X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: "Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio."

5 min read
Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: "Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio."

Nilinaw din ni Angeline na hindi totoong pineperahan lang siya ni Nonrev.

Angeline Quinto may one-on-one interview sa boyfriend na si Nonrev Daquina. Angeline gustong-gusto daw na makilala ang mga anak ni Nonrev sa mga naunang karelasyon nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Paglilinaw ni Angeline Quinto at boyfriend niyang si Nonrev Daquina tungkol sa mga isyu sa relasyon nila
  • Angeline nilinaw na hindi siya pineperahan ng kaniyang boyfriend
  • Pangako ni Nonrev at Angeline Quinto sa isa’t-isa

Paglilinaw ni Angeline Quinto at boyfriend niyang si Nonrev Daquina tungkol sa mga isyu sa relasyon nila

Espesyal ang pinaka-latest episode ng vlog ng singer na si Angeline Quinto. Dahil si Angeline, ipinakita at ipinakilala na ang cute na cute niyang baby boy na si Sylvio.

baby sylvio

Image screenshot from YouTube video

“Meet our little bundle of love, Aziel Sylvio Quinto Daquina.”

Ganito ang pagpapakilala ni Angeline kay Sylvio sa kaniyang latest vlog episode.

Sa nasabing vlog ay ipinakilala at na-interview rin ni Angeline ang ama ni Sylvio at boyfriend niyang si Nonrev Daquina. Doon ay sinagot nilang dalawa ang ilan sa isyu at tanong na laging ipinupukol ng mga fans at followers ni Angeline sa kanila.

Isa na nga rito ay ang pagiging batang ama daw ni Nonrev at pagkakaroon ng tatlong anak sa mga nauna niyang nakarelasyon. Si Nonrev ay hindi naman nag-alinlangan na sagutin ito.

“’Yong una kong anak nung 15 ako sa first partner ko. Bale nagkaroon kami ng dalawang anak na babae. Tapos hindi nag-work ‘yong relationship namin. Nagkaroon ulit ako ng partner na pangalawa, nagkaroon ulit kami ng isang anak na babae.

And then hindi rin nag-work ‘yong sa amin tapos si Angge na ‘yong nakilala ko. Bale si Sylvio, pang-apat ko siya na anak.”

Ito ang pagbabahagi ni Nonrev tungkol sa nakaraan niya at sa mga nauna niya ng pamilya.

Angeline gustong makilala ang mga anak ng boyfriend niyang si Nonrev sa mga nauna nitong karelasyon

angeline quinto with boyfriend nonrev daquina and baby sylvio

Image screenshot from YouTube video

Si Angeline naman ay very positive ang reaksyon dito. Dahil ang singer umaasa at gustong gusto na sana kapag nasa tamang oras na ay makilala rin ni Sylvio ang mga kapatid niya.

“Parang ang saya nun. Kahit hindi man mangyari ngayon, mangyayari rin naman ‘yan in the future. Pero gusto ko kapag nangyari ‘yon malaki na rin si Sylvio para makilala niya rin mga ate niya.”

Ito ang sabi ni Angeline.

Dagdag pa ng singer, sa ngayon ay ayaw nilang ipilit sapagkat maaring hindi pa maintindihan ng mga anak ni Nonrev ang sitwasyon nila. Pero napag-uusapan naman daw nila ito at siya mismo ay excited na makilala ang mga ito.

“Syempre di ba may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi bata pa sila. Kapag okay na lahat at kapag pwede na, I’m sure makikilala ko din naman ‘yung mga anak ni Nonrev. Tsaka ako, wala pong problema sa akin ‘yun. Mas gusto ko po silang makilala bilang anak ni Nonrev at kapatid ni Sylvio.”

Angeline nilinaw na hindi siya pineperahan ng kaniyang boyfriend

Nilinaw rin ni Nonrev at Angeline ang isyu tungkol sa pineperahan lang daw ni Nonrev ang singer. Si Nonrev natawa ng marinig ang tungkol dito at agad na sumagot na parang tila siya raw ang napeperahan sa relasyon nila ni Angeline.

Ito naman ang agad ni Angeline dito.

“Sa totoo lang, hindi ako pine-perahan ni Nonrev, ako pa ‘yong namemera sa kanya. Kasi wala akong G-Cash sa cellphone ko so every time na magkukulang yung pera ko, pangbayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. Tapos magugulat na lang ako na nakalista lahat. Babayaran ko naman talaga ‘yon.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Angeline. Pero dagdag pa niya, sa pagsasama nila ni Nonrev, pagdating sa usaping pera ay nagbibigayan sila.

“Bigayan naman kami nito. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko naman bilhin binibigay ko naman.”

Ito ang sabi pa ni Angeline.

BASAHIN:

Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: “Ang sarap sa pakiramdam.”

Bangs Garcia umaming nakaranas ng depression: “Na-realize ko hindi ako puwedeng housewife talaga.”

Ana Roces proud sa kaniyang anak na si Carmela: “May college student na ako!”

Pangako ni Nonrev at Angeline Quinto sa isa’t isa

Sa ngayon na mayroon na silang anak, magkatulad ang nais sanang mangyari ni Angeline at Nonrev sa kanilang pamilya. Ito ay ang maging buo ito at masaya para sa anak nila at para na rin sa kanilang dalawa.

Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio.

Image from Angeline Quinto’s Facebook account

 

“Ako kasi ‘di ko naranasan na buo ‘yong family ko kasi bata pa lang ako naghiwalay na ‘yong parents ko. So sana tayong dalawa hopefully na maging buo tayo hanggang huli, hanggang lumaki si Sylvio. Ilang beses narin akong nag-try di ba na magkaroon ng buong pamilya pero hindi nag-work.”

“Huwag kayong mag-alala kasi aalagaan ko kayo hanggang pagtanda ko.”

Ito ang sabi ni Nonrev kay Angeline na umaasa sanang maging pangmatagalan at panghabang-buhay na ang pagsasama nila ng singer.

Si Angeline, ganito rin ang hiling para sa kanilang pamilya. Lalo pa’t sa ngayon ayon sa singer na si Nonrev at anak na si Sylvio ang buhay niya.

“Sobrang happy ako na ginagawa namin yung family picture, ang saya pala nung ganun. Mula pagkabata ko never kong naranasan na may buong family.”

“Ngayon na nandito na ako sa journey ng buhay ko na may sariling pamilya na ako. gusto ko mapagtulungan namin ni Nonrev lahat.”

Ito ang sabi pa ni Angeline Quinto tungkol sa bagong buong pamilya nila ng boyfriend na si Nonrev Daquina.

YouTube

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: "Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio."
Share:
  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

  • Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

    Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

  • Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

    Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko