Alamin kung paano ang pagpapalaki ni Dra. Vicki Belo kay Scarlet Snow!

lead image

Alamin natin kung ano ang approach ni Dra. Vicki Belo sa kaniyang anak na si Scarlet Snow pagdating sa tamang pagpapalaki ng bata!

Siguradong familiar na kayo sa video na ito ni Scarlet Snow Belo, kung saan binibigkas niya ang Panatang Makabayan. Alam niyo ba na ayon kay Dra. Vicki, ilang araw lang ang kinailangan ni Scarlet Snow para makabisado ito? Nakakagulat ito dahil sa kaniyang murang edad, kayang-kaya na niyang magkabisado ng mga bagay-bagay. Ano kaya ang sikreto ni Dra. Vicki at ng asawang si Hayden Kho pagdating sa tamang pagpapalaki ng bata? Ating alamin!

 

Tamang pagpapalaki ng bata: May sikreto ba dito?

Values formation ang pinakamahalaga para sa kanila

Kinapanayam namin si Dra. Vicki at tinanong namin kung paano ang kaniyang approach pagdating sa pagpapalaki kay Scarlet Snow. Ang isang malaking bagay na tinututukan daw nilang mag-asawa ay ang pag-uugali ni Scarlet Snow.

Aniya, gusto raw niyang lumaking mabuting tao si Scarlet, dahil alam naman nilang mag-asawa na matalino siyang bata. "We just worry about if she's a good person, if she's a kind person, if she's not spoiled," sabi ni Dra. Vicki.

Dagdag pa ni Dra. Vicki na pinili daw nila ang Victory, na isang Christian International School dahil mahalaga daw sa kanila ang values formation ni Scarlet. 

Paano nila dinidisiplina si Scarlet Snow?

Pagdating naman daw sa pagdidisiplina, ito ang masasabi ni Dra. Vicki, "First we try to talk to her, and then if not, Hayden is the spanker." Dagdag pa niya na hindi naman daw sila marahas sa pagpapalo kay Scarlet. Aniya, pa-isa isa lang ang pagpalo nila kay Scarlet kapag hindi ito sumusunod sa kanila, at hindi raw gaanong malakas.

Para sa kanila, bahagi ito ng tamang pagpapalaki ng bata, at bahagi rin daw ito ng Christian na paraan nag pagdidisiplina.

Sinabi rin ni Dra. Vicki na mabait na bata naman daw si Scarlet Snow. At minsan lang siya maging makulit o malikot. Kaya hindi daw sa kanila problema ang kaniyang pag-uugali.

Maaga nila sinimulan ang pag-tutor kay Scarlet

Pagdating naman sa usapin ng edukasyon, sabi ni Dra. Vicki na apat na buwan pa lang daw si Scarlet ay mayroon na itong tutor! Ayon sa kaniya, mas mabuti na raw na may tutor na agad si Scarlet kaysa nasa bahay lang daw ito at walang ginagawa.

Nagfocus din daw sila sa music dahil konektado daw ito sa bahagi ng utak na may kinalaman sa math. Nilinaw din ni Dra. Vicki na hindi naman daw nila pine-pressure si Scarlet. Ang mga lessons naman daw niya ay parang laro-laro lang at hindi naman daw nila pinipilit si Scarlet na pumasok sa kaniyang mga lessons. Pero kahit kailan naman daw ay hindi ito naging problema, dahil gustong-gusto daw ng bata ang kaniyang mga lessons!

Sa ngayon daw, isa sa pinakamahalaga niyang klase ay ang Mandarin class niya. Sabi pa niya na mahusay na raw magsalita ng Mandarin si Scarlet Snow, at talo pa daw ni Scarlet siya at ang kaniyang asawa!

Hindi siya pinapayagang palaging gumamit ng gadgets

Pagdating naman sa usapin ng gadgets, sabi ni Dra. Vicki na hindi daw nila palaging pinapagamit si Scarlet ng mga ito. Dahil daw napansin nila na nagiging mas masungit si Scarlet kapag masyadong gumagamit ng mga gadgets.

Kaya mas nagfofocus daw sila sa arts and crafts at iba pang mga activity para hindi ma-bore si Scarlet.

Ang payo naman ni Dra. Vicki sa mga magulang na mayroong matatalinong anak ay huwag masyadong i-pressure ang mga bata. Mahalaga daw na paglaanan nila ng sapat ng oras ang kanilang mga anak, at gawin nilang masaya ang pag-aaral. Importante daw na palaging may oras ang mga magulang para sa kanilang mga anak dahil mas malaki daw ang impact ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Mahalaga din daw ang papel ng mga ama sa paglaki ng mga bata, kaya't masaya daw siya at tutok na tutok si Hayden sa kanilang anak na si Scarlet.

 

Basahin: Raising Scarlet Snow: Vicki Belo talks about raising daughter normally