Ikaw ay nasa ika-2 trimester na ng iyong pagbubuntis at sa panahong karaniwang nakararanas ng paninigas ng tiyan ng buntis 19 weeks.
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 19 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mangga. Siya ay may habang 15cm at timbang na 240.1g. Ayon sa NHS UK, sa panahong ito, halos kasing laki na ng beef tomato o ng mangga ang iyong anak at kasimbigat ng 2 salmon fillets.
Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 19 weeks na buntis.
- Nagsisimula nang ma-develop ang mga pigment sa balat ng iyong anak na siyang magsasabi kung ano ang kulay ng kaniyang balat. Mababalot din siya ng Vernix Caseosa, isang manipis na na parang wax na pumoprotekta sa kaniyang balat mula sa amniotic fluid.
- Tumutubo na ang kaniyang buhok.
- Nade-develop na ang kaniyang mga senses tulad ng paningin, pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat.
- Ayon sa mga pag-aaral, naririnig na niya ang iyong boses kaya iwasan magbitaw ng mga hindi magagandang salita. Magbasa, kumanta o kausapin ang iyong anak.
- Ang kaniyang kidney ay nagsisimula nang gumawa ng ihi.
- Nagsisimula na ring ang growth ng adult teeth ng iyong anak at nadaragdagan ang timbang nito.
- Kung babae ang iyong anak, ang uterus, vagina at fallopian tubes nito ay nasa tamang lugar na sa panahong ito. Ang ovaries nito ay naglalaman na rin ng millions of underdeveloped eggs. Samantala, kung lalaki naman ang iyong anak, patuloy pa rin na nade-develop ang ari nito habang ang testicles nito ay nabuo na.
Posisyon ng baby sa ika-19 week
Exciting ang panahong ito para kay mommy at daddy. Dahil sa oras na ito, posible nang malaman ang kasarian ng iyong anak. Nakaposisyon ang ulo ng baby malapit sa iyong dibdib habang ang mga paa nito ay nasa bottom naman ng iyong uterus.
Mga sintomas ng buntis ng 19 weeks
Mas magaan man ang iyong pakiramdam sa 2nd trimester ng pagbubuntis kompara noong 1st trimester, marami pa ring iba’t ibang sintomas ang maaaring danasin sa panahong ito.
Narito ang ilan sa mga sintomas ng buntis 19 weeks:
Paninigas ng tiyan ng buntis 19 weeks
Sa panahong ito, inaasahan na bihira na lamang ang pakiramdam na nasusuka ang buntis. Subalit, sa panahon ding ito karaniwang nakararanas ng pananakit paninigas ng tiyan ng buntis 19 weeks.
Bakit nga ba nakakaranas ng pananakit at paninigas ng tiyan ng buntis sa 19 weeks ng pregnancy?
Larawan mula sa Pexels kuha ni Helena Lopes
Paninigas ng tiyan ng buntis 19 weeks
Maaari kang makaramdam ng occasional pain sa iyong abdomen. Ang pananakit at paninigas ng tiyan ng buntis 19 weeks ay tinatawag na round ligament pain. Kadalasang nagsisimula ang pananakit sa magkabilang bahagi ng tiyan patungo sa puson. Nangyayari ito dahil sa pagka-stretch ng round ligament habang lumalaki ang iyong baby sa sinapupunan.
Tumatagal nang ilang segundo ang sharp pain na mararanasan dulot ng stretching ng round ligament. Karaniwang sanhi nito ay ang matagal na pagtayo o kaya naman ay pag-ubo.
Kapag nakaranas ng pananakit at paninigas ng tiyan ng buntis sa 19 weeks ng pregnancy, makatutulong ang mabagal na paggalaw tuwing tatayo o magbabago ng posisyon habang nakahiga o nakaupo. Tiyakin din na iwasan ang pagbubuhat nang mabibigat habang ikaw ay buntis.
Dagdag pa rito, ang paninigas ng tiyan ng buntis ay posibleng dahil rin sa paggalaw ng sanggol sa sinapupunan. Sa 19 weeks ng pagbubuntis, unti-unti mo na ring mararamdaman ang paggalaw ng iyong baby sa loob ng iyong tiyan.
Hirap sa pagtulog
Bukod sa paninigas ng tiyan ng buntis, karaniwan din ang hirap sa pagtulog sa 19 weeks ng pregnancy. Sa panahong ito, mahihirapan ka nang matulog nang nakatihaya dahil sa paglaki ng iyong baby bump.
Ayon sa Healthline, makakatulong umano ang paglalagay ng unan sa paligid ng iyong tiyan at sa pagitan ng iyong mga binti para maging maayos ang pagtulog. Makatutulong din umano ang pag-eehersisyo at pag-iwas na uminom ng kape para makatulog nang maayos sa gabi.
Isa pa sa mga posibleng dahilan ng hirap sa pagtulog ng buntis ay ang madalas na pakiramdam na naiihi. Bukod pa rito, ang anxiety o madalas na pag-aalala sa iyong baby ay posible ring magdulot ng sleepless nights. Maaaring sumubok ng stress-reducing breathing exercises upang matulungan kang mag-relax sa umaga man o sa gabi.
Pagganda ng buhok
Kung noong first trimester ay nakaranas ka ng pagkalagas ng buhok, unti-unti itong mababawasan ngayong 2nd trimester. Sa 19 weeks ng iyong pagbubuntis, unti-unting lalago ang iyong buhok, kakapal at mas magiging makintab kompara noon.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Kei Scampa
Iba pang sintomas ng 19 weeks na buntis
- Pagkahilo
- Pananakit ng ulo
- Linia nigra o itim na linya sa iyong tiyan
- Weight gain
- Madalas na pag-ihi
- Paglaki ng dibdib
- Fatigue o labis na pagod
Pangangalaga sa buntis
- Maglakad at sumubok ng mga simpleng ehersisyo upang mabawsan ang pananakit ng katawan.
- Kung ikaw ay nahihilo, umupo at subukan ang iba ibang deep breathing exercise.
- Matulog na may unan sa pagitan ng iyong mga tuhod lalo na kung ikaw ay nakakaramdam nang pananakit ng balakang.
- Ayon sa NHS UK, hindi mo na kailangang damihan ang iyong pagkain sa panahong ito. Hindi mo kailangan ang extra calories sa 19 weeks ng pagbubuntis hanggang sa 3rd Mahalagang kumain lang nang sapat at masusustansyang pagkain. Dalasan ang pagkain ng sariwang prutas at gulay. Samantala, iwasan naman ang pagkain ng processed food, mamantika at maalat na pagkain,
- Sa panahong ito rin mabuting simulan ang pag-tone up ng iyong pelvic floor muscles. Makatutulong ang gentle pelvic floor exercise para maiwasan ang leakage sa tuwing tatawa, uubo, o babahing. Nirerekomenda rin ang 150 minuto kada linggo na pag-eehersisyo. Makakatulong ang 10 minuto ng brisk walking kada araw.
- Tiyaking iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Bawasan din ang pagkonsumo ng mga inuming mayroong caffeine.
- Mas kailangan mo na rin ang pregnancy vitamins sa panahong ito. Bagaman maaaring makakuha ng Vitamin D sa pamamagitan ng pagpapainit sa araw, hindi ito sasapat para sa buntis, Kaya naman makabubuti na mag-take ng vitamin D supplement para mapanatiling malakas ang mga buto.
Checklist
- Tawagin ang iyong asawa kapag sumisipa ang iyong anak upang makita din niya ito.
- Magsimula nang mamili ng pangalan para sa iyong anak.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 20 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 18 linggo
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!