Ano ang baby sign language?
Mahalagang malaman ang sign language para sa iyong baby. Nais mong matukoy niya na ikaw ay nagpapasalamat? Narito ang mga dapat mong tandaan!
Sa pagpapalaki ng baby, marami ang kailangan mong tandaan. Mula sa oras ng kanilang pagtulog, mga dapat o hindi dapat kainin, mga tamang vitamins na iinumin at marami pang iba. Sa dami nito, maaaring malito na si mommy. Lalo na kapag biglang umiyak si baby at hindi mo alam ang dahilan!
Baby sign languages: Mga dapat mong malaman tungkol dito | Image from Unsplash
Karamihan sa mga bata ay nagsisimulang magsalita pagsapit ng 12 months nila. Ngunit bago ito, may mga pagkakataon na may gustong sabihin sa’yo ang anak mo ngunit hindi gamitang verbal na salita. Maaaring may sinasabi na sa’yo ang anak mo pero hindi mo napapansin.
Baby sign language: Mga dapat mong malaman tungkol dito
May pagkakaiba ang ASL o American Sign Language na ginagamit ng mga walang kakayahan makarinig sa sign language para sa mga baby.
Dahil sa sign language na ito, maaaring masabi mo ang salitang ‘thank you’ , ‘gusto mo pa?’ o kaya naman ‘nasaan?’
Baby sign languages: Mga dapat mong malaman tungkol dito | Image from Unsplash
Narito ang mga benepisyo ng sign language sa baby:
- Pagtaas ng IQ
- Maaaring bumaba ang tiyansa ng pag-iyak
- Bonding ng nanay at baby
- Maaaring makatulong ito para maaga niyang matutunan ang salita
- Maaaring makatulong ito para maaga siyang matutong magsalita
Ang mga nanay na marunong mag sign language ay nakakatulong ng mabilis sa kanila para makapag-communicate ng maayos.
Paano turuan ng sign language ang mga baby?
Maraming mga uri ng sign language ang kailangang matutunan ni baby. Ngayon, kung nais mong magkaroon ng faster communication kay baby, narito ang mga dapat mong ituro sa iyong anak:
Baby sign languages: Mga dapat mong malaman tungkol dito | Image from Unsplash
Maglaan ng 5 minutes araw-araw para turuan ng sign language ang iyong anak.
|
Meaning |
Sign |
Pakiusap |
Ilagay ang palm sa dibdib at i-rub ito pa-clockwise. |
Saan? |
Itaas ang palad |
Kakain na |
Ipuwesto ang mga daliri sa bibig |
Iinom ka? |
Ipwesto ang thumb sa bibig |
Tubig |
I-rub ang dalawang kamay sa isa’t isa |
Takot |
Tapikin paulit-ulit ang dibdib |
Libro |
Gamit ang mga palad, ipagtabi ito sa isa’t isa at gawaing parang libro na sumasara at bumubukas |
Source:
Healthline
BASAHIN:
Dapat bang mabahala kung hindi pa nagsasalita si baby?
5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan
STUDY: 6 epekto sa bata kapag sinisigawan siya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!