#AskDok: Rebond pwede ba sa buntis? 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis

Alamin dito ang mga beauty treatments at products na safe at hindi sa mga babaeng nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede bang magparebond ang buntis? Pwede bang magpakulay ang buntis? Ilan ito sa madalas na itinatanong ng mga buntis na gustong manatiling beauty and attractive pa rin sa kanilang pagdadalang-tao.

Ang mga tanong na ito at iba pang tungkol sa pagpapaganda habang nagdadalang-tao ay sinagot ng OB-Gynecologist na si Dr. Ramon Reyles sa isang exclusive interview. Siya rin ang Chairperson ng Department of OB-GYNE ng Makati Medical Center.

Narito ang mga madalas na itinatanong ng mga buntis tungkol sa pagpapaganda na binigyang sagot at linaw ni Dr. Reyles.

1. Pwede bang magpakulay ang buntis ng buhok?

Ibang effect talaga ang nagagawa ng buhok sa over-all look ng isang babae. Kaya naman, maraming misis na kahit buntis na ay gustong magpakulay ng buhok para ma-maintain ang kanilang look at ganda.

Ayon kay Dr. Reyles, advisable naman daw na magkulay ng buhok ang isang buntis. Ngunit may mga bagay siyang dapat isaisip kung gagawin ito para hindi masyadong ma-expose sa mga chemicals na maaaring makasama sa kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.

Pwede bang magpakulay ang buntis ng buhok?/Hand photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

“It is advisable but make sure na maiksi lang ‘yong duration ng pagkukulay saka lesser amount of hair dye. And then mas ina-advise na ‘yong mga organic like Henna hindi ‘yong mga masyadong permanent.”

“Kung ikaw magkukulay mas safer. Kung magkukulay, dapat naka-gloves at pinakamaiksing time na mag-a-apply ng dye. Dapat rin sa well-ventilated room magkukulay. Then rinse your scalp once the dye is applied.”

“Putting the dye only to strands of hair also reduces the risk of exposure to the chemicals. Through that hindi naabsorb ng scalp ang chemicals at hindi ito mapupunta sa iyong bloodstream.”

Ito ang paliwanag ni Dr. Reyles tungkol sa pagkukulay ng buhok ng buntis, na generally ay safe naman umano. Basta iiwasan lang na mapunta ang chemicals o ginagamit na pangkulay sa kaniyang scalp o anit.

Sapagkat kung hindi, ito’y maaaring ma-absorb ng scalp, hahalo sa ito sa bloodstream at mapupunta maaaring makapunta kay baby ang mga chemicals na nasa pangkulay ng buhok. 

2. Pwede bang magpa-bleach ng buhok ang buntis?

Pagdating sa pagbi-bleach ng buhok ay mas mabuting iwasan na lang umano muna ito habang buntis, ayon kay Dr. Reyles. Sapagkat hindi tulad ng ginagamit na materials sa pagkukulay ng buhok, mas matapang ang taglay na chemicals ng mga bleaching agent. Pahayag ni Dr. Reyles sa pagpapa-bleach ng buhok ng buntis,

“Bleaching is not usually advised kasi it will damage your hair. Mas harsh kasi ‘yong mga bleaching agent. And they can enter the scalp kaya ‘wag na lang. Highlight, highlight lang. Better be safe ‘yon ang principle.”

3. Pwede bang magparebond ang buntis?

Bawal ba sa buntis ang magpa rebond? Isa pa ito sa madalas na itinatanong ng mga buntis. Para kay Dr. Reyles mas mabuting ipaalam muna sa iyong doktor kung nagbabalak magparebond at hingin ang kaniyang rekumendasyon bago ito gawin. Dagdag pa niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You just ask the hairstylist, the salon, do they use harsh chemicals no? Kung may ma-identify dun na harsh chemicals hindi siguro.

Pero rebonding itself, is just straightening the hair, usually the principle is using heat is not harmful naman. ‘Yong mga chemicals ang titingnan. Better consult your doctor before going for a rebond.”

Larawan mula sa Freepik

Rebond sa buntis

Bawal ba sa buntis ang rebond? Bukod sa sinabi ni Dr. Reyles, alamin din natin kung ano ang rebond para masagot natin ang tanong na ‘bawal ba sa buntis ang magpa rebond?’

Ang hair rebonding ay isang chemical process na isinasagawa upang matuwid ang buhok at maging malambot. Tinatawag din itong chemical straightening. Matatapang na kemikal ang ginagamit para matuwid ang buhok sa pamamagitan ng rebonding.

Karaniwang mayroong kemikal na tinatawag na formaldehyde o aldehyde ang pang-rebond. Mayroon mang mga produkto na wala umanong formaldehyde pero ayon sa Healthline, halos lahat ng relaxant formula ay nagre-release ng powerful gases na chemically similar sa formaldehyde. Tulad na lamang ng glucol at methanol chemicals.

Ang paggamit ng naturang mga kemikal sa iyong buhok ay posibleng mayroong side effects. Bukod sa general side effects nito na pagkasira at pagkatuyo ng buhok.

Ayon ulit sa Healthline, ang mga taong nagpaparebond kada lima hanggang walong linggo ay mataas ang tiyansa na magkaroon ng breast cancer. Maiuugnay raw kasi ang mga ginamit na kemikal sa disruption ng hormones.

Kaya naman, kung may history ng reproductive cancer ang inyong pamilya, makabubuting huwag nang magpa-rebond buntis ka man o hindi.

Muli, bawal ba ang rebond sa buntis? Isa ang rebond sa tinatawag na permanent straightening treatment. At kung ikaw ay buntis o inihahanda ang sarili sa pagbubuntis, makabubuting huwag na munang magpa-rebond.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung gusto mo ang tuwid na buhok, mayroong mga paraan kung saan ay hindi mo kakakilanganin ang mga produktong maraming kemikal na posibleng makasama sa iyong baby.

Larawan mula sa Freepik

Hindi lang hair rebonding ang paraan para matuwid ang buhok. Puwede mong subukan ang mga sumusunod:

  • Hair wrapping
  • At-home straightening irons o plantsa sa buhok
  • Hair rollers
  • Deep conditioning
  • Hot oil treatments
  • Professional salon blowouts

Dagdag pa rito, ayon sa Health Hub, ang mga kemikal sa hair straightening agents ay posibleng ma-absorb ng iyong scalp at dumaloy sa iyong bloodstream.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga kemikal man na madaling maalis sa bloodstream pero wala umanong sapat na pag-aaral na makapagsasabing ligtas ang mga nasabing produkto na gamitin habang ikaw ay buntis. Kaya naman, ipinapayo ng Healthhub na iwasan muna ang pagpapa-rebond kung ikaw ay buntis.

4. Safe ba ang magpa-manicure, pedicure at magpalagay ng nail polish ang buntis?

Hand photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

“They are absolutely safe, hindi naman na-absorb ‘yong mga chemicals. And the chemicals that are used are safe. Wala pa namang nalalason sa nail polish.”

Ito ang sagot ni Dr. Reyles sa katanungang ito. Pero may dagdag siyang paalala sa mga buntis o kahit sa mga babaeng hindi nagdadalang-tao sa tuwing magpapalinis ng kuko. Lalo na ngayong may COVID-19 pandemic. Payo ni Dr. Reyles,

“Whether your pregnant or not, the concern is always, is it a hygienic place. If they are not maintaining their sharps, ‘yong mga instruments baka ma-tetano pa kayo don.

And of course, since mayroong pandemic, it is better to avoid yung mga walk-in salons at nail spa. Mas maganda ‘yong by appointment para sigurado kang wala kang kasabay kung meron man malayo.”

5. Pwede po bang gumamit ng whitening products ang mga buntis?

Pagdating naman sa mga pampaputi o whitening products, may paalala rin si Dr. Reyles sa mga babaeng nagdadalang-tao. Lalo na kung ang layunin nila ay maalis ang mga pangingitim o pagbabago sa balat dulot ng pagbubuntis. Paliwanag ni Dr. Reyles,

“Ang sagot hindi safe. ‘Yong mga darkening ng skin sa ilalim ng pusod pababa ng pubic bone ‘yon ay mga temporary, tinatawag na linea nigra.

‘Yong sa kili-kili, sa side ng leeg ‘yon naman ay tinatawag na chloasma o melasma, temporary din ‘yan. Kapag natapos na ‘yong pagbubuntis mo babalik na ‘yong dating kulay.

Kaya hindi na kailangang pakialaman ‘yon kasi hormone-induced ‘yon. ‘Yong mga whitening agent kasi hindi safe sa pregnancy.”

Pwede ba ang glutathione sa buntis?

Ganito rin ang pananaw ni Dr. Reyles tungkol sa paggamit ng glutathione ng buntis na malaki ang posibilidad na ma-absorb ng balat, mapunta sa kaniyang dugo at sa sanggol na kaniyang ipinagbubuntis.

“Mas maganda huwag na lang. Although safe dapat ‘yon, kasi it is supposed to be an anti-oxidant kaso na-absorb ng liver ng nanay pati na ng liver ng baby.

(Ang) liver ng baby hindi pa functional halos until the last trimester so kung saan-saan pupunta ‘yon. And it also can interfere sa functions of enzymes ng baby. Hindi maganda.”

6. Pwede ba magpa-facial treatments ang buntis

Ayon sa Healthhub, ayos lang naman na magpa-facial treatment kung nais lang na ma-relax at mabawasan ang stress habang buntis. Pero kung gagawin mo ito para mawala ang mga tigyawat habang buntis ay hindi umano ito epektibo.  

Ang pagbabago sa hormones na dulot ng pagbubuntis ang nagpaparami sa mga tigyawat kaya hindi ito agad matatanggal sa facial treatments.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala rin na kung magpapa-facial treatment, iwasan ang mga facial products na may relaxation oil dahil posible umano itong mag-precipitate ng womb contractions.

Normal ba ang pregnancy acne sa mga buntis?

Pagdating naman sa pagkakaroon ng acne outbreak o tigyawat habang nagbubuntis wala naman daw dapat ipag-alala ang mga babae. Parte lang umano ito nang pagbabago sa kaniyang hormones at hindi dapat gumamit ng kung ano-ano para malunasan ito. Partikular na ang mga beauty products na nagtataglay ng harmful ingredients sa pagdadalang-tao.

“Maraming nakaka-experience ng acne tuwing nagbubuntis. Para silang nagdadalaga ulit, dumadami ‘yung tigyawat.

It is pregnancy hormone-induced. It’s nothing because of you are not taking care of your skin. Some will have, some will have not.

But if you develop acne while pregnant just use mild soap lang. Tapos ‘yong mga oil-free na moisturizer and healthy diet ulit.

But avoid ‘yong mga treatment ng acne na may retonic acid, tretinoin at isotretinoin. Because they have been proven to cause abnormalities sa baby at any trimester.

Basta titingnan ninyo ‘yong content ‘yung may tretinoin o isotretinoin. Worldwide, ina-advise ‘yan na huwag gagamitin at any age of pregnancy.

Ito ang paalala ni Dr. Reyles sa mga buntis. Sapagkat ang mga nabanggit na chemicals ay maaaring makasama sa sanggol. Ito’y maaaring madulot ng miscarriage, premature birth, birth defects at Intellectual and developmental disabilities sa mga baby.

7. Weight loss regime pwede ba sa buntis?

Nais mo bang manatiling petite o sexy habang ikaw ay buntis? Tandaan mommy, ang mga buntis na underweight ay posibleng magkaroon ng anak na underweight din.

Ang low birth weight sa sanggol ay maaaring magdulot ng seryosong long-term effects sa kalusugan ng bata. Alamin sa iyong doktor kung ano ang timbang na ideal para sa iyong kondisyon.

Iba’t iba kasi ang ideal weight depende sa dati mong timbang bago ka mabuntis. Ang iyong doktor ang nakakaalam kung anong timbang ang makabubuti sa ‘yo.

Tandaan din na kumain ng masusustansyang pagkain dahil kung healthy ka at healthy si baby sa iyong sinapupunan ay tiyak na mas lalo kang gaganda sa saya at pagkapanatag.

Dagdag skin care tips para sa mga buntis

People photo created by yanalya – www.freepik.com 

May dagdag na skin care tips rin si Dr. Reyles para sa mga babaeng nagdadalang-tao. Ito’y para masiguro na ligtas ang kanilang pagbubuntis at dinadalang sanggol.

“Huwag pakialaman ang acne sores. Be healthy lang, magkaroon ng healthy diet. Uminom ng maraming tubig. Avoid too much caffeine kasi maaaring makasama kay baby.

Avoid rin sugar and processed foods. Change your pillowcase and towels often. Dahil mabilis kapitan ito ng mga dumi na maaring dumikit sa iyong balat.

Avoid touching your face. Bawal din ‘yong pang-COVID. If you wear make-up, before you sleep, wash it out. Consult with your doctor kung may binili kang over the counter treatment kung safe ba ito o hindi.”

Ito ang mga paalala mula kay Dr. Reyles na dapat ay isaisip at tandaan ng buntis para sa kaligtasan niya at kaniyang dinadalang sanggol.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.