Huwag maliitin ang dilaw na halamang gamot na ito! Alamin rito ang mga benepisyo ng luya sa katawan at iyong kalusugan.
Ang luya ay ang isa sa pinakamasarap at pinakamasustansiyang pampalasa. Isa itong namumulaklak na halaman na nagmula sa bansang China. Halos katulad nito ang turmeric, cardomon at galangal sa itsura at sa lasa.
Kilala itong natural na halamang gamot na ginagamit na noong una pang panahon. Nakakatulong ito umano sa digestion, nausea, panlaban sa trangkaso, sa sipon at marami pang iba.
Isa rin ito sa hindi nawawalang sangkap sa mga lutong Pinoy dahil sa kakaibang lasa at amoy nito na nagbibigay gana sa pagkain. Maaaring gamitin ito ng fresh, dried, powdered, oil o kaya naman ay juice. Makikita rin ito minsan sa mga processed foods o kaya naman ay sa mga produkto ng cosmetics.
Kabilang din ang luya sa Zingiberaceae family kung saan kabilang rin ang tumeric cardamom, at galangal. Ang rhizome na nasa bandang bahagi ng stem o ugat ng luya ay kadalasang ginagamit bilang spice.
Ayon sa mga pag-aaral, ang luya rin ay may anti-inflammaroty at antioxidant properties. Nakakatulong din umano ito upang mabawasan ang oxidative stress na resulta ng sobrang free radicals sa katawan ng isang tao.
Aalamin pa natin ngayon ang iba pang benepisyo ng luya sa ating katawan. Pero bago ang lahat, dapat tandaan na ang home remedies gaya ng pag-inom o pagkain ng luya ay hindi maaring ipalit sa mga gamot kapag may sakit. Mas mahalaga pa rin na kumonsulta sa isang doktor at sundin ang kaniyang payo at reseta.
Talaan ng Nilalaman
Mga benepisyo ng luya sa katawan
1. Ang luya ay nagtataglay ng substance na kung tawagin ay gingerol na may taglay na powerful medicinal properties.
Ang amoy at lasa ng luya ay nagmumula sa natural oils nito at ang isa sa mga ito ay ang tinatawag na gingerol.
Ito rin ang main bioactive compound sa luya na may taglay na powerful medicinal properties. Tulad ng anti-inflammatory at antioxidant properties na kailangan ng ating katawan.
2. Epektibong gamot ito sa nausea o pagduduwal gaya ng morning sickness sa mga buntis.
Ayon sa pag-aaral, ang 1-1.5 grams ng luya ay makakatulong para makaiwas sa iba’t ibang uri ng nausea o pagduduwal. Kabilang na rito ang sea sickness, chemotherapy-related nausea, nausea na dulot ng surgery at morning sickness ng mga buntis.
Bagamat ito ay isang natural na halamang gamot, ipinapayo na makipag-usap muna sa iyong doktor bago magkonsumo ng malaking halaga ng luya kapag buntis.
Sapagat sa paniniwala ng ilan, ang sobrang pagkonsumo ng luya ay maaaring magdulot ng miscarriage o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.
3. Nakakatulong ito para maibsan ang pamamaga at pananakit ng muscles.
Isang pag-aaral naman ang nagsabing ang 2 grams ng luya sa isang araw sa loob ng 11 days ay makakatulong para maibsan ang muscle pain.
Hindi man ito magdudulot ng mabilisang epekto, nakakatulong naman ito para mabawasan ang pamamaga ng mucles lalo na ang dulot ng pag-eehersisyo.
4. Ang inflammatory effects ng luya ay nakakatulong din para sa mga may osteoarthritis.
May isang pag-aaral ang nagsabing ang isa luya sa mga benepisyo nito ay kapag inihalo sa mastic, sesame oil at cinnamon ay epektibong pampawala ng sakit at stiffness na dulot ng osteoarthritis kapag ipinahid sa balat.
5. Ang luya ay may powerful anti-diabetic properties.
Ang isa pang kahanga-hangang luya benefits ay ang pagpababa nito ng blood sugar levels sa katawan na nagpababa rin sa tiyansa na magkaroon ng heart disease ang isang tao.
Ayon nga isang 2015 study, ang 2 grams of luya sa isang araw ay nagpababa ng blood sugar ng hanggang 12%.
6. Nagagamot din ng luya ang chronic indigestion at iba pang sakit sa tiyan.
Ang chronic indigestion ay ang pabalik-balik na sakit sa gawing itaas na bahagi ng tiyan. Ito ay dahil umano sa mabagal na pagkatunaw ng pagkain na nagdudulot ng mabagal o delayed na pagdumi.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 24 na malulusog na indibidwal, natuklasang ang 1.2grams ng ginger powder bago ang kumain ay nakakapagbilis ng digestion at pagdumi ng 50%.
Samantala, ang pagkain ng ginger soup naman ay nakakapagbilis ng digestion o pagdumi mula 16 to 12 na minuto.
7. Mahusay rin ang luya bilang pain relief para sa dysmenorrhea.
Kung ikaw ay nakakaranas ng dysmenorrhea ay maaaring subukan ang pag-inom ng luya o pagkain ng luya dahil nakakatulong ito upang mawala ang pananakit ng puson dulot ng regla o menstruation.
Ang isang gram ng ginger powder kada isang araw sa unang tatlong araw ng regla ay maaaring makapagpabawas ng sakit na dulot ng dysmenorrhea. Tulad ng epekto nagagawa ng mefenamic acid at ibuprofen, ayon sa isang pag-aaral.
8. Pinababa rin ng luya ang cholesterol level ng katawan.
Sa isang 45-day study sa 85 na taong may high cholesterol natuklasan na ang 3grams ng ginger powder ay nagdudulot ng significant reduction ng cholesterol markers o pagbaba ng cholesterol sa katawan ng tao.
Sinuportahan ito ng isa pang pag-aaral sa hypothyroid rats na kung saan natuklasan na ang ginger extract ay nagpapababa ng LDL cholesterol tulad ng nagagawa ng gamot na atorvastatin.
9. Ang luya ay may taglay na substance na nakakatulong para makaiwas sa sakit na cancer.
Ang ginger extract din ay itinuturing na alternative treatment para sa uncontrollable growth ng mga abnormal cells sa katawan.
Sa isang pag-aaral na ginawa sa 30 individuals, nakitang ang 2grams ng ginger extract kada araw ay nakakabawas ng pro-inflammatory signaling molecules sa ating colon.
Nagtataglay rin ang luya ng 6-gingerol substance na may anti-cancer properties na maaaring panlaban sa pancreatic cancer, breast cancer at ovarian cancer.
10. Na-iimprove din ng luya ang brain function at pinoprotektahan ito laban sa Alzheimer’s disease.
Ayon sa mga pag-aaral, ang anti-oxidants at bioactive compounds na taglay ng luya ay pinipigilan ang inflammatory responses na nagaganap sa utak. Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at age-related brain function decline.
Isang pag-aaral rin na ginawa sa 60 middle-aged women ang nagsabing ang ginger extract ay nakakapagpaganda ng brain function. Sa pamamagitan ito ng pag-improve ng reaction time at working memory nito. Maiiwasan rin nito ang paging makakalimutin.
11. Mahusay na panlaban din sa impeksyon ang luya.
Ang active ingredient ng luya na gingerol ay mabuting panlaban din sa mga impeksyon. Sapagkat pinipigilan nito ang pagdami ng iba’t ibang uri ng bacteria.
Pinaka-epektibo ito bilang panlaban sa mga oral bacteria. Lalo na sa mga may kaugnayan sa mga inflammatory diseases sa gums gaya ng gingivitis at periodontitis. Ang fresh ginger din ay mahusay na panlaban sa RSV virus na nagdudulot ng respiratory infections.
12. Nakakatulong din ito sa sakit sa lalamunan.
Mahusay rin ang luya bilang home remedy para sa mga masasakit ang lalamunan. Sa pag-inom ng salabat o ginger tea kapag masakit ang lalamunan, natutulungan nitong maibsan ang sakit.
13. Maaaring makatulong para pumayat
Ayon sa ilang mga pag-aaral ang luya ay nakakatulong para ma-reduce ang body weight ng isang tao. Lalo na ang kaniyang waist-hip at hip ratio. Makakatulong ito para sa mga taong overweight o nakakaranas ng obesity.
Ginger tea para sa ubo
Ayon nga sa Healthline, ang luya ay nakakatulong para maibsan ang ubo at pananakit ng lalamunan. Nare-relax kasi nito ang airways o daluyan ng hangin sa ating lalamunan.
Paano ba gumawa ng tsaa mula sa luya? Balatan lang ang luya at humiwa ng 3 piraso ng luya (tig-1 inch ang laki). Ilagay ito sa isang kaldero kasama ang 4 tasa ng tubig.
Pakuluan sa loob ng 15 minuto at salain at palamigin ng kaunti bago inumin. Maaari mo ring haluan ang ginger tea ng 1 slice ng lemon at isang kutsaritang honey.
Marami rin namang nabibiling pre-made na ginger tea sa mga supermarket.
Hindi lamang isang superfood, isa pang benepisyo ng luya ay madali itong hanapin o mabili kahit saan. Mula sa pinakamalapit na tindahan, palengke o kaya naman ay grocery store.
Mayroong mga produkto na may taglay na ginger extracts gaya ng mga supplements na makakatulong sa ‘yo laban sa mga sakit.
Maaari rin itong itanim at madali rin itong patubuin kahit sa inyong likod bahay o mga paso. Makakatipid ka na at magiging healthy pa ang iyong katawan.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.