Sa isang kisap ng iyong mata ang iyong anak ay halos limang taong gulang na: 4 taon 10 buwang gulang. Malapit ng matapos ang kanyang mga araw sa Kindergarten at a-attend na siya sa primaryang paaralan. Sa edad na ito, ang iyong anak na 4 na taon 10 buwang gulang ay may halos ganap na developed na utak, kaya mas magagawa na niyang maunawaan ang mas kumplikadong konsepto.
Sa artikulong ito, tutuklasin natin ang mga milestones ng 4 na taon 10 buwang gulang para malaman kung ang iyong anak ba ay nasa tamang track. Dapat mo ring tandaan na ang bawat bata ay nagde-develop sa sari-sarili nilang rate o pace. Kung kaya’t marahil na-hit na nila ang ibang milestones o marahil makamit nila ang kanilang mga milestones sa ibang oras o edad.
Pagmasdan ang iyong anak hangga’t maaari at kung mapapansin mo ang anumang mga red flags, ang pinakamahusay na pagpipilian ay palaging makipag-usap sa iyong pedyatrisyan.
4 taon 10 buwang gulang milestones: On track ba ang iyong anak? | Source: Pixabay
Development ng 4 Taon 10 Buwang Gulang at Milestones: Subaybayan ang progreso ng iyong anak
Pisikal na development
Ang development ng iyong anak ay paghahanda para sa kanila lalo na kung magsimula na silang mag-aral. Sa yugto na ito, ang iyong anak ay dapat naabot na niya ang mga milestones na ito:
- Gustung-gusto ang pisikal na aktibidad tulad ng pagsasayaw, paglukso, pagtakbo, at pag-skip.
- Pinagtibay ang mas nakakatanda na posture kapag nagtatapon at nakakuha ng bola.
- Nakikihalubilo sa mga aktibidad na nangangailangan ng hand-eye na koordinasyon.
- Tumpak at mahusay na paggamit ng simpleng mga tools tulad ng gunting.
- Nagiging higit na pisikal sa iba pang mga bata (na maaaring kabilang ang panunulak, pagiging magaspang, pakikipaglaban).
- Higit pang malapad na kamalayan.
- Nakatayo sa isang paa ng higit sa 10 segundo.
- Nagso-somersault at hop.
- Sumasakay ng tricycle o bisikleta.
Ito ang panahon na ang ilang mga baby teeth ay nagsimulang mahulog o mabungi, na nagbibigay ng puwang para sa mga permanenteng ngipin. Gayunpaman, ang karamihan sa mga bata ay hindi nawawala ang kanilang mga baby teeth hanggang pagkatapos ng edad na lima.
Maaari mong asahan na ang iyong anak ay lumaki o tumaas ng 6cm sa kurso ng isang taon at makakuha din ng timbang na 3kg sa parehong panahon. Ang iyong anak ay maaari ring magpakita ng kaunting pagkadismaya patungo sa pagkain na kanilang kinakain.
Mga tip:
- Kung hindi mo pa sinimulan ang iyong anak sa mga extra-curricular activities, ito na ang pinaka-magandang edad para rito. Ang pagpunta sa mga klase sa labas kasama ang isang grupo ay magbibigay sa kanila ng mas magandang paghahanda bago pumasok sa paaralan. Ang dance class ay isang mahusay na paraan upang hikayatin ang kanilang spatial awareness.
- Bigyan ang iyong anak ng maraming espasyo at oras upang gumalaw-galaw at galugarin ang kanilang kakayahan. Dalhin ang mga ito sa mga parke na may nagbi-bisikleta o mga klase ng Zumba para sa bata o sa isang jungle gym upang gugulin ang kanilang lakas.
- Ang iyong anak ay gumagaya sa iyong pag-uugali sa pagkain, kaya kung hindi sila nakakakuha ng sapat na timbang at sustansya sa kanilang pagkain, maaaring dahilan ay sa kung ano ang nakikita nila sa kanilang mga magulang. Sikaping i-minimize ang pagda-diet sa harap ng iyong mga anak sa edad na ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay kumakain ngunit hindi tumataas ang timbang o tumatangkad, dapat mong suriin sa doktor kung mayroong anumang mga isyu sa kanyang kalusugan.
Dapat mo ring i-raise ang ang iyong concern kung ang iyong anak ay:
- Anti-social at tumatanggi na lumahok sa anumang aktibidad.
- Ay nagsimulang mawalan ng enerhiya at nagmimistulang “tamad.”
4 taon 10 buwang gulang milestones: Alin sa mga pisikal at kognitibo na development milestones ang kaniya nang na-hit? | Source: Pixabay
Kognitibong development
Sa edad na ito, ang iyong anak ay sasagot na pabalik sa iyo madalas. Iyon nama’y hindi isang masamang bagay. Ito ay nagpapakita ng maraming mga kritikal na kakayahan sa pag-iisip at development. Kapag mayroon kang pakikipag-talastasan sa iyong anak sa edad na ito, ang mga ito ay naga-absorb na ng mga konsepto at bumubuo ng kanilang sariling mga opinyon.
Maaari ka ring makarinig ng higit pang mga reklamo tungkol sa sakit sa tiyan, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, at iba pa. Ito ay dahil mas nagiging aware na sila sa kanilang mga katawan.
Habang mayroong isang buong spectrum ng mga skills na kinukuha nila sa edad na ito, narito ang ilang mga kognitibong development milestones na maaari mong suriin:
- Nasisiyahan ang iyong anak sa pagbabasa sa kanyang sarili.
- Siya ay may mahusay na ng pakikipag-ugnayan sa kanyang mga saloobin at argumento.
- Ang iyong anak ay nangungusisa na tungkol sa lahat.
- Nagpapahayag na siya ng mga ideya nang malinaw at nagbibigay na ng mga nauukol na halimbawa.
- Ang iyong anak ay nagsasalita na ng mga mas mahahabang pangungusap.
- Ang oras ng paglalaro ng iyong anak ay may mas marami ng pagro-role play at mas naninimdim na sa mas mga tunay na buhay na mga sitwasyon.
Mga tip:
- Bigyan ang iyong anak ng maraming materyales sa pagbabasa na naaangkop sa kanyang edad.
- Kumuha ng mga aklat na may mga nagra-rhyme, mga tula at riddles upang aliwin ang iyong anak at i-stimulate pa ang kognitibong development niya.
- Subukan ang memorya ng iyong anak ng mga larong pang-memorya.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng mabagal na progreso pagdating sa pagbabasa at pagvo-vocalize nang kanilang mga saloobin, maaaring ipagbuti na kumonsulta sa isang espesyalista upang masubukan ang kanilang kognitibong development.
4 taon 10 buwang gulang milestones: Ang social development ay importante sa edad na ito. | Source: Pixabay
Social at emosyonal na development
Ang iyong maliit na social butterfly ay marahil umuusbong na ngayon. Sa edad na ito, maraming mga bata ay hindi na nahihiya na ipahayag ang kanilang mga damdamin, kahit na sa paligid ng mga estranghero.
Ang iyong anak ay alam na rin ngayon na ang mundo ay hindi umiikot lamang sa kanya. Dapat na rin nilang makuha ang damdamin at wika ng ibang tao base sa kanilang body language.
Sila ay mas malamang na magtapon ng di-makatuwirang tantrums dahil mas mahusay na nilang napro-proseso ang kanilang sariling damdamin, habang natututunan nila kung paano ipahayag ang mga ito sa isang epektibong paraan.
Sa yugtong ito, ang iyong 4 taon 10 buwang gulang ay dapat ng:
- Nasisiyahan sa oras ng paglalaro kasama ang mga kaibigan at marahil sinusubukan ang kanyang mga aksyon ay makakadala ng kaligayahan sa iba.
- Nauunawaan ang pagbibigay o pagshe-share at panuntunan ng mga laro.
- Sumusunod sa mga tuntunin na itinakda mo.
- Maging mas independent.
- Nagpapahayag ng kanilang mga sarili gamit ang mga salita sa halip na pagtatapon ng tantrums.
- Tukuyin ang kanilang pagka-competitive—sila ay maaaring maging mas mapag-kumpitensya o mas higit pa kaysa sa dati.
Mga tip:
- Ang mga play dates sa edad na ito ay may magandang idudulot sa iyong mga anak. Dalhin ang mga ito sa labas upang magkaroon ng bagong mga kaibigan pati na rin sa mga mayroon na sila. I-expose ang mga ito sa iba’t-ibang kultura at kasanayan upang palawakin ang kanilang mga horizon.
- Sa edad na ito, ang nakabalangkas na paglalaro ay makakatulog sa paghubog sa iyong anak para sa paghanda sa kanya sa pag-aaral o sa primaryang paaralan.
- Pahintulutan ang iyong anak na ipahayag ang kanilang sarili gamit ang mga salita, kahit na sila ay nagagalit o frustrated.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng alinman sa mga senyales na ito, maaaring ito ay isang pahiwatig ng pagkaantala sa development. Sa kaso na ito, dapat dalhin mo sila sa doktor. Narito ang ilang mga palatandaan upang malaman ang mga ito:
- Ang iyong anak ay lubhang natatakot, mahiyain, o agresibo.
- Siya ay lubhang nababalisa kapag nahiwalay mula sa isang magulang kahit na ito ay sa isang maikling panahon pa lamang.
- Siya ay madaling nadi-distract at hindi makapag-pokus na higit sa limang minuto.
- Ang iyong anak ay anti-social.
- Ang iyong anak ay walang interes sa kahit na ano.
- Hindi siya nakikipag-eye contact sa kahit na sino man.
- Ang iyong anak ay hindi tumutugon kapag ang iba ay kinakausap siya.
- Hindi kayang sabihin ng iyong anak ang kanyang buong pangalan.
Pagsasalita at wika na development
Ang bokabularyo ng iyong anak ay dapat na mas malawak na sa edad na ito. Dapat mong marinig ang iyong anak na nagsasalita ng higit pa at mas malinaw sa edad na ito. Siya ay dapat ng:
- Mas malinaw ang pagbibigkas ng mga salita at gumagamit ng mas kumplikadong mga pangungusap.
- Nagbibilang ng 10 o higit pang mga bagay.
- Tamang nagpa-pangalan ng hindi bababa sa apat na mga kulay at tatlong mga hugis.
- Kinikilala ang ilang mga titik at posibleng isulat ang kanyang pangalan.
- Nakakaunawa ng higit sa isang wika kung ito’y naituro.
Mga tip:
- Pahintulutan ang iyong anak na makisalamuha sa iba pang mga matatanda tulad ng iyong sariling mga magulang o mga kaibigan, para siya’y magkaroon ng kumpiyansa sa public speaking.
- Kung ang iyong anak ay nahihiya kumpara sa kaniyang mga kaibigan, huwag pilitin siyang magsalita sa mga setting na hindi siya kumportable.
- Ilantad ang iyong anak sa mas marami pang mga pang-edukasyon na palabas o mga programa upang higit pang mapalawak ang bokabularyo nito. Ngunit limitahan ang oras ng screen time na mas mababa pa isang oras sa isang araw.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung nag-aalala ka tungkol sa development ng wika at pagsasalita ng iyong anak, narito ang ilang mga red flags upang malaman kung kailangan kumonsulta sa isang doktor:
- Ang iyong anak ay hindi makapag-interpret ng non-verbal na komunikasyon.
- Hindi siya nakikipag-eye contact sa mga taong nagsasalita.
- Ang iyong anak ay nagsasama ng maraming mga karaniwang salita.
4 taon 10 buwang gulang milestones: I-keep at gabayan ang kalusugan ng iyong anak sa tamang track. | Source: Pixabay
Kalusugan at nutrisyon
Ang isang bata na 4 taon 10 buwang gulang ay dapat na nasa 104cm – 114cm ang taas at timbang na nasa 18 – 22kg. Ang iyong anak ay mabilis na lumalaki sa edad na ito. Upang matugunan ang lahat ng nutrisyona na goal ng iyong anak, narito ang dapat niyang kainin:
|
Nutrisyon |
Halaga na Kinakailangan Araw-araw |
Ano dapat ipakain sa kanila |
Protina |
20-35 grams (sukat ng palad ng iyong anak) |
Isang maliit na piraso ng inihaw na manok o baked salmon o isang bloke ng tokwa |
Calcium |
1,000 milligrams (1 – 2 small cups) |
Isang baso ng gatas, isang maliit na bloke ng keso o isang cup ng yogurt (bigyan ng higit sa tatlong serving sa isang araw) |
Iron |
10 milligrams |
Isang maliit na cup ng tinadtad na karne ng baka (niluto sa sarsa ng spaghetti) o isang cup ng mga mani para sa meryenda. |
Vitamin A |
Hindi hihigit pa sa 3,000 IU (900 mcg RAE) |
Isang cup ng steamed karot o broccoli o dalawang itlog. |
Vitamin C |
Hindi hihigit pa sa 650 milligrams |
Isang orange o limang strawberry |
Mga bakuna at mga karaniwang sakit
Sa edad na ito, ang iyong anak ay dapat mayroon na ng mga bakunang ito na ayon sa iskedyul ng pagbabakuna sa Singapore:
- Diphtheria, tetano, at whooping na ubo (pertussis) (DTaP) (pang-limang dosis)
- Polio (IPV) (pang-apat na dosis)
- Tigdas, beke, at rubella (MMR) (pangalawang dosis)
- Bulutong (varicella) (pangalawang dosis)
- Influenza (trangkaso) (taun-taon)
Ang mga karaniwang sakit na dapat alamin o bantayan ay ang karaniwang trangkaso, bulutong, tigdas, beke, at posibleng allergy sa pagkain.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung may nakaligtaan kahit isa sa mga bakuna, makakabuti kung kumonsulta sa ang isang doktor at siguraduhin makuha ng iyong anak ang mga ito. Higit pa riyan, kung ang iyong anak ay lubhang bumababa ang timbang, ito ay isang red flag.
Ang isang lagnat sa edad na ito ay hindi kasing seryoso ng mga lagnat niya noong mas bata pa siya, ngunit dapat pa ring subaybayan. Kung ang temperatura ng iyong anak ay mas mataas sa 38 Celsius na higit pa sa isang araw, mangyaring kumonsulta agad sa isang doktor.
Reference: WebMD
Previous month: 4 years 9 months
Next month: 4 years 11 months