This story is based on my experience, I'm 23 yeard old and kabuwanan ko na.
So here it goes..
Sana magustuhan niyo ang aking kwento.
Way back May 2018, so umuwi ako ng bahay sa Las Piñas para mag pacheck up sa clinic. (BTW sa Laguna na kami nakastay kasi dun nakatira si hubby). Pagkadating ko sa bahay (Las Piñas) may dumalaw agad na kapit bahay. Hinimas ung tiyan ko ng walang pasabi. So ako dedma lang. After nun dumeretso na ko ng clinic. Pacheck up na. Sabi ng midwife, 2cm na and may dugo na din an lumabas sakin. Anytime pwede na kong manganak sabi gn midwife, maglakad lakad na daw po para matagtag. I thought lahat ay magiging smooth lang. After that, 7 days akong pabalik balik sa clinic, naglalakad lang ako para matagtag, medyo malayo layo din ang lalakarin . Sabi ng midwife makunat daw ang cervix ko at di pa ko open cervix. Binigyan niya ako ng prime rose. Hanggang sa 7 days na di pa din ako nanganak. Sabi ng nanay ipapatawas niya daw ako, so pinatawas ako gamit lang ang pangalan ko. Lumabas sa tawas na inaswang daw po ako. Bilin po ng albularyo eh ung tinawas sakin ay ilagay sa punda ng unan ko sa bandang ilalim. So nilagay ng nanay. After 15 mins, lumabas si baby. Tandang tanda ko un. 10:00 nilagay ni nanay ung tinawas sa unan ko, 10:15 lumabas si babay) Hindi ko alam kung coincidence lang ang nangyari o inaswang ba talaga ako that time . Pero nagpapasalamat ako ng healthy si Baby upon delivery ❤️ ngayon 4 years na si Little one and I have second baby. Always thanking God for all the blessings that He gave. ❤️ Ingat mga mamsh 💞💗
PS:
Kaya mga mamsh, wag na magpahawak ng tiyan lalot di natin lubos kilala. God bless.
(Photo not mine)
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!