang hormone na ito kapag ang fertilized egg ay kumapit na sa wall ng uterus.
Mayroong dalawang uri ng pregnancy test, maaari itong isagawa sa pamamagitan ng blood test o urine test.
Mas kilala o karaniwan sa nakararami ang urine test. Maaari itong gawin sa bahay o kaya sa clinic ng doktor. Mas madaling gamitin ang urine pregnancy test bukod pa sa maaari mo itong gawin privately. Mataas din naman ang accuracy rate nito kung gagamitin nang tama ang test kits.
Maaari mong gawin ang mga sumusunod para maisagawa ang urine test gamit ang pregnancy test kit:
- kolektahin ang ihi gamit ang cup at gumamit ng dropper sa paglalagay ng ihi sa test kit
- hawakan ang test kit at itapat sa iyong urine stream, patakan ito ng ihi
- ilagay ang ihi sa cup at i-dip ang test kit dito
Kailangan mong maghintay ng ilang minute bago lumabas ang resulta ng urine test. Para mas makumpirma ang resulta ng pregnancy test maaaring kumonsulta sa iyong doktor.
Samantala, ang ikalawang uri naman ng pregnancy test ay isinasagawa sa pagagamitan ng pag-test sa dugo. Mayroon ding dalawang klase ng blood tests na isinasagawa para malaman kung ikaw ay buntis.
Ang una ay ang qualitative hCG test. Chine-check nito ang hCG para mabatid kung buntis ba ang babae o hindi. Maaaring ma-detect kung buntis ang babae as early as 10 days after conception. Puwede ring mas maaga pa sa 10 araw.
Sa quantitative hCG test naman sinusukat ang eksaktong amount ng hCG sa dugo. Kaya nitong ma-detect kahit ang mababang level ng hCG. Makatutulong din ito para ma-track kung mayroon bang problema sa pagbubuntis.
Karaniwang ginagawa ito para malaman kung mayroong ectopic pregnancy. Ang ectopic pregnancy ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay na-implant sa labas ng uterus.
Mas matagal lumabas ang resulta ng pregnancy blood tests kompara sa urine tests. Mayroong mga pregnancy test na nakaka-spot ng hCG bago pa ang araw na inaasahan mong magkakaroon ka ng regla.
Pero para sa mas accurate na resulta, mas makabubuting maghintay ng isang araw matapos ang inaasahang petsa ng pagdating ng iyong period.
Mas maganda ring gawin ang urine test sa umaga kung kailan concentrated pa ang iyong ihi. Mas makapagbibigay ito ng accurate na resulta.
Karagdagang ulat mula kina Jobelle Macayan at Nathanielle Torre
Healthline, theAsianparent, Medical News Today, Vital Record, Web MD, Very Well Family, Flo Health, Medicine Net, Hello Clue, My Cleveland Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.