Noong araw ang beef kare-kare recipe ay considered na putahe para lang sa mga espesyal na okasyon. But not anymore!
Today, bahagi na ito ng regular lunch or dinner fares sa ilang households. It has become so common that kare-kare has evolved into so many variations.
Bukod sa pinaka-tradisyonal na ang ginagamit na main ingredient ay tripa (tripe) at iba pang laman-loob ng baka, iba’t ibang klaseng kare-kare na ang matitikman ngayon sa iba’t ibang lugar.
Some people don’t mind going through the trouble na magbusa pa ng malagkit na bigas at saka ito babayuhin sa almires para maging powder. At ito ang gagamiting pampalapot sa beef kare-kare recipe. I, personally, do this. Pero kung hindi niyo gustong magpakapagod pa sa paggawa nito, you may use a slurry of store-bought malagkit powder, cornstarch or all-purpose flour. | Photo: iStock
Easy to make Beef Mechado recipe na mae-enjoy ng buong pamilya!
Nilagang Baka Recipe: Ang pinakasimpleng beef ulam ng mga Pinoy
Beef Bulalo Recipe: Mainit na sabaw para sa malamig na panahon
Special Beef Kare-Kare Recipe
May seafood kare-kare na may sugpo, tahong, pusit. Kare-kareng pata ng baboy. Chicken kare-kare. Oxtail kare-kare gamit ang buntot ng baka. Fish head kare-kare na gamit ang ulo ng malalaking isda tulad ng maya-maya.
Makaka-order ka pa nga ng Vegetable Kare-kare sa isang popular na bakeshop na nagse-serve din ng kanin at ulam set meals!
Although paborito ko ang kare-kare, about a year ago lang ako natutong magluto nito. Dati, whenever I have the hankering for kare-kare, kumakain na lang ako nito sa restaurant o sa karinderya. Depende sa available budget ko at any given time.
Kasi nga, available naman siya mula sa pinaka-sosyal na fine dining restaurant hanggang sa karnihan sa kanto.
Ang salitang kare-kare ay isang Kapampangan term.
Ang ibig sabihin ay kopya ng kaari-kaari ng mga taga-India na ang ibig sabihin ay curry. Pero sa ibang Asian countries, ang ibig sabihin ng kare ay sauce.
Dito sa Pilipinas, ang kare-kare is a rich savory stew na may malapot na peanut sauce na pinapula ng atsuwete. Sadyang tinitimplahan ito na medyo matabang. Lagi kasi itong may kasamang “sawsawan” na ginisang bagoong alamang na siyang magbibigay ng alat.
Hitik din sa gulay ang rekado nito, which includes petchay, sitaw, talong, repolyo at puso ng saging.
Pinagtatalunan pa up to now kung sino ba talaga ang “nag-imbento” ng kare-kare. May claim ang mga Kapampangan na sa kanila daw nagsimula ang original Kari.
Pero ayaw naman magpatalo ng mga Tagalog. Using locally available na mga sangkap, sa kanila daw ang nagsimula ng ni-“revise” nilang kaari ng mga Indian Sepoy soldiers. (Parte ng British troops ang Indian soldiers na naiwan dito sa Pilipinas noong Battle of Manila matapos di manalo sa mananakop nating Spaniards).
Maaari ring gumamit ng bagnet sa kare-kare recipe! Kung ayaw n’yo nang mag-gisa ng sarili ninyong bagoong alamang, marami namang mabibili sa mga supermarket na gisadong bagoong na nasa jar.
Beef Kare-Kare Recipe
Mga Sangkap para sa Beef Kare-Kare Recipe (Ingredients):
- 1 kutsarang glutinous rice (malagkit) powder na tinunaw sa tubig
- 3 kutsarang mantika
- 1 tasang kakang gata ng niyog
- 5 butil ng bawang, pinitpit at hiniwa nang pino
- 1 medium sibuyas na puti, chopped
- ½ tablespoon annatto powder (atsuwete)
- 1 kilong oxtail (buntot ng baka), cut into large chunks, pressure-cooked na
- 3 tasang tubig
- 1 beef buillon cube
- ½ tasang creamy peanut butter
- 1 piraso puso ng saging, cut into big chunks
- 2 pirasong talong, sliced diagonally 1 tali ng petchay
- 1 tali ng sitaw, cut in 1 inch length
- 1 maliit na repolyo, cut into quarters
Paraan ng Pagluluto (Procedure):
1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas for a few minutes. Then ilagay ang annatto powder. Haluin. Lutuin for a minute more.
2. Ihalo ang pinalambot na oxtail. Haluin.
3. Ibuhos ang tubig. Ilagay at tunawin ang beef cube. Pakuluin for five minutes.
4. Ilagay ang peanut butter. Takpan. Simmer for 25 minutes.
5. Lusawin ang malagkit (glutinous rice) powder sa ¼ cup tubig. Ihalo sa beef at haluin mabuti. Cook for five minutes hanggang sa lumapot ang sabaw.
6. Ilagay ang gata. Mix well.
7. Ilagay ang mga gulay. Unahin ang puso ng saging at sitaw. Cook until tender.
8. Ilagay ang repolyo and cook for a few minutes. Add talong at petchay. Takpan at patayin na ang apoy.
9. Serve with ginisang bagoong alamang.