Development ng 39-buwan na bata: Cognitive
Ito ang panahon ng sangkatutak na tanong. Maaaring nakakainis kung minsan, pero ito ay normal lamang at bahagi ng development ng 39-buwan na bata.
Sa panahong ito, may kakayahan na siyang banggitin ang mga numero sa telepono. Alam na din niyang iugnay ang kulay pula sa mansanas. Kaya na din niyang bumilang hanggang tatlo. May mga bata din na kaya nang bumilang hanggang sampu.
Natatandaan na din niya ang ilang bahagi ng kanyang paboritong libro at madalas ay ginagaya pa niya iyon. Kaya na din niyang sabihin kapag kailangan niya gumamit ng toilet.
Tips:
- Bigyan ang iyong anak ng mga simpleng gawain sa bahay. Ituro sa kanya ang kahalagahan ng pagliligpit at kalinisan ng kanyang paligid.
- Hikayatin siyang ipagpatuloy ang kanyang interes sa mga creative activities tulad ng pagkukulay at pagguhit. Maari mo din siyang bilhan ng play-dough.
- Masusukat mo ang cognitive development ng iyong anak habang pinapanood mo siyang magbuo ng puzzle o blocks.
- Huwag pagalitan ang iyong anak kung sakaling mapaihi pa din siya sa higaan sa panahong ito.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kung ang iyong anak ay:
- Hirap pa din magbuo ng puzzle o kilalanin ang iba’t ibang kulay.
- Hirap pa din sumunod sa mga simpleng utos
Development ng 39-buwan na bata: Social at emotional
Isa sa mga mapapansin mong development ng 39-buwan na bata ay ang mas maayos na pagsasalita niya at pakikisalamuha sa kanyang mga kalaro. Makakabuting ituloy ang mga playdate at hayaan silang maglaro ng sila lamang. Huwag din magulat kung may pagkakataon na ayaw niyang makipaglaro sa ibang bata.
Magandang ituro sa panahong ito ang paggamit ng “please” at “thank you”.
Andyan pa din ang paminsan-minsang pagliligalig lalo na kung siya ay gutom, inaantok, takot o kaya ay nahihiya. Normal lamang ang mga emosyon at reaksyon na ito para sa kanyang edad.
Tips:
- Maging mabuting halimbawa ng kagandahang asal sa iyong anak.
- Purihin ang iyong anak dahil ito ay makakatulong upang mas pagbutihin pa niya ang anumang gawain.
- Ibaling sa ibang bagay ang atensyon ng iyong anak kapag nagsimula na siyang magligalig.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kapag ang iyong anak ay:
- Hirap ikontrol ang kanyang sarili kapag galit o masama ang loob
- Patuloy na nakakaranas ng extreme separation anxiety
Development ng 39-buwan na bata: Speech at language
Sa panahong ito, mas nauunawaan na ng iba ang gustong sabihin ng iyong anak. Kaya na niyang bumuo ng pangungusap na may lima hanggang anim na salita. Kaya na din niyang siyang sabihin ang kanyang pangalan, edad, kasarian pati na din ang pangalan ng kaniyang mga kaibigan. Maaring hindi pa perpekto ang paggamit niya ng ibang salita tulad ng gamit ng pandiwa pero ito ay patuloy na maayos sa mga susunod pang linggo.
Tips:
- Magkaroon ng reading routine para sa iyong anak.
- Patuloy siyang bilhan ng mga flashcards at word games dahil ito ay makakatulong upang mas mahasa ang kaniyang pagsasalita.
- Maglaro ng “I Spy” gamit ang alpabeto
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kapag ang iyong anak ay:
- Hindi pa din nakakabuo ng pangungusap na may mahigit sa tatlong salita
- Mali pa din ang paggamit ng “ako” at “ikaw”
Development ng 39-buwan na bata: Kalusugan
Para masiguro na kumpleto at masustansya ang pagkain ng iyong anak, siguraduhin na ito ay may carbohydrates, fats at proteins. Mas mabuti na magsimula ang kaniyang araw sa masustansyang agahan. Subukang gumamit ng food art para mas mahikayat pang kumain ang iyong anak. Hanggat maari, iwasan na pakainin siya ng mga junk food o kaya naman ay paminsan-minsan lang.
Ang mga 39-buwan na bata ay may tangkad na 86-108.8 cm at 10.2-21.3 kg na timbang. Maari silang mangailangan ng 1,000 hanggang 1,400 calories sa isang araw depende sa kanilang laki at mga gawain.
Ang iyong anak ay daily nutritional need na 4-5 ounces kung saan ang kalahati nito ay galing sa whole-grain, 1½ tasa ng gulay, 1-1½ tasa ng prutas, 2 tasa ng gatas at 3-4 ounces ng karne o beans.
Para sa grains, ang 1 ounce ay katumbas ng 1 hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat cereal o ½ tasa ng kanin, pasta o cereal.
Para sa karne, ang 1 ounce ay katumbas ng karne, manok o isda na kasinglaki ng kahon ng posporo, ¼ tasa ng lutong dry beans o 1 itlog.
Kapag may lagnat ang iyong anak, dugo sa kaniyang dumi o kaya naman ay nagkaroon ng mga rashes, dalhin agad siya sa doctor.
Siguraduhin din na ang iyong anak ay may mga ganitong bakuna:
- Hepatitis B
- Diptheria, tetanus and acellular pertussis (DTaP)
- Haemophilus influenzae type B, Pneumococcal diseases (conjugate vaccine)
- Inactivated poliovirus
- Annual influenza virus (if they haven’t done so already)
- Measles, Mumps and Rubella (MMR)
- Hepatitis A
- Meningococcal diseases
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kung ang iyong anak ay may mababang timbang para sa kaniyang edad
- Napapansin mo ang mga sintomas ng malalang sakit o kaya naman ay may mga rashes