Hindi maikakaila ang pagmamahal ng mga ina sa kanilang sanggol. Ngunit alam niyo ba na kahit mga sanggol, ay nagpapakita na ng pagmamahal sa ina?
Siyempre, hindi nila ito kayang sabihin, pero naipapakita nila ito sa kanilang sariling paraan!
Heto ang mga palatandaan:
Paano ipinapakita ng mga sanggol ang pagmamahal sa ina?
Maraming paraan ang mga sanggol upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa ina!
1. Sa kanilang pag ngiti!
Ang pag ngiti ay isa sa pinaka napapansing paraan upang ipakita ng isang sanggol ang kaniyang pagmamahal sa ina. Kaya kapag madalas ngumiti sa iyo si baby, siguradong mahal na mahal ka niya, at gusto niya itong ipakita sa ‘yo!
2. Kapag ginagaya ka nila ang facial expressions mo
Madalas, hindi sinasadya ng mga baby na gayahin ang iyong mga facial expressions. Bahagi ito ng kanilang paglaki, at normal itong response kapag nakikita nila ang iyong mukha.
Paminsan, ginagamit din ito ni baby upang magpa-cute at magpapansin sa kanilang mga ina!
3. Kapag yumayakap sa’yo si baby
Lahat siguro ng sanggol ay mahilig yumakap sa kanilang mga ina! Nakakagulat kung gaano kahigpit yumakap ang mga sanggol, lalong-lalo na dahil masaya sila kapag kasama ang kanilang mommy.
Isa rin itong paraan upang ipakita ni baby ang kaniyang pagmamahal sa iyo!
4. Alam na ni baby ang amoy mo
Alam niyo ba na kahit sa murang edad ay alam na ni baby ang amoy mo? Kahit na wala ka sa bahay, basta maamoy nila ang iyong damit, o kaya kahit ang lotion o pabango mo, siguradong hahanapin ka nila!
5. Tumatahan siya kapag nariyan ka
Nagtataka ba kayo kung bakit minsan, kapag ang asawa niyo ang nagpapatigil ng pag-iyak ni baby, ay nahihirapan silang gawin ito? Pero kapag kayo naman ang gagawa nito, napakadaling gawin para sa inyo?
Ibig sabihin lang nito ay mas komportable si baby kapag kasama ka, at mayroon silang feeling ng security at safety kapag kasama nila ang kanilang ina.
6. Kinakausap ka ni baby (kahit hindi mo maintindihan)
Minsan ba ay napapansin niyo na madalas mag-babble si baby kapag kasama ka? Ibig sabihin nito ay sinusubukan ka niyang kausapin!
Gusto niyang iparamdam sa iyo ang kaniyang pagmamahal, pero hindi pa niya ito kayang sabihin. Kaya hanggang baby talk lang muna ang kaya niya.
7. Hinahalikan ka ni baby
Kahit maliit pa lang sila ay alam na ng mga baby kung ano ang ibig sabihin ng paghalik.
Kapag napapansin mo na sinusubukan ka nilang halikan o kaya humahalik sila sa iyo kapag nakayakap sa iyo si baby, ibig sabihin nito ay mahal na mahal ka ng iyong anak!
8. Hinahanap niya ang boses mo
Minsan, napapansin mo siguro na kapag narinig ni baby ang boses mo, ay agad-agad siyang lumilingon papunta sa direksyon mo. Isa itong paraan na ipinapakita nila ang pagmamahal sa ina.
Ibig sabihin nito, hinahanap nila ang boses mo, dahil nasa sinapupunan pa lang sila, kabisado na ni baby ang tunog ng boses mo.
9. Nagbubukas siya ng bibig
Madaming dahilan kung bakit nagbubukas ng bibig ang mga sanggol. Minsan dahil gutom sila, o kaya dahil iiyak sila.
Pero kapag nakabukas ang bibig nila at nag-iingay sila o nagpapacute sa iyo, ibig sabihin nito ay nagpapapansin sila! Isa rin itong paraan kung paano nila ipinapakita ang pagmamahal sa ina!
10. Kapag may paborito silang laruan
Napapansin mo ba na may paboritong laruan o stuffed toy si baby? Ang laruan o stuffed toy na ito ay simbolo ng kanilang pagmamahal sa iyo!
Kaya kahit na madumi o sira-sira na ang kanilang laruan, ayaw pa nila itong pakawalan. Ito ay dahil nagbibigay ng security nito sa kanila, at simbolo rin ito ng iyong pagmamahal sa kanila.
11. Kapag tumititig sa iyo si baby
Madalas pa nakatitig sa iyo si baby? Ibig sabihin nito na nagpapapansin sa iyo si baby at gusto niyang pansinin mo din siya.
Isa ito sa pinaka karaniwang paraan kung saan ipinapakita ni baby ang kaniyang pagmamahal sa ‘yo.
12. Umiiyak siya kapag umaalis ka
Napapansin mo ba na todo ang pag-iyak ni baby kapag umaalis ka? Ibig sabihin nito ay mahal na mahal ka niya, at kailangan niya na palagi kang kasama.
Kahit na umiiyak sila kapag wala ka, ibig sabihin lang nito ay mahalaga ka para sa kanila!
13. Natutuwa si baby kapag nariyan ka
Minsan, kahit kakapasok mo pa lang sa kwarto ni baby ay maririnig mo nang tumatawa siya, at makikita mo siyang nakangiti.
Ibig sabihin nito, naeexcite si baby na makita ka at makipaglaro sa iyo!
14. Sa iyo lumalapit si baby kapag naglalaro
Kapag naglalaro si baby, madalas mapapansin mo na palaging parang may gusto siyang ipakita sa ‘yo na laruan o kaya bagong laro.
Ipinapakita nito na nararamdaman ni baby na safe sila kasama ka, at komportable silang maglaro at maglibang basta kasama nila ang kanilang ina!
15. Narerelax si baby kapag kasama ka
Mabilis bang makatulog si baby kapag buhat-buhat mo siya? Isa itong palatandaan na mahal na mahal ka ng iyong baby.
Ito ay dahil nararamdaman nila na ligtas sila kapag nariyan ka, at wala silang dapat ikatakot. Ibig sabihin, okay lang sa kanila na kumalma at mag-relax at makatulog basta kasama nila si mommy.
Source: Baby Gaga
Basahin: “Help! I think my baby loves the maid more than me!”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!