Ano ang mga sintomas ng tb meninghitis (tagalog ng meningitis) at tamang medikasyon para rito? Ating isa-isahing sagutin ang mga ito sa pangunguna ng ating guest speaker na doctor!
Noong April 13, taong kasalukuyan, nagsagawa ng live webinar ang theAsianparent Philippines at Sanofi na may pinamagatang FamHealthy Kontra Meningitis, sa pamumuno ni Dr. Geraldine Zamora, kasama si Dr. Suzanne Ponio-Degollado. Tinalakay nila ang usaping meningitis kasama na ang sintomas, medikasyon at iba pang kaalaman tungkol sa nasabing impeksyon.
Ano ang meningitis?
Narito ang ilang mga tala kung ano ang dapat malaman tungkol sa meningitis:
Ang meningitis ay ang pamamaga ng protective membrane o meninges na siyang nagsisilbing takip ng utak at spinal cord. Kapag ang balot na ito ay tuluyang namaga, ang isang tao ngayon ay magkakaroon ng meningitis. Ang nasabing sakit ay maaaring dahil sa virus, fungi at bacteria.
Dagdag pa, ang pamamaga o inflammation mula sa meningitis (meninghitis sa tagalog) ay karaniwang nagti-trigger sa mga sintomas nito. Ang mga sintomas na ito ay kadalasang maipagkakamaling simpleng karamdaman lamang tulad ng lagnat, pagsakit ng ulo at pagkakaroon ng stiff neck.
Ayon sa pag-aaral ng Mayo Clinic, ang kaso ng meningitis sa United States ay kadalasang sanhi ng viral infection. Pero, gaya ng virus, maaari rin itong idulot ng bacteria, parasites at fungi.
Ang ibang kaso ng meningitis naman ay gumagaling kahit walang lunas at gamot sa loob lamang ng ilang linggo. Sa ibang kaso naman, maaaari din itong maging sanhi ng kamatayan at nangangailangan ng agarang antibiotic treatment.
Ngunit para sa usapang ito, ating pag-uusapan ang bacterial meningitis dahil ito ang naitalang may pinakamataas na kaso. Narito ang ilang uri ng bacteria ng meningitis
- Streptococcus pneumoniae
- Haemophilus influenzae
- Neisseria meningitidis
- Listeria monocytogenes
Ano ang meningitis sa tagalog?
Maaari ring kasabay na tanong hinggil sa meningitis ay kung ano ang meningitis sa tagalog dahil hindi na bago sa mga Pilipino ang sakit na ito.
Walang tiyak na translation sa tagalog ang meningitis. Pero kapag isesearch sa ilang mga website kung ano ang meningitis sa tagalog, ito ay maaaring i-type na meninghitis.
Gaya ng mga kaso sa United States, may mga naitala na ring paggamot at ilang mga sanhi na dulot ng meningitis (meninghitis in tagalog) at nakakabahala ang sakit na ito para sa mga Pilipino. Ito ay kadalasang walang nakikitang sintomas.
Ang kadalasang sintomas nito ay napagkakamalang simpleng lagnat at pananakit ng ulo. Ngunit ano nga ba ang sanhi ng meningitis (meninghitis in tagalog) para makatulong na maiwasan o malunasan agad ito.
Sanhi ng meningitis
Bago matiyak ang dapat na lunas at paggagamot sa meningitis (meninghitis in tagalog), kailangan muna ring matiyak ang mga sintomas at pinanggagalingang sanhi nito.
Ang mga sanhi ng meningitis ay nakadepende rin sa kung paano ito nakuha, gaya ng kung ito ba ay bacterial, viral, fungal, o parasitic. Maliban sa bacterial meningitis at mga sanhi nito, narito ang ilang mga natukoy na sanhi ng meningitis (viral, fungal, parasitic):
1. Viral meningitis
Mas nakakahawa o nakukuha ang viral meningitis kapag panahon ng tag-init. Posbileng mahawa ng viral meningitis kapag nakalanghap ng anumang may kaugnayan sa laway ng taong may sakit. Pwede rin madampot ang sakit na ito sa alinmang bagay na kontaminado.
Dagdag pa, ang paghawak sa dumi ng tao may sakit ay potensyal na sanhi ng viral meningtis. Ang mga virus na maaaring maging sanhi ng viral meningitis ay ang mga nasa ibaba:
- Echovirus
- HIV virus
- influenza virus
- measles virus o sa tigdas
- herpes virus
- coltivirus
2. Fungal meningitis
Ang pagkakalanghap ng fungal spores mula sa environment ang isang posibleng sanhi ng fungal meningitis. Nakakapasok ang fungal spore sa baga patungo sa utak sa pamamagitan ng spinal cord ng tao.
Makakalanghap ng fungal spore kung may malapit na lupang kontaminado ng mga dumi ng ibon at paniki. Kumpara sa ibang sanhi ng meningitis, hindi nakakahawa ang fungal meningitis. Narito ang mga fungi na sanhi ng fungal meningitis:
- cryptococcus
- blastomyces
- histoplasma
- coccidioides
3. Parasitic meningitis
Napupulot ng isang tao ang parasitic meningitis dahil sa pagkain ng alinmang kontaminado ng parasitiko o mga itlog nito. Halimbawa ng mga kinakain na merong parasites ay suso, hilaw na isda, karne, prutas, at gulay.
Tulad ng fungal meningitis, hindi nakakahawa ang meningitis na sanhi ng parasites. Ang mga sumusunod ay ang halimbawa ng mga parasites na posibleng sanhi ng sakit na ito:
- angiostrongylus cantonensis
- baylisascaris procyonis
- gnathostome spinigerum
Kung may mga tukoy ka ng sintomas ng meningitis, magpakonsulta agad sa doktor para malaman ang sanhi nito. Maaga pa lang ay dapat maagapan na ang meningitis upang maiwasan ang paglala nito, o sa mas malalang sitwasyon, ay kamatayan.
Ano ang sintomas ng tb meningitis?
Malalaman mong may meningitis ang isang tao kapag ito ay nagpakita ng mga sintomas. Narito ang mga kailangang bantayan:
- Lagnat
- Pagiging antukin
- Pananakit ng ulo
- Pagiging sensitibo sa araw
- Pagsusuka
- Pananakit ng kasukasuan
- Seizure
- Rashes
Kadalasang nagkakaroon ng rashes ang mga taong may listeria monocytogenes. Subalit paano nga ba malalaman kung ang rashes na ito ay hindi dahil sa impeksyon na meningitis?
May tinatawag tayong “Tumbler Test” na maaaring gawin kahit nasa bahay pa lang. Una, kailangan mong kumuha ng malinaw na baso at idiin ito sa balat na may rashes.
Kapag ang rashes ay nawala, ito ay hindi delikado. Ngunit kung ang rash na ito ay hindi nawala, ito na ang senyales mo na delikado ito.
Paalala ni Dr. Suzanne, kung pansin mo ang mga sintomas na ito, ‘wag magdalawang isip na dalhin ang iyong anak sa doktor upang masuri.
Paano nahahawa sa meningitis?
Ayon kay Dr. Suzanne, nahahawa ang impeksyon na ito by direct contact.
“Ang spreading ay person to person. Inlike to other diseases na dala ng kagat ng lamok. Itong meningitis ay ‘yong mga bacteria na nagko-cause ng meningitis, mostly ay nakatira sa nose and throat.”
Naipapasa ang meningitis sa pag-ubo, pagbahing, paghalik , paghahati ng pagkain, o sa ibang lugar na maraming tao. Bukod dito, ang mga taong high risk sa nasabing impeksyon ay ang mga:
- Infant na hindi bababa sa dalawang taong gulang
- Kabataang nasa edad 15-19 years old
- Taong may kasamang pasyente na meningitis sa bahay
- Mga taong nakatira sa masisikip na lugar
- Mga immunosuppressed patients o mga taong mababa ang immune system
Paalala ni Dr. Suzanne, mataas ang kaso ng meningitis sa ibang lugar sa iang bansa katulad ng Africa. Kaya naman kung ikaw ay pupunta sa bansang ito, mas maganda kung magpabakuna muna bago mag-travel.
Meningitis sa bansa
Base sa datos na inilabas ng Department of Health, nasa 1% lang ang porsyento ng kaso ng meningitis sa bansa. Subalit, “Sinasabi ng DOH na 86% ng mga sinu-suspect na may meningococcal meningitis ay hindi nate-test.”
Dagdag pa ni Dr. Suzanne na,
“Isa siya sa mga sakit na mahirap i-diagnosed early and puwede siyang mag-progress rapidly.”
Sa sobrang bilis ng sakit na ito, maaaring mamatay ang isang taong may meningitis sa loob lamang ng 4-24 hours. Para malaman na may meningitis ang isang tao, ang kaniyang dugo ay maaaring suriin. Maaari rin siyang dumaan sa Lumbar puncture kung saan tutusukin ng mabilis ang likod.
Komplikasyon na dala ng meningitis
Kung magkaroon ng ganitong klase ng sakit ang isang tao, maaaring magdulot ito sa kaniya ng ilang seryosong kondisyon. Narito ang ilan sa kanila:
- Mental retardation
- Pananakit ng ulo
- Permanent brain damage
- Madalas na pananakit ng ulo
- Pagdoble o panlalabo ng paningin
- Pananakit ng kasukasuan
- Pagkabingi
Para sa mga severe cases, maaaring maputulan ng kamay at paa ang mga taong may ganitong sakit.
Paano nagagamot ito?
Para sa meningitis na dulot ng bacteria, maaaring magamot ito sa pamamagitan ng antibiotic therapy. Bukod dito, may iba ring pasyente na kinakailangang ipagamot sa ospital o magpagaling sa intensive care unit.
Ayon pa kay Dr. Suzanne, “The faster the treatment, the less damage ang mangyayari.” Kaya naman kailangang tandaan na ang impeksyong ito ay hindi agad nalalaman. Ito ay mabilis kumilos at kinakailangan ng gamutan.
Paano ito maiiwasan?
Unang-unang kailangan na gawin ay magpakunsulta sa doktor. Tanungin sa kanila kung paano maiiwasan ng tuluyan ang pagkakaroon ng meningitis. Ngunit para sa kaalaman ng lahat, mayroon nang bakuna na maaaring pangontra sa nasabing impeksyon. Ayon kay Dr. Suzanne, as early asa 6 weeks old, maaari nang makatanggap ng bakuna ang isang sanggol.
Maaari ring i-like ang aming official Facebook page, theAsianparent Philippines upang masubaybayan pa ang mga susunod na educational live webinar!
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!