Gaano kadalas mo ng naranasan na magising pagkatapos ng isang mahabang pahinga o pagtulog ay pagod parin ang pakiramdam? Nadarama mo ba ang iyong sarili na napapagod sa pag-iisip pa lamang ang pagsisimula ng iyong araw, bago pa ito magsimula? Bakit nga ba palaging pagod ang mga ina? Ito ay posibleng dahil sa tinatawag na “invisible workload.”
Ang mga ina ay palaging pagod dahil hindi tayo ganap na nakakapamahinga. Kahit na tayo ay ay natutulog, ang aming isip ay patuloy na nag-iisip…
May kailangan papirmahan si junior kanina… bukas ko nalang ito pipirmahan sa umaga.
Malapit na ang schedule ng bakuna I baby… kailangan ko pa ba itong itawag at magpaschedule?
Ano kaya ang pwedeng ihandang hapunan sa pagbisita ng mga kaibigan ni mister sa Biyernes?
Ipinasok ko ba ang mga isinampay? Bukas ko nalang sisilipin… pero paano kung umulan?
At pagkatapos ng mga isiping ito, mawawala na ang iyong antok dahil sa pagiisip kung anong mangyayari kung hindi mo ito agad gawin. At nagtataka ka kung bakit ang mga ina ay palaging paring pagod?
Kailangan ko bang magsimula sa mga ina na nagtatrabaho?
Ito ang “invisible workload” na nag-uudyok ng mga ina sa landas ng pagkapagod. Bilang karagdagan sa milyon at isang bagay na ginagawa natin, mayroong isang milyon at isa pang iba pang mga bagay na kailangan nating gawin at patuloy tayong nag-aalala tungkol sa mga bagay na ito.
Ang ilan ay tinatawag itong maternal instincts, tinawag ito ng iba na invisible workload ng mga ina, at ayon naman sa siyensiya, ito ay ang tinatawag na “mom brain”. Tinatawag ko naman itong micromanaging.
Sa pagiging isang ina, kasama ang kagalakan at ang mga ngiti ng ating magagandang anak, dumating ang mabigat na gawain at responsibilidad. Ngunit hayaan mo akong sabihin sa iyo ito, nang tapat at simple, na ang dahilan ng mga ina ay palaging pagod ay dahil pinahihintulutan natin ang ating sarili na maging pagod.
Para sa mga dahilan kung bakit hindi mahirap na maunawaan, ang pagiging isang ina ay ginagawa tayong micromanager.
Oo, sa isang banda, maaari n’yong sabihin na kung hindi tayo mag-alala tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, sino ang magiisip tungkol dito? Hindi upang siraan ang mga kahanga-hangang daddies sa mundo, ngunit ang katotohanan – ang mga lalaki at babae ay karaniwang iba ang pag-iisip. May mga eksepsiyon ngunit ang mga lalaki ay kadalasang kumikilos nang mas simple kaysa sa atin. At iyon ang isang dahilan na ang mga ina ay palaging pagod at dads ay hindi—o hindi masyado!
Halimbawa, ang pagdadala sa labas sa ating mga anak. Dadalhin ni mister ang mga bata sa mall para manood ng sine, upang bigyan tayo ng oras para sa ating sarili. Ngunit ano ang ginagawa natin? Nag-aalala tayo.
Nagdala ba siya ng jacket si bunso? Paano kung sobrang lamig sa sinehan?
Nagtataka ka kung bakit ang mga ina ay palaging pagod? Kahit na binigyan tayo ng espasyo sa paghinga nag-aalala tayo ng labis, sa punto ng pagkapagod ng kaisipan. Tila iniisip natin na hindi tayo ang kasama ng ating mga anak ay kung ano na ang mangyayari sa kanila.
Gayundin, kapag iniwan namin ang ating mga anak sa ating mga magulang, mga in-law, o kahit na ang sa mga guro sa preschool, lagi tayong nag-aalala. Sapagkat kumbinsido tayo na walang sinuman ang makakakuha ng mga gawain natin ng tama maliban sa atin. At ito ay isang pangunahing dahilan kaya ang mga ina ay palaging pagod.
Para sa mga lalaki, ito ay simple, kung lalabas sila kasama ng mga bata, tinitiyak lamang nila na sila ay mag-eenjoy, hindi nila ito labis na pag-aalalahanan.
At kung ilalabas natin ang mga bata, masaya rin sila na magkakaroon sila ng oras para sa mga bagay na gusto nilang gawin. Hindi sila nag-aalala kung ginagawa natin ito ng tama.
Minsan kailangan lang nating mag-let go. Dapat tiwala tayo na ang iba ay nagmamahal at nagmamalasakit rin sa ating mga anak at gagawin ang pinakamainam para sa kanila.
Kailangan nating maunawaan na hindi natin maaaring gawin ang lahat bagay sa lahat ng oras. May mga araw na kailangan lang nating iwan ang paglalaba. May mga araw kung kailan ang mga pagkaing ay maiiwan sa lababo dahil hindi na natin itong kayang gawin sa araw na iyon.
At may mga oras na kakailanganin lamang nating isalansan ang ating mga iniisip. Maraming mga ina ay palaging pagod at nagnanais na ang kanilang mga asawa o ibang mga miyembro ng pamilya ay sumulong upang tulungan sila. Ang tahanan ay ibinahagi at gayundin ang mga responsibilidad sa pagpapatakbo nito.
Minsan ito naiintindihan ng mga kalalakihan at kailangan pa natin itong ipaliwanag sa iba. Huwag isipin na kung hindi nila gawin ang paglalaba o hugasan ang mga pinggan, wala silang pakialam o ayaw nila. Siguro ito ay hindi lamang nila naiisip at kailangan nating ipaalala sa kanila. Kaya huwag mag-atubiling maging malinaw at idirekta ang tungkol sa kung ano ang gusto mo, o sa halip, kailangan mula sa kanila.
At higit sa lahat, kailangan nating idiskonekta ang ating sarili mula sa pangyayari sa pang araw-araw at magpahinga. Gaano man, dapat tayong maglaan ng ilang oras bago matapos ang araw, o sa mga maikling pagitan sa araw, upang pahintulutan an gating sarili na magpahinga.
Hindi natin kailangang maging master chef, laundrywoman, guro, sports coach, negosyante, o working mom nang sabay-sabay. Kailangan nating mag-switch off at gumawa ng mga bagay na para sa sarili natin, para lamang sa kung sino tayo.
Ang bawat tao’y may iba’t ibang kung paano pagagaanin ang loob nila. Ito man ay magbasa ng libro, magyoga, magpa-manicure at pedicure, uminom ng kape o tsaa, o bumyahe ng mag-isa – kailangan nating gumawa ng isang bagay kung saan ang iisipin lamang natin ay ang pangangailangan natin, at hindi ng iba.
Ang ilan ay kailangang gawin ito nang higit pa kaysa sa iba, ngunit anuman ito, ang “me time”na ito ay mahalaga sa atin upang makausad at mapanatili ang ating katinuan. Kung hindi, gugugulin natin ang ating buong buhay na sinusubukan na maunawaan kung bakit ang mga ina ay palaging pagod.
Tandaan, bago ka ubusin ng “invisible workload” na ito, ikaw ay dating puno labis na kasiyahan at galak para sa buhay. Ikaw ay ikaw bago ka naging asawa at isang ina. At sa pagiging isang asawa at isang ina, huwag mong kalimutang maging iyong sarili. Gawin mo ito para sa iyo.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Nasreen Majid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!