Alam nating, may benepisyong taglay ang pagkakaroon ng 2nd language ng iyong anak. Ngunit bakit nga ba mahalagang matuto ng ibang wika ang ating mga chikiting?
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga benepisyo ng pag-aaral ng pangalawang wika
- Pag-aaral kung bakit mahalagang matuto ng ibang wika ang bata
- 3 tips kung paano turuan ng ibang wika ang iyong anak
Bakit mahalagang matuto ng ibang wika ang iyong anak? | Image from Shutterstock
Ang pagkakaroon ng ablidad na makapagsalita ng iba pang wika ay makakatulong sa iyong anak para magkaroon ng maayos na komunikasyon sa mas malaking bilang ng tao. Bukod pa rito, maganda ito sa pagpapabuti ng kanilang cognitive skills.
Marami na ang sumang-ayon sa konseptong ito, na ang pagsasalita ng dalawang wika ay makabubuti sa kanila.
Isa na riyan ang mamamahayag at celebrity mom na si Diana Ser. Ineenganyo niyang mag-aral pa ng pangatlong lenggwahe ang kaniyang mga anak.
Maaaring maisip mo na masyado pang maaga para matuto ng ibang lenggwahe ang iyong anak. Ngunit ayon sa bagong pag-aaral na nakalimbag sa Scientific Reports, napagalaman na mas magandang matuto ng bagong salita ang isang bata habang maaga pa lamang.
BASAHIN:
STUDY: Paglalaro ng manika, may positibong epekto sa mga bata!
STUDY: Pagiging malapit ng ama sa cesarean babies, may benepisyong taglay sa kanila
Depress na mommy habang buntis? Maaaring makasama ito sa development ng iyong sanggol
Bakit mahalagang matuto ng ibang wika: Mga benepisyo
Isang pagkakamali ng ibang magulang na kusang matututo ng ibang lenggwahe ang kanilang anak habang lumalaki. Ngunit kailangang tandaan na importanteng bigyan sila ng oras na matuto ng ibang kakayahan pa nila. Mas mabuting maaga ito.
Sa katunayan, napagalaman ng mga mananaliksik na ang mga taong lumaki na may dalawang magkaibang lenggwahe ay mas mabilis magbago ang pakikitungo sa isang aktibidad kumpara sa ibang huli na nang matuto ng pangalawang wika.
Ang mga batang lumaki sa bilingual homes ay mas mabilis matuto at i-adapt ang sarili sa hindi komplikadong pagbabago ng kanilang paligid.
Bakit mahalagang matuto ng ibang wika ang iyong anak? | Image from Unsplash
Bukod pa rito, ang adaptation na ito ay umpisang matututunan mula pagkabata at madadala hanggang paglaki.
“This adaptation may help them to take advantage of multiple sources of visual information, such as mouth movements, facial expressions and subtle gestures, ultimately helping them to learn multiple languages.”
Dagdag pa ni Dean D’Souza sa Gulf News ng Anglia Ruskin University sa UK.
Paano nila nakuha ang resulta nito?
Ang pag-aaral na ito ay kinabibilangan ng 127 na matatanda at hinati sila sa dalawang eksperimento.
Para sa unang eksperimento, may ipinanood na pictures ang mga researchers sa mga participants. Saka ito magbabago habang ang ibang litrato ay mananatilihing pareho.
Ang resulta? Mas unang napansin ng mga “early bilingual adults” ang pagbabago kaysa sa mga “late bilinguals”,
Sa pangalawang eksperimento, napagalaman naman na mas kontrolado ng early bilingual adults ang kanilang atensyon kung ikukumpara sa late bilinguals.
Para sa buod ng pag-aaral na ito, napagalaman ng mga researcher ng pag-aaral na ito na mas mabilis sa ibang task ang early bilingual adults at “disengaging attention and detecting the difference between two visual stimuli than late bilingual adults.”
Bakit mahalagang matuto ng ibang wika ang iyong anak? | Image from Unsplash
3 tips kung paano turuan ng ibang lenggwahe ang iyong anak
Kung balak mong turuan ang iyong anak ng ibang lenggawahe, narito ang tips para sa iyo mommy!
1. Turuan sila ng maaga
Gaya ng ilang pag-aaral sa usaping ito, mas magandang umpisahang turuan ng ibang wika o lenggwahe ang iyong anak habang sila ay bata pa lamang.
Sa paraang ito, mas magiging dalubhasa sila sa wikang kanilang sinasanay habang lumalaki.
2. TV shows at cartoons
Malaki rin ang impluwensya ng pinapanood ng ating mga anak katulad ng TV shows at cartoons na pambata. Karamihan sa kanila ay salitang ingles ang wika.
Hindi man ito naiintindihan ng iyong anak, maganda pa ring pagsasanay ito para maging pamilyar sila sa ibang wika.
3. Magsimula sa basic
Upang matutunan ng iyong anak ang kaniyang pangalawang wika, kailangan natin itong umpisahan sa basic. Katulad na lamang kapag maglalaro, makikinig ng music, pagbibilang at pag-aaral ng iba’t-ibang kulay! “Ang ingles ng kulay pula ay red.” “Ang hugis ng laruan na ito ay round.”
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!