Masama ba malipasan ng gutom ang buntis? 7 epekto ng lipas gutom sa buntis at kay baby 

Mahalaga na magkaroon ng maayos na nutrisyon ang buntis. Kung madalas na makaranas ng lipas gutom masama ang epekto nito sa kanila ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buntis ka ba at madalas na nalilipasan ng gutom? Nangangamba ka ba at napapatanong kung ano ang mangyayari ‘pag nalipasan ng gutom ang buntis?

Mahalaga ang pagkain sa tamang oras, kahit pa hindi ka buntis. Mas importanteng binibigyang priority ito lalo kung ikaw ay pregnant. Sa panahon kasi ng pagbubuntis, dalawa na ang kailangang isipin na pakainin, si baby at si mommy.

Pangunahing pinagkukuhanan ng nutrients para lumabas na healthy si baby ang foods. Dito siya kukuha ng essential na minerals at vitamins para malusog siya hanggang sa delivery day.

Kaya naman tutulong kami para malaman ng bawat mommy kung ano nga ba ang epekto kung magpapalipas ng gutom sa panahon ng pagbubuntis.

Bakit laging gutom ang buntis?

Mangga na may bagoong? Chocolate cake? Fruit juice? Malamang ilan ito sa mga hinahanap-hanap ng mommies sa kanilang pregnancy journey.

Bago natin pag-usapan kung ano ang epekto ng lipas gutom sa buntis, mahalagang maintindihan muna kung bakit laging gutom at tila sinisikmura ang buntis.

Maraming pagbabago ang nararanasan ng katawan ng isang babae kapag siya ay buntis. Asahan na magbabago ang kaniyang pisikal na pangangatawan, mental, at maging emotional.

Isa sa pagbabagong kailangang i-expect sa pregnant moms ay ang feeling ng palaging gutom at sinisikmura. Habang lumalaki ang iyong tiyan o ang baby sa iyong sinapupunan, gumagamit din ng extra calories ang iyong katawan nang ‘di mo namamalayan. Ito ang dahilan kung bakit maya’t maya o lagi kang nakakaramdam ng gutom bilang buntis.

Bukod pa rito, nakaaapekto rin sa iyong appetite ang pagbabago sa hormones sa iyong katawan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mayroong pregnancy cravings o ‘yong tinatawag nilang bahagi ng paglilihi.

Karaniwang mas dumadalas ang pakiramdam na palaging gutom sa second trimester ng pagbubuntis. Samantala, sa third trimester naman ay maaari nang magdulot ng discomfort sa pakiramdam ang labis na pagkabusog.

Narito ang ilang epekto kung ikaw ay madalas na nalilipasan ng gutom sa panahon ng pagbubuntis. | Larawan mula sa Pexels kuha ni Amina Filkins

Nalilipasan ng gutom ang buntis: Epekto ng lipas gutom sa buntis

Masama ba malipasan ng gutom ang buntis? Napapatanong ka rin ba kung ano ang mangyayari kapag nalipasan ng gutom ang buntis?

Kung ikaw ay buntis at kamakailan ay nalipasan ng gutom, ngayon ay nangangamba ka sa epekto ng lipas gutom sa buntis. Huwag mag-alala mommy dahil kung ngayon ka lang naman nalipasan ay maaaring hindi naman ito magdulot ng masamang epekto sa iyong baby.

Kaya lamang, ang paulit-ulit na lipas gutom ay mayroong hindi magandang epekto sa buntis. Posibleng makaapekto ito sa kalusugan ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t iba man ang epekto ng lipas gutom sa bawat buntis, narito ang ilan sa mga maaari niyong danasin ni baby kung madalas na nalilipasan ng gutom ang buntis:

Epekto ng lipas gutom sa buntis 

Ayon sa isang pag-aaral na nabanggit ng Science Direct sa kanilang article, mayroon umanong mga patunay na may negatibong epekto sa nanay at sanggol ang lipas gutom sa buntis.

Samantala, narito ang ilan sa mga posibleng maging epekto ng lipas gutom sa buntis at sa kaniyang baby:

1. Fetal growth restriction

Kakulangan sa maayos na nutrisyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng fetal growth restriction ang baby sa sinapupunan.

Tumutukoy ito sa kondisyon ng unborn baby kung saan ay hindi lumalaki sa normal na rate ang bata sa sinapupunan ng buntis. Tinatawag ding intrauterine growth restriction ang kondisyon na ito.

Ang pagkakaroon ng fetal growth restriction ay maaaring makasama sa iyong baby. Puwede rin itong humantong sa premature birth, hypoglycemia, low birth weight, mahinang immune system, at iba pang komplikasyon.

2. Low birth weight

Dahil lahat ng nutrisyong kailangan ng baby habang nasa loob ng tiyan ni mommy ay makukuha nito sa mga kinakain ng mommy, maaaring makaapekto sa kaniyang timbang ang pagpapalipas ng ina ng gutom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa ang pagkakaroon ng low birth weight sa epekto ng lipas gutom sa buntis. Kung kakaunti ang calories na nakokonsumo ng nanay, posibleng ipanganak ang baby nang may mababang timbang.

3. Problema  sa brain development

Mayroon ding epekto sa brain development ng sanggol ang lipas gutom sa buntis. May negatibong epekto ang kakulangan sa nutrisyon sa cognitive at motor functioning ng bata.

Kung kulang sa folate intake ang nanay habang ito ay buntis, posibleng magkaroon ng neural tube defect ang baby. Kung hindi man magkaroon ng nasabing birth defect, posible namang magkaroon ng hirap na matuto ang bata habang ito ay tumatanda.

4. Pagkamatay ng fetus

Ang labis na pagpapalipas ng gutom ay posibleng humantong sa pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan. Kung ikaw ay buntis at kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw, matitiyak naman ang kaligtasan ng iyong anak.

Subalit, kung ikaw ay mayroong malalang anorexia mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor para malaman kung ano ang dapat gawin. Sa pagpapatingin sa doktor, maaaring may irekomenda itong mga hakbang para maiwasan mong magpagutom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagbubuntis, dalawa na ang kailangang intindihin na dapat pinapakain — si baby at si mommy. | Larawan mula sa Pexels kuha ni Lucas Mendes

Bukod sa mga nabanggit na epekto ng lipas gutom sa baby ng buntis, narito naman ang mga posibleng epekto ng lipas gutom sa mismong buntis:

  1. Pagtaas ng risk na magkaroon ng gestational diabetes
  2. Pagbaba ng blood sugar level
  3. Panghihina

Nutrisyon at pagbubuntis: Epekto ng lipas gutom sa buntis

Pinakamahalaga na mapanatiling malusog ang katawan kapag ikaw ay buntis. Importante ito para sa inyo ni baby. Kung noong ikaw ay hindi pa buntis ay mahalaga na na kumain ka ng mga masusustansyang pagkain, mas malaki ang pangangailangan na ito sa panahon na ikaw ay buntis.

Ilan sa mga mahahalagang nutrients na makukuha natin sa pagkain:

  • Carbohydrates – Makikita ang carbohydrates sa maraming pagkain, healthy man o hindi iyan. Maaari rin itong makain sa iba’t ibang porma gaya ng sugar, starch, at fiber. Makukuha ang carbohydrates sa pagkain tulad ng gatas, popcorn, patatas, cookies, mais, at tinapay.
  • Fats – Katulad sa carbohydrates, ang fats ay maaari rin sa iba’t ibang porma, kasama ang monounsaturated, polyunsaturated, at satured. Ang ilan sa mga pagkaing mayroon nito ay butter, isda, karne, mantika, at dairy products. Masama sa kalusugan ang masobrahan ng fats dahil maaaring magdulot ng mga sakit.
  • Proteins – Ang protein ay chain ng amino acids at matatagpuan din sa cell ng katawan ng tao. Kailangan nito para matulungan ang iyong katawan na mag-repair at bumuo ng bagong cells. Makukuha ito sa grains, mani, seeds, gulay, prutas, at dairy foods.
  • Vitamins – Isa itong organic molecule na importante para sa micronutrient ng isang organism. Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng immune system ng isang tao. Maaari itong makuha sa healthy foods gaya ng prutas at gulay.
  • Minerals – Importante ang minerals para sa katawan ng tao. Ginagamit kasi ito ng katawan para maging functional sa maraming bagay. Mahalaga rin ito para makabuo ng enzymes at hormones. Sa mga pagkaing tulad ng cereals, karne, prutas, at gulay ay maaaring makakuha ng minerals.
  • Water – Mahalaga naman ang tubig sa katawag dahil nagde-deliver ito ng oxygen at nutrients sa katawan.
 

Samantala, ang mga sumusunod naman ay ang mga mahahalagang nutrients na kailangan ng buntis habang dala-dala nito ang baby sa sinapupunan:

Folic Acid

May mga pagkain na mayaman sa folic acid pero maaari ding mag-take ng supplement para matiyak na sapat ang supply ng folic acid sa katawan. Makatutulong ito para maiwasan na magkaroon ng neural tube defect ang iyong anak.

Iron

Importante ang iron sa brain development ng bata. Kabilang sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan ng nanay kapag siya ay buntis ay ang pagtaas ng amount ng blood sa katawan nito. Kaya naman kailangan ng mas maraming iron para mapanatiling malusog si mommy at ang baby sa kaniyang matris.

Calcium

Mahalaga ang calcium sa development ng mga buto at ngipin ng iyong anak. Gayundin naman upang maiwasan na magkaroon ka ng preeclampsia. Ito ay seryosong kondisyong medikal na nagdudulot ng biglang pagtaas ng blood pressure ng buntis.

Delikado ito para sa iyo at sa iyong anak. Kaya naman mahalagang tiyakin na sapat ang calcium na nakukuha mo sa iyong pagkain.

Puwede ring kumonsulta sa doktor para malaman kung maaari ka bang mag-take ng calcium supplement at anong klaseng calcium supplement ang ligtas na inumin ng buntis.

Vitamin D

Katuwang ng calcium ang vitamin D sa pag-build up ng mga ngipin at buto ng bata. Mahalagang may sapat na vitamin D rin ang iyong katawan. Bukod sa mga pagkaing mayaman sa vitamin D, ang pangunahing source ng bitaminang ito ay ang sinag ng araw.

Protein

Mahalaga rin ang protina sa katawan, buntis ka man o hindi. Mayaman sa protina ang mga pagkaing tulad ng beans, peas, itlog, lean meats, seafood, at unsalted nuts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kumain ng masustansyang pagkain para matiyak ang health ni baby until dlivery day. | Larawan mula sa Pexels kuha ni David Disponett

Bukod sa mga nabanggit na pangunahing nutrients na kailangan ng buntis, tandaan din na mahalagang manatiling hydrated. Uminom ng maraming tubig na sapat para sa iyo at sa iyong baby.

Kumain ng mga masusustansyang pagkain at hangga’t maaari ay iwasan na magpalipas ng gutom. Dahil gaya ng nabanggit sa itaas, maraming iba’t ibang epekto ang lipas gutom sa buntis na hindi makabubuti sa iyong kalusugan at sa kaligtasan ng iyong anak.

Kumonsulta sa doktor

Mahalaga ang prenatal check-up dahil nagsisilbing monitoring ito sa health both ni mommy at baby. Makatutulong ang pagbisita sa doktor upang malaman ang mga sumusunod:

  • Pag-alam sa development ni baby sa loob ng sinapupunan.
  • Malaman kung mayroong kumplikasyon o anumang dapat bigyang pansin agad.
  • Mapapayuhan sa kung ano ang maaaring gawin para hindi mahirapan sa iyong delivery date.
  • Kung sa palagay mo ay nagiging overweight ka na, na delikado rin sa buntis, puwedeng humingi ng rekomendasyon sa iyong doktor sa kung paano mapapanatili ang malusog na timbang habang ikaw ay nagbubuntis.
  • Paghingi na payo kung ano ang mabisang vitamin at nutritional supplement na maganda para sa kaligtasan ng baby.
  • Pagpaplano sa pamilya kung ano ang mga dapat gawin bago pa man dumating si baby.
  • Pagkakaroon ng iyong doktor ng record ni baby para mas madaling mamonitor siya kahit ipinanganak na.

Kaya naman, kung nagplaplano na mag-take ng supplements ay kumonsulta rin sa doktor para malaman ang proper dosage na nakadepende sa iyong kondisyon. Mahalagang i-consider parati ang paghingi ng opinyon mula sa propesyunal lalo na sa usapin ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jobelle Macayan