X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bukod sa tipid sa tuition fee: 4 benefits for parents kapag scholar ang inyong anak

4 min read

Narito ang ilang benefits kung bakit magandang kuhanan ng scholarship ang anak para sa kaniyang tuition for college.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Scholar ang anak? 4 benefits ng hindi pagbabayad ng tuition fee
  • 5 ways para maturuan ang anak na makapag-ipon ng pera

Scholar ang anak? 4 benefits ng hindi pagbabayad ng tuition fee

piggy bank - tuition ng anak

Malaki ang maitutulong ng scholarship para sa tuition ng iyong anak sa college. | Larawan mula sa Pexels

Pagtatapos sa pag-aaral ang hiling ng halos lahat ng parents for their kids. Kaya nga ito ang major na pinaghahandaan nila habang bata pa ang kanilang mga anak. Base sa pinakabagong survey, humigit kumulang nasa 66 percent ng mga magulang na may anak na edad 16 hanggang 18 ang nag-aalala para sa college education ng kanilang kids.

May mga magulang na gumagawa o nag-oopen talaga ng bank account na nakalaan para pag-ipunan for their studies. Mayroon ding pinapasok ang insurance at iba pang ways na alam nilang sigurado na ang future ng anak when it comes to education. Of course, mayroon ding hindi kinakaya ang pag-iipon, kaya nauuwi ito sa paghihinto pagdating sa college.

Habang patagal nang patagal kasabay ng inflation ay tumataas din ang presyo ng tuition. Lalong bumibigat ang halaga nito sa paglipas ng panahon. Isa sa ginagawang solusyon ng parents ay ang pagpasok sa kanilang anak sa scholarship programs.

Tumutukoy ang scholarship sa financial support, award o recognition sa isang estudyanteng mayroong na-achieve. Sa mga program, karaniwang nagre-require sila ng minimum na grades upang ma-consider na ipasok dito. Iba-iba ang paraan ng pagbibigay nito sa tao, mayroong pinansya, employment experience at iba pa.

Dahil tuloy dito marami ang nahuhumaling na ipasok ang kanilang anak sa program. Para lalong ma-encourage na suportahan ng anak na maging scholar, narito pa ang ilang benefits na mayroon ito:

inabot na diploma - tuition ng anak

4 benefits ng pagiging scholar sa tuition ng iyong anak | Larawan mula sa Pexels

Pagkakaroon ng financial literacy

Magandang opportunity ito para buksan ang pagtuturo sa anak tungkol sa pinansyang matatanggap niya sa scholarship. Kasama na diyan ang pagba-budget, pagtatabi ng pera, at pagseset ng goal sa mga nais niyan ma-achieve.

Maaaring simulan ang usapan sa kung ano ang tunay na kaya mong maiambag para sa kanyang pag-aaral. Posible kasi itong maging simulain upang magkaroon kayo both ng idea kung paano matutustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Siguraduhin din na pareho kayo ng plano ng iyong partner kung hindi ka man single parent. Best chance itong matutunan nila ang tungkol sa finance na makakatulong sa kanilang life skills.

Nakakapagbigay ng empowerment sa kanila

Ang pagsusuporta sa kanila na makapasok sa scholarship ay daan upang malaman nilang empowered silang tao. Nangangahulugan kasi itong mayroon silang kayang abutin na success sa kanilang murang edad. Lalo lang silang mamo-motivate to work hard at abutin pa ang iba sa kanilang dreams and goals.

Pagiging responsableng estudyante

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon magsasama kayo ng iyong anak. Kinakailangan niyang maturuang matututong tumayo sa sarili niyang paa. Kung mapababayaan kasi silang parating inaabot o sinusubo ang lahat sa kanila, posibleng magkaroon sila ng entitlement sa maraming bagay.

Sa scholarship, nagkakaroon sila ng sense of responsibility na mag-aral nang mabuti upang mamaintain ang pagkakaroon nito. Malalaman nilang kailangan nilang magkaroon ng motibasyon na pagbutihan pa at ma-achieve ang gusto academically. Unti-unti rin nilang nali-learn ang responsibilities in life na helpful for them into adulthood.

Pagkakaroon ng strong personality

Along the way, dahil sa alam nilang may kakayahan silang mag-contribute sa kanilang pag-aaral, marami silang personality na mai-improve. Matutunan nila ang maraming bagay katulad na lang kung paanong ang kanilang actions ay nabibigyan ng reward. Maaari nila itong madala haggang sa pagbubuild nila ng career in real word.

5 ways para maturuan ang inyong kids na makapag-ipon ng pera

Very helpful na skills ang pagba-budget ng pera para sa kids. Lahat ng ginagalaw ngayon ay kailangan ng pera, kaya magandang  marunong kang humawak at mag-manage nito. Habang bata pa sila good thing na unti-unti nilang malaman ang kahalagahan ng budgetting. Lalo kung kailangan nila matutunang pag-ipunan ang tuition nila sa college.

Kaya narito ang ilang ways upang maturuan silang makapag-ipon ng kanilang sariling pera:
  • Magkaroon ng conversation parati patungkol sa pagma-manage ng pera kahit pa pahapyaw.
  • Hayaang makinig sila sa ilang financial literacy sa podcast, Youtube, at iba pang means na maaari silang matuto.
  • I-explain ang kahalagahan ng scholarship at iba pang reward for their college tuition.
  • Subukang paghawakin sila ng pera upang malaman nila kung paano ito nababudget in real life.
  • Give healthy communication at hayaang sagutin ang kanilang mga katanungan in most healthy way.

Psychology Today

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Bukod sa tipid sa tuition fee: 4 benefits for parents kapag scholar ang inyong anak
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

    #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

    #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.