Dito sa Asya, mahilig tayo sa instant noodles kahit pa alam natin na hindi ito ang tipo na nakakatulong sa kalusugan. Ngunit paano pa para sa mga buntis? Ligtas ba ito o bawal ba ang instant noodles sa buntis?
Pwede ba sa buntis ang pancit canton?
Ayon sa pag-aaral, ilang araw rin bago matunaw ang pancit canton sa tyan ng isang tao. Ito ay dahil naglalaman ang pancit canton ng mga ingredients na delikado para sa kalusugan katulad ng preservatives.
Talaan ng Nilalaman
Bawal ba ang instant noodles sa buntis?
Kung matagal bago matunaw ang instant noodles sa tyan ng isang tao at mayroon itong mga preservatives na maaaring makasama sa kalusugan, pwede nga ba sa buntis ang pancit canton na instant? Ngayon, bago natin masagot kung bawal ba sa buntis ang pancit canton, isa-isahin muna natin kung ano ba ang mayroon sa instant noodles.
1. May mataas na salt content
Ang isang serving ng instant noodles ay mayroong 861 mg ng sodium. Ito ay nasa 1,722 mg sa bawat isang pakete.
Ngayon, isipin ang pinapayo ng mga eksperto na limitahan ang pagkonsumo ng sodium sa pagitan ng 1,500 mg hanggang 2,300 mg sa isang araw. Makukuha na agad sa isang pakete ng instant noodles ang recommended na consumption nito. Ipinapayo ng mga doktor na bantayan ang pagkonsumo ng salt, nakakadagdag ito sa panganib ng mataas na blood pressure o hypertension.
Kapag buntis, lalong kailangang maging maingat pagdating sa blood pressure. Ito ay dahil ang hypertension ay maaaring magdulot ng kumplikasyon sa kalusugan. Ngunit lalong kailangang maging maingat sa tinatawag na preeclampsia. Maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon sa kalusugan ng baby at mommy.
Makikita sa mga pag-aaral na napatunayan nang ang pagbawas ng pagkain ng maaalat ay nakaka-iwas sa mataas na blood pressure. Sa isa pang pag-aaaral, makikitang ang hindi pagkain ng sobrang salt ay napapababa ang panganib ng cardiovascular diseases ng hanggang 30%.
Kaya, importante para sa mga pregnant mom ang iwasan ang pagkain ng sobrang alat, lalo na ang mga high-sodium tulad ng pancit canton o iba pang instant noodles. Dahil ilang araw rin bago matunaw ang pancit canton sa tyan ng isang tao.
2. May synthetic chemicals tulad ng preservatives at coloring ang instant noodles
Ang mga processed na pagkain ay may mga dagdag na kemikal tulad ng preservatives at coloring. Marami nang pag-aaral ang nagpapakita ng panganib sa kalusugan ng ilang additives. Habang buntis, ang sobrang additives ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon sa kalusugan ng baby. Naaapektuhan pa nito ang kanyang utak.
Dagdag pa rito, mas matagal matunaw ng katawan ang instant noodles. Ito ay dahil sa nilalaman na wax at ang preservative na TBHQ. Maaaring tumagal nang 4 hanggang 5 araw bago ito tuluyang matunaw. Ang matagal na pagtunaw ay maaaring makahadlang sa iyong digestive system na madalas ay marami nang problema dahil sa pregnancy hormones.
Bawal ba ang instant noodles sa buntis: Paliwanag ng doktor
Pancit canton pwede ba sa buntis? Ito pa rin ba ang tanong mo matapos mabasa ang inisa-isa naming rason kung bakit hindi makabubuti sa buntis ang pagkain ng instant noodles? Para bigyan ka pa ng sapat na paglilinaw, narito ang paliwanag ni Dr. Benny Johan Marpaung.
Si Dr. Benny Johan Marpaung ay isang ispesyalista sa Obstetrics at Gynecology sa Brawijaya Women’s and Children’s Hospital sa South Jakarta. Ayon sa kanya, “Habang nagbubuntis, ano mang kainin ng ina ay direktang makaka-apekto sa fetal development. Kaya, makakabuti sa mga nagbubuntis ang maging ma-ingat sa kanilang kinakain.”
Ipinaliwanag ni Dr. Benny na ang synthetic flavors at preservatives sa instant noodles ay mapanganib sa pagbubuntis. Maaari din itong magkaroon ng negatibong impact sa baby. Kaya, makakabuti para sa mga ina ang iwasan ang pagkain ng instant noodles habang buntis.
Para sa mga buntis na nais kumain ng instant noodles, subukan ito
Pregnant at nag-c-crave sa pancit canton o instant noodles? Pancit canton pwede ba sa buntis? Dahil sa mga nabanggit na dahilan kung saan malinaw na sinasabing maaaring makasama sa sanggol at sa pregnant mommy ang instant pancit canton, bakit hindi subukan ang mas masustansyang alternatibo na beefy tomato noodle soup?
Mga sangkap:
- 4 kamatis – chopped (tanggalin ang balat; gumawa ng cross sa base ng kamatis at ibabad sa mainit na tubig ng limang minuto para mas madaling balatan)
- 500 g beef – sliced
- 500 ml beef stock
- 1 tsp of:
- tomato puree
- asukal
- sesame oil
- worcestershire sauce
- paminta
- harina at tubig (gawgaw)
- noodles – sundin ang instruction ng pagluto ayon sa pakete
Paano ito gawin:
- Pakuluan ang kamatis sa beef stock hanggang maging malambot at hiwa-hiwalay.
- Idagdag ang beef at mga natitirang sangkap.
- Idagdag ang gawgaw.
- I-serve kasama ang noodles.
Sana ay makatulong ang article na ito sa mga nagbubuntis. Kung nais mag noodles, subukan ang aming wantan mee noodle o soto mee recipes. Siguradong mas masustansya ito kaysa sa instant noodles!
Iba pang dapat tandaan
Bukod pa sa mga ingredients na posibleng maging banta sa kalusugan ng sanggol sa iyong sinapupunan, kakaunti lang din ang sustansyang makukuha sa instant noodles. Kung tutuusin nga ay wala itong anomang nutritional value. Kaya naman mahalagang sumubok ng healthy alternative sa cravings mo sa instant pancit canton.
Tandaan na mahalagang kumain nang masustansya at tama buntis ka man o hindi. Pero doble ang pangangailangan na ito kung ikaw ay buntis dahil sa baby sa iyong sinapupunan.
Kung kulang sa nutrisyon ang kinakain ng ina, makaaapekto ito sa development ng baby.
Kaya naman ang sagot sa tanong na sa bawal ba sa buntis ang pancit canton ay pwede naman. Pero hindi nirerekomenda dahil posibleng magdulot ng di magandang epekto sa inyo ng iyong anak. Kung ipagpapatuloy pa rin ang pagkain ng instant pancit canton, makabubuting bawasan ang seasoning nito at haluan ng pinakuluang gulay tulad ng repolyo, carrots, kamatis, patatas, at iba pa.
Huwag na huwag ding dagdagan ng asin ang timpla ng instant noodles. Ugaliin ding uminom ng maraming tubig matapos kumain nito.
Ramen noodles safe ba sa buntis?
Isa rin ba ito sa mga gumugulo sa isip mo dahil nagcre-crave ka sa ramen pero nangangamba na baka hindi ito pwede sayo ngayong ikaw ay buntis?
Ang ramen noodles ay uri ng wheat noddles na may sabaw. Minsan, egg noodles ang ginagamit imbes na wheat noodles. Generally safe naman umano ang ramen noodles para sa mga buntis ayon sa pregnancyfoodchecker.com.
Kaya lamang, ang dapat bantayan ay kung ano ang toppings na inilalagay sa ramen noodles. Posible kasing raw fish, bean sprouts, raw eggs at iba pang pagkain na hindi ideal para sa mga buntis ang toppings ng ramen. Kaya naman, piliin ang ramen noodles na ang lahok ay lutong karne ng baka o manok.
Sa kabilang banda, kung instant ramen naman ang pag-uusapan, tulad ng instant pancit canton ay may mga unhealthy ingredients ito na hindi maganda para sa buntis.
Iwasan ang pagkonsumo ng mga sumusunod na ramen toppings kung ikaw ay buntis:
- Raw eggs dahil posibeng makakuha ng bacteria ang buntis mula sa hilaw na itlog na makasasama sa baby.
- Mga isda na may mataas na mercury content tulad ng shark, swordfish, and ibang tuna.
- Hilaw na isda dahil maaaring makakuha ng listeria bacteria mula rito at iba pang parasites
- Limitahan ang pagkonsumo ng seaweed dahil sa mataas na iodine content.
- Bean sprouts dahil maaaring makakuha ng foodborne illnesses sa buntis.
Samantala, safe naman sa buntis ang pampaanghang na inilalagay sa mga ramen. Hindi naman ito magdudulot ng masama sa iyong baby at sa iyong kalusugan. Kaya lamang, posibleng makaranas ng heartburn dahil sa anghang.
Translated with permission from theAsianparent Indonesia
Translated by: Camille Alipio-Luzande
Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.