Ano ang dapat gawin upang maibsan ang diarrhea ng buntis?

Karaniwang nangyayari ang pregnancy diarrhea sa huling yugto o trimester ng pagbubuntis ng isang ina. Alamin kung paano ito maiibsan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang gamot sa pagtatae ng buntis at kailan ito dapat maging concern o magdulot ng pag-aalala sa pagdadalang-tao?

Maraming pagbabago ang nararanasan ng isang babae sa kanyang pagdadalantao, kabilang diyan ang pagkakaroon ng mga suliranin sa kaniyang digestive tract. Nangyayari ito dahil sa hormonal changes sa katawan ng isang ina, pagbabago sa kaniyang diet at pagdanas ng iba’t ibang stress.

Ilan sa mga suliranin sa digestive tract ng isang buntis ay ang pagtitibi (constipation) at pagtatae (diarrhea).

Bagaman normal itong nangyayari sa huling trimester, hindi ito dapat balewalain dahil maaari itong maging seryosong bagay kapag pinabayaan. Alamin ang gamot sa pagtatae ng buntis sa artikulong ito.

Bakit karaniwang nangyayari ang pagtatae ng buntis

Kung ang isang buntis ay nakararanas ng tatlo o higit pang beses ng pagtatae sa loob ng isang araw, ito ay tinatawag na pregnancy diarrhea.

Habang lumalapit ang kaniyang due date, mas dumadalas ang pagtatae ng buntis. Maaari rin itong isa sa mga paghahanda ng katawan sa nalalapit na panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit hindi nangangahulugan na ang lahat ng pagtatae ay may direktang kaugnayan sa pagbubuntis ng isang ina. Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod:

  • virus
  • bacteria
  • stomach flu
  • mga parasitiko
  • food poisoning
  • medikasyon

May ilang kondisyon rin na nagiging sanhi ng pagtatae ng buntis. Ito ay ang pagkakaroon ng irritable bowel syndrome, Crohn’s disease, celiac disease, at ulcerative colitis.

Ang pagtatae na may kaugnayan sa pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Pagbabago sa diet
  • Pagiging sensitibo sa mga bagong pagkain at food allergies
  • Prenatal vitamins
  • Pagbabago sa hormones
  • Stress o anxiety

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Infectious Diarrhea sa pagbubuntis

Ang bowel infections ay isa rin sa mga kadalasang dahilan ng diarrhea. Bilang karagdagan sa loose, watery stools, ilan pa sa mga sintomas na maaaring maranasan ng mga taong may infectious diarrhea ay:

  • Kapag may kasamang dugo ang dumi
  • Nausea at pagsusuka
  • Lagnat at panginginig
  • Pagkahilo o lightheadedness

Ang ilan sa mga organism na nagdudulot ng infectious diarrhea ay:

  • Bacteria, tulad ng Escherichia coli o kahit anong Campylobacter, Salmonella, o Shigella genera
  • Virus na kinabibilangan ng norovirus at rotavirus
  • Parasites tulad ng Giardia lamblia at Cryptosporidium enteritis

Maaaring maimpeksyon ang isang tao ng mga harmful organisms na ito sa pamamagitan ng pagkonsumo ng contaminated na pagkain at tubig.

Bowel disorders sa pagbubuntis

Ang matagal na diarrhea ay maaaring sintomas ng underlying bowel disorder, tulad ng:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Inflammatory bowel disease, kabilang na ang Chron’s disease at ulcerative colitis
  • Irritable bowel syndrome
  • Celiac disease
  • Small intestinal bacterial overgrowth

Ang mga kondisyong nabanggit ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng:

  • Abdominal pain at cramping
  • Gas at bloating
  • Pagbaba ng timbang
  • Fatigue
  • Nausea at pagsusuka
  • Problema sa balat at joints
  • Anemia

Kung ang diarrhea ay may kasama pang ibang sintomas tulad ng sumusunod, magpakonsulta agad sa doktor.

  • Dumudumi ng may dugo o nana.
  • Anim o higit pang matubig na dumi sa loob ng 24 orasa.
  • May lagnat na 102°F (39°C) o higit pa.
  • Madalas na pagsusuka.
  • Matinding pananakit sa puwit o tiyan kasabay ng pagtatae.

Larawan mula sa iStock

Diarrhea sa first trimester

Hindi sintomas ng early pregnancy ang diarrhea pero possible pa ring makaranas ng diarrhea o iba pang digestive issues sa iyong first trimester.

Maagang nagkakaroon ng maraming pagbabago sa iyong katawan dulot ng pagbubuntis, at maaari itong makaapekto sa iyong bowel movements.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa nito ay ang pagtaas ng level ng hormone progesterone na maaaring maging sanhi ng pagbagal ng iyong digestive system, at maaaring magdulot ng constipation.

Ang pagbabago sa iyong nutrisyon at mga kinakain ay maaaring magdulot ng pagbabago sa bowels.

Para sa ilan, ang pagkain ng fiber-rich foods tulad ng fruits, vegetables, at whole grains ay maaaring makatulong sa constipation, pero ang ibang pagbabago sa iyong diet ay maaaring magdulot ng gas, cramping, at diarrhea.

Diarrhea sa second trimester ng pagbubuntis

Ang diarrhea o pagtatae sa buntis ay mas karaniwan pagsapit ng second trimester, ayon ito sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG).

Hormones pa rin ang sanhi kung bakit naapektuhan ang digestion ng mga buntis at nagkakaroon ng diarrhea. Mapapansin na mahirap at masakit ang pagdumi kapag nasa 2nd trimester ka na ng pagbubuntis.

Ang pag-inom ng mga prenatal vitamins na kadalasang may mataas na iron contents ay maaari ring mag-contribute sa iyong constipation o pagtatae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagbabago sa diet habang buntis ay isa sa mga pinakamainam na paraan upang maiwasan ang pagtatae o diarrhea. Magandang kumain ng mga pagkaing mataas ang fiber contents.

Diarrhea sa third trimester ng pagbubuntis

Ang diarrhea sa third trimester ng pagbubuntis ay hindi kasing karaniwan at kadalasang nangyayari kapag malapit na ang due date ng panganganak.

Maaari itong senyales ng nalalapit na labor, at maaari itong mangyari bago ang labor o ilang ilanggo bago ang labor. Kung ito ay nangyari ilang linggo bago ang iyong due date, maliit ang tiyansa ng pagkakaroon ng premature birth. 

Kung ikaw ay nakakaranas ng diarrhea sa iyong third trimester, hindi ito nangangahulugan na lalabas na ang iyong baby, kaya’t huwag agad maalarma.

Isa itong paraan ng katawan ng babae na maghanda sa labor na maaaring magsimula ano mang oras. Mainam din na alamin ang senyales ng labor.

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis

Natural lamang na mabahala sa pag-inom ng mga gamot habang ang isa ay nagdadalantao. Kaya naman narito ang ilang alternatibo at mabisang gamot sa pagtatae ng buntis na puwedeng subukan.

Larawan mula sa iStock

1. Uminom ng maraming tubig o oresol.

Manatiling hydrated at uminom ng maraming tubig, oresol at rehydration sports drinks. Gawin ito upang makabawi ang katawan sa nawawalang tubig sa pagtatae.

Maaari ring kumain ng mga pagkaing may sabaw. Mahalagang isaisip na ang dehydration ay maaring magdulot ng komplikasyon lalo na kung nagdadalang-tao.

Pero dapat ding tingnan at maging mapanuri sa iyong iniinom. Lalo na sa mga inuming may mataas na sugar content na maaring makasama rin sa iyong pagdadalang-tao.

Ugaliing magbasa sa nutrition label ng anumang kinakain o iniinom para masigurong nasa tamang amount o level ang iyong sugar intake.

2. Magpalipas ng ilang araw.

Subukang palipasin muna ng ilang araw ang nararanasang pagtatae dahil kadalasan sa diarrhea ay kusang gumagaling kahit walang anumang medikasyon.

3. Tignan ang kasalukuyang mga gamot.

Alamin kung ang kasalukuyang gamot ang sanhi ng pagtatae sa pamamagitan ng hindi pag-inom nito ng ilang araw. Humingi ng panibagong gamot sa iyong doktor kung ito nga ang dahilan ng pagtatae. Huwag basta itigil ang pag-inom ng gamot na nireseta sayo ng hindi kumukonsulta sa iyong doktor.

4. Suriin ang mga kinakain.

Tignan ang mga pagkaing kinakain dahil maaaring ito ang sanhi ng pagtatae ng buntis. Ilan sa mga pagkaing dapat iwasan ay ang mga maaanghang na pagkain, mga pinirito, mga pagkaing may mataas na fat content, dairy products at high-fiber foods.

5. Komunsulta sa doktor.

Agad na magpatingin sa doktor kung ang pagtatae ng buntis ay hindi gumagaling sa loob ng tatlong araw. Huwag uminom ng mga over-the-counter na gamot sa pagtatae ng buntis nang walang prescription mula sa doktor.

6. Kumain ng bland foods.

Subukan kumain ng bland foods. Ang BRAT diet o kinabibilangan ng saging, kanin, applesauce, at sauce ay kadalasang inirerekomenda para sa mga sakit katulad ng diarrhea.

7. Idagdag ang probiotics sa iyong diet.

Ang probiotics ay maliliit na microorganisms at isang uri ng tinatawag na good bacteria na nagtatrabaho sa iyong gastrointestinal tract upang makagawa ng healthy gut environment. Malaking tulong ang probiotics sa diarrhea lalo na kung ito ay dulot ng antibiotic medication.

Sa pagbubuntis, mahalagang magpakonsukta muna sa doktor bago uminom ng mga gamot para sa diarrhea dahil may mga gamot na masama sa pagbubuntis, at ang kaligtasan ng paggamit sa ilang gamot ay hindi pa malinaw.

Ayon sa American College of Gastroenterology (ACG), sa isang perspective, case-controlled study, walang nakitang ugnayan sa pagitan ng pag-inom ng loperamide (Imodium) sa unang trimester ng pagbubuntis at major fetal abnormalities.

Gayunpaman, hindi inirerekomenda ng ACG na uminom ng antidiarrheal medications diphenoxylate-atropine (Lomotil) o bismuth subsalicylate (Pepto-Bismol) habang nagbubuntis.

Sapagkat nakitaan ng banta sa fetus ang Lomotil sa second at third trimesters. Samantala, mayroon namang increased risk ng low birth weight, neonatal hemorrhage, at perinatal mortality sa Pepto-Bismol.

Hindi rin inirerekomenda ang paggamit ng Diatabs sa mga buntis o kababaihang nagpapasuso, bilang isa itong Loperamide.

Kailan dapat maghanap ng treatment sa diarrhea?

Maaaring magdulot ng dehydration kapag masyadong matagal ang diarrhea. Kung ang diarrhea ay tumagal nang dalawa hanggang tatlong araw, tumawag na agad sa doktor. Lalo na kung nagdadalang-tao na kung saan ang dehydration at malnutrition ay hindi makakabuti sa buntis at kaniyang dinadalang sanggol.

Maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis ang severe dehydration. Ilan sa mga sintomas ng dehydration ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Kulay dark yellow na ihi
  • Tuyo’t at madikit na bibig
  • Nauuhaw
  • Kakaunti ang nalabas na ihi
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Lightheadedness

Ayon sa Institute of Medicine, maaaring maiwasan ang dehydration sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-inom ng  80 ounces, o 10 cups ng tubig araw-araw.

Anong ibig sabihin pag maitim ang dumi ng buntis?

1. Hindi na-absorb ng tiyan ang iron supplements na iniinom.

Maliban sa mabisang gamot sa pagtatae ng buntis, ang anong ibig sabihin pag maitim ang dumi ng buntis ay isa rin sa madalas na tanong ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Bagamat nakakatakot tingnan, ang duming maitim habang buntis ay common o madalas na nangyayari. Ito ay maaring dahil sa vitamins o dietary supplement na kaniyang iniinom.

Tulad ng iron supplements na mas kilala sa tawag na ferrous sulfate. Ang supplement na ito kung hindi ma-absorb ng katawan ay nagbibigay ng kulay itim o tarry apperance sa dumi ng babaeng buntis.

2. Dark colored ang iyong kinakain o iniinom.

Maaari rin namang magkulay itim ang dumi ng buntis dahil sa pagkain ng kaniyang kinakain. Gaya na lang ng blueberries o iba pang pagkain na may artificial food color. Para malaman kung ito ang dahilan ng maitim na dumi ay mainam na magkaroon ng food journal.

3. Maaaring dahil ito sa gamot na iyong iniinom.

Pupuwede ring ang maitim na dumi ng buntis ay dahil sa gamot o medications na kaniyang iniinom. Tulad nalang ng mga gamot sa sakit ng tiyan na maaring makaapekto sa kulay ng dumi.

Ang kasalukuyang health issue na nararanasan ng buntis ay maaring dahilan din ng maitim niyang dumi. Tulad na lang ng digestive issues na hemorrhoids, constipation, at anal fissures.

4. Maaaring may pagdurugo o bleeding sa digestive system.

Maari ring maging maitim ang dumi ng buntis kung siya ay nakakaranas ng bleeding o pagdurugo sa kaniyang digestive system. Lalong-lalo na sa kaniyang upper gastrointestinal tract kabilang na ang esophagus, tiyan, at small intestine. Kung ang dugo mula sa mga ito ay humalo sa digestive juice ito ay magreresulta sa duming may maitim na kulay.

Kailan dapat mag-aalala ang buntis na may maitim na dumi at anong dapat gawin?

Pero kung maitim na dumi habang buntis ay sinasabayan ng mga sumusunod na sintomas ay dapat magpa-konsulta na agad sa doktor. Ito ay upang agad na masuri ang iyong kondisyon at hindi ito magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis.

  • Lagnat.
  • Pananakit ng dibdib o tiyan.
  • Pagtatae.
  • Hirap sa paghinga.
  • Pagsusuka at pagkahilo.

Muli, kung nakakaranas ng mga ito kasabay ng maitim na dumi o pagtatae, agad na magpunta na sa iyong doktor.

 

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas at Irish Manlapaz

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.