X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bakit utot ng utot si baby?

5 min read

Ang mga baby ay natural na gassy. Baby fart, dighay o poop, ay normal na para sa kanila. Minsan pa, ang amount ng gas na kanilang nilalabas ay nakakahiya na para sa mga magulang. Kadalasang tanong ni mommy, bakit nga ba utot ng utot ang baby?

Mga dapat mong malaman kung bakit utot ng utot ang baby

Dahil ang mga baby ay kumakain madalas, ang kanilang mga digestive systems ay palaging nagtatrabaho. Dagdag pa rito ang mabilis na pagbigat ng timbang nila mula 140 hanggang 200 grams every week.

Habang lumalaki ang kanilang tummy, lumalaki rin ang kanilang appetite.

bakit-utot-ng-utot-ang-baby

Image from Unsplash

Bakit utot ng utot ang baby ko?

Bukod sa regular na paglaki, may iba pang dahilan kung bakit naglalabas ng madaming gas ang iyong anak.

Ang own consumption ng pagkain ay ang dahilan sa likod nito. Iba pang reason ay ang labis labis na gas habang nagpapasuso, magbibigay ng solid foods ng maaga kay baby o bago pa mag six months at ang pagpapainom ng citrus juices.

Paglaki ng digestive system

Ang paglaki ng digestive system ng baby ay mabagal. Kapag ang iyong anak ay uminom ng gatas mo o kumain ng solid foods, ang digestive system niya ay hirap makapagtunaw ng mga kinain niya. Kapaya naman ito ang dahilan kung bakit na-t-trap ang gas sa kanyang bituka na habang tumatagal ay sumasakit rin. Ito ang dahilan kung bakit umuutot madalas ang iyong anak.

Bacterial imbalance sa katawan

Ipinanganak ang mga baby na malinis ang kanilang bituka. Ang good bacteria sa probiotics ay naglalaman ng nutrients sa pagkain at supplement digestive enzymes. Kaya naman umaabot ng ilang buwan bago ma-digest ng maayos ng baby ang breast milk. Kadalasan, ito ang dahilan ng formation ng sobra-sobrang gas. Kapag nakuha na ng baby ang good bacteria sa pamamagitan ng breastfeeding, matitigil na rin ang labis na utot nito.

bakit-utot-ng-utot-ang-baby

Image from Unsplash

Maling breastfeeding posture

Kung ang iyong baby ay hindi tama ang pag latch o kaya naman labis labis ang nakukuhang milk supply, maaaring makalunok siya ng madaming hangin. Ang mga hangin na ito ay magiging bubbles sa kanilang bituka na nagiging dahilan ng labis na pag utot. Makakatulong kay baby kung papainumin siya ng gatas sa magkabilang suso para hindi ito makalunok ng hangin. Pwede mo ring i-posisyon ng vertical si baby habang nagpapasuso.

Breastmilk at bottle feeding

Kapag binibigyan mo ng breast milk si baby, lahat ng nutrients na meron ka ay automatic na mapapasa kay baby. Kaya naman kung ikaw ay kumain ng mga gassy foods katulad ng citrus foods o dairy, ito ay maaaring mag suffer sa flatulence. Bukod pa rito, natural lang na mag inhale siya ng air bubbles habang kumakain. Lalo na kung gumagamit siya ng bote na may maliliit na butas.

Unang pagkain ng solid foods

Ang mga baby ay literal na nagiging gassy kapag pinakilala na sa solid foods. Dahil hindi pa masyadong maayos ang kanilang digestive system at nasanay na sa gatas ng ina, ang pagkain nila ng solid foods ay kinakailangang paglaanan ng oras.

Labis na pag-iyak

Ang life paglabas ng baby sa kanilang nanay ay challenging na part ng motherhood. Habang sila ay lumalaki, nagiging sensitive ang mga ito sa kanilang paligid. Lahat ng ito ay dahilan kung bakit nagiging uncomfortable ang isang baby kaya rin sila umiiyak. Ang pag-iyak ay nagiging dahilan ng sobra-sobrang gas na pumapasok sa kanilang katawan.

Gassy mom, gassy baby

May pagkakataon talaga na may amoy na ang utot ng isang baby. Ito ay dahil sa mga kinakain mo. Katulad ng garlic, cauliflower, eff, asparagus, patatas, kanin, tinapay na dahilan kung bakit nagkakaroon ng amoy ang utot ni baby. Kung nag-aalala ka sa mga kinakain mo, maaaring itigil na ang pagkain nito at mawawala rin pagkatapos ng ilang araw.

Lactose intolerance/ Transient Lactase Deficiency (TLD)

Isa pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng madaming gas ang iyong anak ay dahil ito ay lactose intolerant. Ang katawan natin ay naglalabas ng enzyme ‘lactase’ para mabreak nito ang mga sugar katulad ng galactose at glucose. Pero minsan, ang katawan ng isang baby ay bigong makapag produce ng lactose para masira nito ang maliiit na sugar na nagdudulot ng lactose intolerance. Ang broken lactose na ito ay nagt-travel papunta sa large intestine.

Gastroesophageal Reflux (GER)

Kapag ang iyong baby ay dumighay pagkatapos kumain, ito ay matatawag na GER. Ang baby na nagspit ng saliva, digestive juices, breast milk o minsan ay suka. Ngunit minsan ay may mga baby na nagiging maayos na pagkatapos ng kanilang 6th month. Ang unusual amount ng pagdighay o pagsusuka ay nakakapgdulot ng irible sa bata.

bakit-utot-ng-utot-ang-baby

Image from Dreamstime

Pag gamit ng antibiotics

ANg ibang bata ay nakakaranas ng infections at gumagamit ng antibiotics. Ang mga antibiotics na ito ay sumisira sa microflora sa kanilang bituka. Ito ang dahilan kung bakit tumataas ang flatulence dahilan para magkaroon ng excessive farting at diarrhea. Kasama na rin dito kapag uminom ng antibiotic ang isang nanay.

Kailangan ko bang mag-aalala kapag umuutot ng sobra ang anak ko?

Kung labis labis ang utot ni baby, ito ay hindi ibig sabihin na hindi siya okay. Maaaring siya lang ay gassy. Obserbahan muna sila kung nakikita mong hindi komportable si baby.

Pero kung mapapansin mong hindi uncomfortable o umiiyak si baby kapag umuutot, maaaring ito ay nakakaranas ng excessive gas. Narito ang ilang indicators na mayroon si baby nito:

  • Malaking tyan
  • Madalas na pagdighay
  • Malakas na utot
  • Malakas na pag iyak
  • Tummy cramps

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

BASAHIN:

Baby nahawaan ng COVID-19 kahit nasa loob pa lamang ng sinapupunan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Bakit utot ng utot si baby?
Share:
  • Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

    Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

  • Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo

    Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

    Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

  • Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo

    Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.