Salabat at Luya sa buntis: Mga benepisyo nito para sa buntis

Maraming benepisyong naibibigay ang luya sa isang buntis ngunit ito ay dapat hindi sumobra at sa tamang amount lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Safe ba ang luya at salabat para sa buntis? Narito ang sagot ng mga pag-aaral at health experts.

Luya safe ba sa buntis?

Kilala bilang isang flowering plant ang luya na nagmula dito sa Southeast Asia. Itinuturing ito na isa sa pinaka-healthiest at masarap na spice o pampalasa sa buong mundo.

Pero ang luya o ginger ay hindi lamang basta isinasahog sa mga lutong Pilipino. Kilala rin ito bilang halamang gamot na nakakatulong na malunasan ang ilang karamdaman.

Ito ay itinuturing na natural antibiotics na maaaring makapagpawala ng mga pamamaga sa katawan. Nakakapagpababa rin umano ito ng mga blood sugar at mataas na blood pressure.

Ayon sa mga pag-aaral, ang luya ay may taglay rin na compounds na may anti-inflammatory and antioxidant effects na nakakatulong na mabawasan ang oxidative stress ng isang tao na nagdudulot na excess amount ng free radicals sa katawan.

Ito ay may anti-cancer, anti-microbial at anti-allergic properties rin. Kabilang ito sa Zingiberaceae family na related sa turmeric, cardamom, at galangal na kilala ring mga herbal medicine. Para magamit ang medicinal benefits ng luya ay maaari itong i-intake ng fresh, dried, powdered, oil at juice form na.

Salabat para sa buntis. | Image from Freepik

Salabat para sa buntis, safe ba?

Isa pa nga sa kahanga-hangang nagagawa ng luya ay ang kakayahan nitong malunasan ang nausea at pananakit ng tiyan. Nakakatulong rin ito sa digestion at saliva flow. Ang salabat para sa buntis ay maaari ring makatulong rito.

Kaya mula sa benepisyong nakukuha sa pagkain at pag-inom nito, isang tanong sa mga babaeng nagdadalang-tao kung safe ba sa buntis ang salabat?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Salabat at luya para sa buntis: Benepisyo

Ang sagot sa tanong na iyan ay OO. Dahil ang pag-inom ng luya o salabat ay maraming benepisyong naibibigay sa babaeng nagdadalang-tao. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Nakakatulong itong maibsan ang nausea at pagsusuka ng buntis.

Pwede ba ang salabat sa buntis? Puwedeng-puwede!

Ang morning sickness ay normal na nararanasan ng 80% ng mga babaeng nagdadalang-tao. Ito ay nararanasan sa unang trimester ng pagbubuntis na kung saan ang mga sintomas na mararamdaman ay pagduduwal at pagkahilo. Ayon sa mga pag-aaral ang pag-inom ng luya ay isang epektibong paraan upang malunasan ang mga ito.

Dahil sa ang luya ay nagtataglay ng dalawang uri ng compounds na nakakatulong sa pagsasaayos ng takbo ng digestive system. Pati na ang pagpapabilis ng stomach emptying na nakakaiwas naman sa tiyansa na makaranas ang isang buntis na nausea. Ito ay ang mga compounds na kung tawagin ay gingerols at shogaols.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming pag-aaral na rin ang nakapagpatunay ng benepisyong ito na naibibigay ng luya sa mga buntis. Katunayan ito ang unang inirerekumenda ng mga prenatal practitioners bago ang mga antiemetic medication.

Ito ay maaaring sa pamamagitan ng ginger ale, ginger chews at ginger tea. Pero mahalagang payo ng mga eksperto, ang babaeng buntis ay mas mainam na gumamit o uminom ng tea gawa sa fresh ginger.

Sapagkat ang dried ginger at may mas mataas na concentration ng gingerols at shogaols na maaring makasama na sa babaeng buntis kung sumobra.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawal ba ang salabat sa buntis?/Image from Freepik

Naiibsan din nito ang inflammation sa katawan ng buntis.

Ang inflammation sa katawan ay normal na parte rin ng pagbubuntis. Bagamat ito ay nagbibigay ng uncomfortable feeling sa babaeng nagdadalang-tao. Ang phytochemicals na taglay ng luya ay kayang maibsan ang mga ito at nagbibigay ng kaginhawaan sa babaeng buntis.

Pinapalakas nito ang immune system ng babaeng buntis.

Mahalagang maging malakas ang katawan ng babaeng buntis. Ito ay para masigurado na magiging maayos at malusog ang development ng sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.

Sa tulong ng antimicrobial properties ng luya, ang isang buntis ay mapoprotektahan mula sa mga karamdaman tulad ng sipon, trangkaso at foodborne diseases.

Kaya naman ang sagot sa tanong kung ang luya ba ay pampalaglag ng bata ay malaking HINDI. Dahil sa ito ay nakakatulong para mas gawing malakas pa ang katawan ng babaeng nagdadalang-tao laban sa mga sakit.

Napapanatili nito ang healthy level ng blood sugar at blood pressure sa katawan ng buntis.

Ang mga buntis ay prone sa pagkakaroon ng gestational diabetes. Ngunit ito naman ay kanilang maiiwasan sa pamamagitan ng pag-inom o pagkain ng luya. Ganoon rin ang pagme-maintain ng healthy level ng kanilang blood pressure.

Makakatulong din ang luya upang makaiwas sa constipation ang isang buntis.

Dahil sa ito ay nakakatulong sa digestion, effective way rin ang pag-inom ng nilagang luya sa buntis upang maiwasan ang constipation. Isa ito sa madalas na nararanasan ng 50% ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Image from Freepik

Naiibsan din nito ang uterine cramping na dulot ng pagdadalang-tao.

Ang luya ay nakakatulong rin umanong maibsan ang sakit na dulot ng uterine cramping. Ito ay ang pananakit sa puson na madalas na nararanasan ng mga babaeng buntis sa kanilang unang trimester.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Recommended amount at possible side effect ng luya sa mga buntis

Pero ika nga ng kasabihan, lahat ng sobra ay masama. Kaya ayon sa registered dietician na si Lizzie Streit, mahalagang nasa tamang amount lang ng luya o salamat sa buntis ang nako-consume ng babaeng nagdadalang-tao.

Ipinapayong sa isang araw ay dapat malimitahan lang sa 1 gram o 1,000 mg ang kanilang ginger-intake. Katumbas ito ng 4 cups o 950 ml ng ginger tea. O kaya naman ay isang kutsaritang pinitpit o grated ginger na inilubog sa tubig.

Dahil ang sobrang intake ng luna ay maaaring makasama sa pagbubuntis. Ito umano ay nagpapataas ng tiyansa ng bleeding kung iinumin kapag nalalapit o nagle-labor na.

Kaya naman ang mga babaeng may history ng vaginal bleeding, blood clotting at miscarriages ay pinapayuhang iwasan ang anumang ginger products.

Ang sobrang pag-inom din umano ng ginger tea ay maaaring magdulot ng iba pang hindi kaaya-ayang pakiramdam. Tulad na lang ng heartburn, gas o hangin sa sikmura at belching o pagdidighay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga rin na makipag-usap muna sa doktor bago uminom o kumain ng ginger products kung umiinom ng maintenance o medications. Dahil sa ito ay maaaring makaapekto sa mga gamot na iniinom para sa diabetes at high blood pressure.

Sa kabuuan ang sagot kung ang luya safe ba sa buntis ay oo. Basta’t ito ay nasa tamang amount lang.

Paano gumawa ng salabat o ginger tea?

Mula sa iyong nabasa ay sana nasagot ang tanong mo kung bawal ba ang luya sa buntis o kung ang salabat pwede ba sa buntis. Sa dami ng benepisyo nito ay mainam na simulan na ang pag-inom nito na mahalagang isaisip na dapat ay nasa tamang amount lang. Pero paano nga ba gumawa ng masarap na salabat?

Unang-una sa paggawa ng ginger tea o salabat ay maaari kang gumamit ng dried o fresh na luya. Pero muli para sa mga babaeng buntis mas inirerekumendang gumamit ng fresh ginger kaysa sa dried.

Hiwain lang ang luya at maglagay ng isang kutsarita nito sa mainit na tubig.  Maaaring tikman muna ito ng paunti-unti para masiguro mong tama sa panlasa mo ang anghang o tapang ng ginagawa mong ginger tea. Kung pakiramdam mo ay labis na ang anghang ay maglagay lang ng dagdag na mainit na tubig.

Kung mayroon namang available ng ginger teabag ay hayaan munang mababad ito sa mainit na tubig sa loob ng ilang minuto. Maari itong haluan ng fresh lemon o honey para mas maging kaaya-aya ang lasa.

Saka ito dahan-dahang inumin para hindi ka mabigla at masuka sa lasa nito. Siguraduhin lang na hindi sosobra ang intake mo ng luya o salabat sa loob ng isang araw kung ito ay nagdadalang-tao.

Ginger candies o preggie pops

Maliban sa salabat, ang isa pang paraan para ma-intake ng buntis ang benepisyo ng luya ay sa pamamagitan ng ginger cadies o preggie pops. Ang mga ginger candies ay matamis at mas masarap namnamin kaysa sa ginger tea.

Mayroon naman ng mga ginger candies na gawa na at nagtataglay ng mababang level lang ng sweetener o sugar. Kaya naman walang dapat ipag-alala ang buntis sa sugar intake niya. 

Sa pamamagitan ng ginger candies ay naiibsan ang nausea na nararanasan ng buntis at mas nai-enjoy niya ang kaniyang pagdadalang-tao.

Iba pang paraan para maiwasan o maibsan ang nausea at morning sickness ng buntis

Samantala, kung ang goal sa pag-inom ng salabat o nilagang luya sa buntis ay maibsan ang nausea, may ibang paraan pa naman siyang maaring gawin para ito ay magawa. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Magpahinga para hindi na lumala pa ang nausea.
  • Uminom ng madalas ngunit paunti-unting dami ng fluid o tubig para mabawasan ang tiyansa ng pagsusuka.
  • Makakatulong din ang pagsipsip ng ice cubes, lollipop o anumang hard candies.
  • Kumain ng mga pagkaing rich in carbohydrates tulad ng oats at saging.
  • Mas mabuti ring kumain ng mga dry at savory foods gaya ng crackers at crispbread kaysa sa mga matatamis at maanghang na pagkain.
  • Ayon sa maraming kababaihan, ang pagkain ng biscuit 20 minuto bago tumayo sa kama sa umaga ang buntis ay nakakatulong din para maiwasan ang morning sickness.
  • Mas mainam din ang mga malalamig na pagkain kaysa sa mainit para sa mga buntis na may morning sickness. Dapat ang mga pagkaing ding ito ay hindi matapang ang amoy.
  • May ilang pag-aaral naman ang nakapagsabi na ang mga ginger supplements ay nakakatulong para mabawasan ang nausea symptoms ng buntis. Mahalaga lang na bilhin ang mga ito mula sa mapagkakatiwalaang source.
  • Ang acupressure ay nakakatulong din umano para makontrol ang sintomas ng morning sickness. Isang halimbawa na nga nito ay ang pagsusuot ng sea band o special band sa braso ng buntis.
  • Umiwas sa mga amoy na hindi mo gusto
  • Kumain nang kaunti, ngunit madalas ng plain foods na mataas sa carbohydrates pero mababa sa fats tulad ng tinapay, kanin, crackers, at pasta.
  • Hypnosis.
  • Umiwas sa usok ng sigarilyo.

Kailan dapat magpunta sa doktor ang isang buntis na may morning sickness

Bagama’t ang morning sickness ay normal na bahagi ng pagdadalang-tao, may mga babaeng nakakaranas ng malala o severe morning sickness.

Ito ay ang tinatawag na hyperemesis gravidarum na maaaring maging dahilan upang ma-ospital ang isang buntis. Ang kondisyon na ito maaring magdulot ng dehydration sa buntis na lubhang delikado.

Kaya naman ito ay hindi dapat isinasawalang bahala ng buntis. Maliban sa sintomas ng hyperemesis gravidarum, ang iba pang palatandaan na dapat ng magpunta ang buntis sa doktor ay ang sumusunod:

  • Malala o madalas ang pagduduwal o pagsusuka.
  • Umiihi lang ng kakaunti.
  • Dark o kulay tsaa ang ihi.
  • Hindi makainom ng tubig o kahit anumang fluid.
  • Nahihilo sa tuwing tumatayo.
  • Nahihimatay o natutumba sa tuwing tumatayo.
  • Bumibilis ang tibok ng puso.
  • Sumusuka ng dugo.
  • Abdominal pain
  • Severe nausea sa second trimester
  • Spotting o pagdurugo 

 

Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.