Vertigo: Sanhi, sintomas, home remedy at mabisang gamot para rito

Vertigo: Sanhi, sintomas, home remedy at mabisang gamot para rito

Maraming iba't ibang sanhi ang pagkahilo at kawalan ng balanse dulot ng vertigo. Alamin dito ang mabisang gamot sa vertigo!

Gamot sa vertigo ba ang hanap mo? Narito ang ilang hakbang na maaring gawin.

Ano ang vertigo?

Ang vertigo ay ang pakiramdam ng pagkahilo at pagkawala ng balanse. Sa tindi ng nararanasang hilo at tila umiikot ang paligid sa iyong paningin. Ano nga ba ang sanhi at mabisang gamot para sa vertigo?

Sanhi ng vertigo

Maraming iba’t ibang maaaring sanhi ang vertigo dahil ito ay posibleng sintomas ng iba’t ibang medical condition. Karaniwang rason kung bakit nagkakaroon ng vertigo ay dahil sa problema sa inner ear.

Mayroon dalawang uri ng vertigo. Ito ay ang peripheral vertigo at central vertigo.

Ang peripheral vertigo ay tumutukoy sa pagkahilo at kawalan ng balanse dulot ng problema sa inner ear. Samantala, ang central vertigo naman ay nangyayari kapag mayroong isyu sa utak tulad ng infections, tumor, traumatic brain injury at stroke.

Narito ang mga kondisyon na maaaring sanhi ng vertigo:

babaeng nahihilo-gamot sa vertigo

Larawan mula sa Freepik kuha ni Benzoix

Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV)

Nangyayari ito kapag ang maliliit na calcium particles na kung tawagin ay canaliths ay natanggal sa normal na posisyon nito at naipon sa inner ear. At dahil ang inner ear ang nagbibigay ng signals sa utak tungkol sa head at body movement na may kaugnayan sa gravity, kapag naipon ang calcium particles sa inner ear ay makaaapekto ito sa pagbalanse ng katawan.

Wala pang tiyak na sanhi ang pagkakaroon ng BPPV pero ayon sa WebMD karaniwan umano’y konektado ito sa pagtanda.

Labyrinthitis

Kondisyon ito kung saan ay namaga o nagkaroon ng inflammation at infection sa inner ear labyrinth. Matatagpuan sa labyrinth ng tainga ang vestibulocochlear nerves.

Ang nerves na ito ang nagpapadala sa utak ng impormasyon na may kaugnayan sa tunog, posisyon, at galaw ng ulo. Maaari ring makaranas ng mga sumusunod na sintomas ang taong may labyrinthitis:

Cholesteatoma

Ito ang tawag na skin growth sa middle ear dulot ng paulit-ulit na impeksyon sa tainga. Hindi naman cancerous ang skin growth na ito pero maaari ngang magdulot ng vertigo. Bukod sa vertigo puwede ring humantong sa kawalan ng pandinig ang cholesteatoma.

Meniere’s disease

Nagkakaroon ng build up ng fluids sa loob ng tainga dulot ng Meniere’s disease. Kaya naman, nakararanas ng vertigo attacks ang taong may ganitong kondisyon.

Puwede ring makarinig ng pagtunog sa loob ng tainga o tinnitus. Gayundin ang pakiramdam na tila unti-unting humihina ang pandinig at tila pagkapuno ng tainga.

Vestibular neuritis

Ang kondisyon na ito ay dulot ng pamamaga ng vestibular nerves. Para rin itong labyrinthitis subalit hindi ito nagdudulot ng pagkabingi. Bukod sa vertigo ay maaaring makaranas ng pagsusuka at paglabo ng paningin ang vestibular neuritis.

Migraine

Karaniwan ding mayroong vertigo ang mga taong dumaranas ng migraine. May ilan pa nga na imbes na pananakit ng ulo ay vertigo ang pangunahing sintomas ng kanilang migraine. Maaaring maranasan ng taong may migraine ang vertigo bago, habang nararanasan, o pagkatapos ng migraine attacks.

Puwede ring magdulot ng vertigo ang mga sumusunod:

  • Acoustic neuroma
  • Low blood pressure
  • Diabetes
  • Head injuries
  • Ear surgery
  • Syphilis
  • Brain disease

Anong gamot sa nahihilo dulot ng vertigo?

lalaking nahihilo - gamot sa vertigo

Larawan mula sa Freepik Story set

Mahalagang magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng vertigo. Dahil maraming posibleng sanhi ang sakit na ito. Importanteng magpa-check up para malaman anong gamot sa nahihilo dulot ng vertigo.

Kapag nagpa-check up dahil sa vertigo, itatanong muna sa iyong ng doktor kung ano ang mga sintomas na nararanasan. Maaari ding irekomenda ng doktor na sumailalim ka sa mga laboratory exam para matiyak ano ang sanhi ng iyong vertigo. Mahalaga ito para malaman kung bakit ka nahihilo at ano ang akmang gamot sa vertigo na kailangan mo.

Ang mga karaniwang sintomas ng vertigo ay:

  1. Pananakit ng ulo
  2. Pagkahilo at pagsusuka
  3. Kawalan ng balanse
  4. Motion sickness
  5. Tila may tumutunog sa loob ng tainga
  6. Pakiramdam na tila puno ang tainga

Mabisang gamot sa vertigo

Nakadepende sa iyong mga sintomas at sa underlying condition ng iyong vertigo ang mabisang gamot para dito. Ilan sa mga mabisang gamot sa vertigo na posibleng irekomenda sa iyo ng doktor:

Medication

Mahalagang magamot ang underlying issue ng vertigo. Kung ang sanhi ng vertigo ay infection puwedeng irekomenda ng doktor ang pag-inom ng antibiotics bilang gamot sa vertigo.

Kung mayroon namang pamamaga, maaaring mag-take ng steroids para maibsan ang inflammation. Samantala, mayroon ding iba pang gamot sa vertigo kung ikaw ay nahihilo, may motion sickness at nagsusuka.

Maaaring irekomenda ng doktor ang pag-take ng antihistamine at antiemetics para maiwasan ang pagkahilo at pagsusuka. Magpakonsulta sa doktor para malaman kung ano ang gamot sa vertigo na akma sa iyong kondisyon.

Canalith repositioning procedure (CRP)

Kung BPPV ang dahilan kung bakit ka mayroong vertigo, mabisang gamot o treatment procedure ang CRP. Sa CRP maililipat ang mga calcium particles mula sa inner ear patungo sa bahagi kung saan ay maabsorb ito ng katawan.

Vestibular rehabilitation

Uri ito ng therapy kung saan ay pinalalakas ang ibang senses ng katawan para malabanan ang mga sintomas ng vertigo. Makatutulong ito bilang gamot kung problema sa inner ear ang dahilan kung bakit ka may vertigo.

Surgery

Kung malalang kondisyon ang dahilan kung bakit may vertigo, surgery ang mabisang gamot para dito. Makatutulong ang surgery kung ang vertigo ay dulot ng brain tumor o neck injury.

babaeng nahihilo - gamot sa vertigo

Larawan mula sa Freepik Story set

Gamot sa vertigo: Home remedy

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, mayroon ding mga home remedy na maaaring makatulong bilang gamot sa vertigo. Ang ilan sa mga ito ay herbal na gamot sa vertigo.

Ilan sa mga herbal na gamot sa vertigo ay ang mga sumusunod:

Kung naghahanap ng tea na gawa sa luya o turmeric, narito ang ilan sa mga brands na maaari mong mabili online:

Ginger Powder Pure Organic and Natural

Ginger Powder Pure Organic and Natural | Ginger Tea For Pregnant

Kung hanap mo ay powdered ginger, i-add mo na sa iyong online shopping cart ang budget-friendly na Ginger Powder Pure Organic and Natural product na ito!

Gawa ito sa natural na luyang dilaw at walang kahit na anong halo. Pinong-pino rin ang powder na ito kaya’t napakadaling lusawin sa tubig. Bukod pa roon ay maaari mo rin itong ihalo sa iba’t ibang pagkain. Puwede rin itong gamitin kung nais mong gumawa ng ginger facial mask.

Talaga namang sulit ang produktong ito!

Features we love:

  • Made from pure, natural, and organic ginger.
  • Finely grounded powder.
  • Can be mixed with other foods or drinks.

Stash Tea Lemon Ginger Herbal Tea

Stash Tea Lemon Ginger Herbal Tea | Ginger Tea For Pregnant

 

Kung nais mo naman ay luyang dilaw tea na may mild at refreshing na lasa, subukan ang Stash Tea Lemon Ginger Herbal Tea. Ang produktong ito ay gawa sa 100% natural ingredients gaya ng ginger root, lemon grass, natural lemon flavor, hibiscus, citric acid, safflower, at natural ginger flavor.

Mayroon itong soothing blend na may katamtamang anghang at citrus na lasa na tiyak ay magugustuhan mo!

Features we love:

  • Caffeine-free.
  • Made from natural ingredients.
  • Has a tangy, sunny citrus, and warmth taste.

Makakatulong din ang paggamit ng lavender essential oil para maibsan ang pagkahilo at pagsusuka dulot ng vertigo.

Bukod sa mga herbal na gamot sa vertigo, makatutulong din ang pagbabago sa lifestyle at pag-eehersisyo. Mahalaga rin na pag-aralang i-manage ang stress dahil may mga vertigo na natri-trigger nang dahil sa stress.

Ano ang dapat gawin para maiwasan ang vertigo attacks?

May mga paraan para mabawasan ang risk ng pag-atake ng vertigo. Narito ang mga dapat gawin para maiwasan ang vertigo attacks:

  • Gawin nang dahan-dahan ang pagtayo
  • Kapag matutulog, i-angat ang ulo gamit ang dalawang unan
  • Dahan-dahanin din ang paggalaw ng ulo o ano mang pagkilos na maaaring maka-trigger ng vertigo.
  • Kung mayroong pupulutin o bubuhatin, mag-squat imbes na yumuko.
  • Agad na umupo kapag nakaramdam ng pagkahilo o ano mang senyales ng vertigo attacks.
  • Maglaan ng sapat na oras ng pagtulog. Karaniwang kakulangan sa tulog at labis na stress ang trigger ng vertigo attacks.
  • Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated. I-monitor ang iyong water intake at tiyaking hindi ma-dehydrate.
  • Bawasan ang intake ng sodium. Umiwas sa mga pagkain na maaalat at maraming vetsin o MSG content.

Karagdagan pa:

  • Iwasan ang pag-inom ng alak. Nababago ng alcohol ang composition ng fluid sa iyong inner ear. Bukod pa rito, nagdudulot din ng dehydration ang alcohol sa katawan ng tao kaya naman posibleng ma-trigger ng pag-inom ng alak ang vertigo attacks.
  • Kung mayroong BPPV, ang kakulangan sa vitamin D ay maaaring magdulot ng pagtindi ng sintomas ng vertigo. Makatutulong ang pag-inom ng vitamin D supplement. Subalit, mahalagang magpatingin muna sa inyong doktor para matingnan ang vitamin D level niyo. Sa pamamagitan nito, matitiyak kung kailangan niyo ba ng supplement o sapat lang ang level ng vitamin D sa inyong katawan.
  • Mag-ehersisyo. Makakatulong ang exercise na tinatawag na epley maneuver kung BPPV ang sanhi ng vertigo. Sa pamamagitan ng ehersisyong ito, maililipat ang calcium carbonate particle mula sa semicircular canals pabalik sa otolith organs ng vestibule.
  • Makakatulong din ang yoga para ma-relax ang katawan at maging maayos ang balanse.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.