X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK! Ms. Universe PH 2016 Maxine Medina sa engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend: “This is the start of my ALWAYS”

5 min read
LOOK! Ms. Universe PH 2016 Maxine Medina sa engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend: “This is the start of my ALWAYS”

Maxine sinabing nagpapasalamat siya sa boyfriend dahil ito ang nagturo sa kaniya na maging mature at maging better version ng sarili niya.

Maxine Medina engagement video paiiyakin at pakikiligin ka!

Si Ms. Universe Philippines 2016 na si Maxine Medina ay engaged na kaniyang professional diving instructor boyfriend na si Timmy Llana. Panoorin ang nakakakilig na wedding proposal video nila dito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maxine Medina at Timmy Llana engagement story
  • Mga celebrity friends nagdiwang
  • Love story nina Maxine Medina at Timmy Llana

Maxine Medina at Timmy Llana engagement story

maxine medina and timmy llana engagement

Image from Maxine Medina’s Instagram account

Engaged na ang beauty queen at aktres na si Maxine Medina sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana. Si Timmy ay isang professional diving instructor na ilang taon ng karelasyon ni Maxine.

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Maxine ang magandang balita kahapon.

“Finally my forever @timmyllana.”

Ito ang post ni Maxine na kung saan naka-tag ang ngayong fiancé niya ng si Timmy at mga larawan sa ginanap na wedding proposal nito sa kaniya.

Makikitang ginanap ang kanilang naging engagement sa tabing dagat sa kung saan nagbabakasyon sa ngayon ang magkasintahan. Sila ay kasalukuyang nasa Coron, Palawan kasama ang malalapit na tao sa mga buhay nila.

Ngayong umaga ay ibinahagi naman ni Maxine ang video ng ginawang wedding proposal ni Timmy sa kaniya.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina)

Habang sila ay nagdi-dinner na at kumakanta ng ‘happy birthday’ ay makikitang inilapit kay Maxine ang isang cake na may nakalagay na dedication. Habang binabasa ito ay makikitang naluluha na ang dating beauty queen at parang hindi makapaniwala sa nababasa niya.

Sa kaniyang likod ay nakaluhod na ang boyfriend niyang si Timmy hawak-hawak ang diamond ring na simbolo ng kaniyang wedding proposal. Si Maxine ay speechless at naiyak na lang sa mga nangyayari sa paligid niya. Natawa ngang hiningi ni Timmy ang sagot ng beauty queen sa wedding proposal niya.

Si Maxine makalipas ang ilang sandali, ay inabot ang kamay ng nobyong si Timmy na may hawak ng singsing. Palatandaan na ‘yes’ na ang sagot niya sa wedding proposal nito.

Sa caption ng naturang video ay sinabi ni Maxine na ito na ang simula ng kaniyang “ALWAYS”.

“This is the start of my ALWAYS. @timmyllana I LOVE YOU!”

maxine medina and timmy llana engagement

Image from Maxine Medina’s Instagram account

Mga celebrity friends nagdiwang

Samantala, bumaha naman ang pagbati ng marami kay Maxine lalo na mula sa kaniyang malalapit na kaibigan. Tulad nalang ng iba pang dating mga beauty queens na sina Ariella Arida, Charlene Gonzales, Winwyn Marquez at Miriam Quiambao.

“OMG!!! So happy for my best friend!!! I’m crying!!! So happy for the both of you @maxine_medina and @timmyllana”

Ito ang masayang pagbati ni Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida sa naging engagement ni Maxine.

Ito naman ang sabi ng iba pang celebrity friends ni Maxine sa naging engagement niya.

sanyalopez

OMGGGGGGGG!!!!!!😍❤️❤️❤️❤️❤️❤️ Congratulations Heyhey & Timmyyyyy!!!! 😍❤️

missizacalzado

Congratulations Timmy and Best Wishes, Maxine!!! ❤️❤️❤️

rissamananquiltrillo

Awww…Congratulations, @maxine_medina!❤️❤️❤️✨

Samantala, si Diane Medina naman na misis ni Rodjun Cruz at pinsan ni Maxine ay masaya rin sa magandang balitang ito. Winelcome niya rin si Timmy sa kanilang pamilya.

“CONGRATS @MAXINE_MEDINA AND @TIMMYLLANA WELCOME TO THE FAMILY!”

BASAHIN:

Nadine Lustre pumalag sa intriga: “How TH I’m pregnant every year”

Mikael Daez at Megan Young ibinahaging matagal itinago ang kanilang engagement sa kanilang magulang

Maxine Medina’s mom: “Win or lose, you’ll always be my Miss Universe”

Love story nina Maxine Medina at Timmy Llana

maxine medina and timmy llana

Image from Maxine Medina’s Instagram account

 

Ngayong darating na Hunyo 15, 2022 ay magsi-celebrate ng kanilang anniversary bilang magkasintahan sina Maxine at Timmy.

Base sa post ni Maxine noong nakaraang taon sa nasabing petsa ay tatlong taon na ang itinatagal ng kanilang relasyon ni Timmy. Kaya naman ngayong darating na Hunyo ay apat na taon na ang kanilang relasyon.

Sa naturang anniversary post ni Maxine noong nakaraang taon ay sinabi niyang hindi siya makapaniwala na tagal na ng itinakbo ng pagsasama nila ni Timmy. Very proud daw siya sa relasyon nila at lalo na sa kasintahan na tumulong sa kaniyang maging mature at better version ng sarili niya.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

Ito ang mensahe ni Maxine sa boyfriend niyang si Timmy sa 3rd anniversary nila.

“Happy anniversary babe! My gosh we made it to 3 whole year and I couldn’t be more proud of us! Its so crazy how time can go by and we can grow so much within a day. So proud of you and you have helped me mature and become a better person and a better partner each day. You have completed me in more ways than you could imagine babe! I love you! ❤”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina)

Congratulations Timmy at Maxine!

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tanyag na mga Pinoy
  • /
  • LOOK! Ms. Universe PH 2016 Maxine Medina sa engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend: “This is the start of my ALWAYS”
Share:
  • Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

    Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

  • Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

    Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

  • Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

    Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

  • Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

    Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko