Gamot sa ulcer pati na ang sanhi, sintomas, at paraan para makaiwas dito

Narito ang mga paraan para maiwasan ang ulcer at mga gamot na maaring inumin para malunasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na pangangasim at pananakit ng tiyan? Baka ulcer na ‘yan! Alamin ang sanhi ng ulcer, ano ang gamot sa ulcer at paano ito maiiwasan.

Ano ang ulcer? 

Ang stomach ulcer o tinatawag ring peptic ulcer ay ang mga sugat sa lining ng tiyan o small intestine.

Nagdudulot ito ng hapdi sa tiyan na dahilan ng sakit na nararamdaman ng isang tao. Magsisimula itong maramdaman kung humina na o wala na ang mucus layer ng tiyan na pumoprotekta rito.

Kaya naman ang mga strong acids na tumutulong para ma-digest ang pagkain sa tiyan ay nai-irritate na nagdudulot ng sugat o ulcer.

Ayon sa data ng World Health Organization na Peptic Ulcer Disease Deaths in Philippines (2018), mayroong tinatayang 6,283 o 1.03% ang namatay dahil sa ulcer. Ang Pilipinas ay pang-18 sa buong mundo na may kasong namamatay dahil sa sakit na ito.  

Ang pagkakaroon ng sakit na ulcer ay mas madalas na tumatama sa mga matatanda na edad 50-anyos pataas. Mababa naman ang tiyansa sa mga bata na magkaroon nito liban sa mga batang expose sa usok ng sigarilyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May dalawang uri ng stomach ulcer. Una ay ang gastric ulcer. Ito ay ang ulcer na tumutukoy sa lining ng tiyan.  Ang isa pang uri ng ulcer ay ang duodenal ulcer na tumutukoy naman sa ulcer sa dulo ng small intestine o sa organ na tumutulong na ma-digest at ma-absorb ng tiyan ang pagkaing iyong kinakain.

Sanhi ng ulcer

Maliban sa strong acids sa tiyan, ang ilang sanhi at nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng ulcer ay ang mga sumusunod:

1. Pag-inom ng NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory drugs painkillers

Kung minsan ay hindi maiiwasan ang pag-inom ng anti-inflammatory drugs tulad ng paracetamol, aspirin at ibuprofen. Sa ibang tao ay wala itong side effects. Samantala, dapat na mag-ingat ang isang tao sa pag-inom nito kung:

  • 65 years old pataas na ang edad
  • Buntis
  • Nagpapasuso
  • Mayroon asthma
  • May problema sa puso, atay at bato
  • Mayroong mataas na blood pressure

2. Pylori bacteria o mga bacteria na naninirahan sa digestive tract

Ang mga bacteria na ito ay maaaring atakihin ang stomach lining ng isang tao. 60% ng adult population sa mundo ay nai-infect nito. Maaaring hindi maramdaman ang sakit na dulot ng pylori bacteria ngunit ito ang karaniwang sanhi ng ulcer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng pylori bacteria ang isang tao kung:

  • nakatira sa bahay na walang access sa mainit na tubig na nakakatulong para pumatay ng bacteria.
  • Maduming paligid
  • Mga taong may improper hygiene

3. Zollinger-Ellison syndrome, isang rare disease na nagdudulot ng excess production ng acid sa tiyan

Ito ay nagsisimula kung ang gastrinomas o tumor ay nabubuo sa iyong pancreas o sa ibang parte ng tyan. Ang pancreas ay nagpo-produce ng enzymes na makakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Ito rin ay nagpo-produce ng insulin na makakatulong naman sa pagkontrol ng blood glucose.

Ang mga taong may mataas na risk sa sakit na ito ay ang mga lalaking nasa edad 25-50 years old.

4. Paninigarilyo

Sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa mga sakit dulot ng sigarilyo na karaniwan ay sakit sa baga at ulcer. Pinabababa ng paninigarilyo ang lakas ng proteksyon laban sa mga bacteria na nagiging dahilan ng stomach ulcers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinahihina rin ang kakayahan ng tiyan na mapabuti at maisaayos ang acid pagkatapos ng bawat pagkain at iniiwan ang acid upang kainin ang stomach lining. Ang sakit na ulcer ng mga taong naninigarilyo ay mahirap gamutin at pabalik-balik.

5. Hypercalcemia o sobrang pagpro-produce ng calcium ng katawan

Ang calcium ay mahalaga sa pagpa-function ng ating organs, cells, muscles at nerves. Nakakatulong din ito para sa mas matibay na buto at blood clotting. Subalit ang sobrang calcium sa katawan ay may masamang dulot sa kalusugan.

Ang labis na pagkakaroon ng calcium ay dulot ng:

6. Madalas na pag-inom ng alak

Ang labis na pag-inom ng alak ay nakapipinsala sa atay na may malaking papel sa metabolism o pagtunaw sa pagkain. Pati na ang paglaban sa impeksiyon, pagkontrol sa daloy ng dugo, at pag-aalis ng nakalalasong mga substansiya.

Bukod sa ulcer, may mga sakit na naidudulot ang labis na pag-inom. Kabilang dito, ang sakit sa atay, pancreatitis, cancer, at iba pang gastro-intestinal problems, brain damage at osteoporosis. Sinisira din ng alak ang concentration, judgement, mood at memorya ng isang manginginom.

Sintomas ng ulcer sa sikmura

Samantala ang pangunahing ulcer sintomas ay ang pananakit ng tiyan at ang indigestion na kung tawagin ay dyspepsia. Minsan ang pananakit na dulot ng ulcer ay inaakalang heartburn lalo pa’t maaaring sabay na maranasan ang mga sintomas na ito.

Maliban sa pananakit ng tiyan maaari din na makaramdam na tila nagugutom ang sinumang may ulcer. Bukod dito ay pwede ring maranasan ang iba pang sumusunod na sintomas:

  1. Pananakit ng tiyan 
  2. Pagbaba ng timbang 
  3. Walang ganang kumain dahil sa sakit ng tiyan
  4. Pagkakaroon ng heart burn
  5. Pagsusuka
  6. Pagiging bloated
  7. Pagkakaroon ng acid reflux
  8. Pagkakaroon ng anemia, na may kasamang sintomas na pagkapagod, hirap sa paghinga o shortness of breath, at pamumutla
  9. May maitim na dumi 

Ang mga taong may ulcer na sa sikmura ay maaring hindi makaranas ng sintomas o kaya naman ay makaramdam lang ng discomfort o pananakit ng tiyan.

Ito ay madalas sa parte sa pagitan ng iyong pusod at breastbone. Mapapansin mong nararamdaman mo ito sa tuwing gutom ka o walang laman ang iyong tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tulong ng antacid ay maaaring maibsan ang pananakit, pero ang sakit maaring bumalik sa oras na lumipas na ang bisa ng gamot. Ang pananakit maaaring magtagal ng ilang minuto o oras o kaya naman ay umabot ng ilang araw o linggo.

Ang peptic ulcer kung hindi agad malunasan ay maaaring lumala at mauwi sa internal bleeding. Ito ay life threatening at nangangailangan ng blood transfusion para malunasan.

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?

Kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas sa taas ay mas mabuting magpunta na sa doktor upang magpatingin. Lalo na kung maliban sa mga nabanggit na sintomas ay nakakaranas ka rin ng mga sumusunod:

  • Dumudumi ng kulay itim.
  • Nakakaramdam ng sharp pain sa tiyan na mas tumatagal at mas sumasakit.
  • Sumusuka ng dugo na matingkad na pula ang kulay o dark brown o kulay kape.

Ang mga nabanggit ay maaaring palatandaan na ng seryosong komplikasyon gaya ng internal bleeding.

Paano malalaman kung may ulcer ka? 

Ang paraan para malaman o ma-diagnose ka sa pagkakaroon ng ulcer ay nakadepende sa ulcer sintomas na iyong nararanasan at kung gaano ito kalala. 

Para ma-diagnose o masuri kung may ulcer ang isang tao, susuriin ng iyong doktor ang iyong medical history kasabay nito ang mga sintomas na nararanasan mo. Pati na ang mga gamot na iyong iniinom. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan ng isang breath test, sasabihan ka ng iyong doktor na uminom ng clear na liquid at huminga sa isang bag, ang bag na ito ay isi-seal matapos mo itong mahingahan. 

Kung may present na H.Pylori na bacteira, ang iyong hininga ay may mataas na content ng carbon dioxide kaysa sa normal. 

Ito pa ang ilan sa mga pamamaraan para malaman kung ikaw ay may ulcer: 

  • Endoscopy
  • Barium Swallow
  • Endoscopic biopsy

Anong gamot sa ulcer? Mga mabisang gamot sa ulcer

Para malunasan naman ang ulcer, ang unang inirerekomenda ng mga doktor ay tanggalin ang dahilan ng pagkakaroon nito.

Ang unang paraan at gamot sa ulcer at acidic ay ang pagpapalit ng uri ng painkiller na ginagamit na maaring NSAIDs na nagpapalala pa ng sintomas ng ulcer sa sikmura.

At kung ito naman ay dulot ng H.pylori bacteria ay dapat itong puksain para tuluyang maalis sa tiyan sa pamamagitan ng antibiotics. Saka puprotektahan ang tiyan mula sa acid habang patuloy na gumagaling ang ulcers dito.

Ilan sa mabisang gamot sa ulcer na inirereseta ng doktor ay ang sumusunod:

  • Proton pump inhibitors (PPI) na pumipigil sa acid-producing cells
  • H2-receptor antagonists na pumipigil sa tiyan sa pag-produce ng excess acid
  • Antacids o alginate
  • Mga mabisang gamot sa ulcer na pinoprotektahan ang stomach lining tulad ng Pepto-Bismol

Matapos uminom ng mga nasabing epektibong gamot para sa ulcer ay unti-unti nang mawawala ang mga sintomas nito. Ngunit kailangan ay patuloy ang treatment lalo na kung ang ulcer ay dulot ng H.pylori bacteria.

Mahalaga ring iwasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagkain na mataas ang acid na maaring mag-trigger ng sintomas ng ulcer sa sikmura.

May mga peptic ulcers na kusang gumagaling. Pero mas mainam na malunasan ang mga ito, dahil sa maaari itong bumalik at magpasakit pa sa ‘yo. Maaari rin nitong sirain ang blood vessel wall ng iyong tiyan o small intestine.

Puwede rin itong magdulot ng butas sa iyong stomach lining. Ito ay maaring mauwi sa pamamaga na maaring maging hadlang sa maayos at normal na paggalaw o digestion ng pagkain sa iyong tiyan.

Anong gamot sa ulcer? Surgical treatment bilang gamot sa ulcer

Maliban sa pag-inom ng epektibong gamot para sa ulcer, isa pang paraan para malunasan ang sintomas ng ulcer ay sa pamamagitan ng surgery. Lalo na kung ito ay hindi gumagaling, pabalik-balik o nagdudulot na ng pagdurugo sa tiyan.

Ang surgical procedure na maaaring gawin ay ang sumusunod:

  • Pagtanggal sa ulcer
  • Pagtali sa dumurugong blood vessels
  • Pagtatahi ng tissue sa ulcer na mula sa ibang parte ng tiyan
  • Pagputol sa ugat na nagkokontrol sa stomach acid production

Gamot sa ulcer: Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ulcer?

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer sa tiyan ay makakatulong ang pagbabago sa diet o sa mga kinakain at iniinom.

Ang sumusunod na mga pagkain at nutrients ay makakatulong para makaiwas na makaranas ng sintomas ng ulcer.

Pagkain ng prutas at gulay

Ang prutas at gulay ay mayaman sa antioxidants, pumipigil sa acid secretion at may taglay na cytoprotective at anti-inflammatory properties. 

Fiber

Ang pagkakaroon ng high-fiber diet ay makakatulong din para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng ulcer sa tiyan.

Probiotics

Ang mga pagkaing may taglay na active bacterial content tulad ng probiotic yogurt ay nakakatulong para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng Helicobacter pylori (H. pylori) infection. Iniibsan din ng mga probiotics ang sintomas ng indigestion at side effects na dulot ng antibiotics.

Vitamin C

Ang vitamin C ay nakakatulong din para mapatay ang H. pylori bacteria. Ang mga gulay at prutas gaya ng oranges at tomatoes ay may taglay na mataas na level ng vitamin C.

Zinc

Ang zinc ay nakakatulong naman sa pagpapagaling ng mga sugat. Ang oysters, spinach at karne ng baka ay ilan lamang sa mga pagkain na may mataas na level ng zinc.

Selenium

Ang selenium ay nakakatulong din para mabawasan ang tiyansa ng kumplikasyon dahil sa impeksyon. Tumutulong din ito sa pagpapagaling ng mga sugat. Ang brazil nuts, yellowfin tuna, at halibut fish ay halimbawa ng mga pagkaing mataas ang selenium content.

Pag-iwas sa alcohol at caffeine

Ang hindi pag-inom ng alak at kape ay isa ring mabisang paraan para makaiwas sa ulcer. Dahil ang mga ito ay nagpoproduce ng gastric acid na maaring magdulot ng ulcer sa tiyan.

Mahalagang gawin o kainin ang mga dietary options na ito habang umiinom ng gamot sa ulcer para tuluyan nang gumaling mula sa sakit.

Mga halamang gamot sa ulcer

Narito ang ilang herbal na gamot sa ulcer at mga home remedies na mabisang gamot sa ulcer at acidic.

  • Cabbage juice

Ang cabbage o repolyo ay isang sikat na halamang gamot sa ulcer. Iniulat na ginamit ito ng mga doktor ilang dekada bago magkaroon ng antibiotics upang makatulong sa pagpapagaling ng mga sintomas ng ulcer.

Ito ay mayaman sa Vitamin C, isang antioxidant na nakatutulong na maiwasan at gamutin ang mga impeksyon sa H. pylori. 

Sa katunayan, ipinapakita ng ilang pag-aaral sa hayop na ang katas ng repolyo ay epektibo sa paggamot at pagpigil sa mga digestive ulcer.

  • Honey

Ang honey ay isang pagkaing mayaman sa antioxidant na nauugnay sa iba’t ibang benepisyo sa kalusugan.

Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga katangian ng antibacterial ng honey ay makakatulong na labanan ang H. pylori, isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng mga ulcer sa tiyan.

  • Bawang

Ang bawang ay isa pang pagkain na may antimicrobial at antibacterial properties.

Ayon sa mga pag-aaral sa hayop, ang mga extract ng bawang ay maaaring mapabilis ang mabisang gamot sa ulcer. Higit pa rito, ang lahat ng pag-aaral sa laboratoryo, hayop at tao ay nag-uulat na ang mga katas ng bawang ay maaaring makatulong na maiwasan ang paglaki ng H. pylori

  • Turmeric

Ang Turmeric ay isang pampalasa sa Timog Asya na ginagamit sa maraming pagkaing Indian. Madali itong makilala sa pamamagitan ng mayaman nitong dilaw na kulay.

Ang curcumin, ang aktibong sangkap ng Turmeric, ay naiugnay sa mga nakapagpapagaling na katangian.

Lumilitaw na may napakalawak na therapeutic potential ang turmeric, lalo na sa pagpigil sa pinsalang dulot ng mga impeksyong H. pylori na sanhi ng sintomas ng ulcer sa sikmura. 

Kumonsulta sa doktor

Tandaan na bago sumubok ng mga mabisang gamot sa ulcer o herbal na gamot sa ulcer, magpakonsulta muna sa iyong doktor para sa angkop na diagnosis at treatment.

Mga madalas na katanungan tungkol sa ulcer

Gamot sa ulcer ba ang pag-inom ng gatas?

Ang sagot ay hindi. Bagamat makakatulong ang gatas na maibsan ang pananakit ng tiyan na dulot ng ulcer ay hindi ito mabisang gamot sa ulcer. Maari din itong magdulot pa sa tiyan na mag-produce ng mas maraming acid at digestive juices at mas magpalala ng ulcer.

Anong gamot sa ulcer capsule: Ang antacids ba ay gamot sa ulcer at acidic?

Ang mga antacids ay pansamantalang nakakatulong na maibsan ang sintomas ng ulcer. Pero ang pagtetake nito ay maaring makaapekto sa effectiveness ng iniinom na gamot sa ulcer. Mas mabuting magtanong muna sa iyong doktor kung safe ba ang antacids sa treatment plan mo para sa sakit.

Ano ang mga pagkain na dapat kainin ng mga may ulcer?

Wala namang napatunayang pagkain na masama para sa ulcer maliban nalang syempre sa pagkain ng maanghang. Pero paalala ng mga doktor, makakabuti sa katawan at overall health ang pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-iehersisyo.

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Irish Manlapaz

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.