Sa bawat matibay na relasyon hindi naiiwasang mayroong talagang hindi pagkakaunawaan. Basahin ang iba’t ibang ways kung paano maayos ang problema ng mag-asawa sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 6 tips kung paano maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away
Talaan ng Nilalaman
6 tips kung paano maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away
Imposible na ang mag-asawa o kahit magkasintahan pa lang na hindi dumaan sa pag-aaway. Magkakaroon at magkakaroon talaga ng salungatan sa ideya dahil hindi rin naman kayo iisang tao lang na mayroong parehong-pareho na pag-iisip sa mga bagay-bagay.
Sa pamilya nga ay nagkakaroon pa rin ng alitan kahit pa magkasama na ng ilang taon sa iisang bubong. Ano pa kaya sa mga magkakarelasyon?
Kaya mahalagang tandaan na normal ito at parte ang pag-aaway upang mag-grow ang relationship ng dalawa. Hindi maituturing na relasyon kung hindi pa kayo nagtatalo. Nagiging way rin ito upang matuto sa maraming bagay ang magkarelasyon at maging matured.
Sa kabilang banda, hindi rin naman normal ang pag-aaway nang sobrang dalas. Ito na ang itinuturing na hindi healthy para sa isang relasyon. Nagkakaroon kasi ito ng epekto sa mental, emotional, at physical health na hindi lamang ng magkarelasyon kundi maging ang mga nakapaligid sa kanila.
Reasons why couples fight
Mayroong ilandaang rason kung bakit nag-aaway ang magkarelasyon. Ang ilan sa mga pangunahing pinagtatalunan ay ang mga sumusunod:
- Pagtatalo sa gastusin o pagma-manage ng finances ng buong pamilya.
- Pagi-execute ng parenting style sa mga anak dahil sa hindi pagkakasunduan sa paraan ng pagdidisiplina sa kanila.
- Pagseselos sa isang taong nai-involve sa karelasyon.
- Pag-assign ng gawain at gampanin sa loob at labas ng kanilang bahay.
- Hindi pagkakasundo sa usaping politikal.
- Magkasalungat ang paniniwala sa partikular na bagay gaya ng gender, race, at marami pang iba.
- Hindi pagkakasundo sa relasyon sa pamilya lalo na sa mga magulang o mga biyenan.
- Pagkakaroon ng magkaibang-magkaibang lifestyle.
Narito ang ilang way paano maayos ang problema ng mag-asawa lalo kung madalas na kayong nagtatalo. Alamin sa kung ano-ano sa mga nakalista ang madalas na pagmulan ng inyong pagbabangayan ay kung ano ang dapat gawin:
Finances
Karaniwang ginagawang way ito upang mag-ayos na lang nang hindi pinag-uusapan ang hindi pagkakasunduan. Marahil ang iniisip nila ay marami pa kasing kailangan pagkagastusan kaya kung magbabangayan lang nang magbabangayan ay baka maapektuhan ang trabaho at budget ng pamilya. Isa ito sa hindi pinakahealthy na paraan na dapat gawin ng magkakarelasyon.
Upuan ang problema sa pera, malaking factor ng pagsasama ang maaapektuhan kung ito na ang pinag-uusapan. Ugatin kung saan ba nagmumula at bakit ito ang inyong pinagtatalunan parati, kung matukoy na mag-isip ng paraan paano ito masosolusyunan.
Parenting
Mga anak ang madalas na matibay na nakapagbo-bond sa pamilya. Sila ang nagbibigay ng ligaya sa loob ng tahanan at madalas nakakapawi ng pagod sa buong maghapon. Sila rin ang unang dahilan kung bakit minsan nananatili pa rin sa relasyon ang isang mag-asawa kahit kung minsan ay hindi na nagwo-work.
Para hindi pagmulan ito ng pagkakalabuan, mahalagang linawin ng bawat isa sa inyo ang role ninyo bilang parents. Kung sakaling ang isa na ang naghahanap-buhay dapat ang isa ang pangunahing nangunguna sa pag-aalaga ng mga anak at vice versa.
Maaari niyo ring i-communicate sa isa’t isa ang mga parenting style na dapat ginagawa sa mga bata upang magsalubong din ang inyong paraan ng pagpapalaki sa kanila.
Beliefs
May mga pagkakataong nagi-end up pa rin na magpakasal ang dalawang magkarelasyon na magkaiba ng relihiyon. Sinusubukan nilang mag-work nang hindi sila nagbabanggaan sa isa’t isa.
Sa ganitong pangyayari pinakamahalagang nabubukas ang respeto sa isa’t isa. Kung nagbabanggaan kasi ang magkasalungat na paniniwala ay nagsasanhi ng pag-aaway.
Importanteng napag-uusapan ninyo kung paano kailangan igalang ang preference ninyong dalawa nang hindi natatapakan ang isa’t isa.
Memories
Sa mga matatagal nang magkarelasyon, madalas din na naiisip o naalala lang parati ang pagtatalo o hindi pagkakasunduan. Isa sa dahilan ito para matabunan ang mga maliligayang araw na pinagdaanan. Mas nangingibabaw ang mga araw na hindi nila gusto ang isa’t isa kaysa sa panahong labis na nagmamahalan sila.
Para manatili pa rin ang spark, dapat patuloy ang pagbuo ng romance. Consistent dapat itong binubuo kahit pa sobrang sanay na kayo sa relasyon. Magandang way ito para mapanatili ang pag-aalala kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa.
Parating kailangan ng communication sa magkarelasyon, mahalagang susi ito sa maraming hindi pagkakasunduan.
6 tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa
Ayon sa mga relationship experts ang away mag asawa ay nas nagpapatibay ng relasyon. Para nga sa psychology professor na si Dr. Gary W. Lewandowski Jr ay dapat gawing opportunity o chance ng mag-asawa ang mga hindi nila pagkakaintindihan o pagtatalo para mas makilala ang isa’t isa. Kailangang tanggapin na bahagi ito ng inyong relasyon pati na ang pagkakaiba ng inyong paniniwala.
Para naman sa relationship expert na si Suzanne Degges-White, narito ang ilang tips para sa magandang pagsasama ng mag-asawa.
1. Kaibiganin ang iyong asawa.
Maraming mag-asawa ang sinasabing tumagal ang relasyon nila dahil sa itinuturing nilang kaibigan ang kanilang asawa. Ito umano ang isa sa sikreto ng pagkakaroon ng masayang pagsasama.
2. Magkaroon ng couple identity.
Dapat rin i-practice ng mag-asawa ang pagkakaroon ng couple identity. Ang ibig sabihin nito ay ang pagdedesisyon na kung saan laging dalawa kayo as team ang gumagawa.
Lalo na pagdating sa relasyon ninyo at pamilya. Pero hindi naman ibig sabihin nito na dapat mo ng isantabi ang individual identity mo o kaya naman ay iwasan ang mga bagay na nagpapasaya sayo.
3. Mag-focus kayo sa shared values ng inyong relasyon.
Imbis na gawing issue ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan, mas mainam kung magpopokus sa mga bagay na pinagkakasunduan ninyo. Mas gawin o pag-usapan ito ng madalas para mas maayos lagi ang interaksyon ninyo at maiiwasan ang away mag asawa.
4. Maging willing na sumubok ng mga bagay na gustong ginagawa o gawin ng iyong partner.
Para mas maintindihan ang iyong asawa ay subukang gawin ang mga bagay o activity na ginagawa niya. Ito ay para maiintindihan mo siya at mas makikilala. Naipapakita mo rin ang iyong suporta at pagmamahal sa kaniya sa ganitong paraan.
5. Maging open at honest sa isa’t isa.
Hindi magwowork ang inyong relasyon kung lagi lang kayong maglilihim sa isa’t-isa. Dapat ay maging open at honest kayo. Ipaalam sa iyong asawa ang naiisip mo o nararamdaman sa kaniya.
I-encourage rin siya na gawin ito sayo. Pero dapat tandaan tulad ng naunang nabanggit kailangan mong ituring na kaibigan ang iyong asawa.
At ang kahit anumang ibabahagi niya sayo, negatibo man o positibo ay dapat gamitin mong paraan para i-improve ang iyong sarili at inyong relasyon.
6. I-respeto ang mood at perspectives sa buhay ng iyong asawa.
Nobody’s perfect, ganoon din sa pag-aasawa. May mga qualities na maaaring makita mo sa iba na wala sa iyong asawa. O may mga paniniwala siya na maaaring salungat ng sa ‘yo o hindi ninyo napagkakasunduan.
Pero muli tulad ng naunang nabanggit ay hindi ito dapat ang maging focus mo. Bagamat kailangan mo itong irespeto. Kailangan mo ring mag-adjust at ibaba ang pride mo para mas tumibay ang pagsasama ninyo.
Sa oras naman na pakiramdam mo ay hindi rin naiintindihan ng iyong asawa ang punto mo ay hindi ka dapat magdalawang-isip na mag-open up sa kaniya.
Sabihin sa kaniya ang iyong naiisip o nararamdaman. At dapat tulad ng pagrespeto mo sa paniniwala niya at maging ganoon rin siya sa’yo. Sabi nga ng marami, dapat “the feeling is mutual”.