10 bagay na dapat malaman ng magulang tungkol sa beke

Isang virus ang pinagmumulan, na maaaring lumala kung hindi maaagapan—gaano ba ka-seryoso ang sakit na ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mumps sa English, o mas kilala sa tawag na beke ay isang nakakahawang viral infection na tumatama sa salivary glands na malapit sa bahagi ng tenga. Ano nga ba ang sanhi, gamot, at sintomas ng beke? Narito ang mga dapat malaman ng parents tungkol sa sakit na ito.

Nakakahawa ba ang beke?

Sanhi ng virus na tinatawag na paramyxovirus ang beke, at kumakalat sa pamamagitan ng laway. Kaya naman, ang sagot sa tanong na “Nakakahawa ba ang beke?” ay oo! Nakahahawa ang beke! Mabilis na nakakahawa ang sakit na ito lalo na sa mga bata.

Ang pagbahing, pagtawa, pagtalsik ng laway habang nagsasalita, at pag-inom sa baso ng may sakit, ay ilan sa mga pinakamabilis na paraan ng pagkahawa ng beke.

Gamot sa beke

Kapag nahawa, naiimpeksiyon ang ilang bahagi ng katawan lalo na ang parotid salivary glands— ang glands na pinanggagalingan ng laway.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag ng  MedinePlus Journal, ang parotid salivary glands ay nasa likod ng pisngi, sa gitna ng tenga at panga. Dahil sa impeksiyon sanhi ng virus, namamaga ang bahaging ito ng mukha at malubha ang pagsakit.

Sintomas ng beke

Kadalasang lumalabas ang sintomas ng pagkakaroon ng beke 2 linggo matapos ma-expose sa virus na sanhi nito. Ang flu-like symptoms ang unang maaaring mapansin. Ilan pa sa mga sintomas ng beke na kinakailangan nating malaman ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng katawan
  • Pananakit ng panga o bahaging malapit sa tenga
  • Matinding pagod
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Sinat o mababang lagnat
  • Hirap ngumuya o lumunok

Ang pagkakaroon ng mataas na lagnat na 39°C pataas at pamamaga ng salivary glands ay maaaring mapansin sa mga susunod na araw. Subalit maaari ding hindi mamaga ang glands.

10 bagay na dapat malaman tungkol sa beke

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Sa edad 5 hanggang 14 karaniwang nagkakaron ng beke ang mga bata.

May mga ilang kaso pa rin ng beke sa mga adults, pero mas karaniwan ito sa mga bata.

2. Bihira ang mga kaso na magkaroon nito ng pangalawang beses ang isang tao

Bagama’t hindi ito imposible. Mas karaniwang protektado na ang mga taong nagkaron na ng beke ng isang beses. Kaya’t hindi na sila nagkakaron pa ulit, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention-USA.

3. Ilang sintomas ng beke ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, at sakit ng mga muscles

Dagdag pa riyan ang pakiramdam na pagod na pagod, at walang ganang kumain. Saka pa lang mapapansing namamaga ang salivary glands at makikita sa ilalim ng tenga o sa panga, sa isang side ng mukha o parehong side. Hirap ngumuya, lumunok, o magsalita ang may beke.

4. Posibleng hindi makaranas o makita ang mga sintomas ng beke

Maaaring hindi agad makikita o makaranas ng sintomas ng beke agad-agad. Kaya naman mahirap masabi kung may beke ka o wala.

5. Karaniwang tumatagal ng pito hanggang 12 araw lang ang sakit o sintomas nito.

Aabot ng isang linggo bago tuluyang mawala ang pamamaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Pinakanakakahawa ang sakit na ito dalawang araw bago lumabas ang sintomas.

Hanggang 6 na araw pagkatapos mawala ito. Maaari ring  maging “carrier” ang mga taong walang sintomas.

7. Maaaring gamutin ang mga sintomas (lagnat, sakit ng katawan, atbp)

Puwede namang magamot ang sintomas ng beke habang nagtatrabaho ang immune system para maalis ang impeksiyon sa katawan. Dahil ang beke’y isang virus, hindi ito magagamot ng antibiotics.

8. Kailangang obserbahan ang temperature ng pasyente

Siguraduhing dalhin sa doktor ang pasyente kung higit sa 39ºC ang lagnat. Maaaring bigyan ang bata ng acetaminophen o ibuprofen, para sa lagnat at sakit. 

Gamot sa beke. | Larawan mula sa iStock

Huwag bigyan ng aspirin dahil ang gamot na ito ay HINDI para sa mga sakit na viral, at ang pag-inom nito ay maaaring maging sanhi ng liver failure at pagkamatay. Huwag ring bibigyan ng gamot na ibuprofen ang bata kung wala pa siyang 6 na buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

9. Malambot na pagkain o iyong madaling nguyain lang ang dapat na ipakain sa pasyente.

Tandaan na masakit ang pag-nguya at paglunok ng pasyente, kaya’t puro sopas at fluids lang ang mabuti para sa may beke. Mas masakit ang beke kung iinom ang pasyente ng acidic juices tulad ng orange juice at lemonade, kaya’t iwasan ito.

Mas makakabuti ang tubig para sa mga bata, at decaffeinated soft drinks at tea (para sa mga matatandang pasyente).

10. Hindi kailangang pahigain lang ang batang may beke.

Hayaan siyang maglaro kung kaya niya, basta’t hindi sa labas ng bahay, at hindi masyadong nakakapagod na laro tulad ng pagtakbo o pagbibisikleta.

Ano ang gamot sa beke?

Walang gamot sa beke. Depende lang ang paggaling ng bata sa kaniyang kalusugan at immune system kung gaano katagal mararanasan ang mga sintomas nito.

Kadalasan, nawawala naman ito nang kusa sa tulong ng sapat na pahinga at pag-inom ng maraming tubig. Maaari ring magbigay ng ibuprofen o acetaminophen para sa mga sintomas at pananakit.

Huwag na huwag bibigyan ang bata ng aspirin. Ayon sa Cleveland Clinic, maaaring magkaroon ng Reye’s Syndrome ang bata kung paiinumin ito ng aspirin habang may impeksyon dulot ng virus. Ang Reye’s Syndrome ay mapanganib na sakit na nagdudulot ng failure sa baga, pamamaga ng utak, at maaaring humantong sa pagkamatay.

Asul na tina o blue dye gamot sa beke?

Ang paggamit ng asul na tina o blue dye, para sa paggamot ng beke (mumps) ay hindi sinusuportahan ng siyentipikong ebidensya at hindi inirerekomenda ng mga medikal na propesyonal. Ang beke ay isang viral infection, at ang mga tradisyonal na pamamaraan tulad ng paggamit ng asul na tina ay hindi napatunayang epektibo o ligtas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala mang gamot sa beke, pwede pa ring lunasan ang ilang sintomas nito para maibsan ang discomfort na nararamdaman ng iyong anak. Narito ang ilang maaaring gawin:

  1. Magkaroon ng sapat na pahinga upang matulungan ang katawan sa paglaban sa impeksyon.
  2. Uminom ng maraming tubig at iba pang likido upang manatiling hydrated.
  3. Kumain ng malalambot na pagkain upang maiwasan ang pananakit habang ngumunguya.
  4. Maglagay ng malamig o cold compress sa namamagang bahagi upang mapawi ang pananakit.
  5. Gumamit ng over-the-counter na pain relievers tulad ng acetaminophen o ibuprofen upang mapawi ang lagnat at pananakit. Huwag bigyan ng aspirin ang mga bata dahil sa panganib ng Reye’s syndrome.
  6. Magpahinga sa bahay at iwasang makihalubilo sa iba hanggang sa ganap na gumaling upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Sa kabuuan, hindi inirerekomenda ang paggamit ng asul na tina o blue dye para sa paggamot ng beke. Sundin ang mga payo ng medikal na propesyonal at iwasan ang paggamit ng hindi napatunayang mga remedyo.

Kung mayroong mga komplikasyon o matinding sintomas, mahalagang kumonsulta sa doktor para sa tamang gabay at paggamot.

May mga komplikasyon nga ba ang beke?

Gamot sa beke

Dahil sa bakunang ibinibigay sa mga sanggol na panlaban sa beke, bihira ang mga komplikasyon ng sakit na ito. Pero may mga ilang kaso na naaapektuhan ang utak at membranes, ayon sa Mayo Clinic.

Kapag may stiff neck, kombulsiyon o seizure, labis na pagkahilo, malalang kaso ng sakit ng ulo, nahimatay, at sumasakit ng labis ang abdomen o tiyan, maaaring senyales ito ng problema sa pancreas.

Narito pa ang ilang komplikasyon na dulot ng beke:

  • Meningitis o pamamaga ng tissue na bumabalots sa utak at spinal cord
  • Pagkabingi
  • Encephalitis o pamamaga ng utak
  • Orchitis o pamamaga ng testicles sa lalaki na nasa puberty stage
  • Oophoritis o pamamaga ng obaryo
  • Mastitis o pamamaga ng suso, sa mga babae na nasa puberty stage

Agad na dalhin sa doktor ang iyong anak kung makaranas ito ng stiff neck, mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, o ano mang senyales ng pagkalito o pagkahilo.

Komplikasyon na dala ng beke sa buntis

Ang isang matinding komplikasyon ng beke ang miscarriage o pagkalaglag ng bata, kung ang pasyente ay nagbubuntis. Kaya naman lubhang pinag-iingat ang mga babaeng nagdadalang-tao sa viral infection na ito.

Paano maiiwasan ang beke?

Gaya ng nabanggit, ang pangunahing proteksyon laban sa sakit na beke ay ang measles-mumps-rubella (MMR) na ibinibigay sa mga bata. Ibinibigay ang unang dose sa edad na 12–15 buwan, at 4-6 taong gulang naman ang second dose.

May mga kumalat na maling balita noon na ang MMR vaccine ay may kinalaman umano ito sa mga kaso ng autism sa mga bata, ngunit pinabulaanan naman ito ng maraming scientists, doktor at eksperto.

Larawan mula sa iStock

Ayon sa Cleveland Clinic, napaka-safe at epektibo ng MMR vaccine. Ang single dose nito ay makakapag-provide ng long-lasting immunity sa iyong anak.

Ang ilan sa mga maaaring maranasang adverse effect ng iyong anak kung magpapabakuna ng MMR ay kirot sa balikat kung saan siya tuturukan, lagnat, mild rash, at pamamaga ng glands sa pisngi o leeg.

Mayroon ding hindi pangkaraniwang cases ng allergic reaction ng bata sa MMR vaccine. Agad na kumonsulta sa doktor kung makaranas ng hirap sa paghinga, fatigue, pamumutla, o wheezing ang iyong anak matapos bakunahan ng MMR.

Samantala, kung mayroong seryosong karamdaman ang iyong anak, maaaring iantala muna ang kaniyang bakuna hanggang sa maka-recover ito sa sakit.

Mahalagang ipaalam sa inyong doktor ang mga sumusunod bago pabakunahan ang iyong anak:

  • Kung nakaranas ito ng seizures noon o may magulang o kapatid na nakaranas ng seizures
  • Kung ang bata ay mayroong blood disorder
  • Kasalukuyang nagte-take ng medications na maaaring maka-apekto sa immune system.
  • Nagkaroon ng hindi magandang reaction sa naunang MMR dose.

Ang mga sumusunod naman ay hindi na kailangang magpabakuna ng MMR:

  • Napatunayan sa blood tests na mataas ang immunity laban sa measles, mumps, at rubella
  • Nabakunahan na ng two doses ng MMR vaccine matapos maabot ang edad na isang taon.

Hindi naman nirerekomenda ang MMR sa mga sumusunod:

  • May severely compromised immune systems
  • Buntis o nagplaplanong mabuntis sa susunod na apat na linggo
  • Mga taong may life-threatening allergic reactions sa antibiotic neomycin o ano mang component ng MMR.

Kung ang taong may beke ay may cancer, blood disorder, HIV/AIDS, makabubuting magtanong muna sa iyong doktor bago pabakunahan. Ganoon din para sa mga nagte-take ng medications na maaaring makaapekto sa immune system tulad ng steroids.

Gayundin, kung mayroong sintomas ng beke ang iyong anak, mas makakabuti kung gagawin ang mga sumusunod na hakbang para maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito:

  • Huwag papasukin ang iyong anak sa paaralan hanggang mawala na ang mga sintomas ng beke.
  • Maghugas ng kamay bago at pagkatapos alagaan ang iyong anak na may beke.
  • Siguruhing naghuhugas ng kamay ang bawat miyembro ng pamilya, lalo na bago kumain.
  • Mas makakabuti kung i-isolate muna ang bata sa isang kwarto para maiwasang mahawa ang ibang miyembro ng pamilya.
  • Pagsuotin ang bata ng mask, o kaya turuan siyang takpan ang kaniyang ilong at bibig kung babahing o uubo.
  • Linisin din at i-disinfect ang mga kagamitan sa loob ng bahay.

Ilang araw tumatagal ang beke

Depende sa edad ng taong tinamaan ng beke ang tagal ng epekto nito. Kung bata ang nagkaroon ng beke, karaniwang tumatagal lang ito ng ilang linggo.

Maaari nang makihalubilo ulit sa ibang bata ang iyong anak kung bumuti ang lagay nito at kung lampas na sa isang linggo simula nang mamaga ang pisngi o leeg nito.

Sa mga mas nakatatanda naman, karaniwang mas severe ang sintomas nito. Delikado rin ito sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng spontaneous abortion.

Samantala, kung ang bata ay nagkaroon ng beke maliit na lang ang tsansa na magkaroon ulit siya nito sa pagtanda. Pero para matiyak na hindi na babalik ang beke ng iyong anak, makabubuting siguraduhing updated ang bakuna nito.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Mabilis na mada-diagnosed ng doktor kung may beke ang iyong anak. Makikita niya agad ito sa namamagang salivary gland ng bata. Kung sakaling hindi pa namamaga ang bahagi ng pisngi o panga ng bata, maaaring magsagawa ng virus culture ang doktor para malaman kung umaakma ang mga sintomas ng iyong anak sa beke.

Isinasagawa ang virus culture sa pamamagitan ng pagkuha ng swab sa loob ng bibig sa bahagi ng pisngi o kaya naman ay sa lalamunan.

Kokolektahin ang mucus at cells at ipadadala sa laboratory upang matingnan kung may mumps virus. Isinasagawa ito para matiyak na ang virus na nakaapekto sa iyong anak ay virus ng beke. Mayroon din kasing iba pang mga virus na maaaring magdulot ng pamamaga ng salivary glands.

Magpa-schedule ng pagbisita sa inyong doktor kung may suspetsa na mayroong beke ang iyong anak. Mahalagang mapatingnan ito sa doktor dahil lubhang nakahahawa ang sakit na beke. Maaari itong makahawa sa loob ng siyam na araw matapos makataan ng mga sintomas.

Pwedeng bigyan muna ng over-the-counter pain reliever ang iyong anak at gumamit ng cold compress para maibsan ang pamamaga ng beke.

Bago pumunta sa ospital o clinic, tumawag muna at ipaalam sa iyong doktor na may sintomas ng beke ang iyong anak para makapaghanda ang mga ito at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Bukod sa beke, maaari ding dumanas ng pamamaga ng salivary glands at lagnat kung ang bata ay may blocked salivary gland o iba pang viral infection.

Karagdagang ulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.