X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto sa kaniyang 3rd ultrasound: “Dito ko unang narinig 'yong heartbeat ni baby”

5 min read
Angeline Quinto sa kaniyang 3rd ultrasound: “Dito ko unang narinig 'yong heartbeat ni baby”

“Hindi ko lang ma-explain sa inyo kung gaano ko kasaya, pero masayang-masaya ako.” -Angeline Quinto

Angeline Quinto, masayang ibinahagi sa kaniyang subscribers ang bawat yugto ng kaniyang pregnancy journey.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto pregnancy journey
  • Mga pagbabago na nararanasan ni Angeline sa 2nd Trimester ng kaniyang pagbubuntis

Angeline Quinto pregnancy journey

Kamakailan lamang ay natunghayan natin ang gender reveal party para sa baby ng kilalang aktres at singer na si Angeline Quinto. Ito ay matatagpuan sa Youtube channel ng kaniyang kaibigan na si Vice Ganda.

Ayon sa aktres, hindi umano niya in-expect na magkakaroon siya at ang kaniyang baby ng gender reveal party. Dahil ayon sa kaniya, ito ay nakaplanong maganap sa kaniyang concert kasama ang iba pang artista at mga singer.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-delay ng ilang araw ang paglabas ng resulta sa totoong gender nung bata kaya naman hindi ito umabot.

angeline quinto pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quiinto

Bagama’t hindi natuloy ang plinanong gender reveal, sinorpresa naman siya ng matalik na kaibigang si Vice Ganda. Ayon sa kaniya,

“Hindi ko naman alam na kinausap na rin pala ni ate Vice ‘yong mga team ko. At nagplano siya ng isang surprise gender reveal party para sa akin.”

Ang alam ng aktres, isa lamang itong birthday dinner na inihanda ni Vice para sa kaniya. Kaya naman masaya siya sa ginawang paghahanda ng kaibigan.

angeline quinto pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quiinto

Hindi rin pinalampas ni Angeline ang pagkakataon ito upang ibahagi sa ina ni Vice Ganda ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

“Si nanay Rosario parang pangalawang nanay ko na rin,” pagbabahagi niya.

Ang ina ni Vice na si nanay Rosario ay itinuring niyang ina nang mawala ang kinalakihang ina na si mama Bob. Ayon sa aktres, in-expect niyang hindi maniniwala sa kaniyang rebelasyon si nanay Rosario dahil hindi nito alam ang tungkol sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Hindi naman nagkamali si Angeline, dahil hindi agad naniwala ito sa kaniya. Noong pagkakataon ding iyon ay napaniwala nila ito sa kanila at naging masaya si nanay Rosario para kay Angeline at sa magiging anak nito.

Samantala, ibinahagi naman ni Angeline ang nangyari noong 3rd ultrasound niya upang malaman ang kalagayan ni baby.

“Sa 3rd ultrasound na ‘to, mga ka-twinkle, dito ko po unang narinig ‘yong heartbeat ni baby.” pagbabahagi niya.

angeline quinto pregnancy

Screen capture mula sa Youtube Channel ni Angeline Quinto

Sa pagkakataong ito ay narinig niya sa unang pagkakataon ang masiglang heartbeat ng kaniyang anak.  Pagbibiro pa ng kaniyang doktor,

“Anong breakfast mo kanina? Happy siya.”

Natunghayan din ni Angeline ang ilang mga parte ng katawan ng kaniyang anak. Halimbawa na lamang ang legs, kamay, mukha, at mga daliri ng bata. Matatanaw na rin ang iba’t ibang parte ng ulo nito, gaya ng mata, ilong, at tenga.

Bukod pa rito, nakita niya kung gaano kasigla ang bata sa loob ng kaniyang tiyan. Nakikita niya ang bawat paggalaw ng kamay at paa ng bata senyales na ito ay healthy at nasa maayos na kalagayan.

Ayon pa nga sa aktres, kusa nang ni-reveal ni baby ang kaniyang gender sa ultrasound. Dahil aktwal na nakita rito ang kasarian ng kaniyang anak.

“Oh my God! It’s a baby boy. Thank you, Lord” masayang sambit ni Angeline Quinto.

BASAHIN:

LOOK: Angeline Quinto nalaman na ang gender ng baby—it’s a BOY!

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz.”

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Mga pagbabago na nararanasan ni Angeline sa 2nd Trimester ng kaniyang pagbubuntis

Si Angeline Quinto ay nasa ikalawang yugto na ng kaniyang pagbubuntis. Dahil rito, nakakaramdam na siya ng ilang mga pagbabago sa kaniyang katawan.

Sa mga pagkakataong ito ay mas tumitindi ang papalit-palit na emosyon ng aktres sa araw-araw. Ayon sa kaniya, siya ay mas nagiging moody sa hindi niya malamang dahilan. Pagbabahagi pa niya,

“Sobrang sensitive ako ngayon. Ewan ko, para na nga akong nababaliw minsan.”

Laging mataas ang kaniyang emotion, minsa’y masaya, minsan iyak lamang siyang ng iyak lalo kapag nami-miss ang nagpalaking ina na si mama Bob, at minsa’y mabilis ding mainis. Hindi na rin umano niya maintindihan ang kaniyang sarili minsan.

Angeline Quinto sa kaniyang 3rd ultrasound: Dito ko unang narinig yong heartbeat ni baby

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quiinto

Bukod pa rito, mas naging antukin si Angeline. Maraming pagkakataon na para bang gusto na laman niya mahiga at matulog sa buong maghapon  kahit na kakagising pa lamang niya.

Subalit ginawan niya ito ng paraan, pinigil niya ang labis ng pagtulog. Ayon sa kaniya,

“Nung time na nakikita ko na medyo namamanas na ‘yong paa ko, ‘yong kamay ko..Dun na ko nagbawas ng tulog.”

Kahit nahihirapan ay pinilit niyang bawasan ang tulog dahil nakikita na niya ang epekto nito sa kaniyang pangangatawan.

Dagdag pa niya, mas madalas na ‘di umano siyang mag-crave ng kung ano-anong pagkain. Sa pagkakataong ito ay mas partikular na siya sa mga pagkaing hinahanap.

Madalas na ring makaranas ng back pain. Ayon sa aktres, nahihirapan na siyang matulog at gumising sa umaga dahil sa pananakit ng kaniyang likod.

Samantala, habang lumilipas ang mga araw ay mas tumitindi ang pagkilos ng baby sa kaniyang tiyan. Kaya naman mas lalong umiigting ang kaniyang saya at excitement sa paglabas nito.

Ayon sa kaniya,

“Hindi ko lang ma-explain sa inyo kung gaano ko kasaya, pero masayang-masaya ako.”

 

Youtube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto sa kaniyang 3rd ultrasound: “Dito ko unang narinig 'yong heartbeat ni baby”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.