Buntis Guide: Hugis ng tiyan ng 1 month na buntis at iba pang dapat malaman

Sa week 4 ng pagbubuntis ay napakaliit pa ng iyong sanggol, na halos gatuldok lang ang laki! Alamin ang iba pang importanteng facts sa aming pregnancy guide.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Curious ka ba kung ano ang 1 month hugis ng tiyan kapag buntis? Mommies, narito ang inyong guide sa 1 month na ikaw ay buntis! Alamin kung ano ang nangyayaring development kay baby sa loob ng iyong tummy. At anu-ano ba ang sintomas ng buntis nang 1 month?

1 month hugis ng tiyan kapag buntis: Gaano na kalaki si baby?

Nagiging kapuna-puna ba ang bahagyang paglaki ng iyong puson o tiyan? Napapatanong ka ba kung ito ay sintomas ng buntis 1 month? Napapaisip kung ano ang 1 month hugis ng tiyan kapag buntis? Narito ang mga kasagutan!

Paano malalaman tiyan ng buntis 1 month

Ayon sa artikulo ng Healthline, kung tiyak na ikaw nga ay 1 month buntis at napupuna ang pagbabago sa hugis ng tiyan ay mayroon itong posibeng dahilan bukod pa sa stretching ng uterus. Ano nga ba ang itsura ng tiyan ng buntis 1 month? Paano malalaman na ikaw ay preggy sa pamamagitan lang ng pagbabago sa tiyan ng buntis 1 month?

Nakasaad sa artikulo na posibleng ang pagbabago sa hugis ng tiyan ng buntis sa 1 month pregnancy nito ay dulot ng tinatawag na first trimester bloating. Hindi pa umano ito baby bump dulot ng size ng uterus.

Ibig sabihin, bloating lang ang dahilan ng bahagyang paglaki at pagbabago sa hugis ng tiyan ng buntis sa 1 month ng pregnancy. Ang sanhi umano ng bloating ay ang pagtaas ng progesterone hormones na nangyayari sa panahon ng conception o pagbubuntis.

Sa 1 month na buntis nagsisimula ang tinatawag na “embryonic period” ng iyong sanggol, kahit na sobrang liit pa nito. Kapag 1 month ka nang buntis, unti-unti nang nag-e-expand ang iyong matris pero masyado pa itong maliit.

Kaya naman hindi pa ito bubukol sa iyong tiyan. Ang 1 month hugis ng tiyan kapag buntis ay parang normal na hugis lang ng tiyan ng hindi buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit, ayon pa rin sa Healthline article, kung nanganak ka na dati at hindi ito ang unang beses na ikaw ay nabuntis, posibleng maagang maging kapuna-puna ang 1 month hugis ng tiyan kapag buntis. Ito ay dahil sa paghina ng abdominal muscles sa mga naunang pagbubuntis.

Larawan mula sa iStock

Development ng iyong sanggol

  • Sa 1 month na ikaw ay buntis, buo na ang amniotic sac o kung saan mabubuo ang iyong sanggol. Mayroon na ring tinatawag na yolk sac kung saan mabubuo ang magiging red blood cells ng iyong sanggol. Ito rin ang responsable para sa pagbibigay ng mga nutrisyon para sa iyong lumalaking baby sa loob ng iyong sinapupunan.
  • Dito rin magsisimulang mabuo ang mga organs ng iyong sanggol. Kaya’t mahalagang alagaan ang iyong kalusugan upang masiguradong malusog ang iyong sanggol.
  • Maaari mo rin makita sa ultrasound ang gestational sac kapag halfway ka na sa iyong week 4 ng pagbubuntis.
  • Sa stage na rin na ito ay mayroon nang dalawang layer ang embryo, ang epiblast at hypoblast. Kalaunan magde-develop ito sa lahat ng body parts at system ng iyong sanggol.
  • Ang placenta at embryo ay unti-unti nagpo-form.

Mga pagbabago sa katawan: Senyales ng buntis 1 month

Isa sa mga struggle na kakabit na ng pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa katawan. Anu-ano nga ba ang mga pagbabagong senyales ng buntis 1 month?

Dahil bago pa lang ang iyong baby sa iyong uterine lining, hindi pa gaanong magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong katawan. Nagsisimula pa lamang ang mga pagbabago sa iyong katawan hanggang sa makarating ng 36 weeks.

Ang pinakamaagang pagbabago sa iyong katawan na iyong mararanasan ay ang hindi pagkakaroon ng menstrual period. Ipinahihiwatig nito na ang iyong progesterone levels ay pinapalitan ang iyong hormonal balance upang masuportahan ang iyong pagbubuntis.

Habang nagde-develop ang iyong baby, ang iyong katawan ay gagawa ng mas madaming human chorionic gonadotropin (Hcg). Ito ay makikita agad sa iyong dugo 7-11 days matapos ang conception. Nagmumula ito sa cells at ngiging placenta.

Sintomas ng buntis 1 month

Bukod sa mga nabanggit sa itaas mayroong mga senyales o sintomas ng buntis pagsapit ng 1 month ang maaari mong maranasan. Narito ang mga sintomas ng buntis 1 month na dapat mong asahan at paghandaan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kapag kumuha ka ng pregnancy test sa panahong ito’y makakasigurado ka na sa resulta ng test. Pero hindi pa rin 100% na accurate ang pregnancy test para sa lahat ng babae, dahil masyado pa ring maaga.
  • Makakaranas ka ng morning sickness sa panahong ito, kaya’t mabuting paghandaan mo na ito ngayon pa lang.
  • Magkakaroon ka rin ng kaunting bloating, dahil nagsisimula nang kumalat sa katawan mo ang progersterone, na tinatawag ring “pregnancy hormone.”
  • Posible ring magkaroon ka ng spotting o pagdurugo kahit wala kang period. Tinatawag itong  implantation bleeding, at nangyayari ito kapag kumabit na ang fetus sa loob ng iyong uterus.
  • Posible ring magsimula na ang pagkakaroon ng mood swings dahil sa hormones.
  • Makakaranas ka rin ng mga PMS-like symptoms. Katulad ng pagkahilo o pananakit ng ulo, pagsusuka, pag-crave sa pagkain o walang ganang kumain, pagiging iritable, pananakit ng puson.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Polina Zimmerman

Pananakit ng puson ng buntis 1 month

Walang dapat na ikabahala kung nakararanas ng pananakit ng puson ng buntis sa 1 month pregnancy. Normal lamang itong nararanasan sa mga unang yugto ng pagbubuntis. Tinatawag na pregnancy cramps sa English ang pananakit ng puson ng buntis na karaniwang nararanasan sa 1 month ng pregnancy.

Katulad ng mga nararamdaman tuwing may menstrual cramps o pananakit ng puson dahil sa regla, ganoon din ang pakiramdam ng pananakit ng puson ng buntis sa 1 month ng pregnancy. Posible rin namang makaranas nito sa mga susunod na buwan ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pananakit ng puson ng buntis sa 1 month pregnancy ay dahil sa tinatawag na implantation. Proseso ito ng katawan kung saan ang fertilized egg ay na-iimplant sa uterus o matris.

Samantala, sa pagpapatuloy ng pagbubuntis, ang pananakit ng puson ay dulot naman ng growing uterus o ang pagkabanat ng matris para mabigyan ng lugar ang unti-unting paglaki ng sanggol sa sinapupunan.

Normal ito ay hindi dapat ikabahala dahil ang uterus ay muscle at tuwing nag-co-contract ito ay posible ang pananakit at discomfort sa pakiramdam.

1 month delay buntis ba?

1 month na bang delayed ang iyong regla at napapatanong ng: 1 month delay buntis ba? Ang sagot sa tanong na ito ay posibleng “oo”, puwede ring “hindi”.

Kaya naman kung active ang iyong sex life at sa palagay mo ay may posibilidad na ikaw ay buntis, mas makabubuting magsagawa ng pregnancy test para matiyak kung ikaw ba ay buntis o hindi kaya delayed ang iyong regla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ikaw ay 1 month buntis, ibig sabihin 1 month ago pa ang huling beses na nagkaroon ka ng regla. Subalit, mayroong mga kondisyon kung saan ay delayed ang regla kahit hindi naman buntis.

Mahalagang magpatingin sa doktor kung delayed ang iyong menstruation period pero hindi ka naman buntis. Ito ay upang malaman ang underlying issue kung bakit na-delay ang iyong period.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng delayed na regla ay ang mga sumusunod:

  • Stress
  • Thyroid issues
  • Chronic diseases
  • Obesity
  • Low body weight
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Premature ovarian insufficiency (POI)

Magpatingin sa doktor para malaman kung ano ba ang sanhi ng delayed na regla kahit hindi buntis. Ito ay upang malaman din ang angkop na paggamot para sa iyong kondisyon.

Home remedies para sa early pregnancy symptoms

Narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring makatulong sa iyong early pregnancy symptoms.

  • Upang guminhawa ang pananakit ng suso, gumamit ng supportive bra sa araw pati na rin sa pagtulog kung nakakatulong ito.
  • Kung ikaw ay inaantok, maaaring umidlip sa hapon. Nakakapagpalakas din ng enerhiya ang pag-eehersisyo.
  • Bawasan ang pag-inom ng tubig kung sa tingin mo ay lagi kang nabalik sa banyo para umihi. Pero uminom pa ring tubig dahil kailangan ito ng iyong katawan.
  • Ang pagduduwal at pagsusuka ay hindi pa nangyayari nang ganito kaaga pero kung sakaling nakaranas na nito, subukan kumain ng kaunti ngunit madalas, at iwasan ang pagkain na maaaring magdulot ng pagkaduwal. Maraming kababaihan ay nagiginhawaan kapag kumakain ng pagkaing mataas sa carbohydrates at tart foods.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Kapag sigurado ka na ikaw ay nagbubuntis, mabuting tumigil ka na sa pag-inom ng alak pati na ng paninigarilyo, at pagbe-vape dahil makakasama ito sa iyong anak.
  • Iwasan din ang pagsama sa mga taong naninigarilyo o nagbe-vape dahil baka mapasahan ka nito ng second hand smoke na makakasama sa iyong baby at maaaring magdulot ng miscarriage o pagkalaglag ng iyong baby sa iyong sinapupunan.
  • Umiwas sa soft boiled na itlog, pati undercooked na pagkain dahil posible itong magdulot ng salmonella infection.
  • Mabuti ring umiwas sa isdang mataas ang mercury content, tulad ng tuna, swordfish, king mackerel, at pating.
  • Kumain ng mga masusustansiyang pagkain na makakatulong para sa iyong pagbubuntis. Lalo na ang mga pagkain o inumin may vitamin D katulad na lamang ng gatas. Makukuha rin ang vitamin D, mula sa araw.
  • Hindi rin masama ang pagkain ng mga healthy fats food. Katulad na lamang ng omega-3 fatty acid na makakatulong sa pag-develop ng brain ng iyong baby.
  • Ugaliin ang palaging pagpapa-check up sa iyong doktor upang matignan ang development ng iyong baby at iyong pagbubuntis. Kung sakaling may komplikasyon masusulusyunan ito agad.

Larawan mula sa iStock

Checklist sa pagbubuntis

  • Matapos mong ma-confirm na buntis ka nga, mabuting mag-schedule na ng appointment sa iyong gynecologist upang matulungan ka nila sa kalusugan ng iyong pagbubuntis.
  • Ilista lahat ng gamot na iyong kasalukuyang iniinom at ikonsulta ito sa doktor upang malaman mo kung safe ba ito inumin.
  • Maging maingat sa iyong mga kinakain, at ugaliing uminom ng prenatal vitamins.

Healthy foods na mainam kainin ng buntis

Kailangan kumain ng well-balanced at masusustansyang pagkain na mayaman sa carbohydrates, proteins, vitamins, minerals, fluids, at fiber. Maaaring idagdag ang mga sumusunod na pagkain sa iyong diet upang masigurado ang pagiging malusog ng iyong katawan at ni baby.

  • Gulay tulad ng spinach at broccoli na mayaman sa folic acid at iron
  • Makulay na prutas tulad ng avocado, saging, mansanas, peras, cherries, ubas, at pakwan, at mga gulay na peas, kamatis, bell peppers, asparagus, at sweet potatoes.
  • Citrus fruits tulad ng grapefruits, orange, at sweet lime, na mayaman din sa folic acid
  • Well-cooked lean meats at itlog
  • Seafood na may mababang level ng mercury tulad ng shrimp, lobster, salmon, catfish, at canned light tuna.
  • Pasteurized dairy products tulad ng keso, yogurt, at low-fat milk
  • Whole grains tulad ng wheat, oats, barley, corn, millet, at rice
  • Maraming tubig at iba pang fluids para sa hydration
  • Prenatal vitamins at supplements

Kailan dapat tumawag sa doktor

Wala namang kailangang ipag-alala, kailangan pa rin tandaan na mataas ang tiyansa ng miscarriage o pagkalaglag sa mga unang linggo ng pagbubuntis.

Sa estimasyon ng mga mananaliksik, tinatayang nasa 20% ng pagbubuntis ay nauuwi sa pagkalaglag. Kadalasan nangyayari ito sa panahon na dadating din ang menstrual period ng isang babae.

Sa ika-apat na linggo, ang misacarriage ay tinatawag na chemical pregnancy dahil ang embryo ay hindi nakikita sa ultrasound, at ang pagbubuntisay  nadedetect lamang sa blood and uterine testing.

Ang mga senyales ng miscarriage ay kinabibilangan ng cramping, spotting at heavy bleeding. Huwag matakot kung sakaling nakaranas ng mga sintomas dahil hindi lahat ng pagdurugo ay nangangahulugan ng miscarriage.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Alwyn Batara

Karagdagang impormasyon isinulat nina Shena Macapañas at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara