X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Netizen ibinahagi ang bagong modus ng masasamang loob gamit ang shopping site na Lazada

4 Oct, 2019

Lazada scam, ito ang pinakabagong modus ng masasamang loob na ibinahagi ng isang netizen.

lazada scam

Image from Vulcan Post and Jaydee Mendoza’s Facebook post

Lazada scam

Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Jaydee Mendoza. ito ay nagbibigay warning tungkol sa pinakabagong modus gamit ang pangalan ng shopping site na Lazada.

Ayon sa Facebook post ni Jaydee, ay nagulat siya ng biglang may magtext sa kaniya na nagpakilalang delivery boy mula Lazada. Ito daw ay mag-dedeliver sa kaniyang order at kailangan niyang ibigay ang personal niyang impormasyon para kumpirmahin ang order niya.

Laking gulat ni Jaydee dahil matagal na siyang hindi umuorder sa online shopping site. Kaya naman hindi niya nalang pinansin ang unang text ng nagpakilalang delivery boy.

“Matagal2 na kong d umorder sa lazada kaya laking gulat ko ng may mareceive akong text na anjan na daw ung delivery kalerks!!! So ako naman chineck ko agad lazada app ko to confirm na wala, so wla nga, kaya alam ko n agad na modus to.”

Ito ang pahayag ni Jaydee sa kaniyang Facebook post.

Ngunit makulit ang nagpakilalang Lazada delivery boy at nagtext pa ng nagtext.

Dito na naisip ni Jaydee na sakyan ang panloloko ng nagpakilalang delivery boy. Hindi akalain ni Jaydee na mas ikakagulat niya ang magiging sagot nito ng tanungin niya kung ano ang order niya at magkano ito.

Ang order niya daw for delivery ay vacuum cleaner na nagkakahalaga ng P12,000.

“Kala siguro neto ni kyah e madadale nia ko sa pa-Vacuum nia na worth 12k oiii kuya unang una bakit ako oorder ng vacuum aanhin ko yan at worth 12k?!?.”

Dagdag na pahayag ni Jaydee sa kaniyang Facebook post.

Pakikipag-usap sa scammer

Hindi naman nakuntento ang nagpakilalang Lazada delivery boy sa pagtetext lang at tumawag pa kay Jaydee. Kaya naman nagpalusot ito na nasa Singapore siya at ma-chacharge siya ng roaming kapag tumawag pa siya. At hindi niya rin marerecerive ang order niya dahil wala siya sa bahay niya.

Pero sadyang maparaan si delivery boy at nag-suggest pa na ipa-receive nalang sa ibang kasama niya sa bahay ang item na inorder niya.

Dahil sa kulit ni delivery boy ay sinabi na ni Jaydee na cancel nalang ang order. Pero desidido si delivery boy at sinabing may freebies pa daw ang idedeliver riya.

Sa haba ng kanilang pag-uusap at pangungulit ng delivery boy ay napuno na rin si Jaydee. Kaya naman hindi niya na napigilang pagsabihan ito.

“Kuya/ate ikaw ang lumabas jan sa pagkatao mo, maghanap buhay ka ng tama hndi ung nanggulang ka ng tao para kumita. Mali yan at matakot ka sa karma, tigilan mo ko at hindi mo ako maloloko. pasensiya ka. Nagkamali ka at matalino yung tinry monh lokohin.”

Matapos ang mensahe na ito ni Jaydee sa nagpakilalang delivery boy ay hindi na daw ito muling nag-text at tumawag sa kaniya.

Pagbibigay awareness sa iba

Kaya naman dahil sa kaniyang karanasan ay nais ni Jaydee na magbigay awareness sa mga netizens. Lalo na sa mga mahilig umorder sa mga online shopping sites na target lokohin ng lazada scam na ito.

“Seriously, christmas season na naman kaya marami n namang naglalabasan na mga modus ng masasamang loob para makapanlamang ng kapwa kaya magdoble ingat po tyo mga besh kung maari sabihan na dn ang mga naiiwan sa bahay kng wla naman tyo naibilin e wag tumanggap at magbayad ng basta basta.”

Samantala, ang aming team ay nakipag-ugnayan na sa Lazada upang makuha ang kanilang pahayag ukol sa sinasabing Lazada scam issue. Ito ang official statement ng e-commerce company:

At para makaiwas naman sa mga online scam an tulad nito ay narito ang ilang tips na dapat niyong tandaan.

Tips para hindi mabiktima ng mga online shopping scam

1. Mag-shop lang sa mga safe at secured online shopping site o app. Dahil ang ilan sa mga ito ay nais lamang kunin ang mga personal na impormasyon ninyo. Makakatulong kung magtatanong muna sa mga taong malalapit sayo kung ano ang shopping app o site na kanilang ginagamit at mapagkakatiwalaan.

Partner Stories
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

2. Ang sobrang baba ng presyo ng isang item na ibinibenta ay isang palatandaan na ito ay scam. Ginagawa lang itong pain para i-click mo na maaring mag-direct sa iyo sa isang phishing site na kukuha ng mga impormasyong naka-save sa browser o computer mo.

3. Sa oras naman na makakatanggap ng text o tawag mula sa mga taong nagpakilalang mula sa mga shopping site ay huwag ng entertainin kung wala namang inaasahang order.

Kung ikaw naman ay may inaasahang order, maari mong i-check ang status ng iyong order sa shopping app na ginagamit mo. O kaya naman maari mo ring tawagan ang shopping site sa kanilang contact number na makikita mismo sa kanilang app o site.

4. Huwag basta-basta magbibigay ng iyong personal na impormasyon sa mga taong hindi mo kilala. Dahil sa kaso ng mga shopping app at sites ay naka-indicate na sa iyong order slip ang mga personal details mo.

5. Kung first time tatanggap ng order mula sa isang online shopping app ay nagpapadala muna sila ng text bilang notification na may paparating kang order. At hindi sila nanghihingi ng mga personal na impormasyon bilang kumpirmasyon. Maliban nalang kung mahirap tuntunin ang lokasyon mo ay kailangan nila ng gabay para mai-deliver ang order mo. Ngunit muli, bago sumagot o mag-entertain sa mga nagpapakilalang delivery boy ay tingnan muna ng status ng iyong order sa shopping app o site na pinag-orderan mo.

Source: GMA News

Basahin: 10 Simple hacks to protect yourself when shopping online

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • Netizen ibinahagi ang bagong modus ng masasamang loob gamit ang shopping site na Lazada
Share:
  • Babae, mahigit 3 taong niloko ng kaibigan na nagpanggap na kaniyang nobyo

    Babae, mahigit 3 taong niloko ng kaibigan na nagpanggap na kaniyang nobyo

  • Kapa Ministry, pinakamalaking investment scam diumano sa Pilipinas ayon sa SEC

    Kapa Ministry, pinakamalaking investment scam diumano sa Pilipinas ayon sa SEC

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Babae, mahigit 3 taong niloko ng kaibigan na nagpanggap na kaniyang nobyo

    Babae, mahigit 3 taong niloko ng kaibigan na nagpanggap na kaniyang nobyo

  • Kapa Ministry, pinakamalaking investment scam diumano sa Pilipinas ayon sa SEC

    Kapa Ministry, pinakamalaking investment scam diumano sa Pilipinas ayon sa SEC

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.