Pinakanakakalugod na pakiramdam para sa ating mga parents ang magkaroon ng anak. Pero, may mga mag-asawang hindi o hirap na magka-anak. Bunga ito ng iba’t ibang factors gaya ng genetic problems, reproductive health, pagkabaog, at iba pang sitwasyon.
Sa kasalukuyan, isa sa mga makataong solusyon ng mga wanna-be-parents ay ang pag ampon ng anak. Ngunit, may mga kaakibat na challenges ang pagpapalaki ng sa isang ampon na anak. At, ito ang mga kailangang malaman at maintindihan nating mga gustong maging parents.
Ampon na anak
Bawat mga anak na inampon ay unique. Magkakaroon din sila ng matiwasay na pamumuhay lalo na kung punong-puno ng pagmamahal sa tahanang kanilang napuntahan.
Imahe mula sa | pexels.com
Pero, dahil sa nature ng pag-aampon, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga pagsubok sa pagpapalaki. Ito ang mga kailangang bigyang pagpapahalaga ng adoptive parents.
Sa kabilang banda rin, ang lahat ng problemang mental at pisikal ng anak ay hindi rin dapat laging idiin sa pagiging ampon niya. Mas mainam pa rin na tignan ang pangkalahatang pangangailangan ng adopted child.
Challenges sa pagpapalaki ng adopted child
Imahe mula sa | pexels.com
Sa kabuuan, may mga kaakibat na pagsubok sa pagpapalaki ng adopted child o ampon na anak. Narito ang mga posibleng kaharaping pagsubok ng mga adoptive parents na kailangan nilang maintindihan.
- pakiramdam na sila ay ni-reject ng birth parents o pakiramdam na hindi sila komportable sa bagong mga magulang
- pagkakaroon ng emotional at behavioral challenges habang sinusubukan nilang mag-cope-up sa kanilang nakaraan
- para sa mga umabot na sa adolescent age nang inampon, maaaring may kinikimkim silang trauma, karanasan sa pang-aabuso o neglect
Ayon din sa naitalang pag-aaral ng Psychology Today, kadalasan ang mga ampon na anak ay nasa normal range ng behavioral adjustment.
Sa kabilang banda, batay sa ebidensya ng mga researcher, mas madalas na ma-diagnose na may mental health disorder ang ampon. Ang mga disorder na ito ay maaaring ADHD, depression, at maging addiction.
Tandaan
Ampon man o hindi, mahalaga na alamin ng mga magulang ang pangangailangan, nararamdaman, at sitwasyon ng kanilang anak. Dito nila mas mararamdaman ang pagmamahal at pagiging secured na hindi sila magiging neglected.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!