Spotting sa buntis vs bleeding: 8 dahilan kung bakit dinudugo ang buntis

Marami ang nababahala na nanay kapag nakaranas sila ng spotting sa pagbubuntis. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari at dapat bang ikabahala? | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Spotting sa buntis, narinig niyo na ba ito, moms? Karamihan sa atin ay kinakabahan agad kapag nakakakita ng dugo na lumalabas sa ating katawan. Ngunit paano pa kaya kapag buntis si mommy at bigla itong dinugo? Doble ang kaba at pag-alala sa kanila!

Kaya naman, sa artikulong ito ating pag-usapan kung ano ang spotting sa buntis. Normal ba ang spotting sa buntis? Anu-ano ang mga sintomas ng spotting sa buntis?

Ano ang spotting sa buntis?

Ang spotting sa buntis ay normal at kadalasang nararanasan ng ating mga preggy moms. Ngunit hindi ibig sabihin ay kailangan na itong ipagsawalang bahala dahil hindi lahat ay ganito ang sitwasyon. May iba na senyales na pala ito ng seryosong komplikasyon at kung hindi maagapan, maaaring maging banta sa kaligtasan ni baby sa tiyan.

Bleeding o spotting? Ano ang spotting sa buntis?

Ano nga ba ang pagkakaiba ng bleeding o spotting? Parehong pwedeng mangyari ang dalawa anumang oras sa loob ng iyong pagbubuntis.

Ano ang itsura ng spotting sa buntis?

Ang spotting ay inilalarawan ng magaan o mild bleeding. Ito ay kung kaunting patak lang ng dugo ang makikita sa iyong underwear. Sa madaling salita, ang sagot sa tanong na ano ang itsura ng spotting sa buntis ay kaunti lang ang pagdurugo at hindi nito mapupuno ang isang panty liner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang bleeding ay inilalarawan ng matinding pagdurugo. Maaring mapuno ng dugo ang panty liner o napkin at parang tuluy-tuloy ang pagdurugo.

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

Spotting sa buntis normal ba?

Para malaman natin kung normal ba ang spotting sa buntis, mahalagang alamin natin kung bakit ba nakararanas ng spotting ang isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Spotting sa buntis normal ba? Narito ang mga rason kung bakit dinudugo ang babae habang siya ay buntis.

1. Implantation bleeding

Hindi lahat ng babae ay nakakaranas ng implantation bleeding. Ngunit kung ikaw ay dinugo, maaaring isa itong senyales ng pagbubuntis sa unang mga buwan. Nangyayari ang implantation bleeding kapag ang embryo ay pumupunta sa pader ng iyong uterus. Normal ito sa mga nagbubuntis at hindi dapat ikabahala.

Sintomas ng spotting sa buntis dulot ng implantation bleeding

Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, iba ang kulay at mas kaunti ang pagdurugo na sanhi ng implantation bleeding kaysa sa mga spotting na delikado para sa isang buntis.

“Usually kasi ‘yong implantation bleeding is paler and lesser in amount compared to the other forms of bleeding that we consider should cause an alarm.” 

Kadalasang light pink o dark brown ang dugong lumalabas sa ‘yo rito. Hindi mo na kailangang gumamit ng sanitary pad dahil hindi naman ito malakas at kusa na lamang nawawala.

Paalala rin ni Dr. Lapitan, dapat kumonsulta ang buntis sa kaniyang doktor upang masiguro na ang spotting na kaniyang nararanasan ay implantation bleeding.

“It would be best to inform your OB-GYN, because she will examine you and get your history if it’s really implantation bleeding and not anything else.”

Ang mga sumusunod ay ang sanhi naman ng vaginal bleeding sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang araw tumatagal ang spotting dulot ng implantation bleeding sa buntis? 

Ayon sa Cleveland Clinic, ang implantation bleeding ay tumatagal lamang ng hanggang dalawang araw. Kagaya rin ng sinasabi ito ay light bleeding lamang at hindi naman dapat ikabahala.

2. Ectopic pregnancy

Isa sa sintomas ng ectopic pregnancy ay mahina hanggang sa malakas na pagdurugo. Ito ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay nasa labas ng uterus. Maaaring maranasan rin ang ibang sintomas katulad ng:

  • Panghihina
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng balakang
  • rectal pressure

Kung sakaling nakakaranas ka ng pagdurugo at mga sintomas na nabanggit habang nagbubuntis, ipagbigay-alam agad sa iyong doktor.

3. Pregnancy loss o miscarriage

Ito na yata ang pinakakinatatakutang trahedya ng mga nanay sa kanilang pagbubuntis. Walang magulang ang nais mawala ang kanilang pinakamamahal na anak.

Ang pagdurugo ay isang karaniwang sintomas ng pregnancy loss na sinasamahan ng pananakit ng balakang. Narito pa ang ilang sintomas ng miscarriage na kailangan mong bantayan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pananakit ng likod
  • Paglabas ng tissue sa iyong ari
  • Pagbaba ng timbang
  • Paglabas ng puting mucus
  • Contractions

Kinakailangang magpatingin agad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sintomas na ito para magkaroon ng agarang lunas ito at hindi tuluyang maging delikado.

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

4. Placenta previa

Malaki ang ginagampanang papel ng placenta sa baby dahil ito ang nagsisilbing buhay ng fetus sa loob ng ating sinapupunan. Ang placenta ang kumukonekta sa blood vessels ng sanggol at nanay. Sa blood vessels dumadaan ang lahat ng nutrisyon na kinakain ng nanay at diretso itong dumadaloy sa placenta patungo sa baby.

Nangyayari ang placenta previa kapag ang placenta ay nakaharang o bumabara sa cervix, na siyang opening ng uterus, kung saan dumadaan palabas si baby. Delikado ang kondisyong ito habang labor at maaring magdulot ng komplikasyon sa iyong panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinakailangang tutukan ang mga nanay na may placenta previa. Bukod sa spotting, maaari kang makaranas ng contractions o paninigas at paninikip ng tiyan dahil sa kondisyong ito. Mayroon ding nakakaranas ng sakit na umaabot hanggang likod.

Kung naging matindi ang pagdurugo, pwedeng maging maputla, hinihingal at may mababang pressure ang buntis na may placenta previa. Sa unang senyales pa lang ng pagdurugo na may kasamang contractions, kumonsulta na agad sa iyong doktor.

5. Pagbabago ng cervix

Habang lumalaki si baby sa iyong tiyan, lumalaki rin ang iyong lining ng cervix at ito ay nagiging sensitibo. Kaya naman asahan ang pagdudugo lalo na pagkatapos magtalik. Mas mabuting itanong ng personal sa iyong doktor ang mga rason ng iyong spotting sa pagbubuntis.

6. Molar pregnancy

‘Di pangkaraniwan ang kondisyon na ito kung saan ang fertilized egg na na-implant sa iyong uterus ay naging tumor imbes na fetus.

7. Cervical polyps

Maaari ring magdulot ng pagdurugo kapag nagkaroon ka ng noncancerous growth sa iyong cervix. Posible itong dumugo dahil sa pagtaas ng level ng estrogen sa iyong katawan.

8. Subchorionic hematoma

Ito ang pagdurugo ng isa sa mga membranes na nakapalibot sa embryo. Karaniwan din namang gumagaling ito nang kusa.

Mga pagkain na nagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol o miscarriage

Kapag ikaw ay buntis, talagang doble ang ingat na ginagawa para mapanatili ang kaligtasan niyo ng iyong anak. Kabilang nga sa pag-iingat na ito ay ang pag-alam sa mga pagkain at inumin na bawal sa buntis. Narito ang mga pagkaing maaaring magdulot ng pagkakunan:

1. Kape at iba pang caffeinated drinks

May ibang doktor na nagsasabing okay lang na uminom ng black coffee, tea at soft drink ang isang buntis. Ngunit tandaan, ito ay hindi pwede sa lahat. Kung ang iyong pagbubuntis ay sensitive, mas makakabuti kung iwasan mo muna ang mga caffeinated drinks.

Kung ang iyong doktor naman ay binigyan ang approval na uminom ng kape o tea sa isang araw, laging isaisip lamang na ang caffeine ay diuretic.

Ibig sabihin ay madaling makapagpalabas ng fluid sa iyong katawan. Kaya mas mabuting uminom ng maraming tubig para na rin mapunan nito ang mga fluid na nilababas dahil sa caffeine.

2. Madumi at hindi hugas na pagkain

Ugaliing hugasan ang mga pagkaing ihahain. O kaya naman lutuin ito nang mabuti. Hindi ito namamalayan ng lahat ngunit may masamang epekto din sa pagbubuntis ng isang babae ang hindi hugas o hundi lutong pagkain.

3. Hilaw na pagkain

Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby.

Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

4. Raw egg

Maraming pagkain ang kalahok ay hilaw na itlog. Ngunit alam mo ba na ito ay maaaring sanhi ng salmonella? Ang mga sintomas nito ay pananakit ng tiyan at pagtatae. Kapag nakaramdam ka na parang may iba sa tiyan mo, hindi maaalis sa isang buntis ang makaramdam ng stress o pagkabahala.

Iwasan na ang hilaw na itlog na maaaring makapagdulot ng salmonella.

5. Isda na may mataas na mercury content

May benefits sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.

Ayon sa Mayo Clinic, ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackarel o tile fish.

Mga paraan para maiwasan ang miscarriage

Karaniwan nakukunan ang isang buntis nang dahil sa genetic abnormalities sa fetus, at walang ano mang paraan para maiwasan ang pagkalaglag kung genetic abnormalities ang dahilan. Pero hindi lahat ng miscarriage ay sanhi ng genetic abnormalities.

Bukod sa pag-iwas sa pagkonsumo ng mga nabanggit na pagkain at inumin sa itaas, narito ang ilan pang dapat tandaan para maiwasan ang miscarriage o maiwasang makunan.

  • Tiyaking may nakokonsumo kang sapat na folic acid sa araw-araw. Kumonsulta sa doktor at alamin kung kailangan mo bang mag-take ng folic acid supplement para mapanatili ang malusog na kondisyon habang nagbubuntis.
  • Mag-ehersisyo. Mayroong mga magagaang exercise na puwede mong gawin kahit ikaw ay buntis. Maaari ring tanungin ang iyong healthcare provider kung anong klaseng mga exercise ang puwede sa buntis.
  • Hindi lang sapat na umiwas sa mga ipinagbabawal na pagkain. Kailangan ay kumain din ng mga pagkaing masusustansya. Tiyaking well-balanced ang iyong pagkain.
  • Iwasan ang stress. Talagang mahirap itong gawin lalo na at pabago-bago ang mood ng buntis dahil sa pagbabago sa hormones. Pero hangga’t maaari iwasan ang mga stressor dahil makasasama ito sa inyo ni baby.

  • Panatilihin ang malusog na timbang. Maaaring itanong sa iyong doktor kung ano ang normal o ideal na timbang para sa iyong kondisyon. Magkakaiba kasi sa bawat babae ang ideal na timbang habang buntis.
  • Umiwas sa secondhand smoke at lalong huwag maninigarilyo.
  • Tiyakin na updated ang iyong bakuna o immunization para maiwasan ang pagkakasakit habang buntis at mapanatili ang malusog na kalagayan niyo ni baby.
  • Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng ano mang medication lalo na ‘yong mga over-the-counter medications.
  • Iwasang makilahok sa mga sport kung saan may mataas na tiyansa na ikaw ay magka-injury. Halimbawa ay mga contact sports at skiing.
  • Laging magsuot ng seat belt kapag sumakay sa iyong sasakyan.
  • Umiwas sa radiation at sa mga kemikal tulad ng arsenic, lead, formaldehyde, benzene, at ethylene oxide.
  • Iwasan ang mga environmental hazards tulad ng X-rays at mga infectious diseases.

Mga dapat tandaan kapag may spotting

Gaya ng nabanggit, kumonsulta agad sa iyong doktor kapag nakaranas ng pagdurugo habang nagbubuntis. Narito pa ang ibang bagay na dapat tandaan:

  • Alamin kung gaano katindi ang pagdurugo. Spotting lang ba ito o bleeding na? Ilang panty liners o napkin ang napupuno sa loob ng isang araw?
  • Pansinin din ang kulay ng dugo. Maaring mahalaga ang impormasyon na ito sa iyong doktor para malaman niya kung anong sanhi nito.
  • Iwasang gumamit ng mga vaginal douche, tampons at makipagtalik kapag nakaranas ng pagdurugo habang nagbubuntis.

Tawagan ang iyong doktor at dumiretso na agad sa ospital kapag nagbubuntis at nakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

Paalala ni Dr. Lapitan, kapag mayroon kang agam-agam o katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong doktor.

“When in doubt – in everything that you feel and see in your baby, it’s best to see an OB-GYN. Don’t leave it to yourself. It’s best that they can see you so that you really have a doctor’s advice when in doubt, especially the first time moms.”  

Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano