Back to school na naman ang mga bata! Bagaman karamihan sa kanila ay sobrang excited na pumasok sa eskuwela, may ilan naman na nabuburyon kapag uwian na. Masunurin naman sila sa klase ngunit tinotopak na pagdating ng bahay.
Normal lamang na nabu-buryon ang mga bata pag-uwi galing sa school dahil nasa adjustment period pa sila mula sa mahabang bakasyon. Maaaring napagod lamang sila sa mga activities nila sa school. Ngunit paano kung ganito pa rin sila kahit nasa kalagitnaan na ng school year? Baka mayroon silang “after-school restraint collapse.” Alamin kung ano ito.
“Masunurin ang anak ko sa klase ngunit hindi na pag-uwi niya galing sa school”
Naranasan ko ito nang mag-aral na sa Nursery ang anak kong si Lyle Zeke.
Bilang first time mom, inisip kong normal naman para sa mga bata ang topakin pagkatapos pumasok sa eskuwela dahil kasisimula pa lang naman nila sa pag-aaral.
Habang tumatagal, napapansin kong tila araw-araw nang ganito ang pag-uugali ng anak ko tuwing umuuwi galing sa eskuwela. Kapag kinukumusta ko siya kung ano ang mga ginawa nila sa school, agad siyang nagagalit at nabuburyon. Kung minsan, ayaw niyang gumawa ng assignments o mag-practice man lang na magsulat at magbasa.
Minabuti ko siyang kamustahin sa kanyang mga teacher upang malaman ang dahilan ng pagkaburyon niya. Nagulat ako dahil masunurin naman daw ang anak ko sa mga teachers niya at sa katunayan ay ‘very active’ naman daw siya pagdating sa kanilang mga school activities.
Mabait din daw ang anak ko sa mga kaklase niya kasi madalas niyang i-share ang baon niyang pagkain sa kanila at nakikita ko rin namang nakikipaglaro siya sa kanila. Kaya nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang ugali niya kapag nakauwi na sa bahay galing sa eskuwelahan.
Hindi lang pala ako ang magulang na nakararanas ng ganito sa kanilang mga anak na nag-aaral na. Napag-alaman kong isa pala itong phenomenon na tinatawag na After-school restraint collapse, isang karanasan kung saan nahihirapan ang mga bata na mag-adjust sa kanilang buhay sa school at sa bahay.
Ano ang after-school restraint collapse?
Ang after-school restraint collapse ay nararanasan ng mga bata kapag sila ay pumapasok na sa school dahil napipigilan sa loob ng school ang kanilang tunay na emosyon at nailalabas lamang nila ito kapag nakarating na sila sa isang lugar na palagay ang loob nila — at ito ay ang kanilang tahanan.
Nagiging emotionally overwhelmed ang mga bata kaya nagkakaroon sila ng tinatawag na ‘meltdown’ o pagkaburyon.
Karaniwang nararanasan ito ng mga batang may edad 12 taong gulang pababa at unti-unting nababawasan o nawawala habang nagdedevelop ang emotional resiliency ng mga bata.
“It takes a great deal of energy, mental motivation, emotional containment, and physical restraint to keep ourselves at our best for other people. Kids do what they need to in order to ‘be good’ or keep the peace,” sabi ni Andrea Loewen Nair, isang counsellor, parenting educator at international media parenting expert na naka-base sa Ontario, Canada na siyang nagpangalan sa phenomenon na ito.
“After they’ve done that all day, they get to the point where they just don’t have the energy to keep this restraint, and it feels like a big bubble that needs to burst,” dagdag pa niya.
“More sensitive and intense kids, and kids struggling with learning and social skills, will be more likely to be affected,” ayon naman kay Vanessa Lapointe, isang parenting educator at registered psychologist sa Surrey, British Columbia.
“Kids have to hold it together all day long at school. There are all sorts of expectations, disappointments and challenges to manage, and all of this without your loving presence nearby. It can be exhausting,” aniya.
Ipinaliwanag rin ni Lapointe na ang pagkaburyon ng mga bata pag-uwi galing sa eskuwela at pagiging hindi nila masunurin sa atin sa bahay ay epekto ng kanilang defensive detachment.
“Your child really needed you, and you weren’t there. Now you’re there, but the initial flood of relief is quickly subsumed by a tidal wave of defensive detaching—they’re angry and push you away,” paliwanag niya.
“It’s like when a parent and child reunite after the child has gone missing in a grocery store. The parent will have a few seconds of clutching relief as they hug their child and then bam! Defensive detachment kicks in with anger as they admonish their now-found child.” dagdag ni Lapointe.
Senyales ng after-school restraint collapse sa mga bata
- Pagsuway sa mga magulang
- Pagtili o pagsigaw kapag kinakausap
- Pagbuburyon
- Pagdadabog
- Mabilis mapikon
- Pagiging balat-sibuyas o iyakin
- Madalas makipagtalo sa mga kapatid o magulang
- Pagtanggi sa paggawa ng mga homework o project sa school
- Ayaw makipag-usap kapag kinukumusta sa school
- Matinding pag-iingit o whining
May ilang bata naman na nagpapakita ng mas tahimik na senyales ng after-school restraint collapse gaya ng pagkukulong nila sa kuwarto pag-uwi galing sa school, pagsimangot, pag-iwas sa mga usapin tungkol sa school, paglabas ng bahay at kung minsan ay idinadaan nila ito sa pagtulog.
Mga tips kung paano mawawala ang after-school restraint collapse ng iyong anak
May mga paraan upang mawala ang ASRC ng inyong anak. Kailangan lamang ng tamang approach sa kanila upang unti-unting guminhawa ang kanilang pakiramdam at muling maging masunurin at mapagmahal sa inyo kahit pagod sila galing sa school.
Narito ang ilan sa mga paraan na makakatulong sa kanila:
1. Positibong re-connection – Kapag sinasalubong natin ang mga bata galing eskuwela, ano ba ang una nating ginagawa o sinasabi sa kanila? Malaking bagay ang pagkakaroon ng positibong re-connection sa kanila.
Imbes na kamustahin agad sila sa kanilang mga ginawa sa school, bakit hindi natin simulan sa pagyakap at paghalik muna? Ngumiti rin tayo kapag nakita natin sila. Sa ganitong paraan napapanatag ang loob ng ating mga anak at nagiging kalmado sila pagkatapos ng mahabang oras na ginugol nila sa eskuwela.
Na-miss ka ng iyong anak, kaya dapat mong iparamdam na lagi kang nakasuporta sa kanila.
2. Bigyan ng space o panahon ang iyong anak na magmuni-muni – Hayaan muna ang inyong anak kung tahimik siyang lumabas ng school pagkasundo mo sa kanya o kaya’y tahimik siyang pumasok sa loob ng inyong bahay.
“If you’re driving, put on the radio and stay quiet. If you are walking, say little or just comment on the nice little things you notice,” payo ni Nair. “This isn’t the time for big conversations.” aniya.
3. Pakainin muna sila – Sabi nga nila, laging wala sa kanilang sarili ang mga taong gutom at gayundin sa kaso ng mga batang galing sa eskuwela. Pagod sila at malamang ay ‘low batt’ na pag-uwi ng bahay.
Maraming bata ang mas gustong inaalok munang kumain bago makipag-usap. Subukang pakainin muna sila ng mga masusustansiyang pagkain na paborito nila upang sumigla ang kanilang pakiramdam.
4. Bawasan ang mga kalat at ingay sa loob ng bahay – Mas nakakapagod ang pakiramdam kapag magulo at maingay ang tahanan. Sikaping mapanatili ang kaayusan sa loob ng bahay upang ma-relax ang inyong anak na pagod mula sa school. Kahit kayong mag-asawa ay mare-relax din ang pakiramdam kapag maaliwalas ang inyong bahay.
5. Panatilihing bukas ang komunikasyon ninyo sa mga bata – Gumamit ng approach na akma sa edad at personalidad ng inyong anak upang mapanatiling bukas ang komunikasyon ninyong dalawa. Tinatawag itong connection bridges ni Nair.
Maaaring ihanda ang kanilang mga baon sa school sa espesyal na paraan gaya ng paghulma ng iba’t-ibang hugis sa kanilang pagkain o simpleng paglalagay ng mga notes sa kanilang lunch box upang ganahan sila sa school. Nakakapagpasaya ng mga bata ang ganitong paraan!
6. Bigyan sila ng decompression time kapag nagsimula na silang mag-alboroto sa galit – Kapag nagsimula na silang maburyon, kailangan mo na silang bigyan ng tinatawag na decompression time upang mawala ang init ng kanilang ulo.
Depende sa edad at personalidad ng iyong anak, maaari mo silang libangin sa pamamagitan ng pagyayaya sa kanila na makipaglaro. Naging epektibo ito sa anak kong si Lyle Zeke dahil likas sa kanya ang pagiging playful.
Subukan mo silang laruin o patawanin. Ayain mo silang maglaro ng basketball o magbisikleta. Puwede rin namang mag-jamming sa pagkanta, pagsayaw o pagtugtog ng anumang musical instruments kung ito ang hilig ng inyong anak.
“People decompress through play, which helps process the events of the day. Provide time to either do nothing/ rest or play out the day in a physical way.” sabi ni Nair.
7. Palatilihing masaya ang bawat isa – Ito ang pinakamainam na paraan upang mawala ang pagbuburyon ng mga bata. Sa ganitong paraan nararamdaman nilang secured sila at walang dapat ikabahala dahil lagi kayong nandiyan para sa kanya.
Mas naipapaunawa rin sa inyong anak na normal lamang na mapagod sa school at mas masasabik din silang umuwing hindi nagbuburyon dahil alam nilang gagaan ang pakiramdam nila kapag nakasama ka nila.
Source: Today’s Parent, The Chaos and the Clutter, Andrea Loewen Nair
Image source: Shutterstock
BASAHIN: Paano disiplanahin ang ‘pasaway’ at sensitibo na bata na ayaw talagang makinig?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!