Air purifier Philippines: Narito ang mga air purifiers na mabibili mo online. Pati na ang mga special features ng mga ito na beneficial para sa buong pamilya.
Air purifier Philippines: Top 10 brands
1. Imarflex IAP-150 Air Purifier (P3,000)

Available in Lazada
Ang Imarflex IAP-150 air purifier ay maliit ngunit isa sa pinaka-poweful na air purifier na mabibili online. Dahil maliban sa purifier functions nito ay maari rin itong gamitin bilang humidifier. May aroma function rin ito at very economical.
Gumagamit ito ng 3 filters. Ang pre-filter, HEPA filter at advanced carbon filter na naglilinis ng hangin. Ang 3 level filtration system nito ay nagtatanggal ng airborne particles tulad ng dust, pet dander, pollen at mababahong amoy sa inyong paligid. May washable filter rin ito na sumasala ng malalaking particles sa hangin. Kaya naman hindi na kailangan pang magpalit ng HEPA filter nito ng madalas. Matipid rin ito sa kuryente na nagcoconsume lang ng 5 watts of energy. Mabibili rin ito sa napaka-murang halaga.
Ang Imarflex IAP-150 air purifier ay maliit o portable. Kaya naman advisable lang itong gamitin sa mga maliliit na kwarto dahil sa ang coverage nito ay aabot lang sa 15sqm wide area. May kalakasan rin ang tunog na inilalabas ng air purifier na ito na mas malakas pa sa nagagawa ng air conditioner.
2. Whirlpool AP 636 W (P15,998)
Available in Lazada
Kung may kalakihan naman ang kwarto o bahay na nais pagamitan ng air purifier, ang Whirlpool AP 636 W ang isa sa brand ng purifiers na maaring bilhin. Ang coverage area ng air purifier na ito ay aaabot sa 37sqm. Ito ay mayroong 6th sense power shield filtration system na gumagamit ng HEPA filter. May variable program option rin ito, degermation, ionizer function, filter cleaning indicator at air quality level indicator. Washable rin ang pre-filter nito at may backlight.
May kamahalan nga lang ang air purifier na ito. Ngunit pagdating sa performance at laki ng sakop ay perfect ang Whirlpool air purifier sa bahay ninyo.
3. Sharp FP GM30EB (P13,998)

Available in Lazada
Ang Sharp FP air purifier ay may HEPA filter na kayang sumala ng 99.9% ng air particles. Maliban sa sinisiguro nitong malinis ang hangin sa loob ng bahay ay tina-trap rin nito ang mga lamok at iba pang insekto. Ito ay sa pamamagitan ng UV lights na nagmumula sa air purifier na nag-aattract ng mga insekto at saka hihigupin ito papasok sa sticky sheet sa loob ng purifier. Ang makapal at high quality na HEPA at carbon filter nito ay kayang tumatagal ng halos 24 oras depende sa kung gaano kaalikabok ang inyong bahay.
4. Crane Shark 5 Stage Purifier (P5,999)
Available in Lazada
Ang Crane Shark air purifier ay perfect para sa kwarto ng mga bata. Una dahil sa nakakatuwang disensyo nito. At pangalawa dahil sa 5-stage cleaning process nito. Ito ay ang pre-filter, True HEPA filter, active carbon, photocatalyst filter at germicidal UV light. Ang mga ito ay sinasala at pinapatay ang germs at bacteria sa hangin upang masiguro na ito ay malinis at fresh.
Very safe rin ito dahil sa ito ay mayroon tip over switch at auto-shutoff safety sensor na maproprotektahan ang buong pamilya mula sa aksidente. Dagdag pa ang 3-speed control nito na may mahinang ingay na inilalabas kapag gumagana. Kaya naman perfect itong gamitin sa kwarto ng mga baby o bata. Dahil sinisiguro nito na mahimbing ang tulog at malinis ang hangin na nalalanghap niya.
Maliban sa shark design aty mayroon ring penguin design ang air purifier na ito na may coverage na hanggang 150 sq ft.
5. BlueAir 205 Air Purifier (P22 495.00)
Available in Lazada
Ang BlueAir air purifier ay inirerekumenda sa mga nakakaranas ng sinus problems, asthma at allergy. Ganoon rin sa nakakaranas ng chronic skin conditions tulad ng eczema. Dahil ang purifier na ito ay may high filtration system. Ang HEPA Silent feature nito ay nililinis ang airborne pollutants sa tahimik na paraan. Maaari ring makontrol ito kahit ikaw ay nasa malayo sa pamamagitan ng BlueAir app. Sa pamamagitan ng app ay makikita mo rin kung gaano nito nililinis ang hangin mula sa allergy at asthma triggers.
Maliit man kung titingnan ang air purifier na ito, ay may kamahalan naman ang presyo.
6. Airfree P150 Air Purifier (P24,500)
Available in Lazada
Tulad ng BlueAir purifier, ang Airfree purifier ay inirerekumenda ring gamitin ng mga may allergy at asthma. Dahil sa ito ay may impressive filterless technology na pinapatay at nililinis ang mga mold, dust mites, bacteria, viruses, pollens at iba pang organic allergens sa hangin ng hindi gumagamit ng kahit anumang filter.
Hindi rin nag-iemit ng ozone o mapanganib na emission ang Airfree P150. Wala itong ionizer, UV light at ozone generator kaya makakasigurong environment-friendly rin ito. Tahimik rin ito o hindi naglalabas ng malakas na ingay hindi tulad ng ibang purifiers. Ang lahat ng features na nabanggit ay makukuha sa isang lightweight at portable na air purifier na may kamahalan nga lang ang presyo.
7. Xiaomi Mi Air Purifier 2 (P5,990)
Available in Lazada
Pagdating naman sa disenyo at performance, ang Xiaomi Air Purifier ay isa sa pinipili ng marami. Ito ay may smart features na nagbibigay ng real time monitoring at timer schedule. Ito ay may 3 filter system at gumagamit ng H11-grade HEPA filter. Kaya nitong maglinis at mag-alis ng PM2.5 particles, dust, indoor plant pollen, pet fur at iba pang harmful contaminants sa hangin. Puwede ring i-connect ang Xiaomi purifier sa iyong smartphone para ma-monitor ang pollution sa hangin sa iyong paligid. Sa kabila ng smart features ng Xiaomi air purifier ay affordable ito. Ang filter nito ay kailangang palitan kada 6 na buwan. Ngunit ito naman ay madaling gawin at mabibili sa mi.com bagamat may kamahalan.
8. Midea MAP-076GD Air Purifier (P29,990)

Available in Lazada
Para naman sa paglilinis ng mga balahibo ng alagang hayop tulad ng aso at pusa, ang Midea Air Purifier ang inirerekumendang gamitin. Ang compound filter nito ay binubuo ng pre-filter, HEPA filter at active carbon filter na naglilinis ng hangin. May ionizer rin ito na nagdidisperse ng negative ions sa buong kwarto. Dito ay kumakapit ang mga alikabok, pollen, smoke particle at iba pang airborne bacteria saka ito bumabagsak sa sahig. Sa ganitong paraan ay nalilinis ang hangin na iyong nilalanghap. May aromatherapy feature din ito na nakakatulong na maibsan ang strain at stress.
9. UV Care Clean Air 6-In-1 Air Purifier (P15,000)
Available in Lazada
Ang UV Care Air purifier ay gumagamit ng 6 layers ng filtration system. Ito ay ang washable pre-filter, 99.97% true HEPA filter, activated carbon, photocatalyst filter, UV-C Lamp, at negative ions. Kaya naman siguradong malilinis ng air purifier na ito ang hangin sa loob ng inyong bahay. May child lock function rin ito para hindi makutkot ng maliliit na bata. Mayroon rin itong PM 2.5 sensor na kayang sumala ng mga particles na 2.5 microns o mas maliit pa ang laki. May timer at sleep function rin ito. Malawak rin ang coverage ng UV Care Clean purifier na umaabot ng 30 sq meters.
10. Bionaire Air Purifier (P6,650.00)
Available in Lazada
Ang Bionaire Air Purifier ay may True HEPA filtration system na kaya ring sumala ng 99.9% ng airborne allergens. May Arm & Hammer filter rin ito na nag-aalis ng common household odors. Washable din ang filter nito at compatible sa lahat ng aer1®ready air purifiers. Sa mura nitong presyo ay masisiguro ang malinis na hangin sa loob ng inyong bahay habang matahimik itong nagtratrabaho. Ang area coverage nito ay aabot lang sa 20sq meters.
Source:
Breathe Quality, Product Nation
Basahin:
Humidifier vs Diffuser: Anong dapat mong bilhin para sa bahay?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!