Opisyal nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang simula ng rainy season sa bansa. Ang tanong ng maraming parents, ano ang epekto ng paglalaro sa ulan ng mga bata? Alamin ang sagot sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Benepisyo ng paglalaro sa ulan ng mga bata
- Mga dapat tandaan kung paliliguin ang anak sa rain
Larawan kuha mula sa Pexels
Benepisyo ng paglalaro sa ulan ng mga bata
Dalawa ang pangunahing season na pinagdadaanan ng Pilipinas. Una ang dry season na kadalasang nagaganap sa pagitan ng buwan ng Disyembre hanggang May. Pangalawa naman ang rainy season na kadalasan namang nagaganap sa buwan ng June hanggang Nobyembre.
Noong nakaraang linggo lamang ay maaga-agang opisyal na sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng rainy season sa bansa.
Sa ganitong pagkakataon na kung saan nais pa rin maglaro ng bata sa labas, dapat nga bang payagan pa sila na maligo sa ulan?
Mas maraming pagkakataon na tuwing tag-ulan ay pinipiling sabihan ang mga anak na manatili na lang sa bahay at doon maglaro ang kanilang mga anak. Ang karaniwang kinababahala kasi ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng sakit gaya ng ubo at sipon kung sakaling maligo sa ulan.
Ang pagkakaroon ng sipon ay walang kinalaman sa ulan, ngunit sa kabilang banda ang cold viruses na tulad na lamang ng Rhinovirus ay mas kumakalat sa panahon ng taglamig kaya mas nauuso ito sa ganitong pagkakataon.
Larawan kuha mula sa Pexels
Kaya ang pagpayag sa mga anak na maligo sa ulan dahil may dala itong benepisyo para sa kanilang development.
Narito ang ilang benepisyo na maaari nilang makuha sa paglalaro sa ulan:
- Pagkakaroon ng malikhaing imahinasyon – Lumalawak lalo ang imahinasyon ng mga bata sa tuwing naglalaro sila sa labas kasama ang mga kaibigan nagiging dahilan ito upang umunlad ang kanilang social skills dahil sa interaction na nabubuo niya.
- Pag-increase ng level ng Vitamin D sa kanilang katawan – Nadadagdagan ng paglalaro sa labas ang level ng Vitamin D sa mga bata na maaaring makapagbigay sa kanila ng mas matitibay na buto at pagkakaroon ng healthy na immune system.
- Pag-unlad ng ilang areas of development – Natutulungan ng paglalaro sa labas na maging aware sa paligid, mas maging mapag-obserba, at tumaas ang reasoning skills ng inyong mga anak.
- Mas nagiging physically active ang mga bata – Nae-encourage ng paglalaro sa labas na maging physically active ang mga bata. Mas active sila sa pisikal na health mas mababa ang tyansang maging overweight sila at magkaroon ng iba’t ibang sakit gaya ng heart disease, diabetes, at iba pa.
- Napauunlad ang motor skills nila – Sa ganitong pagkakataon nila napa-practice ang pagtakbo, pagtalon, at paggalaw ng iba pang parte ng katawan na nakapag-develop ng kanilang motor skills. Maaaring mabawasan nito ang kanilang pagiging sakitin, at pag-unlad ng kanilang balance, coordination at agility.
BASAHIN:
Rason kung bakit hindi magandang laging suhulan ang anak para mapasunod siya ayon sa mga experts
Kailan magsisimulang makabuo ng memories si baby? Heto ang sagot ng mga experts
STUDY: Pagkakaroon ng malaking pamilya, posibleng may negatibong epekto sa mga anak
Larawan kuha mula sa Pexels
Mga dapat tandaan kung paliliguin sila sa rain
Sa kabila ng mga benepisyong bitbit ng pagpapaligo ng mga anak sa ulan, tulad sa maraming araw kinakailangan pa rin ng dobleng ingat kung sakaling hahayaan sila gawin ito.
Bago payagan sila na maligo narito ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan:
- Kinakailangang may healthy na immune system ang bata upang maiwasang makakuha ng sakit sa oras ng kanilang paglalaro. Maganda kung sila ay nagte-take ng vitamins.
- Kung sila ay may kasalukuyang may iniindang sakit ay huwag nang hayaang maglaro pa at pagpahingahin na lang upang hindi na lumala.
- Siguraduhing ang suot na damit ay tama lamang para sa panahon upang iwasang lamigin sila nang sobra. Maaaring ipagamit sa kanila ang mga kasuotan na pang-ulan tulad ng waterproof na coats at bota.
- Bago payagan maglaro, siguraduhing ligtas ang environment na kanilang paglalaruan upang makaiwas sa kahit anumang disgrasya.
- Huwag hayaang lumabas sila kung ang ulan ay may kasamang kidlat, kulog o kaya naman ay malalakas na hangin.
- Mag-set lamang ng oras kung hanggang kailan sila dapat maglaro.
- I-discuss sa kanila ang ilan sa mga do’s and dont’s kung sila ay papayagang lumabas.
- Samahan sila sa labas o kaya ay tiyaking may supervision ng adults upang mabantayan pa rin sila.
- Pagtapos ng kanilang paglalaro siguraduhing mabibigyan sila ng warm bath at mapapanatiling tuyo sila matapos ang play time upang maiwasang sila ay lamigin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!