X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Zeinab Harake ayaw sa co-parenting setup with Skusta Clee: “Yong baby ko, baby ko lang po ’yon.”

5 min read

Zeinab Harake sinabing ayaw niya ng makipag-ugnayan kay Skusta Clee kahit ito pa ay tungkol sa anak nilang si Bia.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Status ng relasyon ni Zeinab Harake at Skusta Clee.
  • Zeinab piniling maging single mother sa anak niyang si Bia.

Status ng relasyon ni Zeinab Harake at Skusta Clee

skusta clee public apology to zeinab harake

Larawan mula sa Facebook accout ni Skusta Clee

Nitong Mayo ay kinumpirma ng vlogger na si Zeinab Harake na hiwalay na sila ng rapper na si Skusta Clee. Ang pag-amin ni Zeinab na ito ay ginawa niya matapos makunan sa pangalawang anak sana nila ni Skusta.

“Nakunan ako, nagburol ako ng baby ko, nilibing ’yung baby ko, mag-isa lang ako.”

“Talagang dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kaniya. Alam niyang buntis ako kay Moon. Hirap po talaga ‘yong pagbubuntis ko kay Moon. Nagmamakaawa ako na huwag niya akong iiwan kasi lagi niya akong iniiwan sa bahay.”

“Ang dahilan niya sa lahat, ‘Nagbago kasi ‘yan si Zeinab mula nu’ng nagka-anak kami. Hindi siya ‘yong Zeinab ko noon.’ Kaya naman ako nagbago, pinili ko magpaka-asawa, magpaka-nanay.”

Ito ang pagkukuwento ni Zeinab sa nangyari sa kanila ni Skusta na ipinagpalit umano sila ng kaniyang anak na si Bia sa ibang babae.

Ngayon, makalipas ang ilang buwan ay tila nakapag-move on na si Zeinab. Sa press conference nga ng isang brand na iniendorso ng vlogger ay makikitang blooming ulit ang ganda nito. Si Zeinab. diretso rin ang sagot tungkol sa status ng relasyon nila ng dating kinakasamang si Skusta.

Ayon kay Zeinab, wala na silang komunikasyon ni Skusta at wala daw siyang balak na makipag-ugnayan pa dito. Ito ay kahit pa para sa co-parenting para sa anak nilang si Bia.

“Wala po, wala po. Cut off na po. Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. ‘Yong baby ko po, baby ko lang po ’yun. Akin lang po ’yun.”

Ito ang sabi pa ni Zeinab.

Zeinab piniling maging single mother sa anak niyang si Bia

zeinab harake and bia

Pagpapatuloy pa niya, alam niyang darating ang oras na tulad niya ay may mga tanong ang anak tungkol sa kaniyang ama. Si Zeinab kampante na magiging maayos ang sagot dito ng anak at magiging sapat ang pagmamahal na ibinigay niya dito.

“Alam ko dadating ‘yong time, anak ko na ang mag-e-explain na ‘Mommy ko lang lahat.’ Hindi ko soya sinusumbat na ginagawa ko. Mommy-Daddy niya ako. Okay na ako doon. Happy and proud akong sinasabi yun palagi. Ma-Pa nga ang tawag niya sakin, Mama, Papa.”

Sabi pa ni Zeinab, gusto niya lang ang best para sa kaniyang anak. At isa na nga rito ang hindi pakikipag-ugnayan sa ama nitong si Skusta.

“Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kanya.”

Dagdag pa ni Zeinab, alam niyang ganito rin ang gusto ni Skusta para sa anak nila. Kaya naman sa ngayon ay ikinatutuwa niya na hindi na ito nanggugulo at hinahayaan na mamuhay sila ng anak niyang si Bia na matahimik.

Hindi rin naman daw makukulangan sa pagmamahal ng isang ama ang anak niyang si Bia. Maliban sa kaniya na tatayong ama’t ina ng anak ay marami rin itong father figure sa kaniyang paligid na sigurado umano si Zeinab na magiging mabuting impluwensiya at halimbawa kay Bia.

Pagdating naman sa tanong kung may pag-asa pang magkabalikan sila ni Skusta, doretso rin ang naging sagot ni Zeinab. Mukhang ito ay malabo na daw mangyari dahil siya ngayon daw ay natauhan na.

“Wala na daw akong helmet. Hindi na po tayo magkakabit uli. Talagang self-love ang na pinaka-number one.”

Ito ang sabi ni Zeinab na priority niya ngayon.

May payo rin siyang iniwan para sa mga tulad may pinagdaanang sitwasyon. At ito ay base sa natutunan niya sa naging pagsasama nila ni Skusta.

“Sabi ko nga dun sa mga something new, kapag tingin mong hindi na worth it or enough na masasaktan ka dyan puwede ka namang mag-step back para hindi lumala.”

“Natuto na ako, ang lala nung nangyari.”

zeinab harake skusta clee

Larawan mula sa Facebook account ni Zeinab Harake

Pahayag ni Skusta Clee

Si Skusta sa kabilang banda ay naglabas rin ng side niya sa nangyari sa kanila ni Zeinab. Humingi na nga rin siya noon ng pagpapatawad kay Zeinab sa mga nangyari. At sinabi niyang kaya naman niyang magpakakatatay sa anak nila.

“Sorry nagkamali ako. My bad. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang namang hindi. Kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay though pinagsisihan ko ‘yong mga naging consequence. Ang pangit din naman ng naging resulta at tinanggap ko ‘yong mga naging kapalit.”

“Hindi ako perfect na partner aminado ako doon. Marami na kayong nakitang pangit sakin. Pero siguro kung magkaroon ako ng access sa anak ko, kaya kong magpaka-tatay.”

Ito ang sabi pa noon ni Skusta Clee.

Pika-Pika PH

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Zeinab Harake ayaw sa co-parenting setup with Skusta Clee: “Yong baby ko, baby ko lang po ’yon.”
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.