Tumor sa leeg, ito ang unang nakita ng ama na si Daniel Burgess ng maipanganak ang pang-anim niyang anak na si Bella-Rose nitong August 27.
Tumor sa leeg ng isang baby
Ayon kay Daniel, alam niya at ng kaniyang asawa na si Tabitha Pilarski ang tungkol sa tumor sa leeg ng anak mula pa noong 20-weeks pa lang itong ipinagbubuntis. Ngunit hindi niya inakala na ito pala ay lumaki na doble pa sa sukat ng kaniyang ulo.
“As soon as I saw Bella come out of the room I was crying like a child, it was very emotional.”
“I was sick to my stomach when I first saw the growth because I was in so much shock, I expected a tennis ball-sized growth, but it was twice the size of her head.”
Ito ang mga katagang nasabi ni Daniel ng matanong sa kaniyang reaksyon ng unang makita ang tumor sa leeg ng bagong silang na anak.
Ayon naman sa kaniyang asawa na si Tabitha ay hindi niya nakita ang aktwal na itsura ng bukol sa leeg ng kaniyang anak. Sa pamamagitan ng isang larawan ay ipinakita ito ng mga doktor na kung saan isinalarawan ito na maaring maging “scariest moment” ng buhay niya.
“The doctors knew how big it was going to be, but we didn’t, they said they had a plan and as long as the plan worked Bella would be fine.”
Ito ang pagbabahagi ni Tabitha na nanatiling positibo kahit alam niya na ang kondisyon ng anak noong ito palang ay ipinagbubuntis niya.
“She’s our miracle baby, she’s such a fighter and has defied all of the odds, we had to stay positive for her throughout the entire pregnancy”, dagdag pa niya.
Cystic hygroma o lymphangioma
Ang bukol o tumor sa leeg ni Baby Bella-Rose ay tinatawag na cystic hygroma o lymphangioma. Ayon sa John Hopkins Medicine, isa itong birth defect na maisasalarawan sa pagkakaroon ng bukol o sac-like structure sa ulo o leeg ng isang sanggol.
Binubuo ito ng isa o maraming cyst na lumalaki habang lumalaki rin ang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina. Bagamat, may mga kaso rin ng cystic hygroma na nararanasan ng mga sanggol matapos silang maipanganak.
Madalas ang cystic hygromas ay nabubuo sa pagitan ng 9th to 16th week ng pagbubuntis.
Karamihan ng mga sanggol na mayroon nito ay mayroon ring chromosomal abnormalities. Ang mga abnormalities na ito ay tulad ng Turner’s syndrome, Trisomy 13/18/21 at Noonan syndrome. At pinapataas rin nito ang tiyansa ng miscarriage ng isang pagdadalang-tao.
Ilan sa tinitingnang dahilan ng pagkakaroon ng cystic hygromas ay ang pagkakaroon ng viral infection ng ina na naipasa niya sa kaniyang baby habang ito ay ipinagbubuntis. Pati na ang exposure sa drugs o alcohol habang nagdadalang-tao.
Lunas sa cystic hygroma
Ang cystic hygroma ay hindi maaring gamutin habang nasa sinapupunan pa ang sanggol. May ilang kaso nito ang kusang nawawala bago pa man maisilang ang sanggol. Habang ang ilan naman ay ipinapatanggal agad ito matapos maipanganak ang sanggol na may taglay ng kondisyon.
Sa kondisyon ni Bella-Rose ay agad itong inoperahan at tinanggal ng team ng doctors na binubuo ng 40 na doktor para masiguro na magiging maayos at matagumpay ang operasyon.
Laking tuwa nila Daniel at Tabitha na naging matagumpay ang pag-aalis sa tumor sa leeg ng kanilang anak. Sa ngayon si Bella-Rose ay nagrerecover na.
Samantala, may mga kaso ng cystric hygromas na maaring maka-damage sa ilang healthy tissue kung ooperahan. Sa ganitong pagkakataon ay may ilang techniques na ginagamit para ito ay malunasan. Ito ay sa pamamagitan ng sclerotherapy, chemotherapy, radiation therapy at steroid medication.
Source: Healthline, Fox News
Basahin: Pagtawa ng isang sanggol, epekto pala ng brain tumor
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!