Masakit ang pag-ihi? 11 sintomas ng UTI at mga gamot para dito

undefined

Pabalik-balik na UTI o urinary tract infection? Subukan ang mga mabisa at epektibong home remedies at halamang gamot sa UTI.

Ano ang UTI o urinary tract infections? Mayroon ka bang sintomas ng UTI pero ayaw uminom ng antibiotics? Alamin ang mga halamang gamot sa UTI na puwede mong subukan.

Milyon-milyong tao ang nagkakaroon ng UTI kada taon. Kadalasan, antibiotics ang solusyon laban sa impeksiyon na ito. Pero kung pabalik-balik ang UTI at ayaw mong uminom ng antibiotics, mayroon ka bang puwedeng gawin para labanan at iwasan ang sakit?

Ano ang UTI?

Ang Urinary Tract Infection o  UTI ay isang impeksyon sa urethra at bladder ng urinary system. Ang pinaka-urethra ay ang tubo kung saan dumadaloy ang ihi sa ating pantog o bladder.

Samantala, ang bladder naman ang nag-iipon ng ihi. Ang pagpigil sa ihi at maruming paligid (lalo na ng inidoro sa banyo) ay posibleng dahilan kung bakit nakakuha ang bacteria na E.coli na sanhi ng UTI.

Ano ang sintomas ng UTI sa babae at lalaki?

Babae man o lalaki ay maaaring makaranas ng UTI. Subalit mas karaniwan ang sakit na ito sa kababaihan.  Ano nga ba ang sintomas ng UTI sa babae at lalaki?

Narito ang ilang sintomas ng UTI na maaari mong maranasan babae ka man o lalaki:

  1. Mabaho, maitim, at may kasamang dugo ang ihi
  2. Matinding pagod
  3. Pananakit ng likod
  4. Pananakit ng puson
  5. Masakit ang pantog kapag umiihi
  6. Madalas na pag-ihi o pakiramdam na parang laging naiihi

Bukod sa mga karaniwang senyales ng UTI, anong sintomas ng uti sa babae at lalaki pa ba ang maaaring maranasan?

Kung ang tanong mo ay anong sintomas ng UTI sa babae, narito ang ilang kasagutan:

  1. Masakit na ari tuwing nakikipagtalik
  2. Mahapding pakiramdam sa ari kapag umiihi
  3. Pagsusuka
  4. Mental changes o confusion
  5. Pabalik-balik na lagnat dahil sa UTI

Ang mga nabanggit na senyales ng UTI ay hindi lang babae ang maaaring makaranas. Puwede rin itong maranasan ng mga kalalakihan kasabay ng pananakit ng kanilang ari tuwing umiihi o nakikipagtalik.

Kapag nakaranas ng mga nabanggit na sintomas ng UTI ay mahalagang kumonsulta sa doktor para malapatan ng angkop na paggamot lalo na kung may kasamang pabalik balik na lagnat dahil sa UTI.

Sanhi ng UTI: Saan nakukuha ang UTI?

Mas mataas ang risk factor ng isang tao sa UTI kung sexually active ito. Ang E.coli na bacteria ang pinagmumulan ng infection ng sakit na UTI. Pumapasok kasi ito sa urethra kapag hindi maayos ang paglilinis pagkatapos umihi.

Saan nakukuha ang UTI?

Ayon sa Healthline, mas mataas ang posibilidad ng mga babae na magkaroon ng UTI dahil mas maiksi ang ating urethra kung saan dumadaloy ang ihi, kaya mas madaling makapasok ang bacteria at makarating sa ating pantog.

Kapag pinipigilan mo rin ang pag-ihi, maaari rin itong magsanhi ng UTI. Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng ganitong sakit ang mga taong may mahinang immune system.

Sanhi ng UTI sa babae

Nagdedevelop ang UTI kapag nakapasok ang mikrobyo sa urinary tract na nagdudulot ng impeksyon. Bacteria ang nagiging pangunahing sanhi ng kaso ng UTI, pero, maaari ring magdulot ang fungi ng impeksyon sa urinary tract.

Ang Escherichia coli o E. coli ay isang bacteria na nasa katawan na ng tao, mas madalas na matatagpuan sa dumi o tae, ay ang madalas na nagiging sanhi ng UTI sa babae.

Batay sa pag-aaral, ang anatomiya ng katawan ng babae ay posible ring nagiging sanhi ng pagkabulnerable sa UTI. Mas maikli ang urethra ng babae kaysa lalaki, na mas nakakapagdulot para sa bacteria na magkaroon ng access sa bladder o pantog.

Ang urethral opening din ng babae ay mas malapit sa source ng bacteria mula sa anus at ari. Ang sekswal na aktibidad ang mas lalong makakapagpalapit sa bacteria sa urethral opening.

Sa kabilang banda, hindi ibig-sabihin na may bacteria sa urinary bladder ay lagi nang may impeksyon. Tulad ng bituka sa bukana ng pwet, ang bladder na may bacteria  at iba pang organismo ang nakakapagpanatili dito na maging healthy at makapag-function nang maayos.

Ang ibang tipo ng birth control ay nakakapagdulot rin ng risks sa UTI. Halimbawa, ang spermicide ay nakakapgdulot ng skin irritation na maaaring maging sanhi ng pagdami ng bacteria.

Ang diaphragms naman ay nakakapagpabagal ng daloy ng ihi, at nagiging resulta rin ng pagdami ng bacteria. Tulad ng spermicide, ang unlubricated condoms ay nagdudulot rin ng skin irritation.

Sanhi ng UTI sa lalaki

Karamihan sa kaso ng UTI ay sanhi ng Escherichia coli (E coli) na natural na meron sa ating katawan na nagiging sanhi ng UTI sa lalaki. Ang bacteria na ito ay nakakapasok sa urinary tract sa pamamagitan ng urethra. Urethra ang tube na nagde-draine ng ihi mula sa ating bladder patungo sa ari.

Ang mga sumusunod na salik ang maaaring mas makapagdulot ng UTI sa iyo:

  • pagkaroon na UTI dati
  • matagal na paggamit na ng urine catheter
  • pagiging immobile sa matagal na oras
  • hindi pag-inom ng sapat na tubig
  • pagsasailam sa isang urinary tract o kidney surgery
  • pagbabara sa urinary tract tulad ng bato (kidney stones) o enlarged prostate
  • pagkakaroon ng diabetes
  • pagiging hindi tuli
  • fecal incontinence o hindi makontrol na pagtae
  • pagkakaroon ng anal intercourse, na maaaring mag-expose sa urethra sa mas maraming bacteria

Nakakahawa ba ang UTI?

Maaari bang maging sanhi ng UTI sa lalaki ang pagkahawa sa babae? Nakakahawa ba ang UTI?

Ang mga lalaki ay posibleng magkaroon ng UTI mula sa pakikipagtalik sa babae, sa pamamagitan ng pagkahawa mula sa impeksyon. Pero, hindi ito madalas na mangyari.

Mas madalas na maging sanhi ay ang pagdami at paglala ng bacteria na meron na sa katawan ng lalaki.

Sanhi ng UTI sa bata

Ayon sa Cleveland Clinic, pangkaraniwan ang UTI sa mga bata. Tinatayang isa sa 12 batang babae at isa sa 50 batang lalaki ang nagkakaroon ng UTI bago ang edad na pitong taon.

Mahalagang magamot ang UTI ng bata upang hindi kumalat sa buong urinary system ang impeksyon. Tulad ng UTI sa mga matatanda, ang sanhi ng UTI sa bata ay dahil din sa microorganisms na nakapasok sa urethra at dumami sa urinary tract.

E.coli bacteria rin ang karaniwang nagdudulot ng impeksyon sa urinary tract ng mga bata. Bukod sa E.coli, posible ring maging sanhi ng UTI sa bata ang mga sumusunod na bacteria:

  • Citrobacter
  • Enterobacter
  • Proteus
  • Klebsiella
  • Enterococcus
  • Staphylococcus saprophyticus

Mas madalas umanong nagkakaroon ng UTI ang mga batang mahina ang immune system. Gayundin ang mga batang matagal nang umiinom ng antibiotics para sa ibang kondisyong medikal.

Bukod pa rito, kung ang iyong anak ay sumailalim sa organ transplantation, mataas din ang tiyansa na magkaroon siya ng UTI. Samantala, mayroong mga bata na ipinanganak nang may abnormalities sa urinary tract.

Epekto ng UTI sa baby

Habang nagbubuntis si mommy na may UTI, maaaring makapagdulot ito ng epekto sa kanyang dinadalang baby sa tiyan.

Kapag hindi pa rin nagagamot ang UTI, maaari itong maging sanhi ng kompliaksyon at impeksyon sa bato o kidney. Ang anumang kidney infections, dulot ng UTI, ay may epekto sa baby tulad ng maagang paglelabor o mababang timbang pagkapanganak sa baby.

Kung gagamutin ng iyong doktor nang mas maaga at mas maayos, ang epekto ng UTI sa baby ay mas mababang tiyansa hanggang sa wala.

Ano ang gamot sa UTI?

Mayroong iba’t ibang gamot sa UTI na maaari mong subukan. Mayroong gamot sa uti na herbal at gamot sa uti na antibiotic. Mayroon ding mga prutas na gamot sa uti.

Ano ang gamot sa UTI? Ang mabisang gamot sa UTI ay nakadepende sa kondisyon ng pasyente. Mahalagang kumonsulta sa doktor para malaman anong mabisang gamot sa UTI ang angkop para sa iyong kondisyon.

Halamang gamot sa UTI – Home Remedies

Kadalasan, ang gamot na nirereseta sa mga taong may UTI ay uminom ng antibiotics para mawala ang bacteria at pigilan ang pagbalik nito. Sa loob ng tatlong araw na pag-inom nito, maaari nang mawala ang mga sintomas ng UTI. 

Pero kung pabalik-balik ang iyong UTI, maaaring makasama ang labis o madalas na pag-inom ng antibiotics.

Gayunpaman, mayroon namang ibang paraan para gamutin ang sakit na ito at iwasan ang pagbalik ng bacteria. May mga home remedies tulad ng mga halamang gamot o herbal sa UTI na nakakatulong para mapadalas ang iyong ihi at labanan ang bacteria.

Gamot sa UTI herbal

Mga herbal o halamang gamot sa UTI

Narito ang ilang halamang gamot  o herbal sa UTI na maari mong subukan:

1. Cranberry

Ang cranberry ay isa sa mga prutas na gamot sa UTI, mayaman ito sa D-mannose, isang asukal na mabisa sa paglaban at paggamot sa mga impeksyon gaya ng UTI.

Bagamat walang gaanong halaman na cranberry dito sa Pilipinas, maaari ka namang bumili ng cranberry juice sa mga supermarket kapag gustong labanan ang UTI.

2. Oregano

Karaniwang dinidikdik ang dahon at inilalagay sa tubig para inumin ang katas. Puwede rin itong ilaga o pakuluan at gawing tsaa. May mga pag-aaral rin na ang essential oil na oregano ay mabisa sa paglaban sa UTI.

3. Mais

Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant at tannin na nakakatulong sa mabilis na paggaling ng UTI. Para rito, pakulaan lamang ang mais at inumin ang sabaw na pinagkuluan nito. Gawin raw ito araw araw upang mabilis na gumaling ng UTI.

4. Bawang gamot sa UTI

Mayaman sa active ingredient na allicin ang bawang. Ang allicin ay nagsisilbing antifungal agent at lumalaban sa mga bacteria gaya ng E.coli na nagdudulot ng UTI. Kaya naman ang bawang ay gamot din sa UTI. 

5. Sambong

Ang tsaa mula sa dahon ng sambong ay mabisang diuretic o pampaihi na tumutulong sa katawan para mailabas ang mga dumi at bacteria. May sambong tablet para sa UTI na maaari mo ring subukan kung walang makuhaan ng dahon ng sambong. Makakabili ng sambong tablet para sa UTI online o kaya naman sa mga pharmacy sa inyong lugar.

6. Buko

Sikat na prutas na gamot sa UTI ang buko. Mabisang gamot sa UTI ang sabaw ng buko. Isa rin itong diuretic kaya ang pag-inom ng sabaw ng buko ay makakatulong na mailabas ang bacteria sa katawan. Mayaman din ito sa electrolytes kaya nirerekomenda ng mga doktor ang pag-inom nito sa mga buntis na mayroong UTI.

7. Banaba

Nakakatulong ang halamang ito sa paglinis ng ating urinary system. Pakuluan ang dahon at gawing tsaa para malabanan ang mga bacteria gaya ng E.coli

8. Green Tea

Ang green tea ay nagmula sa halamang Camellia sinensis. Mabisang antioxidant ang tsaang ito at mayroong antimicrobial at anti-inflammatory effects.

Sa isang pag-aaral, natuklasan na ang epigallocatechin (EGC), isang kemikal sa green tea ay mainam na panlaban sa bacteria na E.coli

9. Parsley

Ang parsley ay isang ding banayad na diuretic na makakatulong para mailabas ang bacteria mula sa urinary tract. Pinakukuluan din ang mga dahon nito at ginagawang tsaa.

10. Mint

Bukod sa masarap itong gawing tsaa, nakakatulong din ang halamang gamot na ito para labanan ang bacteria sanhi ng UTI.

Karamihan sa mga halamang gamot na nabanggit ay tumutubo naman sa bansa (at maaaring itanim sa sariling bakuran). Maaari ring makabili ng mga tsaa nito sa mga supermarket.

Bagama’t makakatulong ang mga halamang gamot na ito, tanungin pa rin ang iyong doktor kung puwede ito sa ‘yo para makaiwas sa mga posibleng side effects.

Para naman malabanan at tuluyang maiwasan ang sakit na UTI habang nasa bahay, subukan ang mga sumusunod na paalala:

Mabisang gamot sa UTI – home remedies

Bukod sa mga nabanggit na gamot sa UTI herbal o halamang gamot sa UTI, mayroon ding iba pang hakbang para magamot ang UTI. Narito ang mga mabisang gamot sa UTI – home remedies:

1. Pag-inom nang hindi bababa sa 8 na baso ng tubig bawat araw

Isa sa natural at pinakaligtas na gamot sa UTI ay ang pag-inom ng maraming tubig. Ang hydration ng isang tao ay may kinalaman sa posibilidad na magkaroon ito ng UTI. Ito’y dahil naitutulak palabas ng pag-ihi ang mga bacteria na maaaring maging sanhi ng impeksiyon.

Nais ipaalala ng mga eksperto na ang pag-inom ng tubig ay kalat dapat sa isang araw. Hindi tama ang pag-inom ng maraming tubig sa ilang oras lamang.

Dapat umiinom ng tubig sa iba’t ibang oras ng isang araw at kapag nakakaramdam ng pagka-uhaw para maiwasan ang dehydration.

2. Pag-inom ng Vitamin C

Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom ng Vitamin C o pagtaas ng dosage nito ay nakakatulong upang maka-iwas sa pagkakaroon ng UTI. Ito ay dahil sa napapataas ng Vitamin C ang acidity ng ating ihi na makakapatay sa mga bacteria.

Maaaring uminom ng Vitamin C supplement o kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa bitaminang ito.  Ang pulang sili, orange, suha at kiwi ay mainam na mapagkukunan ng Vitamin C kahit sa isang kainan lamang.

3. Pag-inom ng unsweetened cranberry juice

Isa sa mga pinakakilalang natural na remedyo sa UTI ay ang pag-inom ng unsweetened cranberry juice. Nagagawa nitong pigilan ang pagkapit ng bacteria sa urinary tract upang hindi magkaroon ng impeksiyon.

halamang gamot sa UTI

Ano ang mga halamang gamot sa UTI? | Photo by Jessica Lewis from Pexels

4. Pag-inom o pagkain ng mga probiotics: Yakult gamot sa UTI

Ang probiotics ay mga microorganisms na nakukuha sa mga pagkain o supplements. Ito ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagbalanse ng mga bacteria sa katawan. Nakita sa mga pag-aaral na ang lactobacillus, isang strain ng probiotic, ay nakakatulong sa pag-iwas sa UTI ng mga kababaihan.

Ang pag-inom din ng antibiotics at probiotics ay makakatulong sa pag-iwas sa pabalik-balik na UTI.

Maaari itong makuha sa mga binurong pagkain tulad ng kefir, kimchi, kombucha at probiotic na yogurt. Mayroon ding probiotics ang yakult. Maaaring uminom ng yakult bilang gamot sa UTI.

5. Healthy hygiene at cleaning habits

Ang pananatili ng kalinisan sa sarili at iyong paligid ay mabisang paraan ng pag-iwas sa UTI.

Ugaliin na maghugas at magpunas ng maayos pagkatapos umihi at dumumi. Nirerekomenda ng mga eksperto na ito ay dapat papunta sa likuran upang maiwasan ang pagpunta ng bacteria sa urinary tract.

Iwasan din ang pagpipigil ng ihi, lalo na ng matagal na oras. Ito’y nagiging dahilan ng pag-ipon ng bacteria na nagiging sanhi ng impeksiyon. 

Para sa kababaihan, ang pag-ihi matapos makipagtalik ay nakakapagpababa ng posibilidad na magka-UTI.  Ugaliin din ang madalas na pagpapalit ng underwear.

Makakatulong din kung lagi mong lilinisin ang banyo lalong lalo na ang toilet bowl. Gumamit ng antibacterial toilet bowl cleaner para puksain ang mga bacteria gaya ng E.coli.

halamang-gamot-sa-uti

Ano ang mga halamang gamot sa UTI? | Image from Freepik

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan, tamang nutrisyon at malakas na immune system ay nakakatulong para maiwasan ang sakit na UTI.

Gamot sa UTI na antibiotic

Ang kadalasang mabisang gamot sa UTI ay antibiotic. Samantala, ang mga ireresetang gamot sa iyo ng doktor ay nakabatay sa kondisyon ng iyong kalusugan at tipo ng bacteria na nakita sa iyong ihi.

Gamot sa UTI antibiotic

Narito ang mga gamot sa UTI antibiotic na karaniwang inirerekomenda ng mga doktor:

  • Amoxicillin
  • Sulfamethoxazole
  • Doxycycline
  • Sulfonamides
  • Cephalosporins

Para sa simpleng impeksyon o UTI, narito ang mga inirerekomendang mga gamot maliban sa antibiotic:

  • Trimethoprim/sulfamethoxazole (Bactrim, Septra, others)
  • Fosfomycin (Monurol)
  • Nitrofurantoin (Macrodantin, Macrobid)
  • Cephalexin (Keflex)
  • Ceftriaxone

Para naman sa mas madalas na pagkakaroon ng UTI, itanong sa doktor kung sapat o tama ba ang mga gamot na ito:

  • mababang dosage ng antibiotic, initially ay sa loob ng 6 na buwang gamutan, o minsan ay mas matagal pa
  • Self-diagnosis at lunas, lalo na kung laging kumokonsutla sa doktor
  • single dose ng antibiotic pagkatapos ng pakikipagtalik kung ang iyong impeksyon ay kaungay ng sekswal na aktibidad
  • Vaginal estrogen therapy lalo na kung ikaw ay postmenopausal

At para naman sa mas malalang kaso ng UTI, mas kinakailangan ang gamot na ia-administer ng ospital, tulad ng intravenous antibiotic.

Tandaan

Ang gamot sa uti sa lalaki man o babae ay nakadepende sa kondisyon ng UTI at anong klaseng bacteria ang nagdulot ng impekyon. Bukod pa rito, kung iinom ng antibiotic bilang gamot sa UTI sa lalaki at babae, mahalagang sundin ang direksyon ng iyong doktor.

Huwag titigil sa pag-inom ng antibiotic kung hindi pa tapos ang itinakdang araw ng iyong doktor kung kailan ka dapat tumigil. Kahit pa pakiramdam mo ikaw ay magaling na. Maaari kasing bumalik ang impeksyon kung hindi mo tatapusin ang araw ng gamutan.

Paano maiiwasan ang UTI?

Lahat ng tao ay ang maaaring makaiwas sa pagkakaroon ng UTI o urinary tract infection. Ilan sa mga paraan para maiwasan ito ay ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng 6-8 baso ng tubig araw-araw.
  • Huwag magpigil ng ihi.
  • Pagkain ng mga masustansiyang pagkain at mayaman sa fiber
  • Iwasan ang pagkain ng mga maaalat o sobrang tamis na pagkain

Bawal na pagkain sa may UTI

Ano ang pwedeng kainin ng may UTI? Para maiwasan ang UTI mahalaga ring alam mo ang mga bawal na pagkain sa may UTI at ano ang pwedeng kainin ng may UTI.

Lemon gamot sa UTI?

Kung may nabasa ka o may nakapasabi sa iyo na ang lemon gamot sa uti, mahalagang malaman mo ngayon na hindi gamot sa UTI ang lemon. Katunayan isa ang lemon sa pagkain mga bawal sa may UTI.

Mahalaga man ang prutas para maging malusog ang pangangatawan, kung ikaw ay may UTI dapat mong iwasan ang mga acidic na prutas tulad ng lemon.

Ang acid mula sa lemon, grapefruits, oranges, at iba pang ma-acid na prutas ay maaaring makairita sa iyong pantog at magpalala ng sintomas ng UTI.

Dagdag pa rito, mayroon ding mga gulay na bawal sa may UTI. Isa nga sa mga gulay na bawal sa may UTI ay ang kamatis. Dahil tulad ng lemon ay acidic din ang kamatis.

Ang iba pang inumin at pagkain mga bawal sa may UTI ay ang mga sumusunod:

  • Kape
  • Alak
  • Citrus at caffeinated sodas o soft drinks
  • Maaanghang na pagkain
  • Pagkain na may artificial sweetener
  • Junk foods

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Agad na magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng matinding sintomas ng UTI. Katulad ng masakit na pag-ihi na tumagal na ng isang linggo at kung ikaw ay nakakaranas ng laganat.

Aabisuhan ka ng iyong doktor na uminom ng antibiotic upang magamot ang iyong UTI. Ang UTI ay kadalasang nagagamot lamang ng isang linggo sa pag-inom ng mga gamot na nireseta ng doktor.

Subalit sa ilang pagkakataon maaaring mag-require ng hospitalization ang iyong doktor. Kung ang iyong impeksyon ay lumalala na.

Ganoon pa man, ang simple at hindi malubhang impeksyon na ito ay maaring magdulot ng mga komplikasyon, kaya dapat tandaan, kung nakakaramdam ng mga sintomas ng UTI (lalo na sa mga bata), mas mabuti pa ring kumonsulta agad sa iyong doktor.

Dagdag na impormasyon mula kay Nathaneille Torre at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!