Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi inakala ang isang magandang biyayang darating saking buhay dahil wala naman akong tipikal na nararanasan na sintomas ng pagbubuntis. Noong September 2018, nalaman ko na apat na buwan na pala akong buntis. My Son is unexpected, because I was diagnosed with PCOS or Polycystic Ovary Syndrome last October 2018.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pregnancy journey ni Shanina
- Mga pinagdaanan ni Shanina sa kaniyang pagbubuntis
- Pinagpapasalamat ni Shanina
Ang hindi ko inaasahan na pagbubuntis
Larawan mula sa iStock
Sinabi ng aking OB baka mahihirapan ako magkaroon ng baby at possible na magkaroon ako ng cyst. Pinayuhan ako ng aking OB na kinakailangan ko ng magpa-check up buwan-buwan at niresetahan niya rin ang ng mga gamot na aking iinumin. Simula nang maging busy ako sa aking trabaho, nakakalimutan ko madalas ang pag-inom ng aking mga gamot at magpa-monthly check up.
Sumapit ang August 2019, nang tinanong ako ng aking superieor kung bakit umano ang takaw ko. Tinanong din niya ako kung hindi ba ako buntis. Ako naman ay todo tanggi dahil nasa isip ko lamang ay mayroon akong PCOS. Kaya naman malabo na ako’y buntis. Saka regular ang aking menstruation. September 2019 nang sa hindi inaasahan na pagkakataon ang aking dalawang kasamahan ay inanunsyo na sila’y nagdadalang-tao. Nagkwento sila sa mga “kaya pala” experiences nila. Halimbawa, kaya pala naduduwala sila lagi, kaya pala ayaw ko ng amoy ng ginisa, kaya pala lagi akong gutom, at iba pa. Sa panahon na iyon, iyon din aking nararamdaman at nararanasan. Wala talaga akong tipikal na nararamdaman na sintomas ng pagbubuntis.
Nang malaman kong ako’y buntis
Hindi tipikal na sintomas ng pagbubuntis.
Kaya naman nagpasiya akong mag-take ng pregnancy test kit para makasiguro ako kung buntis din ba ako o hindi. Para lubos talaga akong makasigurado bumili ako ng dalawang pregnancy test kit. Nakita ko na sa parehas na pregnancy test kit ay positive. Mayroong dalawang pulang linya.
Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala, naisip ko na baka hindi naman ito totoo. Baka mayroong sira ang test kit, kaya naman bumili ulit ako ng isa pang test kit iyong mas mahal pa. Parehas ulit na nagpositive. Kinabukasan, rest day ko sa trabaho at nagpunta kami sa OB ng aking asawa. Matapos ang procedures na ginawa ng aking OB (nagpalit ako ng OB sa ilang mga dahilan). Kinumpirma niya na tatlong buwan na akong nagdadalang-tao at mag-aapat na buwan na nga umano akong buntis.
Pregnancy struggles
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noon nang malaman kong buntis pala ako. Pero ang pinakamahala’y may baby ako, nagbuntis ako. Inasahan namin na darating siya at isisilang ko siya noong March 2019. Nang sumapit ang February 2019 medyo nahirapan na ako sa pagpasok sa aking trabaho. Dagdag pa ang marami kong iniinda katulad na lamang acid reflux, hirap sa paghinga at nakaranas din ako ng light bleeding o spotting.
BASAHIN:
Charlote’s pregnancy journey, alamin ang kaniyang kwento
My twin pregnancy journey in the midst of lockdown
Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
February 18, nang mag-request na ko na mag-maternity leave, dahil kinailangan kong mag-bed rest at ang aking expected delivery ay first week ng March. Dumating ang February 20, 10:33am, hindi ako mapakali dahil may lumalabas na naman na dugo sa akin. Kaya naman dahil sa sobrang pag-aalala ko hindi ko pa man due, nag-isip na ako na bakay may mangyari sa aking baby habang nag-iintay ng aking due.
Ang aking pinagpapasalamat
Habang nag-iintay ako nagdadasal ako na sana ay ayos lang si baby at siya’y healthy. Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, ipinasok na ako sa operating room, 4:33 pm nang maisilang ko si Baby Austin via cesarean section dahil kinailangan nilang tanggalin ang aking cyst.
Lubos ang aking pagpapasalamat sa aking asawa na laging naririyan upang suportahan at tulungan ako. Pati na rin sa aking OB because he, (opo GE po talaga) make sure na ayos kami ng aking baby at successful ang pagtanggal sa aking cyst. Siyempre lubos din ang pagpapasalamat ko sa DIyos. dahil healthy ang aking baby at ngayon nga’y nag- 5months old na siya.