Ang itlog ay kabilang sa tinaguriang “pinakamasustansyang pagkain” dito sa mundo. At hindi ito maipagkakaila — ang isang piraso ng itlog ay nagtataglay ng bitamina, mineral, protina, good fats at iba pang sustansya. Pagdating naman sa mga bata, ang itlog ay nakatutulong sa immunity sa mga pagkain na nakaka-allergy sa hinaharap.
Dahil siksik sa sustansya ang itlog, nakakatulong itong mapabuti ang ating kalusugan. Para sa mga nanay at tatay, kinokontrol naman nito ang cholesterol level, nakatutulong na pagpapalinaw ng paningin, at nakatutulong din sa pagpapapayat.
Sa kabilang banda, mahalagang maging maingat sa mga bata, lalo na kung sila ay may predisposisyon sa mga pagkain na nakaka-allergy. Ang itlog, bagamat masustansya, ay isa sa mga karaniwang pagkain na nakaka-allergy na maaaring magdulot ng reaksyon sa ilang mga bata. Kaya’t makabubuting suriin ang mga sintomas kung sakaling magpakita ng hindi pangkaraniwang reaksyon ang iyong anak.
Kung napansin mong may mga senyales na maaaring dulot ng pagkain na nakaka-allergy, mahalagang kumonsulta sa doktor upang mas maunawaan ang mga posibleng allergy ng iyong anak.
Ayon sa pag-aaral, ang pagpapakain ng itlog sa mga sanggol na may edad anim na buwan ay nakatutulong na ma-immune ang mga baby sa mga pagkain na nakaka-allergy
Isang artikulo galing sa Nutrition Bulletin Journal ang nagpapatunay na ang itlog ay may mahalagang benepisyong hatid para sa mga bata.
Sang-ayon din dito ang Food Standards Agency (FSA) na nagtataguyod ng kaligtasan ng British Lion eggs. Ligtas ito para sa mga sanggol, mga buntis, at matatanda, at sinisigurado ng FSA na ligtas itong kainin, hilaw man o luto.
Ayon sa pag-aaral, ng pagpapakain ng itlog sa mga sanggol na may edad anim na buwan ay nakatutulong na ma-immune ang mga baby sa mga pagkain na nakaka-allergy. | Image source: Shutterstock
May ilang magulang na hindi nagpapakain ng itlog sa kanilang mga anak dahil sa takot na magka-allergy. Pero ayon sa pag-aaral, ang pagpapakain ng itlog sa mga bata habang sila ay sanggol ay nakakatulong maiwasan ang allergy.
Ayon kay Dr. Gray, “Ang pagpapakain ng itlog sa mga bata sa murang edad ay nakakatulong sa pagbutaw o weaning process; gayon din, ang pagkain nito ng mga ina habang nagbubuntis at nagpapasuso ay malaking bagay laban sa egg allergies.”
Ang maagang pagbutaw sa sanggol ay isang “critical window” na kung saan inihahanda ang mga ito sa mga pagkain na nakaka-allergy gaya ng mani at iba pang mga karaniwang allergens ayon sa pananaliksik.
Bakit iniiwasan noon ang malasadong itlog?
Hinahamon ng bagong pag-aaral na ito ang paniniwalang ang pagkain ng malasadong itlog ay hindi ligtas sa mga buntis at mga sanggol.
Batid natin ang panganib na dala ng pagkain ng hilaw na itlog. Ayon sa FDA ang hilaw na itlog ay may dalang bacteria tinatawag na Salmonella na maaring magdulot ng pananakit ng tiyan o food poisoning.
Kaya naman ang FDA ay naniniguradong ang mga nagtitinda nito at mga mamimili ay may sapat na kaalaman sa kahalagahan ng pagkain ng itlog.
“Para makaiwas sa sakit na dala ng bacteria, panatilihing refrigerated ang itlog. Lutuin itong mabuti at mag-ingat sa mga pagkaing may itlog.” banta ng FDA sa kanilang website.
Dahil na rin sa mga panganib na dala ng itlog, mas mabuting kumonsulta muna sa isang pediatriacian.
Luto sa itlog na siguradong magugustuhan ng inyong mga anak!
Ang itlog ay hindi lamang masustansiya, masarap ito at swak sa panlasa ng inyong mga anak! | Image: File photo
Gusto ng mga bata sa pagkain ng itlog dahil malambot itong kainin at madali itong lunukin. Isa rin itong masustansyang pagkain kaya naman pangunahing itong binibigay ng mga mommies sa kanilang babies edad anim na buwan.
Sa pagbutaw o weaning process, maari mo nang pakainin ng paunti-unti ang baby para malaman kung magkakaroon ng allergic reaction. Kung wala naman maari mo nang pakainin nito ang iyong anak ng madalas.
“Para sa karamihan ng sanggol na may maliit na tiyansa sa egg allergy, ang paunti-unting pagpapakain nito ay mas mainam dahil na rin madali itong kainin at masarap, kaya naman ang itlog ay tinaguriang “early weaning food” saad pa ni Dr. Gray.
Narito ang ilang weaning recipes gamit ang itlog na maaari mong subukan, Mommy at Daddy!
Sweet potato mash with soft boiled egg and broccoli puree
Ang masarap na putaheng ito ay nagtataglay ng fiber, potassium, bitamina A, B6, omega-3s, calcium at iron. At madali lang itong lutuin sa loob ng 20 minuto.
Narito ang buong recipe.
Scrambled eggs with pea puree
Ito naman ay bagay sa mga working moms, kailangan lamang ng halos 10 minuto para ihanda.
Bukod sa sustansiyang dala ng itlog, ang peas ay may dala ring kabutihan na nakakadagdag ng sarap ng pagkain. Ito ay may taglay na dietary fiber, iron, zinc, protina, magnesium, folate, bitamin C, K, B1 at B2 at marami pang iba.
Narito ang buong recipe.
Avocado and cauliflower scrambled eggs for babies
Sa loob lamang ng 17 minuto mai-enjoy na ng iyong anak ang masustansiyang pagkaing ito na may hatid na 20 bitamina tulad ng potassium, folate, niacin, riboflavin, pantothenic acid at protina.
Narito ang buong recipe.
Junior egg fried rice
Isa ito sa paborito lutuin ng pamilyang Asyano na ginawan ng paraan na naaayon sa mga sanggol at puno ng iron, zinc, protein, dietary fiber, magnesium, folate, vitamin C, K, B1 at B2 etc
Para makuha ang kumpletong sangkap, narito ang recipe.
Poached egg on pureed peas
Sa loob lamang ng 11 minuto matitikman na ng iyong anak ang masarap na ulam na ito, dahil sa sangkap nitong greek yogurt na mayaman sa bitamina, mineral at probiotics para sa iyong lumalaking sanggol.
Tandaan kapag naghahanda ng pagkain para sa iyong pamilya, kaagad na ihanda ang lutong itlog. Kung balak namang kainin ito para mamaya, ugaliing ilagay sa refrigerator at initin bago kainin.
Huwag hayaang nakatiwangwang ang lutong itlog nang mahigit isang oras sa labas ng refrigerator.
Higit sa lahat, huwag kalimutang kumonsulta sa isang pediatrician para sa mga benepisyong hatid nito sa mga bata.
Anong luto sa itlog ang paborito ng inyong pamilya? Huwag kalimutang i-comment sa baba.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz
Sources: Farming UK, Healthline, Egg Recipes UK, Nutrition Bulletin Journal
BASAHIN: 6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!