X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Panganganak ni Arny Ross, nauwi sa CS: "Kahit ano na, basta malabas ko na si baby!"

6 min read

Ibinahagi ng GMA-7 actress na si Arny Ross Roque sa kaniyang Instagram na inaabangan na nila ang paglabas ng baby nila ng kaniyang husband na si Franklin Banogon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Arny Ross kinailangang i-CS para maisilang ang kaniyang baby boy
  • Arny Ross to her husband: “Napakaswerte ko, sana maging tulad mo ang baby natin”
  • Franklin Banogon kay Arny: Huwag kang mag-alala, hahawakan lang kita”

Arny Ross kinailangang i-CS para maisilang ang kaniyang baby boy

Hindi biro ang pinagdaanan ni Arny Ross para maisilang ang kaniyang first baby. Ito’y dahil ang balak nilang spontaneous vaginal delivery, nauwi sa caesarean section.

Kwento ni Arny, bandang 11 pm ay pumutok na ang kaniyang panubigan. At 4 am naman ay nagsimula na ang kaniyang active labor.

“Shocks sobrang sakit na, oras-oras pasakit ng pasakit lalo, parang naghihiwalay ‘yong katawan mo sa sakit. ‘Di ko na alam gagawin ko, ‘di na ko mapakali, kakayanin ko pa ba to kako, parang hindi na!”

Dinala na siya sa labor room para lagyan ng anesthesia, at ayon sa kaniyang Obstetrician ay good naman daw ang progress ng kaniyang panganganak.

“So I thought, okay na, tuloy-tuloy na ‘to, kayang kaya ko ung epidural. Natakot lang ako nung una. Tuloy-tuloy ang contractions. Wala na din ako halos maramdamang sakit, excited na ko ilabas si Baby!”

Ngunit biglang sinabi ng mga doktor na mayroong problema dahil may nakita raw silang non-reassuring traces’ sa kaniyang baby.

Sinubukan ng mga doktor na ayusin ang problema, ngunit nagdesisyon sila na i-CS na lang si Arny.

“Sabi ko nun sa isip ko kahit ano na, basta malabas ko na si Baby! Good thing din kasi, his head was said to be malpositioned and he was 3.5kg!!!!”

Pasalamat naman si Arny na nakaya niya ang panganganak at ngayon ay kapiling na niya si baby na pinangalanan nilang Jordan Franco.

“We are so happy now that we are with our little one! After 9 months of carrying our Baby, after all the pain during my labor, ito na siya. Yakap yakap ko na!”

Arny Ross to her husband: “Napakaswerte ko, sana maging tulad mo ang baby natin”

Proud na ibinahagi ni Arny Ross sa kaniyang Instagram ang pag-aalaga sa kaniya ng husband na si Franklin Banogon. Sa Instagram post at stories ni Arny Ross, makikita ang pagsuporta ng asawa habang hinihintay ang delivery ng kanilang baby.

Sa isang post sa IG, sinabi ni Arny Ross na pangiti-ngiti lamang siya pero ang totoo ay kabado na siya sa pagle-labor. Nagpasalamat ang aktres sa mga magulang at sa ate niya na siyang ring OB niya. At syempre hindi nakalimutan ni Arny Ross na pasalamatan ang kaniyang supportive husband.

“Sa asawa kong lahat na ginawa para tanggalin ung kaba ko, paulit ulit akong pina practice sa breathing exercise para sa labor ko, you’re the best hubby mahal ko.”

arny on hospital bed

Larawan mula sa Instagram account ni Arny Ross

Kwento pa ni Arny Ross, first time niya raw na na-ospital. Simula bata pa siya ay takot siya na ma-ospital pero ngayon aniya ay hindi na niya pwedeng takasan dahil kailangan para sa kaniyang baby boy.

Sa kahiwalay naman na Instagram story ay nagbiro ang aktres sa kaniyang ate na kung maaari lang daw sana na paggising niya ay nasa tabi na niya agad ang anak.

“Sana ganoon kadali ano? Basta nandiyan ka, kampante ako! Push kaya ko ‘to! Para kay Baby!” saad ni Arny Ross.

Flex naman ni Arny Ross sa kaniyang husband na si Franklin Banogon, nakapaswerte niya umanong misis. Grabe raw kasing mag-alaga si Franklin na halos akuin na nito ang lahat. Sa loob umano ng siyam na buwan ng kaniyang pagbubuntis ay todo ang pag-aalaga nito sa kaniya at halos lahat ay ito na ang gumagawa para sa kaniya.

“Napakaswerte kong Mrs…Wala akong masabi sa lalaking ‘to! Sana maging katulad mo ang Baby natin. Salamat sa lahat mahal ko!”

arny ross with her husband

Larawan mula sa Instagram account ni Franklin Banogon

Matatandaang nagsimula bilang “college crushy” ang samahan ng dalawa bago nauwi sa romantikong relasyon.

Nagkakilala sina Arny Ross at ang husband niya noong nag-aaral pa sa De La Salle University Dasmarinas. Kapwa AB Communication students ang mga ito at miyembro ng college band si Franklin.

Taong 2019 nang na-engaged ang dalawa at ikinasal noong 2021. Early 2022 nang inanunsyo ng mga ito na ilang buwan nang buntis si Arny Ross at ngayong Agosto 2022 naman ay isinilang na nga ang kanilang baby boy.

Franklin Banogon kay sa asawa: “Huwag kang mag-alala, hahawakan lang kita”

Hindi rin naman nagpahuli si Franklin Banogon sa pagpost sa Instagram ng pinakahihintay na pagdating ng baby nila ni Arny Ross. Sa Instagram post ng husband ni Arny Ross, makikita ang picture nilang dalawa bago manganak ang aktres.

Ani Franklin, nag-selfie raw muna sila bago manganak ang asawa dahil baka mamaya ay hindi na nila malaman ang itsura dahil sa mga kaganapan. Kalakip din ng post ang picture kung saan ay nagkukulot pa si Arny Ross. Sabi ni Franklin para daw awra pa rin ang aktres habang umiire. Saad naman ni Arny Ross, bored lang daw siya at nililibang niya lang kaniyang sarili habang kaya niya pa.

Binalita rin ni Franklin Banogon na patuloy nilang minomonitor ang heart rate ng baby at contraction ng matris ni Arny Ross.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Sa kahiwalay na post naman ay makikita ang mga kamay nila na magkahawak, kalakip ang mensahe ni Franklin para kay Arny Ross.

Marami na umano silang pinagdaanan at lahat ay kinaya nila.

“Ikaw, ako, nandyan si Lord kasama. Wag ka mag-alala, hahawakan lang kita,” saad ng husband ni Arny Ross.

arny ross with husband

Larawan mula sa Instagram account ni Franklin Banogon

Saad ni Franklin, alam niyang deep inside ay mixed emotions ang nararamdaman ng misis niya dahil hindi nila alam kung ano ang inaasahan. Hindi pa tiyak kung normal delivery ba o caesarean section ang magaganap na panganganak. Pero naniniwala naman umano siya na ano man ang mangyari kakayanin ito ng asawa.

“Thank you, through our entire pregnancy journey sobrang fighter mo. Ngyon, alam kong makakayanan mo.”

“Whatever it takes, kahit anong mangyre, we’re gonna be fine. Kasama ntin si Lord. Makakaraos tayo ng maayos.”

arny ross photoshoot

Larawan mula sa Instagram account ni Arny Ross

Noong nakaraang araw nga lamang ay nagpost pa ng maternity photos si Arny Ross kung saan ay tila Greek Goddess at Greek God silang mag-asawa. Saad ni Arny Ross sa maternity photo na pinaskil nito sa Instagram, “Ito na Daddy. Papunta na tayo sa exciting part #39weeks.”

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Local celebs
  • /
  • Panganganak ni Arny Ross, nauwi sa CS: "Kahit ano na, basta malabas ko na si baby!"
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.