6 na inuming maaaring magpahinto sa pagdadalang-tao na dapat iwasan ng mga buntis

Narito ang mga inuming dapat iwasan ng buntis na maaring makapagpahinto ng pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga hindi dapat inumin para hindi matuloy ang pagbubuntis, bakit nga ba dapat iwasan ng mga babaeng nagdadalang-tao?

Ang pagdadalang-tao ay isang regalo na pinakahihintay ng maraming magkapareho. Pero may iilan din ang hindi pa handa sa responsibilidad na kaakibat nito. Sila ang mga naghahanap ng mga dapat inumin para hindi matuloy ang pagbubuntis. Ano nga ba ang mga ito na dapat ay iwasan ng babaeng buntis para sa kaligtasan niya at ng kaniyang sanggol? Pag-usapan natin dito.

Mga hindi dapat inumin para hindi matuloy ang pagbubuntis

  1. Caffeinated drinks

Larawan mula sa Pexels

Ang mga buntis ay dapat umiwas sa mga caffeinated drinks tulad ng cola at kape. Dahil ang taglay nitong caffeine kapag sumobra ay maaring makasama sa pagdadalang-tao.

Ayon nga sa isang pag-aaral ang pag-inom ng dalawang tasa ng kape o limang lata ng caffeinated soda ng isang buntis sa isang araw ay nag-dodoble ng tiyansa niyang makaranas ng miscarriage o stillbirth.

Dahil ang caffeine ay maaring mag-cross sa placenta ng buntis at maka-damage sa immature liver ng kaniyang fetus. Ayon sa mga eksperto ang mga sanggol o fetus na na-expose sa labis na caffeine habang ipinagbubuntis ay mataas ang tiyansang makaranas low birth weight, birth defects o maipanganak ng preterm.

Payo ng mga eksperto dapat limitahan ng buntis ang pag-inom ng inuming may caffeine sa maximum ng 200 mg lang sa isang araw o 1-2 ounce cup lang. O kaya naman ay uminom ng mga herbal teas tulad ng ginger at peppermint tea na nakakatulong maibsan ang sintomas ng morning sickness. Pwede rin ang lemon tea na pampakalma. Pero isaisip na hindi lahat ng herbal teas ay ligtas para sa buntis.

  1. Herbal teas

Ang mga herbal teas tulad ng black tea, green tea, matcha, at oolong tea na nagmula sa mga dahon ng halamang camelia sinensis ay nagtataglay rin ng caffeine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero maliban sa caffeine, ang mga herbal teas ay maari ring contaminated ng iba pang heavy metals o compounds na maaring makasama sa buntis.

Ang ilang herbal teas nga na sinasabing makakasama sa pagdadalang-tao kung sumobra at magdulot ng preterm labor at miscarriage ay ang sumusunod:

  • fennel
  • fenugreek
  • sage
  • licorice
  • thyme
  • black cohosh
  • frankincense
  • chamomile
  • peppermint

Payo ng mga eksperto, bagama’t safe kung titingnan ang mga herbal teas ay maaaring makasama ito hindi lang sa pagdadalang-tao kung hindi pati na rin sa babaeng buntis.

Ang mga toxins na taglay nito kapag sumobrang na-intake ng isang tao ay maaaring makamatay. Kaya naman para masigurong hindi ito makakaapekto sa pagbubuntis ay dapat iwasan ito ng buntis sa unang trimester ng kaniyang pagdadalang-tao.

  1. Alak o alcohol

Ang pag-inom ng alak ng buntis tulad ng caffeine at herbal teas ay maaari ring magdulot ng miscarriage. Dahil sa ito ay tumatawid rin sa placenta at maaaring mapunta sa nagde-develop pa lang na fetus. Maliban sa miscarriage ito ay maaaring magdulot din ng mga sumusunod sa pagdadalang-tao o sa sanggol na ipinagbubuntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Stillbirth o panganganak sa patay na sanggol.
  • IUGR (intra-uterine growth retardation)
  • Physical at mental disabilities sa sanggol
  • Sanggol na may low IQ matapos maipanganak
  • Behavioral o functional abnormalities sa sanggol
  • Learning disabilities at delayed milestones sa sanggol.
  • Attention deficit disorder sa sanggol.
  • Poor memory.

Walang ligtas na amount ng alcohol ang safe para sa buntis. Kahit pa ito ay wine lang o beer ay mas mabuting iwasan ito ng buntis lalo na sa first trimester ng kaniyang pagdadalang-tao.

Photo by Adam Jaime on Unsplash 

  1. Energy drinks

Ang mga energy drinks ay kabilang din sa mga hindi dapat inumin para hindi magpatuloy ang pagbubuntis. Dahil maliban sa caffeine na taglay nito, ito ay nagtataglay ng sodium na nagdudulot ng water retention sa katawan. Ito naman ay maaaring magresulta sa pamamanas.

  1. Raw o unpasteurized milk

Ang gatas ay siksik ng nutrients na kailangan ng buntis. Pero payo ng mga eksperto, ang mga buntis ay hindi dapat umiinom ng raw o unpasteurized milk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat maaaring nagtataglay nito ang bacteria na nakakasama sa pagdadalang-tao at magdulot ng impeksyon. Mas mabuting uminom sila ng mga pasteurized na gatas.

Puwede ang mga pregnancy milk pero mas mainam na magtanong muna sa iyong doktor. Ito ay upang makasigurado na hindi ito makakaapekto sa pagbubuntis.

  1. Mga gamot na mifepristone (Mifeprex) at misoprostal (Cytotec)

Larawan mula sa CNN Edition

May mga gamot din ang inirerekumenda ng iilan na dapat inumin para hindi magpatuloy ang pagbubuntis. Pero ang mga ito ay mas mabuting iwasan sapagkat ito ay maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon sa sanggol at babaeng iinom nito.

Ang mga gamot na ito ay mifepristone at misoprostol na kilala sa tawag na abortion pills.

Bagamat sa ibang bansa ay legal ang abortion, dito sa Pilipinas ito ay ipinagbabawal. Pero ayon sa paliwanag ng mga health experts, ang gamot na mifepristone at misoprostol ay pinapatigil ang pagbubuntis sa sumusunod na paraan.

Sa tuwing nagbubuntis ang isang babae nangangailangan siya ng hormones na progesterone para sa development ng sanggol. Sa pag-inom ng gamot na mifepristone ang kakayahan ng katawan na magproduce ng hormone na progesterone ay nahihinto. Ito ay magreresulta rin sa paghinto ng pagbubuntis.

Ang gamot na misoprostol naman ay iniinom kasabay ng mifepristone o makalipas ang 48 hours. Ito ay nagdudulot ng paghilab sa tiyan ng buntis na makakatulong para siya ay duguin at maalis ang laman ng kaniyang uterus o sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagdurugo na dulot ng pag-inom ng misoprostol ay parang tulad ng nakunan na madalas na magaganap sa loob ng 24 oras matapos makainom ng gamot.

Bagamat, ang pag-inom ng dalawang gamot ay very effective sa pagpapahinto ng pagbubuntis, ito naman ay may kaakibat na peligro.

Lalong-lalo na kung mali ang pagkakainom nito na maaring maglagay sa buhay ng babaeng buntis sa alanganin. Ang mga komplikasyon na maaring maidulot nito ay ang sumusunod:

Komplikasyong dulot ng pag-inom ng abortion pills

  • Incomplete abortion kung saan hindi naalis sa sinapupunan ng buntis ang ilang bahagi ng ipinagbubuntis na fetus. Ang incomplete abortion ay maaaring magdulot ng blood loss at severe infection na maaring makamatay.
  • Ang pag-inom ng abortion pill ay maaari ring magdulot ng liver failure o damage dahil sa toxins o heavy metal na taglay nito.
  • Labis na pagdurugo o internal bleeding na maaring makasama sa babaeng buntis o makamatay.

Ang mga nabanggit ay ang mga sinasabing mga dapat inumin para hindi magpatuloy ang pagbubuntis. Pero dahil sa kaakibat nitong peligro ay mas mainam na iwasan ito ng buntis. Hindi lang para sa kaligtasan ng kaniyang dinadalang sanggol, kung hindi para narin sa kaniya.

Mga dapat gawin upang makaiwas sa dehydration ang buntis

Samantala, napakahalaga naman na manatiling hydrated ang buntis sa lahat ng oras. Kaya naman dapat siya ay umiinom ng mga healthy na inumin para magawa nito.

Ayon sa Healthline, mainam kung makakainom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig sa araw-araw ang isang buntis. Ipinapayo rin na uminom ng tubig sa pagitan ng bawat meal o pagkain at hindi habang kumakain. Ito ay upang maiwasan ang indigestion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung nakakaranas naman ng morning sickness at nahihirapang uminom ng tubig ay agad ng makipag-usap sa iyong doktor.

Maliban sa tubig, mabuti ring uminom ng gatas, natural fruit juices at soup ang buntis. Dapat din siyang umiwas sa mga activities na maaring magdulot ng overheating sa kaniyang katawan. Tulad ng mga mabigat o masyadong nakakapawis na exercise o activity.

Makakatulong rin ang pananatili sa mga lugar na malamig o presko. Dahil ang pananatili sa maiinit na lugar ay nagdudulot rin ng overheating ng katawan. Dahilan para ito ay maglabas na pawis na nangangailangan dapat ng sapat na level ng tubig bilang kapalit.

 

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.