Ano nga ba ang ibig sabihin ng paglilihi ng buntis sa pagkain? May paliwanag umano ang eksperto patungkol sa paglilihi ng buntis.
Isang malaking bahagi ng pagbubuntis ay ang paglilihi. Madalas, ang mga naglilihi ay naghahanap ng kakaibang mga pagkain. Minsan naman, ang mga pagkain na dati nilang paborito ay bigla nilang inaayawan.
Pero bakit nga ba naglilihi ang isang nagbubuntis? At may ibig sabihin ba kapag naghahanap ka ng isang uri ng pagkain?
Paglilihi in English: Ano ang kahulugan nito?
Para sa ating mga Pinoy, matunog ang salitang paglilihi lalo na sa mga nagbubuntis. Sa tradisyon ng matatanda, ang paglilihi ay hudyat ng katawan ng isang babaeng nagsisimulang magbuntis. In english, ang paglilihi ay maaaring mangahulugan sa iba’t ibang salita: food cravings, early pregnancy symptoms, o conception.
Paglilihi in English: Conception
Ayon sa mga online dictionary, ang salitang paglilihi, in english, ay direktang isinasalin bilang conception. Ang conception ay pagdadalang-tao. Tulad sa mga kultural na pista sa Pilipinas, tuwing malapit ng sumapit ang pasko, ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Disyembre ang pagdadalang tao ni Mama Mary.
Sa ibang dictionary, isinasalin din ang paglilihi bilang sensitive pregnancy, o maselang pagbubuntis.
Kaakibat ng salitang paglilihi, hindi maiiwasan ikabit ang food cravings. Ang food cravings, o hindi maipaliwanag na pagkahilig o paghahanap ng pagkain ng isang buntis ay isa sa mga sintomas ng early period sa pagbubuntis. Dagdag pa, maaari ring mapaglihian o maglihi ang isang buntis sa isang bagay o tao.
Kaugnay din ng pagkahilig ay pagka-ayaw o rejection ng buntis sa ilang mga pagkain. Ito ay dahil mas nagiging sensitibo ang pang-amoy at panlasa ng isang nagbubuntis.
Dahil ang paglilihi ay manipestasyon na ang isang babae ay nagbubuntis, ito ay signal o hudyat na nakikita sa gawi ng isang buntis. In english, ang paglilihi ay maaari ring tawaging early pregnancy symptoms. Sa unang trimester ng pagbubuntis, bagaman hindi pa mahahalata ang laki ng tiyan ng isang buntis, makikita naman ito sa mga sintomas.
Paglilihi sa pagkain ng buntis: May ibig sabihin ba ang paglilihi sa iba’t ibang pagkain?
Alam niyo ba na mayroong tinatawag na ‘cravings theory‘ pagdating sa paglilihi? Ayon dito, hinahanap daw ng iyong katawan ang nutrisyon na iyong kinakailangan.
Halimbawa, kapag naglilihi ka at gusto mong kumain ng karne o atay, baka raw mayroon kang iron deficiency. Kung naghahanap ka naman ng maalat na pagkain, baka kulang sa asin ang iyong diet.
Ayon kay Andrei Rebarter, MD, isang associate director ng division of maternal-fetal medicine sa NYU Medical Center sa New York, hindi mismo ang pagkain ang hinahanap ng katawan kundi ito’y maaaring kailangan ng katawan sa pagbubuntis.
Ano ba ang ibig sabihin ng mga pinaglilihian mong mga pagkain?
“It’s not that the body actually needs the specific food you are craving, but it may need something in that food. And your taste buds just interpret it as a craving for something specific.”
Ngunit hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan kung totoo nga ba ang cravings theory. Kaya’t hindi pa kumpirmado kung ano ang kinalaman nito sa paglilihi. Pero ayon sa mga eksperto, posible din daw na naghahanap ka ng isang uri ng pagkain dahil gusto mo talaga itong kainin.
Dagdag pa ni Dr. Rebarter,
“No one really knows why pregnancy cravings occur, though there are theories that it represents some nutrient that the mother may be lacking — and the crave is the body’s way of asking for what it needs.”
Kung naghahanap ka ng ice cream, o kaya ay hamburger, posibleng ito’y dahil matagal mo nang gustong kumain nito. Baka noong hindi ka pa nagbubuntis ay hindi mo ito madalas makain, kaya ngayong nagbubuntis ka, mas hinahanap mo ito.
Minsan, epekto rin ito ng mga hormones na sanhi ng maraming pagbabago sa iyong katawan.
Paglilihi sa pagkain sa pagkain ng buntis
Ayon sa pananaliksik na ipinakita sa Frontiers in Psychology, humigit-kumulang 50 hanggang 90 porsyento ng mga babaeng Amerikano ay may ilang uri ng partikular na pananabik sa pagkain sa panahon ng pagbubuntis.
Ngunit hindi alam ng mga doktor nang eksakto kung bakit ang mga buntis na kababaihan ay nagnanasa para sa mga partikular na panlasa, texture, o kumbinasyon ng lasa.
Ang mabilis na pagbabago ng mga hormone ay maaaring sanhi nito. Maaaring mangyari rin ang cravings dahil sa labis na trabaho na ginagawa ng iyong katawan upang mabilis na makagawa ng mas maraming dugo. O maaaring kasing simple ng ginhawang dala ng ilang pagkain habang nagbabago ang iyong katawan.
Dagdag pa rito, maraming eksperto ang nagsasabi na ang ating taste buds ay may malaking papel sa kung paano natin binibigyang kahulugan ang mga pangangailangan ng ating katawan.
Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mataas na antas ng hormone na naroon sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magbago sa panlasa at pang-amoy ng babae.
Kaya ang ilang mga pagkain at amoy ay hindi lamang maaaring maging mas nakakaakit ngunit kung minsan ay nagdudulot ng pagkairita sa mga buntis kung ito ay kanilang maamoy.
Kailan magsisimula ang paglilihi sa pagkain ng isang buntis?
Ang lahat ng mga buntis ay magkakaiba, ngunit sa pangkalahatan, ang cravings o paglilihi ng isang buntis ay nagsisimula sa pagtatapos ng unang trimester, tumitindi ito sa ikalawang trimester, at pagkatapos ay bumaba ang pagnanasa sa pagkain habang nagtatapos ang ikatlong trimester.
Gayunpaman, ang mga magulang na nagpapasuso ay maaaring ring makaranas ng cravings, at tiyak na patuloy na nakakaranas ng mas mataas na gana, dahil ang parehong pagpapasuso at pagbubuntis ay nangangailangan ng mas mataas na caloric needs.
Hanggang kailan ang paglilihi sa pagkain ng buntis?
Kung iisipan ang paglilihi ng buntis (na in English ay conception o conceiving), ito ay tatagal sa normal na bilang na 39-40 weeks o 9 na buwan. Ngunit, ang food cravings, ay maaaring tumagal ng 3 hanggang 5 buwan, depende sa babaeng nagbubuntis. Dahil magkakaiba ang bawat mommies sa kondisyon ng pagbubuntis, maaaring magkakaiba rin kung hanggang kailan ang paglilihi ng buntis.
Sa kabilang banda, sa bawat trimester ng pagbubuntis, ang early pregnancy symptoms ay maaaring magbago pagkalampas ni mommy sa kanyang unang trimester ng pagbubuntis. Maaaring mas lumala o mawala ang ibang senyales tulad ng food cravings sa ilang pagkain.
Ilang buwan ang paglilihi?
Ang paglilihi o food cravings ay tumatagal sa loob ng 3 hanggang 7 na buwan o 12 hanggang 28 weeks. Dahil ang paglilihi in english ay early signs of pregnancy, ito ay tumatagal lamang sa loob ng first trimester.
Pero, posible ring mas tumagal ang food cravings sa ilang mga pagkain ng mas matagal kaysa tatlong buwan. Kung naiisip mo na ito ay hindi na normal o mas napapadalas ang cravings, kumonsulta agad sa iyong doktor para mabigyan ng paliwanag tungkol dito.
Sintomas na ang isang babae ay naglilihi (in english, conception)
Ang karaniwang buntis na naglilihi ay nakikitaan ng mga sumusunod:
- Pagduduwal o morning sickness
- Pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pagkagusto sa isang tao o isang bagay.
- Pagkakaroon ng matinding pananabik para sa ilang uri ng pagkain—lalo na ang mga mahirap hanapin o sa hindi pangkaraniwang kombinasyon sa ibang pagkain. (paglilihi in english: food cravings)
- Naghahanap ng mga pagkain na karaniwang maasim o hindi tipikal, pagkain na wala sa orihinal nitong lasa at lasa
Sintomas ng maselang paglilihi ng buntis
Dahil ang paglilihi o in english ay conceiving, kasingkahulugan din nito ang pagbubuntis. Kaya ang mga sintomas ng maselang pagbubuntis ay sintomas din ng maselang paglilihi ng buntis. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- matinding pagdurugo mula sa ari o serious vaginal bleeding
- pagkakaroon ng ilang beses ng kumbolsyon o fits
- matinding pananakit ng ulo at hindi maipaliwanag na panlalabo ng mata
- minsan ay mabilis na paghinga, minsan naman ay mabagal o nahihirapang huminga
- matinding pagsakit ng tiyan at puson
- laging may mataas na lagnat
Kung naranasan na ang mga ganitong sintomas ng maselang paglilihi ng buntis, huwag mag-atubiling magpadoktor. Hindi ito normal na senyales ng iyong pagbubuntis o paglilihi. Nangangailangan na ito ay maagapan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng healthy diet sa mga nagbubuntis
Paglilihi ng buntis | Larawan mula sa Shutterstock
Isa sa pinakamahirap na gawin habang nagbubuntis ay ang magpigil ng sobrang pagkain. Siyempre, kapag ikaw ay naglilihi, talagang hahanap-hanapin mo ang mga paborito mong pagkain!
Pero hindi naman nito ibig sabihin na kakainin mo lang kung anong gusto mo. Mahalaga pa rin sa mga inang nagbubuntis ang pagkain ng tama, at sa wastong dami.
Ito ay dahil naaapektuhan ng iyong mga kinakain ang kalusugan ng iyong anak. Kaya’t kung hindi healthy ang iyong kinakain, magkakaroon ito ng masamang epekto sa iyong anak.
Heto ang ilang mga tips upang masiguradong malusog ang iyong pagbubuntis:
- Kumain ng mga pagkain na maraming iron at folic acid tulad ng spinach, broccolli, at iba pang green, leafy vegetables. Mabuti rin ang pag-inom ng folic acid at iron supplement para sa karagdagang nutrisyon.
- Umiwas sa mga ‘fad diet’ dahil hindi ito mainam para sa mga nagbubuntis, lalong lalo na ang mga ‘weight-loss’ na diet. Mas mabuting kumain na lamang ng balanced diet dahil mas makakabuti pa ito sa kalusugan mo at ng iyong anak.
- Huwag masyadong kumain ng matatamis na pagkain. Ang sobrang pagkain ng matatamis habang nagbubuntis ay posibleng maging sanhi ng gestational diabetes. Ito ay nagdudulot ng mataas na blood sugar, at posibleng makasama din sa kalusugan ng iyong sanggol.
- Hinay-hinay lang sa pagkain. Kahit na may sanggol ka sa iyong sinapupunan, hindi mo naman kailangan kumain ng para sa dalawang tao. Mas mahalagang kumain ng tama at magbawasa sa mga matataba o matatamis na pagkain.
- Mahalaga ang pag-inom ng gatas. Ang gatas ay maraming calcium at iba pang mga bitamina na kailangan mo at ng iyong sanggol. Mabuti rin ang pagkain ng yogurt at cheese bukod sa pag-inom ng gatas.
Nutrients na kailangan ng katawan habang nagbubuntis
Ayon kay Jo Ann Salamat, isang nutritionist, sa oras na malaman ng isang babae na siya ay buntis, agad itong dapat na kumonsulta sa doktor.
“As soon as the woman discovers that she is pregnant, she should see a doctor right away and attend to her health and nutrition needs.
Health-wise, she should avoid the following: going to crowded places, eating raw fish, taking medicines (unless with the go signal of a doctor), smoking, drinking alcohol, etc.
And when it comes to nutrition, almost every nutrient counts in pregnancy. However, the most important ones are: protein, calcium, folic acid or folate, iron, iodine, vitamin C and zinc,”
Narito ang mga nutrients na kailangan ng katawan na dapat i-konsumo ng isang babaeng nagbubuntis para mapanatiling malusog si baby.
Kakailanganin mo ng 1,000mg ng calcium sa isang araw habang buntis. Maaari kang makakuha ng calcium mula sa mga dairy product, madadahong gulay, isda, fortified na cereal at juice, mani at sesame seeds.
Ang folic acid ay kailangan para sa pagtaas ng suplay ng dugo sa panahon ng pagbubuntis at upang maprotektahan ang iyong sanggol mula sa mga depekto sa neural tube.
Ang mga prenatal na bitamina ay mahusay na paraan upang makakuha ng folic acid, ngunit maaari mo ring makuha ito sa pamamagitan ng mga pagkain tulad ng berde at madahong mga gulay, mani, beans, lentil, at mga prutas na sitrus.
Paglilihi ng buntis sa pagkain | Larawan mula sa iStock
Ang iyong iron ay dapat mataas sa panahon ng pagbubuntis at kakailanganin mo ng 27mg nito bawat araw. Mahalagang kumain ka ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng whole grains, karne, madadahong gulay, beans, at mani. Uminom ng suplemento kung magkaroon ng anemia sa panahon ng pagbubuntis.
Ang iyong mga pangangailangan sa protina ay tataas din sa panahon ng pagbubuntis, sa average na 75 gramo bawat araw. Makukuha mo ang protina mula sa iba’t ibang pagkain kabilang ang karne, isda, itlog, mani, peas, beans, at mga soy product.
Mayroong ilang mga pagkain na dapat iwasan sa panahon ng pagbubuntis dahil sa kanilang panganib na makapinsala sa iyong sanggol o magdulot ng maagang panganganak.
Ang mga ito ay karaniwang mga pagkain na maaaring magdulot ng bacterial contamination tulad ng:
- Mga deli meat at luncheon meats
- Mga malambot na keso
- Sushi
- Mga undercooked na karne
- Caffeine
Karagdagang ulat nina Kyla Zarate at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!