Halamang gamot ang nakasanayan ng inumin ng mga Pilipino bilang lunas sa iba’t ibang karamdaman. Maliban sa ito ay mura at maaaring makikita lang sa bakuran ay wala itong kemikal na maaring magdulot ng side effect sa ating katawan.
Narito nga ang ilang halamang gamot na epektibong panlaban at lunas sa iba’t-ibang uri ng karamdaman.
Talaan ng Nilalaman
Mga halamang gamot sa Pilipinas: Mga uri ng halamang gamot
Bago pa man dumating ang pormal na gamot at maging ang pag-aaral dito, ang mga tao ay higit na umaasa sa kaalaman sa halamang lunas sa sakit na naipasa sa mga henerasyon ng mga pamilya.
Dahil sa napatunayang epekto ng halamang gamot, ang pagsasagawa nito ay nakaligtas sa pagsubok ng panahon at ngayon ay bahagi pa rin ng mga makabagong gawain sa Pilipinas at sa buong mundo.
Tignan ang listahan at klase ng mga halamang lunas sa mga sakit, kasama ang paraan ng paggamit nito, lalo na kung mayroong mga karamdaman.
Hindi lamang nagpapasarap ng pagkain, ang bawang ay isa ring halamang nakakagamot ng iba’t-ibang sakit. Sa katunayan, isa itong halamang gamot sa sipon.
Ayon sa pag-aaral, ang bawang ay mabisang panlaban sa mga bacteria gaya ng Salmonella at E.coli. Ito rin ay itinuturing na gamot sa multi-drug resistant tuberculosis.
Mabisa rin itong panlaban sa sipon, sinus, congestion at diarrhea. May mga pag-aaral ring nagsasabing ang regular na pagkain nito ay nakakababa ng blood pressure.
Para gamitin ito bilang halamang gamot ay kumain ng isa o dalawang butil nito araw-araw.
Mula pa noong unang panahon, ang honey ay ginagamit na bilang panglunas sa mga sugat at pang-iwas sa mga impeksyon. Kilala rin ito bilang halamang gamot sa ubo.
Sa isang 2016 study ay natuklasan ding mabisa itong panggamot sa mga chronic wounds, burns, ulcers, bedsore at skin grafts. Ayon naman sa isang 2011 study, ang honey ay kayang pigilin ang pagdami ng 60 kinds ng bacteria dahil sa taglay nitong antibacterial properties.
Ginagamot naman nito ang mga sugat sa pamamagitan ng paglalagay ng protective coating laban sa mga bacteria. Maliban nga sa mabilis na pagpapagaling sa mga sugat ay mabisa rin itong gamot sa sore throat, gastric ulcers, digestive disorders, ubo at skin problems gaya ng acne.
Sikat ang honey bilang isang halamang gamot sa ubo.
Ngunit dapat tandaan na hindi ligtas na ibigay ang honey sa mga sanggol na isang gulang pababa. Dahil sa hindi pa kaya ng kanilang murang tiyan ang mga bacteriang taglay ng honey na maaaring makasama sa kanila.
Para gamitin bilang halamang gamot ay maaari itong inumin o kaya naman ay ihalo sa tsaa o pagkain. Para naman magamot ang sugat ay maaari itong i-apply ng deretso sa apektadong parte ng katawan.
Ang luya ay isa ring mabisang halamang gamot sa mga sakit. Ito ay itinuturing ng scientific community bilang isang natural antibiotic.
Isang 2017 study ang nagpakita at nagpatunay ng kakayahan ng luya na labanan ang maraming strains ng bacteria. May mga pag-aaral ring isinasagawa para mapatunayan ang effectivity nito sa pagbibay lunas sa seasickness, nausea, upset stomach at pagpapababa ng blood sugar levels.
Isa rin itong halamang gamot sa trangkaso at sipon.
Ang luya ay mabisang panlunas din sa sintomas ng sipon at trangkaso. Para gamitin bilang halamang lunas sa sakit ay magpakulo ng pinitpit na luya sa dalawang tasang tubig at inumin araw-araw.
Ilan sa mga trusted brands ng tsaa na gawa sa luya ay ang mga sumusunod:
Traditional Medicinals Organic Ginger Herbal Tea
Subukan ang pure at organic ginger herbal tea na ito na gawa ng Traditional Medicinals. Ang ginger herbal tea na ito ay gawa sa 100% organic ginger rhizome.
Bukod pa roon ay caffeine-free rin ito kaya di dapat mag-alala sa possibleng side effect nito lalo sa mga buntis. And produktong ito ay may mild spicy at warming taste na siguradong magugustuhan mo!
Features we love:
- 100% pure and organic.
- Certified non-GMO.
- May mild pleasantly spicy at warming taste.
Ginger Powder Pure Organic and Natural
Kung ang hanap mo naman ay powdered ginger tea, i-add mo na sa shopping cart mo ang affordable Ginger Powder Pure Organic and Natural product na ito!
Bukod sa pagiging pure at organic ng ginger tea na ito ay napaka pino ng powder nito kaya naman napakadali ring lusawin sa tubig. At dahil ka ito ay powdered, maaari mo rin itong ihalo sa iba pang inumin at pagkain.
Pwedeng-pwede ka rin gumawa ng ginger facial or hair mask gamit ang produktong ito.
Features we love:
- Made from pure, natural, and organic ginger.
- Finely grounded powder.
- Can be mixed with other foods or drinks.
-
Oregano
Photo by Nothing Ahead from Pexels
Isa pang halamang gamot sa ubo na pinaniniwalaan ng matatanda na mabisa ay ang oregano.
Ang oregano ay may taglay na anti-inflammatory properties at isa ring antioxidant. May iba namang nagsasabi na ang oregano ay nakatutulong para palakasin ang ating immune system.
Bagama’t hindi pa napapatunayan ang mga ito, may ilang pag-aaral namang nagsasabing ang oregano ay mabisang uri ng natural antibiotics lalo na kung ito ay ginawang oil.
Maliban sa oil form, ang oregano ay maaaring gamitin bilang halamang gamot sa pamamagitan ng pag-inom ng katas mula sa pinigang dahon nito na hinalo sa maligamgam na tubig.
-
Catnip
Ang catnip ay isa ring halamang gamot na makikita lamang sa ating bakuran. Pinaniniwalaang nakakagamot ito ng sirang tiyan, nakakatanggal ng anxiety at tension.
Para gamitin bilang halamang gamot ay magpakulo ng apat o limang dahon nito sa isang tasang tubig. Salain at inumin ng isa o dalawang beses sa isang araw.
-
Halamang gamot: Ginseng
Ang ginseng naman ay halamang gamot sa sipon at nakakapawala ng mental at physical fatigue. Nalulunasan din nito ang lala ng sipon at pinaniniwalaang nakakatulong sa mga lalaking mayroon erectile dysfunction.
Para gamitin bilang halamang gamot, ay magpakulo ng 1tsp na pinatuyong ugat nito sa isang tasang tubig sa loob ng sampung minuto. Salain at inumin ng isa hanggang dalawang tasa kada araw.
-
Tanglad
Ang tanglad o lemongrass ay isang mabangong damo na ginagamit rin bilang pangtanggal ng lansa o amoy ng pagkain.
Pinaniniwalaan ding isa itong mabisang halamang gamot sa iba’t ibang karamdaman gaya ng sumusunod: pagtatae, pananakit ng ngipin, hirap sa pag-ihi, pananakit ng sikmura, pananakit ng likod, rayuma, altapresyon at sakit ng ulo.
Para gamiting halamang gamot ay magpakulo ng dahon o ugat nito at inumin.
-
Halamang gamot: Bayabas
Ang bayabas ay hindi lamang masarap na prutas na paborito ng maraming Pilipino. Isa rin itong mabisang halamang gamot lalo na sa mga kati at sugat sa katawan.
Ang pinakulong dahon ng bayabas ay pinaniwalaang mabisang gamot sa sugat na dulot ng tuli at panganganak. Gamot din umano ito sa ulcer, rayuma, namamagang gilagid, pagtatae at hirap sa pagdumi.
-
Kalamansi
Isa pang masustansiyang prutas at pampalasa sa pagkain na halamang gamot rin ay ang kalamansi.
Alam niyo bang isa itong halamang gamot sa sipon?
Ang juice nito ay pinaniniwalaang nakakagamot ng ubo, sipon, altapresyon at pati na sa taghiyawat at pangingitim ng balat. Pigain lang ang katas ng prutas nito at ihalo sa tubig at inumin.
-
Halamang gamot: Guyabano
Ang guyabano ay isa pang prutas na paborito nating mga Pilipino. Maliban sa masarap at nutrients na taglay ng prutas nito ay mabisa rin itong halamang gamot sa sipon at sa iba’t ibang sakit.
Mabisa ito umanong gamot sa pagtatae, pamamanas ng paa, eczema, rayuma, at sipon. May mga pag-aaral ring nagsasabi na mabisa ang katas ng bunga nito sa pagpigil ng pagkalat ng kanser sa katawan.
Photo by Liar, tapi dah jinak. on Unsplash
-
Lagundi
Isa pa sa halamang gamot na napatunayang epektibo laban sa ubo ay ang lagundi. Sa tulong nito ay magagamot ang ubo, maiibsan ang sintomas ng asthma at mailalabas ang plema sa dibdib.
Pinapababa rin umano ng lagundi ang lagnat na dulot ng sipon bilang ito ay isang halamang gamot sa trangkaso. Ito ay mabisa rin umanong pampawi ng sakit ng ulo at sakit ng ngipin.
Ang kailangan lang gawin ay kumuha ng dahon na lagundi saka pakuluan ito sa dalawang baso ng tubig. Gawin ito sa loob ng 15 minuto pataas. Saka umano inumin ang pinakuluang lagundi mixture na syempre sa temperaturang kakayanin mo.
-
Halamang gamot: Sambong
Pagdating sa mga babaeng bagong panganak, ang pinakuluang tubig na may sambong ay ang laging ipinapayo ng mga matatanda bilang kanilang unang pampaligo.
Ito umano’y para makaiwas sa lamig at binat ang bagong panganak. Pero maliban dito ang pinakuluang dahon ng sambong ay mabisa rin umanong lunas sa mga sugat.
Ang sambong ay isa ring halamang gamot sa ubo at sipon. Ganoon din sa rayuma, at diarrhea. Nakakagamot din umano ito ng respiratory infections at pananakit ng tiyan. Anti-urolithiasis din ito o halamang gamot din kontra sa kidney stones.
-
Ampalaya
Kung high blood o diabetic, ampalaya naman ang iyong dapat kainin. Sapagkat ito’y nakakapagpababa umano ng blood sugar at cholesterol.
Maaari rin itong gawing juice at inumin. Ang katas ng dahon nito ay mabisang gamot rin sa ubo. Gamot din umano ito sa lagnat, bulate sa tiyan at pati na sa sakit sa atay.
-
Acapulco
Tulad ng bayabas, mainam rin umanong panghugas ng sugat ang pinaglagaang tubig ng dahon ng akapulko. Ito rin umano ay mabisang pang-alis ng mga bulate sa tiyan.
Dahil sa ito ay may laxative, purgative at anti-fungal properties. Maliban sa pagiging halamang gamot, maganda rin itong gawing ornamental plant sa inyong bahay.
Ilan lamang ito sa mga halamang gamot na matatagpuan dito sa Pilipinas. Marami pang ibang halaman ang nasa paligid natin na mabisa at maaring sagot na sa karamdamang matagal na nating iniinda.
-
Halamang gamot: Aloe vera
Ang gel ng aloe vera ay mabisang gamot para sa nasunog o sugat sa balat, eczema, at iba pang skin allergies. Mabisa naman ang juice nito bilang gamot sa digestive problems tulad ng constipation.
-
Banaba
Ang dahon naman ng banaba ay maaaring gamitin bilang gamot sa may balisawsaw, sakit sa bato at pantog. Gawin lamang itong tsaa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahoon nito.
Ginagamit ring pampaligo ang pinakuluang dahoon ng Banaba para sa mga kakapanganak pa lamang.
Ang puno naman nito ay mainam para sa mga may alta presyon at diabetes.
-
Halamang gamot: Gumamela
Ang Gumamela o Hibiscus ay mabisang gamot para sa pigsa. Didikdikin lamang ang buko ng bulaklak nito, Haluan ng kaunting asin at itapal sa bahaging apektado.
Mainam rin ito para sa mga bukol, na kahit hindi na lagyan ng asin. Maaari namang gawing gugo ang katas ng dahon nito.
Tandaan: Kung nakakaramdam ng sakit, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor. Hindi pamalit ang mga nasabing mga halamang gamot sa Pilipinas para sa inireseta ng duktor.
Kilalang mga gamot at napatunayang bisa sa mga kondisyon sa katawan
Napakaraming uri ng halamang gamot na makikita sa Pilipinas, ito ang nagsisilbing mga gamot sa iba’t ibang karamdaman at kondisyon na nararanasan sa katawan.
Nakaugalian nang gamitin ang mga halamang gamot na ito sa mga sakit tulad ng ubo, sipon, trangkaso at impeksyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kung mayroong mga Pinoy na nagtitiwala sa pagiging epektibo ng mga halamang gamot, marami pa rin ang nagdududa sa bisa ng mga ito. Kaya’t nagkaroon ng mga pananaliksik at pag-aaral sa mga halamang gamot at ang halaga nito sa mundo ng medisina.
Sa pagkakatatag ng herbal na gamot sa Pilipinas, naglabas naman ang DOH o Department of Health at ang DOST o Department of Science and Technology ng mga listahan ng mga halaman na malaki ang benepisyo sa kalusugan.
Halamang gamot para sa sipon, ubo at lagnat
- Lagundi. Ang benepisyong dulot ng lagundi ay nakapagpapatigil sa pag-ubo, nakapagpapagaan ng hika, napadadali ang paglabas ng plema at pagbaba ng lagnat dulot ng sipon o trangkaso. Pain reliever ding maituturing ang Lagundi para sa sakit ng ulo at sakit ng ngipin.
- Ampalaya. Ang katas ng dahon ng ampalaya ay tumutulong sa katawan ng isang tao upang alisin ang mga viral infections na kadalasang humahantong sa ubo at sipon. Naiibsan nito ang ubo. Kilala din itong antitussive at antipyretic.
- Tawa-tawa. Makapangyarihang halamang gamot ang tawa-tawa o kilala rin bilang gatas-gatas sa paggagamot ng sipon, upo, lagnat o kahit na mga sintomas pa lamang ng lagnat. Hindi lamang antiviral properties ang tawa-tawa, isa rin itong antibacterial, antifungal at anti-inflammatory.
- Sambong. Mabisang antipyretic na makatutulong sa pagbaba ng temperatura dala ng lagnat.
Halamang gamot para sa arthritis at gout
- Sambong. Nakatutulong at malaki ang kapakinabangan ng katangian ng sambong sa paggamot ng mga sugat at hiwa. Gayundin and pagpapagaling nito sa rayuma at nagsisilbing anti-diarrhea at anti-spasmodic. Kinokontrol din nito ang uric acid sa katawan, kung saan mahusay na pang-iwas para sa gout.
- Yerba Buena. Mayroon itong anti-inflammatory properties na nakatutulong alisin ang pananakit ng Arthritis.
- Pansit-Pansitan. Ang Pansit-Pansitan ay mayroong anti-inflammatory at analgesic na mga katangian na siyang nakagagamot sa arthritic pain. Bukod dito, nababalanse nito ang uric acid na makatutulong upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng gout.
Halamang gamot para sa diarrhea
- Tsaang-gubat. Tinatawag na kalabonog, mara-mara, semente at buyo-buyo. Halamang gamot ito sa Pilipinas na maaaring gamitin upang magamot ang pagtatae o LBM (Loose bowel movement).
- Niyog-Niyogan. Maraming benepisyong dala ang Niyog-Niyogan, kabilang na dyan ang pagiging epektibong lunas nito sa pagtatae at upang magkaroon ng maluwag at maayos na pagdumi.
Halamang gamot para sa skin diseases at pagpapagaling ng sugat
- Bayabas. Kilala sa kanilang mga antiseptic properties, ang dahon ng bayabas ay ginagamit mula pa noong unang panahon upang gamutin ang mga sugat at gamutin ang mga bacterial infection.
- Tsaang-gubat. Isang versatile na halaman ang Tsaang-gubat na kayang gamutin ang maraming kondisyon, depende sa kung paano ito inihahanda. Ipinagmamalaki nito ang mga katangiang anti-inflammatory at antibacterial, ang halamang gamot na ito sa Pilipinas ay makakatulong sa pagsulong ng paggaling ng sugat at paikliin ang oras ng pagpapagaling.
Ilan lamang ito sa napakaraming halamang gamot sa Pilipinas na makapagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman sa kalusugan. Ito ang mga herbal plants na karaniwan sa mata ng ordinaryong mga Pilipino, na ang ilan sa mga ito ay madali lamang makita at makuha sa daanan.
Tandaan lamang na kung balak gumamit ng mga halamang gamot na ito, siguraduhin na ito ay iyong kukunin sa tamang lugar.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Jasmin Polmo
Medical News Today, Healthline, Prevention.com, Kalusugan.ph, Gamot.info, Hawaii.edu, BusinessMirror, ScienceDirect
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.