X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Babala ng doktor: Mag-ingat sa face paint na ginagamit sa mga bata

3 min read
Babala ng doktor: Mag-ingat sa face paint na ginagamit sa mga bata

Ngayon panahon ng semana santa, usong-uso ang paggamit ng face paint para sa mga Halloween costume. Ngunit ligtas nga ba ang paggamit nito?

Usong-uso ngayon ang mga trick or treat sa mga bata. At siyempre, kung talagang seseryosohin mo ang costume ng iyong anak, kailangang gumamit ng face paint para buo ang kanilang costume.

Ngunit alam niyo ba na posibleng magkaroon ng masamang epekto ito sa balat ng iyong anak? Paano nga ba malalaman kung ligtas ang binili ninyong pintura? At ano ang dapat gawin kapag nagkaron ng rashes o allergic reaction ang iyong anak?

Heto ang payo ni Dr Alan Levy, mula sa Levy Dermatology sa Memphis, Tennessee.

Face paint ng bata, dapat siguraduhing safe

businesses you can start under P1000

Lubhang sensitibo ang balat ng mga bata, kaya importanteng metikuloso pagdating sa mga produktong nilalagay sa balat nila, lalong lalo na sa mukha.

Kahit nga ang mga ‘safe’ na face paint ay posibleng maging sanhi ng rashes kung hindi sila hiyang dito. Ngunit paano ba malalaman ng mga magulang kung ligtas bang gamitin ang mga pinturang ito sa balat ng anak nila?

Basahing mabuti ang ingredients

Dahil cosmetic products ang mga pintura sa mukha, hindi kasinghigpit ang mga standards nito kumpara sa pagkain. Ibig sabihin, may ilang mga brands na mayroong mas matataas na lebel ng lead, paraben, formaldehyde, at mercury. Ang mga mineral na ito ay madalas ginagamit upang magbigay ng kulay sa paint.

Hanapin ang mga face paints na may natural pigments na galing sa mga prutas at halaman. Siguradong mas organic ang mga ito at hindi magiging sanhi ng rashes, allergy, at iba pang sakit sa balat para sa iyong anak.

Huwag bumili ng pintura sa kung saan-saan

Hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa. Mahal talaga ang mga face paint para sa mga bata, lalong-lalo na yung mga brand na organic at natural.

Ang mga nabibili mong mga mumurahing pintura sa tabi-tabi ay hindi sulit dahil baka mapagastos ka pa lalo sa pagpapagamot ng iyong anak. At siyempre sino bang magulang ang gustong magkasakit ang kanilang anak dahil lamang sa pagtitipid?

Kaya’t pumili ng mga mas mamahaling pero mas katiwa-tiwalang mga brand ng face paints. Iwasang bilhin ang mga nakikita lang sa tabi-tabi o yung mga may hindi katiwa-tiwalang brand. Iwasan din ang mga face paints na hindi nakasulat ng malinaw kung ano ang mga ingredient.

I-test muna sa ibang bahagi ng katawan

Bago ilagay sa mukha ng iyong anak, kumuha muna ng kaunting face paint at ipahid sa ilalim ng braso. Takpan ito ng band-aid, at maghintay ng 24 hanggang 96 na oras. Ito ay dahil may mga kemikal na natatagalan bago magkaroon ng masamang epekto

Kapag nagkaroon ng pamumula o pangangati, huwag nang gamitin ang iyong nabiling pintura, dahil posibleng may allergy dito ang iyong anak.

Huwag ding pakadamihan ang ilalagay na pintura sa iyong anak, lalong-lalo na sa bandang mata. Ito ay dahil sensitibo ang bahaging ito ng mukha, at posibleng maging iba ang reaksyon nito sa pintura.

Tanggalin ito agad!

Kahit gustong-gusto ng iyong anak ang inilagay mo na face paint, mabuting tanggalin mo ito agad kapag tapos na ang trick or treat. Ito ay dahil nakakabara sa mga pores ang pintura, at posibleng magkaroon ng masamang epekto sa balat nila, kahit na wala itong masamang mga kemikal.

Gumamit ng malinis na tubig at mild na sabon, at dahan dahang tanggalin ang face paint ng iyong anak.

Iwasang gumamit ng make-up remover o alcohol, dahil baka masyado pa itong matapang para sa sensitive na balat ng mga bata.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Dahil sa garapata, isang bata muntik nang mabingi!

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Babala ng doktor: Mag-ingat sa face paint na ginagamit sa mga bata
Share:
  • Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

    Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

  • Mga importanteng facts tungkol sa paggamit ng mga face mask at respirator

    Mga importanteng facts tungkol sa paggamit ng mga face mask at respirator

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

    Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

  • Mga importanteng facts tungkol sa paggamit ng mga face mask at respirator

    Mga importanteng facts tungkol sa paggamit ng mga face mask at respirator

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko