Miriam Quiambao nalaman na ang gender ng kaniyang baby

lead image

Finally, nalaman na ni Miriam Quiambao at ng asawa nito na si Ardy Roberto ang kasarian ng kanilang unang baby sa pamamagitan ng isang gender reveal party. | Photo: Miriam Quiambao-Roberto's Instagram

Sa kaniyang ika-21 weeks ng pagbubuntis, finally nalaman na ni Miriam Quiambao at ng asawa nito na si Ardy Roberto ang gender ng kanilang unang baby.

Ayon sa 43-anyos na dating beauty queen, nagpa-ultrasound siya noong Sabado at doon nakita na nga ang gender ng kanilang baby. Ngunit pinili muna nilang mag-asawa na maging surprise ang kasarian ng kanilang magiging anak. Nagkaroon sila ng maliit na gender reveal party kasama ang mga taong malalapit sa kanila upang sabay-sabay nilang malaman.

Miriam Quiambao and Ardy Roberto

"HE or SHE? What will it be?" Iyan ang nakalagay sa mga dekorasyon sa party.

Saad ni Miriam sa kaniyang Instagram post: "We couldn’t wait to know either! So we decided to hold an intimate gender reveal party soon after my ultrasound scan last Saturday."

Dagdag pa niya na ang tanging nakaka-alam lamang ay ang kaniyang sister-in-law na si Sharon Roberto, na siya namang gumawa ng gimik para sa gender reveal party.

"My sister-in-law, @sharonroberto777 asked us to come in pink or blue depending on our gender guess. She asked to find the raw egg among the many hard boiled eggs (na kinulang ng minutes kaya naging soft-boiled) she prepared and to break it on our foreheads..."

Nakasuot si Ardy ng blue, habang naka-pink naman si Miriam. Ngunit ang piniling itlog ni Ardy ay pink, habang blue naman ang kinuha ni Miriam. Ang rule ay sabay nilang babasagin ang itlog. Ang kulay ng itlog na may raw egg ang indikasyon ng gender ng baby—pink para sa babae at blue naman para sa lalaki.

Si Miriam ang nakakuha ng raw egg na ang ibig sabihin ay boy ang magiging anak nila.

"Grateful to God for the gift of a healthy baby free from any congenital anomalies. What an answered prayer! Thanks as well to my MIL [mother-in-law] @corrie_roberto for preparing the pink and blue cupcakes and to the rest of the Robertos for join us. What a fun reveal!]

Hiling ni Miriam: "Please keep baby and me in your prayers as I was found out to have persistent uterine contractions, a high level of amniotic fluids and was advised bed rest this whole week. Claiming for healing in Jesus’ name!"

Mayroon ng isang anak si Ardy sa kaniyang unang asawa, ang 10-anyos na si Joshua.

Panoorin ang gender reveal dito:

 

View this post on Instagram

 

HE or SHE? What will it be? . We couldn’t wait to know either! So we decided to hold an intimate gender reveal party soon after my ultrasound scan last Saturday. . My sister-in-law, @sharonroberto777 asked us to come in pink or blue depending on our gender guess. She asked to find the raw egg among the many hard boiled eggs (na kinulang ng minutes kaya naging soft-boiled) she prepared and to break it on our foreheads. Watch the video above to find out the answer! . Grateful to God for the gift of a healthy baby free from any congenital anomalies. What an answered prayer! Thanks as well to my MIL @corrie_roberto for preparing the pink and blue cupcakes and to the rest of the Robertos for join us. What a fun reveal! . Please keep baby and me in your prayers as I was found out to have persistent uterine contractions, a high level of amniotic fluids and was advised bed rest this whole week. Claiming for healing in Jesus’ name! . #BabyRobertoGenderReveal #21WeeksPregnant #HisNameWillNotBeJoeBert #Joshua10yrs11months #ThankLordForThisMiracleBaby #AnsweredPrayer #Blessings #JesusIsMyHealer

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on

Congratulations, Ardy at Miriam!

Basahin: Miriam Quiambao buntis sa kaniyang unang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!