6 nakakahawang sakit ng mga bata at iba't ibang uri nito

Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang bakuna sa mga bata upang mapababa ang tiyansa nang pagkakaroon ng mga nakakahawang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa paglaki ng isang bata, hindi natin maiaalis ang katotohanang marami ang mga nakabantay na nakakahawang sakit sa kanila. Kaya naman mahala ang bakuna at pagkakaroon ng healthy lifestyle upang tuluyang makaiwas dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang pinagkaiba ng infectious at contagious disease?
  • 6 nakakahawang sakit ng mga bata at iba’t ibang uri nito

Sa artikulong ito, ating isa-isahin ang mga nakakahawang sakit na maaaring makuha ng iyong anak at kung anu-ano ang mga uri nito.

Ano ang pinagkaiba ng infectious at contagious disease?

Ngayon, ano nga ba ang pinagkaiba ng infectious at contagious na sakit sa mga bata?

Mga nakakahawang sakit ng bata | Image from iStock

Ang infectious disease ay mula sa mga delikadong organismo katulad ng bacteria, virus, fungi o parasite. Kapag nakapasok ito sa katawan ng isang bata, paniguradong ito ay magdudulot ng sakit.

Nagiging contagious naman kapag ito ay napapapasa ng isang infected na tao sa isa pang healthy na tao. Naipapasa ito sa pamamagitan ng physical contact katulad ng paghalik, pagyakap at iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May iba rin na naipapasa ang nasabing sakit sa hangin na nangyayari kapag umubo o bumahing ang isang taong infected. Puwede rin namang mahawa ang taong healthy kapag hinawakan nito ang mga bagay na nahawakan ng taong infected.

Maaaring ang mga organismo na ito ay mula sa kontaminadong pagkain, galing sa hayop, insekto o dumi.

Isang common sign ng sakit na ito ay lagnat at panghihina. Subalit nakadepende pa rin ito sa organismong pumasok sa katawan ng isang tao pati na rin kung gaano ito kalala.

6 nakakahawang sakit ng mga bata at iba’t ibang uri nito

Upang mas palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa mga nakakahawang sakit na maaaring makuha ng anak mo sa kaniyang paglaki, ating isa-isahin ang mga ito at kung ano ang kailangan mong gawin sa ganitong sitwasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Gastrointestinal viral diseases

Ito ay mas kilala bilang “stomach flu” na siyang nakukuha sa kontaminadong pagkain o inumin at infected na tao.

Ang mga sintomas ng gastroenteritis ay ang matubig na pagdumi, pananakit ng tiyan, pagsusuka at nausea na sinamahan din ng lagnat. Walang gamot para sa gastroenteritis kaya naman matinding pag-iingat ang kinakailangan.

Ito ay dahil ang stomach flu na ito ay lubhang delikado para sa mga bata o matanda na mahina ang immune system. Kung hindi maagapan, maaaring ito ay kumitil ng buhay.

Uri ng stomach flu

  • Rotavirus infection
  • Norovirus infection
  • Astrovirus infection
  • Adenovirus infection

Paano maiiwasan?

Isa sa laging paalala ng mga doktor upang maiwasan ito ay ang pagiging malinis sa katawan. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon. Iwasan din ang pagpapahiram ng personal na gamit katulad ng kutsara at tinidor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para naman sa mga sanggol, kabilang sa kanilang listahan ng bakuna ang rotavirus vaccine.

BASAHIN:

Bakuna: Importanteng vaccines sa unang taon ni baby

#ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

#AskDok: Totoo bang nagkakasakit ang bata kapag natuyuan ng pawis?

2. Respiratory viral diseases

Ang uri ng sakit na ito ay lubhang nakakahawa. Maaari itong mapasa ng taong infected kapag sila ay umubo o bumahing. Tinatamaan ng respiratory viral diseases ang respiratory tract ng isang tao. Kabilang sa sintomas ng nasabing sakit ay ang lagnat, baradong ilong, pagbahing, pananakit ng katawan at pag-ubo.

Ang maliliit na tubig mula sa taong infected kapag sila ay bumahing o umubo ang dahilan kung bakit ito napapasa sa ibang tao. Maaari ring maipasa ito sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay. Kapag ang walang sakit na tao ay humawak sa isang bagay na kontaminado na, maaaring ito ay mahawaan ng sakit.

Uri ng respiratory viral disease

  • Flu
  • Ubo
  • Adenovirus infection
  • Respiratory syncytial virus infection

Paano maiiwasan?

Ang sakit na ito ay kusa na lamang nawawala. Malaki rin ang naitutulong ng mga gamot na mabibili sa botika para sa pagpapagaling ng taong may respiratory viral disease.

Katulad sa naunang halimbawa, ang pagkakaroon ng good hygiene ang isa sa paraan para makaiwas sa ganitong sakit. Kung ikaw ay may ubo o sipon, ugaliing magtakip ng bibig kapag babahing at uubo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong din ang over-the-counter medicine para sa iyong pagpapagaling. Importante rin ang bakuna sa mga sanggol upang maiwasan ang tiyansang magkaroon sila ng seasonal flu.

Mga nakakahawang sakit ng bata | Image from iStock

3. Cutaneous viral diseases

Ang cutaneous viral diseases ay ang mga tumutubong sugat o butlig sa balat ng isang bata. Sa ibang kaso, ito ay patuloy na bumabalik sa pagtubo kahit na nawala na ito.

Ang virus na ito ay lubhang nakakahawa. Maaaring mahawaan ang isang tao kapag nahawakan niya ang isang bagay na ginamit ng infected na tao. Ang uri ng sakit na ito ay kusa ring nawawala. Subalit may ilang gamot naman na maaaring inumin upang mapabilis ang paggaling ng batang may cutaneous viral disease.

Uri ng cutaneous viral diseases

  • Genital herpes
  • Oral herpes
  • Warts

Paano maiiwasan?

Mas mabuting lumayo muna sa taong infected upang makaiwas sa paghawa. Ugaliin din ang pagiging malinis sa katawan at iwansang magpahiram ng gamit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Exanthematous viral disease

Ang exanthematous virus ay may pagkakahawig sa cutaneous viral disease. Ito rin ay isang sakit sa balat dahil sa virus. Kabilang sa uri ng skin rashes na ito ay ang lubhang nakakahawang tigdas.

Naipapasa ang exanthematous virus mula sa tubig na nasa loob ng sugat katulad ng bulutong o smallpox. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng droplets na nanggaling sa taong bumahing o umubo.

Ang kaibahan naman ng Chikungunya virus infection, ito ay nakukuha mula sa kagat ng infected na lamok at hindi maaaring maipasa ng person to person.

Uri ng exanthematous virus

  • Tigdas
  • Bulutong
  • Rubella
  • Roseola
  • Fifth disease
  • Chikungunya virus infection

Paano maiiwasan?

Ang mga uri ng exanthematous virus katulad ng tigdas, bulutong, smallpox, rubella, at shingles ay maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna na ibinibigay habang sanggol pa lamang.

5. Neurologic viral diseases

Maituturing na seryosong sakit ang viral disease na ito. Kasama sa sintomas ng nasabing sakit ang lagnat, problema sa koordinasyon, seizure, pagkahilo at pagkalito.

Ang pinagmulan ng nasabing sakit ay ang mga virus at ibang organismo na siyang target ang nervous system ng isang tao.

Uri ng neurologic viral diseases

Mga nakakahawang sakit ng bata | Image from iStock

6. Hemorrhagic viral diseases

Ang sakit naman na ito ay tinatamaan ang iyong circulatory system. Kasama sa sintomas ng nasabing sakit ang mataas na lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, pagdudugo ng internal organs kasama na ang bibig at tainga. Nakukuha ang sakit na ito sa kagat ng isang infected na insekto.

Uri ng hemorrhagic diseases

Paano maiiwasan?

Walang tiyak na bakuna para sa sakit na ito. Subalit para maiwasan ang hemorrhagic diseases, iwasang makagat ng insekto katulad ng lamok o garapata.

Maaaring gumamit ng insect repellent upang maiwasang makagat ng mga insekto. Lagi ring takpan ang mga pagkain upang maiwasang mahapunan ng langaw at iba pang dumi.

Paalala

Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang bakuna sa mga bata upang mapababa ang tiyansa nang pagkakaroon ng mga nakakahawang sakit. Sundin ang ibinigay na schedule ng bakuna para sa mga bata at ‘wag mahiyang magtanong sa iyong doktor kung ikaw ay may inaalala.

Upang malaman ang mga bakunang dapat ibigay sa mga sanggol at bata, i-click lamang ito.

 

Sources:

Healthline, KidsHealth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano