Challenging ang pagiging parent dahil sa dami ng mga dapat asikasuhin para sa iyong anak. Kabilang sa common struggles ng parents ang paghahanda ng healthy quick breakfast for kids.
Maraming healthy quick breakfast options na maaari mong subukan for your toddler. Pwede kang gumawa ng homemade breakfast na you can easily prepare in minutes.
O kaya naman ay subukan ang store-bought healthy quick breakfast options na especially made for kids!
Talaan ng Nilalaman
Healthy quick breakfast ideas for your kids
Common challenge para sa parents na ipaubos ang inihandang meal sa anak. Kaya pati sa pag-prepare ng breakfast ay kailangang creative ka at mahaba ang iyong pasensya.
Narito ang ilan sa mga healthy quick breakfast options na pwede mong gawin para sa iyong kids:
- Snack plate – maaaring gawin during breakfast, snack time, or dinner. Bigyan siya ng low sugar dry cereal or crackers, protein-rich food tulad ng cheese, cottage cheese, nuts, o itlog. Lagyan din ng prutas ang snack plate ng iyong anak.
- Overnight oats – mayaman sa nutrisyon ang overnight oats para sa kids. Add to that, usually ay thick ang consistency ng overnight oats kaya madaling makakain ng iyong anak gamit ang kutsara. Lalo na kung nag-aaral nang kumain nang mag-isa ang iyong kid.
- Whole grain pancakes and waffle – mayroong whole grain, protein, at healthy fats ang pancakes at waffle mix. Tiyak na magugustuhan ng iyong anak ang healthy quick breakfast na ito.
- Oat meal – maraming iba’t ibang paraan para i-serve ang oatmeal kaya tiyak na may tutugma sa panlasa ng iyong anak. Beneficial din ito sa pagpapakilala sa kaniya ng texture.Kadalasan ay mas prefer ng toddler ang smoother consistency ng quick oats kaysa sa rolled oats. Maaari itong lagyan ng grated apple, raisins, diced dried mango, o strawberries.
- Egg and cheese bread omelet – madaling gawin at satisfying. Matutuwa ang kids at gaganahan sa cheesy bread omelet na ito. In addition, sagana sa protein ang quick healthy breakfast option na ito dahil sa keso at itlog.
However, kung ikaw ay busy parent, best pick pa rin ang quick healthy breakfast options na mabibili sa market.
Store-bought healthy quick breakfast options: Paano pumili
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng best healthy quick breakfast options. Ito ay upang matiyak ang benefits na makukuha sa store-bought breakfast para sa iyong anak.
- Ingredients – Alamin ang ingredients ng quick healthy breakfast na bibilhin. Tingnan kung mayroon ba itong sangkap na maaaring makasama sa iyong anak or mag-cause ng allergy.
- Nutritional Content – Tingnan ang nutritional content ng pipiliing breakfast for toddlers. Mabuting malaman kung anu-anong nutrients ang makukuha ng bata sa pagkain nito. Siguraduhing healthy para sa kaniya ang inyong bibilhin.
- Flavor and Texture – magandang oportunidad din ang breakfast para i-introduce ang lasa at texture ng pagkain. Pumili ng flavor at texture na sa palagay ninyo ay magugustuhan ng bata.
- Price – Maraming abot-kayang breakfast for toddlers sa market. Piliin ang masustansya pero angkop sa budget ng pamilya.
Best healthy quick breakfast options na madaling i-prepare
Narito ang aming picks para sa best quick healthy breakfast options na maaari mong mabili online.
Brand | Category |
Kellogg’s Froot Loops | Best overall |
The Superfood Grocer Coconola | Best for vegans |
Happy Baby Pancake and Waffle Mix | Best for brain development |
Heinz Yogurt Banana with Oats Puff | Best for healthy intestines |
Happy Baby Organics Oatmeal | Best to prevent constipation |
Kellogg’s Froot Loops
Best overall
|
Buy Now |
The Superfood Grocer Coconola
Best for vegans
|
Buy Now |
Happy Baby Pancake and Waffle Mix
Best for brain development
|
Buy Now |
Heinz Yogurt Banana with Oats Puff
Best for healthy intestines
|
Buy Now |
Happy Baby Organics Oatmeal
Best to prevent constipation
|
Buy Now |
Kellogg’s Froot Loops
Best overall
Puno ng vitamins at nutrients ang Kellogg’s Froot Loops kaya siguradong healthy ang quick breakfast na ito for toddlers.
Mayroong 9 mg of Vitamin C ang kada serving nito, katumbas ng Vitamin C na makukuha sa raw cranberries.
Not only that, may iron, Vitamin B complex, Vitamin A, at protein ang Kellogg’s Froot Loops. Makatutulong ang mga bitaminang ito para sa maayos na development ng bata.
Ang iron at Vitamin B 12 ay mahalaga sa healthy blood production. Moreover, importante naman ang Vitamin A para magkaroon ng healthy eyes ang bata.
In addition, ang Vitamins B1, B3, at B6 ay essential sa energy release ng iyong anak. Gawa sa mais, barley, at wheat ang froot loops at walang artificial colors.
Pwedeng lagyan ng gatas, maaari ding hindi. Best of all, hindi lang pang breakfast ang froot loops, pwede rin itong ihalo sa snacks ng iyong toddler.
Mga nagustuhan namin:
- Rich in vitamins and nutrients.
- Best for pincer grasp development.
- Colorful and attractive for kids.
The Superfood Grocer Coconola
Best for vegans
Kung quick vegan breakfast options ang hanap mo, best pick ang The Superfood Grocer Coconola.
Gawa ito sa 100% plant-based ingredients – rolled oats, unrefined low-glycemic coconut nectar and sugar, tree nuts at dark chocolates.
Add to that, ang mga ingredients nito ay non-GMO at gluten free. Isa pa sa maganda sa The Superfood Grocer Coconola, mula sa local coconut farmers ang sweeteners na ginamit dito.
Sinusuportahan ng manufacturer ang sariling produkto ng kapwa Pilipino. Ang bawat pack ng granola na ito ay siguradong isa sa best quick healthy breakfast options.
Bukod sa masarap ay makatutulong ito para magkaroon ng sapat na fiber ang katawan ng iyong anak. Mahalaga ang fiber para sa healthy digestive system at metabolism ng iyong toddler.
Mga nagustuhan namin:
- All-natural ingredients.
- Delicious chocolate flavor.
- No refined sugar.
Happy Baby Pancake and Waffle Mix
Best for brain development
Easy-to-make pero tiyak na masustansya ang Happy Baby Pancake and Waffle Mix. Gawa ito sa 100% whole grains at no added sugar.
Ang whole grains ay puno ng fiber, iron, nutrients, minerals, at anti-oxidant na kailangan ng katawan. Makatutulong ito para maging healthy ang digestion at metabolism ng kids.
In addition, ang nutrients na makukuha sa whole grain foods ay beneficial upang mapanatiling malusog ang puso.
Not only that, ang iron na makukuha sa pagkain ng Happy Baby Pancake and Waffle Mix ay mahalaga sa brain development ng bata.
Moreover, may vitamin C content din ito na mahalaga para mapanatiling malusog ang bata. Helpful ito para maging malakas ang immune system ng iyong anak.
Mga nagustuhan namin:
- Non-GMO ingredients.
- USDA certified organic.
- Contains eggs, milk, and wheat.
Heinz Yogurt Banana with Oats Puff
Best for healthy intestines
Gawa sa 100% natural grains na may probiotics at prebiotics content ang Heinz Yogurt Banana with Oats Puff. Makatutulong ang natural grains at probiotics para sa healthy metabolism at digestive system ng bata.
On the other hand, mahalaga naman ang prebiotic para maparami ang probiotics sa intestine. Helpful din ang healthy quick breakfast option na ito sa development ng pincer grasp skill ng iyong anak.
Mayroong apat na iba’t ibang shape ang puffs na ito: star, moon, circle, at fingers. That is why, tiyak na ma-eenjoy ng iyong anak ang kaniyang breakfast.
Moreover, walang additional salt at sugar ang Heinz Yogurt Banana with Oats Puff. Wala rin itong karagdagang artificial flavoring at preservative.
Best of all, madaling dalahin kahit saan ang healthy quick breakfast na ito. Mayroon itong individual packaging kaya hindi kailangang dalahin lahat ang buong kahon kung aalis kasama si baby.
Mga nagustuhan namin:
- Encourage baby to grasp independently.
- All-natural ingredients.
- Contains FOS prebiotics.
Happy Baby Organics Oatmeal
Best to prevent constipation
Karaniwang nakararanas ng constipation ang mga bata sa tuwing nakakakain ng new food.
Makatutulong ang Happy Baby Organics Oatmeal upang maiwasan na makaranas ng constipation ang iyong anak. Mahalagang healthy quick breakfast option ang oatmeal.
Fiber-rich food ang oatmeal at nagsisilbi itong natural laxative to prevent constipation. Nakatutulong ang fiber para mapanatili ang maayos na bowel movement ng kids.
In addition, mayroon ding high amount ng magnesium, iron at zinc ang oatmeal. Meanwhile, ang Happy Baby Organics Oatmeal ay may iron content din na mahalaga sa brain development ng bata.
Aside from that, best pick ito para maipakilala ang texture sa bata dahil ito ay soft pero napapanatili ang structure. Best of all, maaari itong haluan ng gulay, prutas o iba pang pagkain para madagdagan ang flavor.
Mga nagustuhan namin:
- Certified organic ng USDA at CCOF.
- BPA-free packaging para safe sa bata.
- Gluten free.
- Non-GMO Ingredients.
Price Comparison
Challenging ba ang pagpili ng almusal na swak sa inyong budget? Narito ang price list ng ating best healthy quick breakfast options to guide you sa pagpili.
Product | Price |
Kellogg’s Froot Loops | Php 109.00 |
The Superfood Grocer Coconola | Php 246.00 |
Happy Baby Pancake and Waffle Mix | Php409.00 |
Heinz Yogurt Banana with Oats Puff | Php 309.00 |
Happy Baby Organics Oatmeal | Php355.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Bakit mahalaga ang healthy breakfast for kids
Importante ang breakfast upang magkaroon ng energy ang katawan. Ang energy na ito ang gagamitin ng iyong anak mula umaga hanggang sa gabi.
Ang mga batang kumakain ng breakfast ay magiging mas malusog at physically active kaysa sa mga hindi nag-aalmusal. Ang hindi pagkain ng breakfast can make the kids tired, restless at irritable.
Kung hindi mag-aalmusal ang bata, maaaring kalagitnaan pa lang ng araw ay bumaba na ang kaniyang energy at mood.
Furthermore, mahalaga ang breakfast para mapanitili ang healthy weight ng iyong anak. Essential ang almusal para sa maayos na metabolism ng bata. Ang metabolism ay tumutukoy sa pag-convert ng ating katawan sa food into energy.
Kung tuloy-tuloy ang proseso ng metabolism, magsisimulang mag-burn ng calories ang katawan. Mahalagang kumain ng breakfast ang mga bata araw-araw. However, tiyaking masustansya ang pagkain na ihahain sa iyong anak.
Pumili ng healthy quick breakfast na rich sa whole grains, fruits, vegetables, at protein ngunit low on added sugar.
Para naman sa snack time para sa anak, basahin: 5 Best Baby Snack Ideas na Masarap at Masustansya