Ipinakita ni Daddy Drew ang nakakamanghang breastfeeding session ni Mommy Iya Villania sa kanilang baby na si Alana. Para kay Daddy Drew, kakaiba ang pagpupursigi ng kanyang asawa para pagsabayin ang trabaho at mommy duties ni Iya.
Mommy Iya Villania and Baby Alana
Tatlong linggo na ang nakakaraan nang isinilang ni Mommy Iya Villania ang si baby Alana, ang kanilang 3rd baby at 1st baby girl ng asawang si Drew Arellano. Aminado ang aktres na naging mahirap ang naranasang panganganak nito.
Ang IG story nito ay may caption na “Thank you, Lord. Delivery is hard. Thank you Lord for getting me through that once again.”
Bago pa lamang ito, aminado si Mommy Iya na takot siyang maging baby girl ang kanilang magiging anak ni Daddy Drew. Ito ay dahil takot pa siyang lumaki ang magiging anak niyang babae sa panahon ngayon. Bukod pa rito, mga gamit ng baby boy ang mga nakahandang gamit para rito.
Ayon kay Mommy Iya, hindi niya inaasahan na magiging babae ang kanilang magiging anak.
“Wala akong hinandang pambabae, at all.”
Sa kabila nito, makikita mo pa rin ang pagiging emosyonal mommy ni Iya habang karga ang kaniyang baby girl.
Iya Villania breastfeeding
Proud na proud na ipinakita ni Daddy Drew ang litrato ng kanyang asawa na si Mommy Iya habang nag sasagawa ng breastfeeding kay baby Alana. And guess what? Nagtatrabaho rin si Iya!
Makikita ang multi-tasking duty ng celeb mom. Hindi naman napigilang i-post ni Drew ang precious moments na ito ng kanyang asawa at ni baby Alana.
Ang Instagram post ay may caption na “Now that’s DEDE-cation.”
Breastfeeding kay baby
Sa journey ng isang pregnant mommy, isa sa pinaghahandaan diyan ay ang pagpapasuso o yung tinatawag nating breastfeeding kay baby.
Ang breastfeeding ay isang mahalagang gawain. Dahil ang gatas ng ina ay isa sa mga pangunahing kailangan sa development at healthy na pangangatawan ng sanggol habang lumalaki.
Marami rin ang benefits ng sanggol sa gatas ng ina. Ito ay dahil ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies. Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Drew Arellano to Iya on breastfeeding: Now that’s DEDE-cation | Image from Unsplash
Bukod pa dito, ang breastfeeding para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Benepisyo ng breastfeeding kay baby:
- Napapababa ang tyansa na magkaroong ng eczema, asthma, at food allergies si baby.
- May mabilis na epekto sa kaniyang cognitive development.
- Napapaganda ang tubo ng ngipin at bumababa ang tyansa na magkaroon ng tooth decay.
- Napapababa ang risk ng obesity habang tumatanda.
- Napapababa ang risk ng sudden infant death syndrome.
Benepisyo ng breastfeeding kay mommy:
- Ang pagpapasuso o breastfeeding kay baby ay isang magandang bonding sa inyong mag-ina. Mapapanatili kayo nitong close at napapatibay ang connection sa isa’t-isa.
- Ang breastfeeding ay napapababa ang risk ng breast cancer at ovarian cancer kay mommy.
- Napapababa ng breastfeeding ang hip fractures at osteoporosis.
BASAHIN:
WATCH: Iya Villania ibinahagi kung paano siya nanganak sa panahon ng COVID-19
Solenn, pinakita kay Nico kung paano mag-multitask habang nagpipinta at nagpapa-breastfeed
Breastfeeding habang may COVID-19: Wash your breast and wear mask
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!