Bangungot o masamang panaginip, ito ang isa sa madalas na sumisira sa mahimbing na tulog natin sa gabi. Ngunit bakit ba ito nangyayari at may paraan ba upang ito ay maiwasan?
Talaan ng Nilalaman
Bangungot o nightmares in English
Bangungot meaning: Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga bangungot o nightmares ay ang masasamang panaginip na nagdudulot ng threat, anxiety, fear at iba pang negative emotion sa taong nakakaranas nito.
Base naman sa Mayo Clinic, ang mga bangungot ay normal lang na nararanasan ng bawat tao. Mas madalas nga lang itong maranasan ng mga bata na nagsisimula sa edad na 3 hanggang 6 na taong gulang.
Bangungot symptoms
Masasabi umanong ang isang tao ay binabangungot na kung ang panaginip nito ay nagpapakita ng mga sumusunod na features o symptoms:
Mga sintomas o features ng bangungot
- Panaginip na parang totoo at nagdudulot ng negatibong emosyon.
- Ang panaginip ay madalas na tungkol sa threat sa kaligtasan o survival at iba pang nakakadisturb na paksa.
- Panaginip na nagiging dahilan upang magising ang isang tao.
- Nagdudulot ng pagpapawis at mabilis na heartbeat ang panaginip.
- Nakakapag-isip ng maayos ng magising mula sa panaginip at natatandaan ang bawat detalye nito.
- Ang panaginip ay nagdulot ng distress na nagiging dahilan upang mahirapan ka ng makatulog muli.
Bangungot meaning
Paliwanag ni Deirdre Barrett, isang professor mula sa Harvard, ang mga panaginip tulad ng bangungot o nightmare in English ay produkto ng mga bagay na naiisip o gumugulo sa isip ng tao habang siya ay gising.
Ito ay paraan ng utak na ma-anticipate ang isang masamang bagay na mangyayari at mapaghandaan ang maaring gawin o aksyon dito.
“Dream content goes in repetitive circles the same way our waking thinking does. Everything you’re thinking about or striving for while awake tends to show up in this state that is more metaphoric, more visual, less verbal.”
Ito ang pahayag ni Barrett na sumulat rin sa librong “The Committee of Sleep: How Artists, Scientists, and Athletes Use Dreams for Creative Problem-Solving — and How You Can Too.”
Nightmare disorder
Maaaring matawag na nightmare disorder ang isang bangungot kung ang isang tao ay nakakaranas na ng:
- Palaging binabangungot
- Nakakaapekto na ito sa gawain sa araw, tulad ng pagkabalisa o hindi nawawalang pakiramdam ng takot, o hindi na makatulog dahil natatakot na bangungutin muli
- Nagkakaroon ng problema sa konsentrasyon o memorya, o ‘di kaya’y hindi mo maiwasang isipin yung mga pangyayari o mga nakita mo sa iyong panaginip.
- Nakakaramdam ng pagkaantok sa araw, pagod, o mababa ang enerhiya
- Hindi makapagtrabaho o makapag-aral nang maayos, at hindi makasalamuha nang maayos sa ibang tao
- Nagkakaroon ng problema sa pag-uugali kapag nauugnay sa pagtulog o nagkaroon ng takot sa dilim
Ang pagkakaroon naman ng anak na mayroong nightmare disorder ay maaaring magdulot ng abala sa pagtulog at pag-aalala sa mga magulang at tagapag-alaga.
Sleep paralysis
Tinatanyang nasa 1.7% hanggang 40% ng mga tao ang nakakaranas ng sleep paralysis, pero hindi naman lahat ay nagkakaroon ng tinatawag na paralysis demon. Dahil hindi naman nakakaranas ang lahat ng sleep paralysis kasama ang hypnagogic o hypnopompic hallucinations.
Halos katulad ito ng bangungot kung saan nakakaranas ng masyadong malinaw na imahe ng panaginip, ito ang tinutukoy na hypnagogic o hypnopompic hallucinations, at maaaring magmukhang totoo, atkadalasan ay nakakatakot.
Minsan, napagkakamalan itong bangungot , at nangyayari ito sa kapag ikaw ay makakatulog (hypnagogic) o gigising (hypnopompic).
Habang nakakaranas ng hallucinations na ito ay maaari kang makakita ng sobrang nakakatakot na tao o mga nilalang na malapit sayo o kaya’y nakahiga sa iyong kama. Ito ay kadalasang may kasamang sleep paralysis.
Ang mga sumusunod ay maaaring makapagpataas ng tiyansa mo na makaranas ng sleep paralysis at hypnagogic o hypnopompic hallucinations:
- Stress o anxiety
- Sleep deprivation
- Narcolepsy
- Post-traumatic stress disorder (PTSD)
- Jet lag
- Heartburn
- Alcohol
Kung madalas na nagkakaroon ng episode ng sleep paralysis o sa tingin mo ay nagkakaroon ka ng anxiety at nakakaapekto ito sa iyong pang-araw-araw na buhay, magpakonsulta sa iyong doktor.
Normal lang bang makaranas ng bangungot?
Karaniwan lamang na makaranas ang mga bata o matanda ng masamang panaginip o ng bangungot paminsan-minsan. Napag-alaman sa pag-aaral na mayroong 47% ng mga college students ay nakakaranas ng isang masamang panaginip o bangungot sa loob ng dalawang linggo.
Ang hindi pangkaraniwan ay ang pagkakaroon ng nightmare disorder. Ayon sa mga pananaliksik, mayroong tinatayang 2%-8% ng mga matatanda ang nagkakaroon ng problema sa bangungot.
Mas madalas na nakakaranas ng bangungot ang mga bata kumpara sa mga matatanda. Laganap ang pagkakaroon ng bangungot o masamang panaginip sa mga batang nasa edad na 3-6 taong gulang at nababawasan ito sa kanilang pagtanda. May ilang mga kaso kung saan nagpapatuloy ang pagkakaroon ng bangungot hanggang sa adolescence at adulthood.
Maaaring makaranas ng bangungot ang babae at lalaki. Bagaman, base sa mga ulat ay mas nakararanas ng bangungot ang mga kababaihan lalo na sa kanilang adolescence hanggang sa middle age.
Dahilan ng bangungot
Napapaisip ka rin ba kung ano ang sanhi ng bangungot? Bakit nga ba binabangungot ang isang tao?
Sanhi ng bangungot: Ayon naman sa mga health experts, maliban sa labis na pag-iisip, ang iba pang dahilan ng bangungot o masamang panaginip ay ang sumusunod:
Minsan ang mga pang-araw-araw na problema, tulad ng problema sabahay o eskwela ay maaaring maging dahilanng bangungot. Ang isang malaking pagbabago sa buhay tulad ng paglipat ng tirahan o pagkamatay ng mahal sa buhay ay maaari ring makaapekto. Ang pagkakaroon naman ng anxiety ay nagbibigay ng mas malaking tyansa ng bangungot.
-
Trauma o upsetting events tulad ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay.
Kadalasang nagkakaranas ng bangungot ang mga tao matapos makaranas ng aksidente, pinsala, physical o sexual abuse o iba pang pangyaayri na nagdulot ng trauma. Kadalasan ding nakakaranas ng bangungot ang mga taong mayroong post-traumatic stress disorder (PTSD).
-
Pababago ng sleep schedule.
-
Sleep deprivation o kakulangan sa maayos na tulog
Ang insomnia ay nauugnay sa mataas na risk na makaranas ng bangungot.
-
Jet lag.
-
Epekto ng lagnat o sakit.
-
Side effects ng iniinom na gamot.
Ang mga gamot tulad ng antidepressants, blood pressure medications, beta blockers, o mga gamot na ginagamit para sa Parkinson’s disease o bilang tulong sa pagtigil sa paninigarilyo, ay maaaring maging dahilan ng bangungot.
- Pagtigil o pagwithdraw sa paggamit ng medication o drug tulad ng sleeping pills.
- Sleep disorders tulad ng narcolepsy o sleep terror disorder.
- Pag-inom ng alak o pagtigil sa pag-inom ng alak.
- Pagkain bago matulog.
- Pagbabasa ng nakakatakot na libro o panonood ng nakakatakot na palabas.
Kailan nagiging seryosong alalahanin ang bangungot?
Wala namang dapat ipag-alala kung nakakaranas ng bangungot ang isang tao. Maliban nalang kung ang bangungot ay madalas at paulit-ulit nang nangyayari.
Nagdudulot ng stress sa taong nakakaranas nito. Nakakaapekto sa kaniyang pag-function sa araw-araw. At nagiging dahilan upang matakot at mahirapan na siyang makatulog muli.
Dahil ang mga ito ay palatandaan na siya ay nakakaranas na ng nightmare disorder. At ang pagpapakonsulta sa doktor ay makakatulong upang malunasan niya ito.
Walang partikular na lunas sa bangungot. Maliban na lang kung ito ay dulot ng traumatic events na naranasan ng isang tao. Sa mga matatanda ay ininireseta ng mga doktor ang gamot sa blood pressure na kung tawagin ay prazosin.
Natuklasan ng isang pag-aaral na nakakatulong ito upang maibsan ang pagkakaroon ng masamang panaginip ng isang tao.
Maari ring magrekomenda ang doktor ng counseling at stress-reduction techniques para mabawasan ang iniisip o alalahanin na sinasabing pangunahing dahilan ng bangungot o masamang panaginip.
Paano maiiwasan ang bangungot?
Mga paraan kung paano maiiwasan ang masamang panaginip at makatulog ng mahimbing sa gabi
Pero ayon sa mga eksperto may mga paraan upang maiwasan o mabawasan ang tiyansa na makaranas ng bangungot ang isang tao. Ang mga ito ay ang sumusunod.
Paano maiiwasan ang bangungot?
- Pag-exercise ng hindi bababa sa 3 beses sa isang linggo.
- Paglilimita sa pag-inom ng alcohol o caffeine.
- Pag-iwas sa paggamit ng tranquilizers.
- Paggawa ng relaxation techniques tulad ng yoga at medidation bago matulog.
- Pagkakaroon ng sleep pattern tulad ng parehong oras ng pagtulog sa gabi at parehong oras ng pag-gising sa umaga.
- Matulog sa kuwarto o lugar na may cool na temperature.
Para sa mga bata, makakatulong naman ang sumusunod na mga paraan upang maiwasan na sila ay bangungotin:
- Magkaroon ng bedtime routine para sa iyong anak tulad ng parehong oras ng pagtulog sa gabi-gabi.
- Tulungan siyang mag-relax gamit ang mga breathing exercises.
- I-encourage siyang isulat ang ending ng kaniyang panaginip.
- Hayaan siyang mag-kwento tungkol sa kaniyang panaginip.
- Bigyan ang iyong anak ng dream journal na kung saan maari niyang isulat ang mga panaginip niya.
- Bigyan rin siya ng stuffed toy, blankets o anumang bagay na magbibigay comfort sa kaniyang pagtulog.
- Gumamit ng nightlight o hayaan lang bukas ang kaniyang kwarto sa pagtulog niya sa gabi.
Komplikasyon
Ang mga taong nakakaranas ng nightmare disorders ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon na:
- Sobrang pagkaantok sa araw na maaaring magdulot ng problema sa trabaho o sa pag-aaral, o problema sa mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagmamaneho o pagko-concentrate.
- Mood problems tulad ng depression o anxiety dahil sa mga panaginip na iyong kinakabahala
- Paglaban sa antok o pagtulog sa takot na makaranas muli ng bangungot
- Suicidal thoughts o pagtatangka ng pagpapakamatay
Kailan dapat magpakonsukta sa doktor
Hindi naman kadalasang dapat ikabahala kapag nakakaranas ng bangungot. Kung ang iyong anak ay nakakaranas ng bangungot, maaari itong banggitin sa routine well-child exam ng iyong anak. Gayunpaman, magpakonsulta sa doktor kung:
- Palaging nakakaranas ng bangungot at hindi nawawala sa matagal na panahon
- Pagising-gising sa pagtulog
- Nagdudulot ng takot sa pagtulog
- Nagdudulot ng problema sa pag-uugali sa araw o nahihirapang kumilos.
Nakakamatay ba ang bangungot?
Minsan ka na rin sigurong nakarinig na may taong namatay nang dahil sa bangungot. Ngunit nakakamatay ba talaga ang bangungot?
Ayon sa artikulo ng Live Science na may pamagat na Can You Really Die In Your Nightmares, mayroong kondisyon na tinatawag na Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome (SUNDS). Gayundin ang nabanggit sa artikulo ng Medline na may pamagat na, Brugada Syndrome.
Genetic disease umano ang SUNDS kung saan ay tumitigil ang katawan na i-coordinate nang maayos ang electrical signals na nagpapatibok ng puso. Ang nangyayari umano ay biglang tumitigil ang pagtibok ng puso habang natutulog.
Ayon pa sa Live Science, nangyayari ang pagkamatay tuwing gabi dahil dito mas mahina ang pagtibok ng puso tuwing tulog ang tao.
Mayroon umanong mga teorya kung saan iniuugnay ang pagkakaroon ng SUNDS sa stress na dulot ng bangungot. Pero wala naman umanong scientific studies na nagpapakita ng ugnayan ng pagkamatay dahil sa SUNDS sa content o nilalaman ng panaginip.
Sa ngayon ay wala pa umanong gamot para sa SUNDS at mahirap ding ma-detect ang syndrome na ito kahit na sa pamamagitan ng electrocardiograph reading.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas and Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!